Isang araw makalipas ang libing ng ina ni Lalaine, matamlay, malungkot at nagdadalamhati pa rin ang dalaga. Hindi niya sinasagot ang mga tawag, text at emails na natatanggap niya sa iba’t-ibang tao, iniiwasan niyang makipag-usap sa kahit kanino maging sa nobyo niya.Nais niyang mapag-isa muna at damhin ang sakit na nadarama niya, wala sa sariling naglalakad si Lalaine sa kung saan dalhin ng mga paa na ang tanging laman lamang ng isipan ang kwestyonableng pagkwala ng ina.“Nay. Bakit mo ko iniwan? Marami pa akong plano para sa ating dalawa, diba sabi mo lilibutin pa natin ang mundo at aattend ka pa sa kasal ko pero bakit sumuko ka? Bakit mo ako hinayaang maramdaman ang sakit ng pagkawala mo, nay.” Nagsusumamong tanong niya, tumutulo ang mga luha ni Lalaine at mabigat ang loob na parang may napakalaking bato sa kanyang dibdib ang nakapatong dito na nagpapahirap sa kanyang huminga ng matiwasay.Sumuko siya kalalakad dahil sa pagod na mga paa at pudpod na mga swelas sa walang tigil na kak
Nagtungo si Aika sa kusina at tiningnan ang mga dalang ng binatang tinutukoy ng kanyang ina, “sino naman kaya ang lalaking tinutukoy ni mama?” sinuri niya ang kahon, flowers, at mga box na pagkain, hinahanapan niya ng sulat ng nagpadala ngunit blangko ang mga ito.“Sino naman kaya iyon?” tanong niya sa sarili, kumuha siya ng isang cookies mula sa dala sa kanya at kinagat ito, “masarap ah,” komento niya, nakatitig pa rin siya sa cookies habang nag-iisip kung sino ang maaaring magpadala ng mga ganito sa kaniya.“Manliligaw? Sino naman ang manliligaw sa akin? Wala akong matandaang lalaking magkakagusto sakin,” tumatawa niyang sabi hanggang sa pumasok sa kanyang isipan ang mukha ng binatang si Sandro.Isinubo niya ang natirang cookie at nginuya, “bakit naman pumapasok pa sa isip ko ang lalaking iyon?” reklamo niya, nagtungo si Aika sa loob ng kwarto matapos uminom ng tubig, inihiga ang kanyang pagod na katawan sa malambot na kama. Nilingon niya ang katabing si Lalaine at kinumutan nang ma
“Mukhang busy ka ngayon, dude, ah? Hindi ka man lang ba nag-aalala kung nasan ang girlfriend mo?” nilingon ni Juaquin ang dumating na si Sandro sa loob ng kanyang opisina.“Bakit naman biglang nagkainteres ka sa nobya ko?” seryosong tanong ni Juaquin sa kaibigan, napansin ni Sandro na nagdilim ang mukha ng kanyang kaibigan nang magtanong ito sa kanya.“Woaah, dude. Wala akong gusto sa girlfriend mo, ah? Curious lang akong nagagawa mong mag-chill dito sa loob ng opisina mo sa kabila ng paghihirap at sakit na nararanasan ni Lalaine,” kwento nito na tila alam na alam ang nangyaayri sa kanyang nobya.“Bakit parang alam mo ang nangyayari sa girlfriend ko? Alam mo ba kung nasaan siya?”“Dude, isa-isang tanong lang, pwede? Mahina ang kalaban,” natatawang hirit ni Sandro, “I saw your girlfriend just now and palagay ko ay kailangan niya ng masasandalan dahil mukhang malungkot. Parang… lugmok,” paliwanag niya. “Bakit nga ba siya malungkot?” usisa nito.“Namatay ang nanay niya a week ago,” malun
“Wow! Ang gandaaa,” manghang sabi ni Lalaine nang matanaw ang kabayanan sa ibaba, she turns happily to her boyfriend, “paano mo natagpuan ang lugar na ito?” bago sa paningin niya ang mga nakikita lalo na ang mala-enkantadiang style ng overlooking restaurant na ito. May duyang gawa sa baging at puno ng mga bulaklak ang paligid nito, para kang prinsesa kapag naupo dito.Para kang dinala sa ibang mundo kapag pumasok sa loob ng kainan dahil sa ibang klaseng style na pagkagawa dito, kumikinang ang ceiling nito dahil nasasalamin ang floor sa iba at tumatama ang mga ilaliw, at pagpasok mo pa lamang ay maamoy mo ang iba’t-ibang masasarap na putahe na niluluto dito.Umupo ang mag-nobyo sa upuan at umorder nang makakain nila, hangang-hanga si Lalaine sa nakikita ng kanyang mga mata habang naghihintay ng kanilang order.“Do you like it?” narinig niyang tanong ng nobyo, inabot ni Lalaine ang kamay ni Juaquin na nakapatong sa mesa at hinawakan ng mahigpit, “I really like the view,” kinikilig niyan
Hindi pa rin malimutan ang pait ng mukha ni Sandro nang matikman nito ang mapait na timpla niya ng kape dahilan para tumawa siya kahit mag-isa.Nagulat si Soledad at mga kapatid ni Aika nang matagpuan ang kanilang ate na mag-isang tumatawa.“Aika! Ano na ang nangyayari sa iyo? Bakit tumatawa ka mag-isa?” puna ng ina ng dalaga.“Masaya lang ako, ma. Kung gusto niyo sabayan nyo akong tumawa,” muling humalakhak si Aika habang ang mga kapatid niya ang nag-aalaa na sa kaniya.“Siguro ay under lot of pressure si ate,” wika ni Oliver.“Oo nga baka stress pa,” dagdag ni Gio.“Ma, siguro pagpahingahin mo muna si ate baka kailangan niya ng pahinga,” suggest ni Oliver sa ina.“Tingin mo, anak?” nag-aalala si Soledad sa kinikilos ng anak niya.“Anak,” tawag ng ina.Huminto sa pag-indak at tawa si Aika at hinarap ang nawi-weirdohan niyang pamilya sa kanya, “siguroay magleave ka muna sa trabaho at magbakasyon ka kung maaari. Kami ay nag-aalala na sa kinikilos mo,” payo ng ina.“Don’t worry about me
Mabigat ang loob ni Aika sa pagyayabang ni Lucille sa kanya ngunit sa kabila nito ay nagawa pa rin niyang mairita ang matinding ka-kompetensiya sa trabaho at inis siyang iniwan sa silid ng mag-isa.Naupo si Aika sa kama at isinandal ang likod sa malamig na pader, humalukipkip at magkasalubong ang dalawang kilay, at nakanguso niyang dinamdam ang pagkaagaw ni Lucille sa trabaho na dapat ay kanya.“Kung hindi lamang ako naaksidente kanina, sigurado akong akin pa rin ang spot na iyon. Kainis! Bakit pa kasi ngayon pa?!” inis niyang reklamo sa sarili, nakatuon pa rin ang paningin ng dalaga sa nakasarang pintuan sa harap niya.Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan, “kainis talaga… nakuha pang pumunta dito at magyabang sa akin.”Wala pa ring kibo si Aika nang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang binata na si Sandro, napansin ng binata ang pagkabalisa ni Aika.“Who makes you sad?” tanong nito, nasipat ng mga mata ni Sandro ang basket ng prutas na nakapatong sa ibabaw ng d
Malungkot at puno ng tanong ang isipan ni Aika hanggang sa pagtulog ng gabing iyon dahil sa mga sinabi sa kanya ni Sandro, hindi siya gaanong nakatulog at nagising rin agad ng maaga.Malungkot ang mga matang iminulat ni Aika, buong araw siyang hindi dinalaw ng pamilya niya dahil sinabihan niya ang mga ito na ayos lamang siya at wag mag-alala sa lagay niya kaya walang bumungad sa kanya ng umagang iyon kahit ang binatang si Sandro ay wala rin. Palagay niya ay siguradong hindi na magpapakita ito sa kanya matapos niyang ipagtapat sa binata na wala sa isip niya ang magpapasok ng iba sa buhay niya.“Mabuti naman at wala na siya,” nangingilid ang mga luha ni Aika sa sinabi niya, “pero bakit malungkot ka?” hinawakan niya ang kaliwang dibdib at kinurot ito, “nakakainis ka naman, e, di ba sinabi mo sa kanya na pera lang ang gusto mo at wala ng iba? Ngayong sinunod niya ang gusto mong layuan ka niya, bakit nalulungkot ka ngayon?” reklamo niya sa sarili, nakaramdam ng awa si Aika sa sarili dahil
Humahangos na nanakbo si Lalaine papasok sa loob ng ward ni Aika, nakatingin ang lahat ng bisita ni Aika sa kanya dahil sa pagkataranta nito, “kumusta ka na, bff? Okay ka lang ba?” Hinaplos ni Lalaine ang pisngi ng kaibigan habang ang nobyo niya ay naiwang nakatayo sa tabi ng pinto at nakapamulsa.“Okay lang naman ako, ikaw ang kumusta na? Hindi ka man lang nag-iwan ng message sakin after kang sunduin ni Mr. Cristobal,” nagtatampong sabi ni Aika sa kaibigan.“I was planning to message you pero nalimutan ko, but… nagpaalam naman ako kay tita before leaving your house,” paliwanag niya at tumingin kay Soledad na para bang nanghihingi ito ng tulong na i-save siya sa pagpapaliwanag.“Oo, anak. Hindi ba at sinabi ko na sa iyo nung huling dalaw ni Sandro sa bahay natin,” paalala ng ina niya. Lumingon si Lalaine sa nakatayong si Sandro maging si Juaquin ay nakatingin din dito ng may pagbabanta.“Si Sandro?! Ikaw pala iyon,” nakangiti si Lalaine matapos niyang maalala na ito ay kaibigan ng kan