Malungkot at puno ng tanong ang isipan ni Aika hanggang sa pagtulog ng gabing iyon dahil sa mga sinabi sa kanya ni Sandro, hindi siya gaanong nakatulog at nagising rin agad ng maaga.Malungkot ang mga matang iminulat ni Aika, buong araw siyang hindi dinalaw ng pamilya niya dahil sinabihan niya ang mga ito na ayos lamang siya at wag mag-alala sa lagay niya kaya walang bumungad sa kanya ng umagang iyon kahit ang binatang si Sandro ay wala rin. Palagay niya ay siguradong hindi na magpapakita ito sa kanya matapos niyang ipagtapat sa binata na wala sa isip niya ang magpapasok ng iba sa buhay niya.“Mabuti naman at wala na siya,” nangingilid ang mga luha ni Aika sa sinabi niya, “pero bakit malungkot ka?” hinawakan niya ang kaliwang dibdib at kinurot ito, “nakakainis ka naman, e, di ba sinabi mo sa kanya na pera lang ang gusto mo at wala ng iba? Ngayong sinunod niya ang gusto mong layuan ka niya, bakit nalulungkot ka ngayon?” reklamo niya sa sarili, nakaramdam ng awa si Aika sa sarili dahil
Humahangos na nanakbo si Lalaine papasok sa loob ng ward ni Aika, nakatingin ang lahat ng bisita ni Aika sa kanya dahil sa pagkataranta nito, “kumusta ka na, bff? Okay ka lang ba?” Hinaplos ni Lalaine ang pisngi ng kaibigan habang ang nobyo niya ay naiwang nakatayo sa tabi ng pinto at nakapamulsa.“Okay lang naman ako, ikaw ang kumusta na? Hindi ka man lang nag-iwan ng message sakin after kang sunduin ni Mr. Cristobal,” nagtatampong sabi ni Aika sa kaibigan.“I was planning to message you pero nalimutan ko, but… nagpaalam naman ako kay tita before leaving your house,” paliwanag niya at tumingin kay Soledad na para bang nanghihingi ito ng tulong na i-save siya sa pagpapaliwanag.“Oo, anak. Hindi ba at sinabi ko na sa iyo nung huling dalaw ni Sandro sa bahay natin,” paalala ng ina niya. Lumingon si Lalaine sa nakatayong si Sandro maging si Juaquin ay nakatingin din dito ng may pagbabanta.“Si Sandro?! Ikaw pala iyon,” nakangiti si Lalaine matapos niyang maalala na ito ay kaibigan ng kan
Huminto ang sasakyang pula sa harapan ni Aika at nagbaba ng bintana, nakita niya ang agad ang mukha ni Sandro sakay ang babaeng ka-mukha niya.“Hatid na kita, sakay ka na, Aika,” aya nito sa kanya.“No but thank you,” masungit niyang tugon sa binata, nagpatuloy siya sa paglalakad habang ang sasakyan ng binata ay tumatakbo ng mabagal at nakabuntot sa kanya. “Sumakay ka na,” muling utos ng lalaki.“Bakit mo ba siya pilit na pinapasakay ng sasakyan, ha, Sandro? Kita mo na ngang tinatanggihan ka, bakit ipinipilit mo pa?” mataray na sabi ng babaeng kamukha ni Aika.Ayaw nang marinig ni Aika ang paliwanag ng binata sa babae kaya nang magkaroon ng pagkakataon na mapahinto ang taxi ay agad siyang sumakay, “bakit pa kasi dinala ako ng mga paa ako sa opisana namin?” reklamo niya sa sarili.Tahimik na nakaupo si Aika sa loob ng sasakyan habang binabagtas ang kanyang destinasyon, kinuha niya ang salamin sa loob ng bag at minasdan ang sarili, “malaki ang pagkakaiba namin kahit lamang siya ng kasek
Natigilan si Lalaine nang mapanood ang balitang kumakalat sa social media patungkol sa nalalapit na pakikipag-iisang dibdib ni Sandro sa isang babaeng nagmula sa mayamang angkan na kahawig ng kanyang kaibigang si Aika.“Totoo ba ito? O baka prank lang?” tanong niya habang naghahanap ng mga dating balita ng kaibigan, alam niyang hindi pinalalampas ng kaibigan ang mga pangmalakihang event na ganito kaya hindi agad siya naniniwala.Pinuntahan ni Lalaine ang nobyong si Juaquin sa kumpanya nito dala ang lunchbox na hinanda niya para sa binata, agad naman siyang sinamahan ng receptionist sa daan patungo sa opisina ng nobyo.Kumatok si Lalaine sa pinto at marahang binuksan ito, nakangiti siya nang madatnan ang nobyong busy sa kanyang trabaho, “hi! Are you busy, sweetie?” bati niya dito.“Medyo pero okay lang, I can adjust my time just for you,” tugon niya sa dalaga.“Aalis rin naman agad ako, may pupuntahan kasi ako. Dinalhan lang kita ng lunch,” nakangiti niyang pinagyabang ang dala niyang
Nagpapatangay lamang si Lalaine sa paghila ng kanyang kaibigan kahit hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito, hindi na nakapagpigil pa si Lalaine na magtanong dahil nananakit na rin ang kanyang mga paa sa walang pahinga nilang paglalakad, “saan ba tayo pupunta, Aika? Kanina pa tayo naglalakad,” pagod na reklamo ni Lalaine.Binitiwan ng kaibigan ang kanyang mga kamay at huminto sa paglalakad, nakatalikod lamang sa kanya si Aika at hindi kumikibo habang inaaral niya kung bakit ito hindi kumikibo.“Anong problema niya?” nag-aaala si Lalaine para sa kaibigan kaya hinarap niya ito upang tingnan kung ano ang nangyayari sa kanya.“What’s wrong with you? Hindi mo naman kailangang magpanggap sa harap ko kung nasasaktan ka na, bff. Akala ko ba wala lang sa iyo ang nalalapit na pagpapakasal ni Sandro?” wika ni Lalaine.Tinakpan ni Aika ang bibig ng kanyang mga kamay habang tumutulo ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga pagod at malulungkot na mga mata. Katahimikan ang bumalot sa dalawang
“Y-ung kaibigan ko,” hirit ni Lalaine bago siya tuluyang hilahin ng nobyo paalis ng maingay na lugar na ito.“Si Sandro na ang bahala sa kanya,” tipid nitong tugon.“Sandro?” biglang pumasok sa isipan ni Lalaine ang mga pinaggagawa ni Sandro sa kaibigan at naalala niyang ikakasal na ito sa iba, “h-hindi pwede… ayokong siya ang mag-uwi sa kaibigan ko baka hindi pa siya makauwi.” Pilit kinakalas ni Lalaine ang pagkakahawak sa kaniya ng nobyo, “bakit? Anong gagawin mo?” tanong ni Juaquin.“Bitawan mo ako,” utos niya, “ako na ang maghahatid sa kanya,” dagdag ni Lalaine.“Magtiwala ka, walang masamang gagawin si Sandro sa kaibigan mo,” pakiusap ni Juaquin sa kanya.“Fine! Pero kapag nalaman ko… kapag nalaman ko talaga na may ginawa siya sa besprend ko, kasama kang mananagot,” pagbabanta niya kahit pa umiikot ang paningin niya sa hilo ay maliwanag pa rin ang pag-iisip niya sa nangyayari.Agad na sinabihan ni Juaquin ang kaibigan bago siya sumakay sa loob ng sasakyan, “ikaw na bahala kay Ai
Isang matinding sakit ng ulo ang gumising kay Aika kinabukasan, hindi niya matandaan kung paano siya nakauwi ng ayos ng bahay at nakapagpalit ng damit, naupo siya sa kama at sumandal sa pader, nakahawak ang dalaga sa ulo niyang sumasakit at hinahagod ito nang bigla niyang maalala si Lalaine.“Nakauwi kaya ng maayos si Lalaine?” tamad niyang tanong sa sarili. Hindi siya makatayo sa kama dahil sa bigat ng pakiramdam na nadarama niya sa ulo niya, “hindi na ako uulit,” sabi niya sa sarili.“Ate? Gising ka na ba?” narinig niyang kumakatok ng pinto ang kapatid na si Gio.“Oo, pasok ka, Gio,” utos niya sa kapatid. Binuksan naman ni Gio ang pinto ng kanyang silid at pumasok, may dala itong isang basa at ipinatong sa ibabaw ng maliit na drawer malapit sa kanyang kama.“Ano iyan?” tanong niya habang hinahagod ang kanyang ulo.“Hot water na may honey, ate,” sagot nito sa ate niya. Nagpaalam na si Gio na papasok sa school at nagmadaling lumabas ng bahay.“Tingnan mo iyon, masyadong nagmamadali. D
Nagtungo si Lalaine sa bahay ng kaibigan niyang si Aika matapos mag-lunch ang kasama niyang nobyo, agad niyang hinanap ang kaibigan sa loob ng bahay nang makapasok ito agad.“Aika! Aika!” tawag niya sa kaibigan nang makitang bukas ang pinto ay pumasok siya sa loob at kumatok sa silid ng kaibigan.“Aika!” sigaw niya, muli siyang kumatok sa pinto ng silid.Naghihikab pang nagbukas ng pinto si Aika, “Lalaine? Paano ka nakapasok dito?” nagtatakang tanong ng kaibigan.“Bukas ang pinto kaya pumasok na ako,” umiikot ang mata ni Lalaine na tila may hinahanap, “nasaan si tita?” dagdag niya nang hindi niya makita si Soledad.“Hindi ko rin alam, akala ko nga ay narito siya. Basta nagising na lamang ako na si Gio na ang nag-aasikaso sakin,” masaya niyang kwento. Natutuwa ang dalaga dahil tumutulong na si Gio sa mga gawain sa bahay.Biglang naalala ni Lalaine ang dahilan ng pagdalaw niya sa kaibigan kaya nais niyang kausapin ito, “siya nga pala, nagpunta ako dito para tingnan ang lagay mo. Mabuti
Nahuli ng magkaibigang Juaquin at Sandro ang mga nagnanakaw sa kanilang kumpanya at agad nilang ginawan ng aksyon para mapakulong ang mga ito. Nabawi naman nila ang mga ninakaw ng dalawang visor nila maging ang mga perang patago nitong pinuslit.“Ngayong wala na tayong problema sa ating business, pwede na ba kaming magpakasal ni Lalaine ng tahimik?” pabiro niyang saad kay Sandro.“Dude, baka pwedeng wag muna. Tulungan niyo muna ako ng nobya mong mapasagot si Aika,” pakiusap niya sa kaibigan.“Hindi mo pa rin siya napapasagot hanggang ngayon? Ang hina mo naman,” pabirong komento ni Juaquin, “if I were you gumawa ka na ng paraan bago pa tuluyang mawala sa iyo si Aika, I heard from my fiancee na may umaaligid sa kanyang lalaki,” dagdag pa niya.Lalo nang hindi mataranta si Sandro sa balitang nalaman niya, buo na ang loob niyang ligawan si Aika kahit gaano pa ito katagal.“Tutulungan niyo ba ako ng nobya mo kapag hindi… hindi talaga ako dadalo sa kasal niyo,” pananakot nito sa kaibigan.“
Napalapit nang tuluyan ang loob ni AJ kay Franco dahil sa pagtatanggop nito sa dalaga sa tuwing malalagay siya sa gulo sa mga kasamahan niya sa bilangguan.“Pwede ko bang malaman kung totoo ang paratang nila sayo?” tanong ni Franco sa dalaga habang kumakain.“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong hindi?” napahinto sa pagkain si Franco at tumingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin ng dalaga, “syempre hindi, diba? Pero ang totoo niyan… wala naman talaga akong kasalanan, totoong nagpunta ako sa ospital na ‘yun pero para lang tingnan ang kondisyon ng ina ni Lalaine. I don’t know what happened next, natakot lamang ako nung nalaman kong namatay siya the day I visited her,” malungkot niyang kwento.“Bakit hindi mo sinabi sa korte iyan?” tanong ni Franco sa kanya, nagdadalawang isip ang binata kung katotohanan ang sinasabi sa kanya ng dalaga.“Dahil gusto ko lang inisin si Lalaine at maramdaman niya ang galit na nararamdaman ko para sa kanya,” nakangiti niyang saad sa tanong ng binata.
“Iyang Cassie na iyan ay hindi mo kadugo dahil anak iyan ng asawa ng kapatid mo sa pagkadalaga kaya wag mong pinapatungtong iyan sa pamamahay mo at may masamang balak iyan sa iyo kaya nga niya ginaya ang mukha ng anak mo para siya ang mapagkamalan mong anak mo,” inis na paliwanag ni Soledad.Hindi makatugon si Jose sa sinabi ng kanyang asawa, hindi niya alam ang sasabihin dahil mas naunahan pa siya nitong malaman ang totoo kaysa sa kanya.Biglang lumabas ng silid si Cassie at bumaba ng hagdan dahil sa ingay na naririnig niya kanina pa, “anong nangyayari dito, tito? Bakit maingay dito?” bungad niyang tanong.Nagtinginan ang lahat ng nasa baba sa kanya, “b-bakit kayo nakatingin sa akin?” dali-dali siyang bumaba ng hagdan at hinarap sila.Galit na itinuro ni Soledad si Cassie, “oy, ikaw. Lumayas ka sa pamamahay ng asawa ko at tigilan mo na iyang pagpapanggap na pamangkin ka ni Jose.”Hindi maintindihan ni Cassie ang mga paratang ni Soledad sa kanya, “anong pinagsasasabi mo? Sino ka ba?”
“Ano bang sinabing sakit ng papa mo?” tanong ni Soledad sa kanyang anak. Nag-aalala rin siya para sa kalagayan ng asawa dahil alam niyang malakas at malusog ang pangangatawan ni Jose noon pa man.“Paano siya nagkasakit? Alam kong noon pa man ay malakas talaga ang pangangatawan niya, e. Anong nararamdaman ba niya?” puno ng pag-alala ang dibdib ni Soledad sa kanyang nalaman na balita mula sa anak.“H—hindi ko rin alam, nay. Napansin ko na lamang na mukhang matamlay siya at inuubo,” kwento ni Aika… Matagal natahimik ang mag-ina, hindi kumikibo ang dalawa habang nag-iisip kung paano ito nagkasakit hanggang sa sumagi sa isip ni Aika ang pinsan niyang si Cassie.“Hindi kaya si Cassie ang may kagagawan ng nangyayari kay tatay?” bulalas ni Aika sa ina.“Sinong Cassie?” takang tanong ni Soledad sa anak niya.“Si Cassie, nay. Iyong gumaya sa mukha ko, pinsan ko daw siya sa kapatid ni papa,” pahayag niya sa ina niyang gulong-gulo rin ang isipan.“Si Cassie, anak ni Lucio?? Imposible!” Hindi mani
Busy si Aika sa pag-edit ng balitang kaniyang ia-upload sa page ng kumpanya nila nang biglang sumupot si Sandro sa harapan niya.“Pweda ba tayong mag-usap?” tanong ng binata, minasdang mabuti ni Aika ang itsura ng binata at nang masigurong hindi ito amoy alak o lasing ay pumayag naman siya.“Sige, maupo ka,” utos niya sa binata. Naupo naman si Sandro sa tapat ng inuupuan ni Aika.“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” tanong niya, nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa kaniyang laptop at patuloy pag-eedit.“I want to know kung anong relasyon mo dun sa matandang palagi mong kasama sa mga restaurant?” diretsahang tanong nito sa kaniya.Nagtaas ng tingin si Aika sa binata at minasda ang maasim nitong mukha, “bakit? Are you jealous?” tanong niya.“Bakit ako magseselos sa matandang iyon?! Sabihin mo sakin kung anong relasyon mo nga sa kanya?” naiinip na si Sandro na malaman mula kay Aika ang relasyon nito sa kanya, nais na niyang bumitaw kung talagang nobyo na ba nito ang matanda.“Bakit
Muling hinatid ng patago ni Jose ang kanyang anak na si Aika sa kanilang subdivision, natigilan si Soledad nang makita ang paghinto ng sasakyan sa labas ng subdivision at pinanuod ang pagbukas ng pinto ng sasakyan, nakita niyang iniluwa ng kotse ang anak niyang si Aika kasama nito si Gio na sakay rin sa loo bang kanyang asawang nang-iwan sa kanya ng mahabang panahon.Hindi niya matanggap na nagawang ilihim ito sa kanya ng kanyang mga anak, sobrang sakit para sa kanya bilang ina ng mga ito ang malaman na tumatakas ang kaniyang anak sa kanya para lamang makita ang ama nila.Nagsawalang kibong pumasok sa loob ng bahay si Soledad at nagpanggap na nanunuod ng telebisyon habang hinihintay ang pagdating ng dalawa niyang anak.Nakatuon ang kanyang paningin sa bumukas na pinto, “hi, ma! May dala kaming pagkain sa inyo ni bunso,” masayang saad ni Aika sa ina.Pumasok si Gio at humalik sa pisngi ng ina matapos maitabi ang sapatos, “kain na kayo, ma,” paglalambing ni Gio sa ina.“Kayo? Hindi niyo
“Anak, kilala mo ba ang pulis na iyon? Bakit niya tayo tinulungan?” tanong ni Olivia sa anak, napansin niyang iba ang tinginan ni Franco at ng kanyang anak kaya hindi niya maiwasan ang magtanong dahil nag-aalala rin siya sa pwedeng mangyari sa anak niya.“Sort of,” tugon ng anak, napasimangot si Olivia sa anak sa sagot nitong hindi niya mawari, “anong sort of, anak? Tutulungan ka ba niya kung hindi kayo ganun kakilala? Saka bakit ganun kayong magtinginang dalawa? May relasyon ba kayo?” sunod na sunod na tanong ni Olivia.“Wala, ma,” namumula ang mga pisngi ni AJ na siyang nasilayan ng ina niya.“Wala o wala pa?” pilit pinapaamin ni Olivia ang anak ngunit hindi ito umamin, “dyan ka nga, ma. Punta lang ako sa mga kasama kong bilanggo,” saad niya at iniwanan ang ina.Simula noon, nadalas ang patagong pagkikita nila ni Franco at palaging may nangyayari sa kanila, sa banyo, sa sulok o di kaya ay sa kwarto ng binata. Maraming beses na ginamit nilang dalawa ang isa’t-isa para maalis ang lami
Hindi makatulog ng mahimbing si Franco magmula nang halikan siya ni AJ nung araw na sinundo niya si AJ patungo ng bilangguan. Alas dose na ng gabi at gising na gising pa rin si Franco, hindi siya mapakali sa loob ng barracks nila kaya lumabas siya para makapagpahangin hanggang sa dalawin siya ng antok.Paulit-ulit sumasagi sa isipan niya ang mga halik at haplos na ipinaramdam sa kanya ni AJ, hindi niya namamalayang naglalakad na pala siya patungo sa kulungan ng mga bilanggo hanggang sa mahinto siya sa tapat ng bilangguan ni AJ.Nakita niya ang dalaga na nakahiga sa malamig na semento sa loob ng kulungan na may nakalatag na isang manipis na katya sa sahig, para silang mga sardinas na nagsisiksikan sa isang lata sa sobrang sikip para sa kanila.Pinagmamasdan niya ang natutulog na dalaga hanggang sa maalimpungatan si AJ, maingat siyang tumayo para hindi niya magising ang iba pang mga preso na katabi niya, hinakbangan niya ang mga ito para malapitan ang binata.Humawak ang dalaga sa rehas
Tahimik na kumakain sina Lalaine kasama ang kaibigan at ama nito sa isang restaurant nang biglang ipalabas ang balita tungkol kay AJ at sa ina nitong nailipat na ang dalawa sa correctional. Nakahinga na siya ng maluwag dahil wala ng takas ang dalawa ngunit hindi pa rin niya maging masaya sa pagkamit ng hustisya para sa kanyang ina kahit pa nakakulong na ang dalawa at mapagbabayaran na nila ang kasalanan.Masakit pa rin para kay Lalaine ang nangyaring pagkawala ng kanyang ina dahil lang sa pagmamahal ni AJ para kay Juaquin, napansin ni Aika na nakatulala ang kanyang kaibigan, “anong problema, bff? Malungkot ka pa rin ba?” tanong ni Aika.“Hindi ko lang maiwasang maisip si nanay kahit pa nakakulong na ang mag-inang iyan, I missed her so much but I can’t do anything but to miss her,” pag-amin niya, hindi niya maiwasang maluha sa harap ng mag-ama, tumalikod si Lalaine at pinunasan ang luha.“Bakit? Anong problema? Baka makatulong ako sa problema niya?” tanong ni Jose sa anak niya.“Pa, ta