Share

D-01

Author: ThirdTeeyet
last update Last Updated: 2021-08-29 10:42:33

"Buljangnan! Uh-oh! Uh-oh!"

I smirked at Seth who's making face as I sing it so loud. Like, duh! It's my right kaya kasi tapos na ang 3-hour class namin sa general physics I. It wasn't even basic! Pinaglololoko ba kami ng gumawa ng math? Why do we even have to study that?

Gosh! I don't think I'll like it ever!

I don't like complicating things and mathematics, is one of the most complicated things I have encountered.

Lumabas na kami ng classroom to move to another for our next subject. We're all busy with our own things pero mukhang hindi yata mabubuhay si Seth nang hindi ako inaaway sa loob ng isang araw. Hinila niya ang bagpack ko at malakas ang naging tawa nang muntik na akong madulas!

"Problema mo?!" Asik ko sa kaniya.

"Ayan na naman kayo. Stop it, we're in the middle of the hallway." Pagsaway ni Krissy.

"Ang payat mo kasi, konti na lang tatangayuin ka na ng hangin." Dugtong pa din ni Seth.

Tinaasan ko siya ng kilay at huminga ng malalim. "Alam mo ikaw—"

"Hindi ko pa alam." Pag epal niya.

"—hindi ko talaga alam kung bakit kita naging kaibigan."

Naglakad na 'ko ng mabilis at hindi siya pinansin. Hindi ko alam kung bakit palagi kaming nag aaway ni Seth. Basta kapag nagsasalita kami parang ako 'yung proton at si Seth ang neutron, opposite yet we do attract.

But not romantically, okay? Hindi kami talo niyan. Pusong babae ang gaga, eh. Mas maarte pa nga sa make up kaysa sa akin! Kumpleto 'yan ng collection ng lahat ng brands, paano, suportado ng Mommy niya.

I immediately went outside our classroom after dismissal. Ewan ko din ba kung bakit ako napunta sa strand ng matatalino, eh isa lang naman akong magandang nilalang na hindi pinagpala sa kasipagan.

"Haeden!" Agad sumama ang timpla ng mukha ko nang makitang papalapit si Levi, ang dakilang bestfriend ni Krissy.

Tumalikod ako para umalis na at umuwi kaso nahila niya ang bagpack ko! Sa susunod nga, sa harapan ko na ilalagay 'tong bag ko para wala nang makahila. Mukha na 'kong aso na nakatali sa leeg at itong bagpack ang nagsisilbing tali na iyon? Napakagandang aso ko naman!

"Ano na naman? Nasan na naman ba si Krissy? Anong ginagawa ni Krissy? Okay lang ba si Krissy? Alam mo, wala akong balak maging human diary ni Krissy tapos ishe-share ko sa'yo kung anong mga nilalaman ko kaya chupi! Layas! Uuwi na 'ko."

Narinig kong tumawa siya at sinundan ko. Paharap siyang naglalakad habang nakasuksok ang kamay sa bulsa. Ikinacool niya ba 'yan?

"Hoy, Haeden! Bruhang 'to nauna na." Tawag ni Seth. Bumagsak ang balikat ko.

Gusto ko na kasi talagang maunang umuwi kasi magyayaya na naman silang gumala! Lagi na lang ubos ang allowance ko kapag kasama ko sila, eh. Hindi ako rich, okay? Taga UST lang ako pero hindi kami rich.

'Yung magulang ko lang, lol.

"Kakain kayo?" Pagtatanong ni Levi. Hindi pa din pala umaalis ang alipunga na 'to.

Si Krissy ang bestfriend niya pero sa'kin palagi buntot nang buntot! Konti na lang iisipin ko nang crush ako nito, eh. Kahit pwede naman kasing kausapin si Krissy, sa'kin pa din magtatanong. Mga para-paraan, eh 'no?

"Oh, andito ka pala, Levi."

I smirked when Levi looked at me when Krissy approached him. Akala mo, ha? Laglagan na 'to.

"Wala bang number 'yan sa'yo? Hindi ba kayo friends sa f******k, o kahit sa i*******m, o kahit twitter? Naririndi na talaga ako diyan araw araw. Lagi ka na lang tinatanong sa'kin."

Lumingon si Krissy kay Levi at may halong pagtataka ang tingin.

"Ha? Eh palagi kaming magkausap, eh."

Ako naman ngayon ang kumunot ang noo. Anong peg ng lalaki na 'to? Sa halip na itanong ay inirapan ko na lang siya at nilampasan. Wala akong balak na paguluhin pa ang utak ko para intindihin siya kasi gulong gulo na 'ko sa mga subjects namin. Dadalawa na 'yung brain cells ko, pareho pang malapit nang bumitaw.

Dumiretso kami sa Antonio, lalapang ng streetfoods. Nauubos na din ang allowance ko sa kakaambagan namin. Akala yata ng mga prof namin, porke sa UST kami nag aaral ay mayayaman na kami. Like, hello? Nakakahiya kaya humingi ng pera sa magulang. Hindi naman ako nagpagod para do'n.

I'll just try to save money as much as I can para kapag may mg project ay hindi na ako hihingi pa ng extra. Ayoko din ng masyadong gumagala kasi gastos lang 'yon. Okay na 'ko sa bahay lang basta may libro or anything na pwedeng basahin, 'wag lang R18. 'Di pa 'ko ready sa matured scenes, ni wala pa nga akong jowa, eh.

"Orange waffles nga po," nakangising sabi ko habang nakatingin kay Seth. Humagalpak kami ng tawa kasi namula siya.

He mistakenly called kwek-kwek as orange waffles before kaya palagi namin siyang inaasar kapag tatambay kami dito. Nagpaluto kami at umupo sa mga table na nandoon.

Tumabi sa'kin si Levi. Tumingin ako kay Krissy at inginuso ang bestfriend niya. May balak atang mag apply bilang buntot ko.

"Haeden, alam mo ba—"

"Hindi pa." Pagsabat ko.

"—maganda daw sine ngayon. Showing na 'yung the hows of us." Tuloy niya pa din. Napataas ang kilay ko at pilit kinakalma ang sarili. Bakit ba ang kulit nito?

"Oh, sino?"

"'Yung mga artista?" Tanong niya din na nagtataka.

Nilapag na sa lamesa 'yung mga pinaluto namin. Sumubo muna ako ng fishball bago humarap sa kaniya at ngumisi.

"Sino nagtatanong?"

Napailing na lang sa'kin si Krissy. Kinurot ako sa bewang ni Rosé at pinandilatan ng mata. I just rolled my eyes, alam nila na pinakaayaw ko ang inaaligidan ako ng lalaki. I can't even imagine myself having a boyfriend!

Kinikilabutan ako sa isipin na 'yon. Ako yata ang man-hater sa grupo, at hindi makakaligtas si Levi do'n.

Tinapon ko ang stick na ginamit at tumayo na. "Uwi na 'ko." Sabi ko. Malapit lang kasi ang condo namin sa university kaya maglalakad lang ako.

"Ingat ka!" Sigaw ni Krissy.

"Ingat sila sa'kin!" Nakangiting lingon ko sa kanila pabalik. Nagulat pa 'ko kasi nasa likod ko si Levi. Mukhang hindi talaga niya ako titigilan.

Humarap ako sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang strap ng bagpack ko. Lumingon ako sa gilid para bumuntong-hininga.

"Ano ba talagang peg mo? Kung manliligaw ka, wala kang aasahan sa'kin, 'bro."

He stared at me. Medyo nailang ako kaya sinamaan ko siya ng tingin. I punched his shoulder at agad namang umaray. Gagong to, laki laking tao napakaarte.

Bumuntong hininga ako at nakangiwing pinagmasdan siya.

"Layu-layuan mo 'ko, Levi ha? Kapag ikaw, hindi ko natantsa, sinasabi ko sa'yo."

Hinabol niya pa din ako kahit naglalakad na ako palayo. Hindi na lang ako nagsalita kasi naaasar lang talaga ako.

"Bye!" Sigaw niya sa labas ng condominium building namin. Umirap ako sa hangin at halos gustong balikan siya para sabunutan.

Paano ba 'to natitiis ni Krissy?

"Oh, bakit nakabusangot ka?" Puna ni Athena pagpasok ko. Busy siya sa ginagawang plates kaya makalat na naman sa sala namin.

Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. I run my fingers through my hair in irritation. Mahahigh-blood yata ako dahil dito kay Levi. Sa dinami-dami ng lalaki ay siya pa talaga ang naglakas loob na lapitan ako? Anong akala niya, porke't bestfriend din siya ni Krissy good shot na siya? Ulol.

"Sa kwarto lang ako. Linisin mo 'yan pagkatapos mo, ha?" Nakangiwing sabi ko habang nakatingin sa makalat na sala.

Athena is my cousin and she's two-years ahead of me. She's an architecture student in La Salle. May sasakyan naman siya kaya hindi problema ang pagko-commute. Malapit na din ako mag 18 kaya siguro, magkakaro'n na din ako.

We have a house here in Manila din naman but I feel lonely whenever I stay there. Masyadong busy ang mga magulang ko para intindihin pa ako. Isa pa, kaya ko naman ang sarili ko. Medyo may hang over pa yata sila kasi mas gusto kong magdoctor kaysa sa sumunod sa yapak nila.

It's my future we are talking about right there, kaya bakit ko hahayaan na sila ang pumili ng daan na tatahakin ko? No way, 'no. Ayoko ng masyadong madrama at madaming problema sa buhay, kaya ginagawa ko lahat para mag-enjoy na lang.

Dumapa ako sa kama at binuksan ang laptop. May on-going story pa 'ko na inupload sa online website kaya lang hindi ko matuloy-tuloy. Aba! Malay ko ba kung paano o anong isusunod ko, eh wala nga akong lovelife?

Kinuha ko ang phone ko nang magvibrate iyon.

Itsmesean: hoy! Iupdate mo na story mo! Kinukulit ako ni Layla.

I scoffed at his message. Ang demanding, huh? Umayos ako sa pagkakadapa at nagtipa ng irereply sa kaniya.

Haedeyyy: Hindi ko nga maupdate kasi wala na 'kong maisip! Ni hindi ko nga alam kung anong susunod na scene kasi hindi pa naman ako nagkakajowa, 'di ba?

It'smesean: pabebe ka pa kasi. Mukha namang bet ka ni Levi, ah? Rawr na!

Haedeyyy: wow, ha? Napakagaling ng suggestion mo. Bestfriend nga kita.

Humiga ako ng maayos at tumitig sa kisame. Hindi naman sa nag iinarte kasi choice ko din naman na hindi muna magjowa, kasi naman, 'di ba? Ang haba pa ng lalakbayin ko para maging doctor, baka nga tumanda na lang akong dalaga, eh.

Mas okay naman 'yon kesa umiyak iyak ako diyan dahil sa isang lalaking wala namang maipagmamalaki kundi 'yung balls niya at birth certificate? Lol! Nevermind na lang.

Pero parang tanga lang kasi. Umaasa din naman ako na may darating sa buhay ko na magpupumilit pumasok tapos magkakalove story kami, ganu'n. Ay, ewan! Napakagulo ng utak mo, Haeden. Dami kong inarte sa buhay.

Kumatok si Athena sa pintuan ko kaya bumangon ako at pinagbuksan siya.

"Bakit?" Mataray na tanong ko. Napangiwi ako dahil halos umabot na sa labas ng kwarto ko ang kalat niya. Ayoko pa naman ng makalat na lugar. May pagka-OC pa naman ako.

"Bili ka na lang ng dinner. Hindi na 'ko makakapagluto, eh. I need to finish this tonight." Bumagsak ang balikat ko at napanguso.

"Okay," I said. Pumasok ako ulit sa kwarto para magbihis. Kinuha ko ang wallet ko at lumabas na. "Anong gusto mo?" I asked her.

"Same na lang tayo."

Napairap ako sa hangin. 'Yan na naman kasi siya, same as yours pa tapos kapag hindi nagustuhan, magrereklamo? Hayy! Ang buhay ay parang life nga naman minsan.

Lumabas ako ng condo at naghanap ng pwedeng bilhan. Nagulat ako nang makita si Levi sa tapat ng condo namin, napatingin ako sa pinanggalingan niya. Shet?! Magkalapit lang pala kami?

Kinawayan niya ako nang makita akong nakatayo lang doon at nakangibit habang nakatingin sa building nila.

He jogged towards me with that ugly smile in his ugly face. "Pa-saan ka?" Tanong niya.

Umiiling na tumalikod ako. "Diyan ka pala nakatira?" Sa halip ay tanong ko. Sumunod siya sa akin. Halos magkatapat lang ang building namin sa may entrance ng UST, kaunting lakad pa ay kabi-kabilang schools na.

Malapit lang kami sa UE, NU at FEU Manila. Isang sakay sa jeep naman para makapunta sa Intramuros, kung saan naroon ang MAPUA at San Juan de Letran.

Saktong labasan sa NU kaya punuan sa mga fast food chains. Napanguso ako kasi nagke-crave pa naman ako sa fried chicken. Tumalikod na 'ko para maghanap sa kabilang way kaso nabangga ako sa dibdib ni Levi.

"Gusto mo ba diyan?" Seryosong tanong niya. Lumingon ako ulit sa loob kaya lang ang haba talaga ng pila. Hinila niya 'ko papasok at naghanap ng posibleng mauupuan. "Dito ka lang, ako na lang mag oorder."

"Take out, ha?" Habol ko. Napangiti ako. Hindi din naman pala masama si Levi, pero hindi din talaga siya espesyal sa'kin. Hanggang kaibigan lang din ang tingin ko sa kaniya.

Medyo nailang ako kasi ang daming tao talaga.

Natahimik ako sa upuan ko. I just check my phone and surf on the internet.

"Excuse me, pwedeng makishare?" A guy asked infront of me while pointing at the chair. Nakauniform siya na pang-MAPUA. Nagtaka naman ako, wala bang mga kainan sa Intramuros? Napadpad pa talaga sila dito sa España?

Hindi na lang ako nagreact, kasi pakialam ko ba? Malay ko kung gusto nilang magroadtrip. Tumango na lang ako. Sa condo na lang ako kakain, yayayain ko na lang si Levi kasi naawa din ako sa kaniya. Ang haba ng ipinila niya.

"Guys, there are available seats here!" Tawag pansin niya sa dalawang lalaki na nakatayo sa gilid at naghahanap ng upuan.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpakaabala ulit sa cellphone.

Although, my attention drifted when I felt someone sits beside me. Naamoy ko pa ang pabango niya, mukhang yayamanin, eh.

Ahhh. Bulgari..

Sumulyap ako pailalim at nakita na naka-apple's watch siya. Hindi ko alam kung anong series, pero shet! Okay, rich kid. Ekis na.

"Thank you, miss!" Sabi nung lalaking nagtanong sa'kin kanina. Napilitan akong mag angat ng tingin kasi ang rude naman kung hindi ko papansinin. I just smiled at them. Infairness, ha? Walang tapon sa kanila. Ang gagwapo.

Kaso itong mga gwapo na ganito? Mahilig lang magpaiyak ng mga babae 'yan. Alam ko na mga kalakaran nila. No strings attach, just pure landian.

"Isn't she going to eat?" Rinig kong tanong ng katabi ko sa kaharap niya. Napataas ang kilay ko. Can't he just ask me directly?

"No," ako na ang nagsalita. "We'll just buy take-outs. Around the area lang kasi kami nakatira." I told him.

Ayy, shet? Nakakita yata ako ng anghel, Lord! Bakit naman ngayon pa? Wala akong ayos!

Napamaang ako dahil tumingin din siya sa akin. He has dark eyes, prominent jaw, pointed nose and thick brows and eyelashes. Parang narinig kong nagkantahan ang mga anghel sa ulap! Ito na ba 'yon?

Charot. Akala niyo naman naging marupok ako? Hindi 'no. Ngumiti ako sa kaniya at bumalik sa pinagkakaabalahan. Kahit gaano pa kagwapo ang kaharap ko, hindi ako matatanga sa kanila. Dami-dami ng gwapo sa mundo, eh.

'Dun tayo sa mags-stay at hindi manloloko.

*****

Marie Mendoza

@ThirdTeeYet

Related chapters

  • Path of Destiny   D-02

    "I thought you dislike him?"Seth asked pagpasok ko sa classroom. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Binaba ko ang bagpack ko at naupo na, habang nakapamewang pa din siya sa harapan ko. Si Krissy naman ay abala sa cellphone. Oh, e 'di wow! Siya na may lablayp, d'yan!"Magkasabay lang kami pero walang malisya 'yon." Defensive na sabi ko.Magkasabay kasi kaming pumasok ni Levi at ito namang si Seth, akala mo agila kung makatingin sa amin. Nagkataon lang kasi na saktong paglabas niya ay kakalabas ko lang din ng condo. Aawayin ko sana ulit kaya lang, naguilty ako kasi ang haba ng ipinila niya para sa'kin kahapon.&nbs

    Last Updated : 2021-08-29
  • Path of Destiny   D-03

    "Haeden!"Bumuga ako ng hangin dahil narinig ko na naman ang boses niya. Tamad na tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Levi na tumatakbo papunta sa'kin. Isasako ko na 'to, eh."Ano na naman ba?"Kahit kita naman na naiinis ako, hindi pa din natatanggal ang malawak na ngiti niya. He crouch infront of me and angled his face to get a better view of mine. Napaatras ako sa ginawa niya pero tumawa lang siya. Naiinis na tinulak ko palayo ang mukha niya."Ano ba kasi 'yon?" Tanong ko ulit kasi hindi niya sinagot 'yung una."Nood ka ng game

    Last Updated : 2021-08-29
  • Path of Destiny   Path of Destiny

    Original work of Marie Mendoza.All Rights Reserved 2020. The places, events, characters and names are all products of the Author's imagination. Any resemblance of a real places, event, characters and names are purely coincident. No part of this work should be remake or used without a proper consent of the author. Plagiarism is a crime.This story is not affiliated with UST/UP/DLSU/ADMU/or other Universities stated onwards. Any concerns, rants and negative opinion should be send using private message and not to be posted in the comment box.First book : Fallen Destiny (finished)Second book: Path of Destiny (on-going)

    Last Updated : 2021-08-29
  • Path of Destiny   Prologue

    "I already said no on that project, Athena." Iritadong bungad ko sa kaniya pagpasok ko pa lang sa opisina niya.She lifted her gaze to me from her laptop and raised her eyebrows. "And I don't need that attitude in this company, Haeden." She monotonely said.I pursed my lips together. Marahas na sinuklay ko ang buhok gamit ang kamay as I lick my lower lip."Look, we have a lot of engineers here, Athena. Some are also well-known for their successful projects, bakit ba ako ang pinipilit mong isama diyan?"I can't understand why she's pushing me to go to Cebu to do this project. I already said no because memories in that place are coming back to me and I hate it.

    Last Updated : 2021-08-29

Latest chapter

  • Path of Destiny   D-03

    "Haeden!"Bumuga ako ng hangin dahil narinig ko na naman ang boses niya. Tamad na tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Levi na tumatakbo papunta sa'kin. Isasako ko na 'to, eh."Ano na naman ba?"Kahit kita naman na naiinis ako, hindi pa din natatanggal ang malawak na ngiti niya. He crouch infront of me and angled his face to get a better view of mine. Napaatras ako sa ginawa niya pero tumawa lang siya. Naiinis na tinulak ko palayo ang mukha niya."Ano ba kasi 'yon?" Tanong ko ulit kasi hindi niya sinagot 'yung una."Nood ka ng game

  • Path of Destiny   D-02

    "I thought you dislike him?"Seth asked pagpasok ko sa classroom. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Binaba ko ang bagpack ko at naupo na, habang nakapamewang pa din siya sa harapan ko. Si Krissy naman ay abala sa cellphone. Oh, e 'di wow! Siya na may lablayp, d'yan!"Magkasabay lang kami pero walang malisya 'yon." Defensive na sabi ko.Magkasabay kasi kaming pumasok ni Levi at ito namang si Seth, akala mo agila kung makatingin sa amin. Nagkataon lang kasi na saktong paglabas niya ay kakalabas ko lang din ng condo. Aawayin ko sana ulit kaya lang, naguilty ako kasi ang haba ng ipinila niya para sa'kin kahapon.&nbs

  • Path of Destiny   D-01

    "Buljangnan! Uh-oh! Uh-oh!"I smirked at Seth who's making face as I sing it so loud. Like, duh! It's my right kaya kasi tapos na ang 3-hour class namin sa general physics I. It wasn't even basic! Pinaglololoko ba kami ng gumawa ng math? Why do we even have to study that?Gosh! I don't think I'll like it ever!I don't like complicating things and mathematics, is one of the most complicated things I have encountered.Lumabas na kami ng classroom to move to another for our next subject. We're all busy with our own things pero mukhang hindi yata mabubuhay si Seth nang hindi ako inaaway sa loob

  • Path of Destiny   Prologue

    "I already said no on that project, Athena." Iritadong bungad ko sa kaniya pagpasok ko pa lang sa opisina niya.She lifted her gaze to me from her laptop and raised her eyebrows. "And I don't need that attitude in this company, Haeden." She monotonely said.I pursed my lips together. Marahas na sinuklay ko ang buhok gamit ang kamay as I lick my lower lip."Look, we have a lot of engineers here, Athena. Some are also well-known for their successful projects, bakit ba ako ang pinipilit mong isama diyan?"I can't understand why she's pushing me to go to Cebu to do this project. I already said no because memories in that place are coming back to me and I hate it.

  • Path of Destiny   Path of Destiny

    Original work of Marie Mendoza.All Rights Reserved 2020. The places, events, characters and names are all products of the Author's imagination. Any resemblance of a real places, event, characters and names are purely coincident. No part of this work should be remake or used without a proper consent of the author. Plagiarism is a crime.This story is not affiliated with UST/UP/DLSU/ADMU/or other Universities stated onwards. Any concerns, rants and negative opinion should be send using private message and not to be posted in the comment box.First book : Fallen Destiny (finished)Second book: Path of Destiny (on-going)

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status