Corvus’ POVAkala ko hindi na darating si Miss Helena. Patulog na sana ako kasi halos ala una ng madaling-araw. Kaya lang biglang may bumusinang sasakyan sa labas.“Nariyan na ata siya, Corvus,” dinig kong sabi ni Miss Alina.“Oo nga, pagbubuksan ko na siya ng pinto,” sagot ko. Nasa gate na agad siya pagbukas ko ng pinto.Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay ko. Baka kasi may makakita sa kaniya. Pinamamanmanan pa naman ako ni Nacho. Sinadya niyang late nang pumunta dito para wala sigurong makakita sa kaniya.“Nandito ba si Alina?” una niyang tanong sa akin nang maupo na siya sa sofa ko. Tinanggal niya ang jacket niya at saka binaba sa lamesa. Wala siyang kaayos-ayos ngayon. Parang normal na tao lang. Siguro para hindi siya makilala ng mga tao. Pero ganoon pa man, maganda pa rin siya.“Yes, nandito siya sa tabi. Kapag sasapit kasi ang dilim, hindi puwedeng wala na siya sa tabi ko. Delikado, may demonyo kasing nangangain ng mga ligaw na kaluluwa,” sabi ko sa kaniya.“Talaga? Naku, ma
Corvus’ POV"Puwede bang dito muna tayo magpalipas ng gabi, Corvus?” dinig kong sabi ni Miss Alina habang nandito ako sa terrace ng villa niya. “Na-miss ko kasi si papa. Gusto kong bantayan muna siya habang naririto pa siya.”Sa tono nang pananalita niya, na parang nagmamakaawa, hindi tuloy ako makatanggi. Gusto ko sanang mag-movie marathon sa bahay. Kaya lang, saka na lang. Nag-request siya kaya dapat ko itong pagbigyan.Tumango ako kasi gusto ko na ring matulog ng maaga. Napagod kasi ako sa ginawa namin ngayon araw.“Sige, ayos lang naman sa akin, Miss Alina.”“Salamat, Corvus. Pasensya ka na talaga sa mga pang-iistorbo ko sa iyo,” sabi pa niya kaya napakamot ako ng ulo.“Huwag mong isipin na naiistorbo mo ako. Ayos lang, kasi trabaho rin naman itong binigay mo sa akin. Saka, tandaan mo na hindi ka istorbo sa akin. Para nga sa akin, blessing ka na dumating sa buhay ko. Dahil sa iyo, may pera na ako, dahil sa iyo may sarili na akong bahay. Dahil sa iyo, puno ng stock ng pagkain ang
Alina’s POVOras-oras, pangalan ko ang bukambibig ni papa. Oras-oras umiiyak siya. Panay ang hanap niya sa akin kaya parang dinudurog tuloy ang puso ko kasi hindi ko manlang siya mayakap at ma-comport kasi kaluluwa na lang ako ngayon. Hindi ko naman siya mapasok sa kaniyang panaginip kasi maya’t maya ay gising siya. Kung makatulog lang, minuto o segundo lang. Hirap na hirap siyang makagawa ng tulog, dala na rin kasi na may edad na rin siya. Kung buhay lang sana si mama, may nag-aalaga sana sa kaniya. Sana rin talaga mabuhay pa akong muli. Gusto kong alagaan si papa. Gusto kong bumawi sa kaniya. Sa totoo lang, nasayang lang ang mga oras at panahon ko sa pagsama sa walangyang si Nacho. Kung nilaan ko lang dapat kay papa ang mga mahahalagang oras ko, naalagaan at natutukan ko pa sana siya.Nung gabi na, nagpaalam na ako kay papa kasi need ko nang lumapit kay Corvus. Ang gago, nadatnan kong nagja-jákol sa loob ng kuwarto niya rito sa ikalawang palapag ng villa ko. Hindi ko pinahalatang na
Alina’s POVNadatnan ko si Corvus na natutulog pa sa loob ng kuwarto niya. Mukhang simula pa nung umalis ako kanina ay hindi pa ito nagigising hanggang ngayon. Sayang, gustong-gusto ko pa naman nang gawin ang tinuro sa akin ni white lady, kaya lang nahihiya naman akong istorbohin siya sa pagtulog kaya mamaya na lang siguro kapag kusa na siyang nagising. Maaga pa naman din.Pinuntahan ko na lang muna si papa sa kuwarto niya. Gising na ito, narinig ko na naman na tinatawag niya ako. Nakailang banggit agad siya sa pangalan ko sa doctor na tumitingin sa kaniya.“Parating na po ‘yon, magpalakas po kayo para pagdating ni Miss Alina, masaya po kayong magba-bonding mag-ama,” magalang na sabi sa kaniya ng doctor. Ganito sila mang-uto para kumalma ang mga pasyente. Mabuti na lang, magaling at mabait ang doctor na nakuha nila Corvus at Helena.Dumating na rin ang kasambahay na magpapainom kay papa ng gatas. Pag-alis ng doctor, pinilit niya itong painumin ng gatas kahit na panay ang ayaw ni papa.
Corvus’ POVDahil sa balitang hatid ni Helena na balak nang hagilapin ni Nacho ang mga papel at ari-arian ng pamilya nila Alina, agad tuloy kaming kumilos. Nagtungo kami ni Helena sa isang mansyon ni Alina. Mansyon na kung saan ay naroroon ang mga mahahalagang papel ng ari-arian ni Alina. Kailangan naming maunahan si Nacho. Galit na galit kasi ito nang mabalitaang nawawala na rin ang ama ni Miss Alina. Wala na siyang alas kasi hindi niya mapapapirmahan dito ang mga papel na gusto niyang papirmahan. Pirma na kung saan ay kapag nagawa niya sa ama ni Miss Alina ay tiyak na ikakaguho lalo ng mundo ni Miss Alina. Kasi kapag nangyari iyon, ibig sabihin ay yayaman na ng husto si Nacho. Makukuha na niya ang lahat-lahat ng ari-arian ng pamilya ni Miss Alina. Mga ari-arian, business at pera na hindi naman niya pinaghirapan. Ang kapal talaga ng mukha niya.Walang tao sa manisyon na iyon pagdating naming tatlo. Panay ang turo ni Alina kung saan ba dapat kami magpunta. Sa isang silid, doon tinuro
Corvus’ POVGanado talaga ang mga kusinera at kasambahay kapag ako ang nag-uutos. Napakarami nilang niluto at dinalang pagkain dito sa swimming pool na pang-pulutan ko lang naman. Napakasaya ko na naman tuloy habang nagsu-swimming at umiinom ng alak. Feeling ko, ako na ang boss nila, e. Ganito pala ang pakiramdam ng mga taong mayayaman. Utos ka na lang nang utos sa mga tauhan mo. Hindi mo na kailangang gumalaw kasi sila ang gagawa ng mga dapat mong gawin para lang hindi ka mahirapan. Dahil kay Alina, parang nararanasan ko tuloy kung paano maging boss.Nung mag-agaw na ang liwanag ang dilim, umalis na si Miss Helena, kailangan na raw niyang umuwi at mag-beauty rest para sa work niya bukas.Umahon na rin ako sa swimming pool kasi ramdam kong lumalamig na tapos umiikot na rin ang paningin ko. Halos kalahati na ng laman ng bote ng alak ang nainom ko kaya nagulat din ako sa sarili ko. Mas enjoy talagang uminom ng alak kapag nasa swimming pool. Sayang nga lang at ang daming pagkaing natira.
Alina’s POVNakatitig na ako sa natutulog at humihilik nang si Corvus. Tapos na kaming mag-usap kanina. Hinintay ko lang na makatulog talaga siya. Pumayag na siya sa napag-usapan namin, siguro dahil lasing lang siya. Pero ang mahalaga, pumayag siya. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at saka ako naglakad palapit sa kaniya.Hinawakan ko na ang ulo niya para mag-umpisang pumasok sa panaginip niya.Gaya dati, dito ako lumalabas sa may veranda. Habang wala pa si Corvus, tumingin muna ako sa paligid ng buong city. Payapa, maaliwalas at tahimik. Ganitong-ganito ‘yung gusto kong mangyari kapag sisilip ako dito. Dito sa panaginip ko, tahimik. Pero sa totoong buhay, hindi, sobrang gulo.Naalala ko tuloy, kapag gusto kong mag-relax, dito ako pumupunta at tumatambay. Kaya lang, imbis na ma-relax, naiirita ako kasi ang iingay palagi ng mga sasakyan.“Miss Alina,” tawag na sa akin ni Corvus kaya lumingon na ako sa kaniya. Napataas naman ang dalawang kilay ko nang makita kong hubu’t hubád na siya. Is
Alina’s POV“Ang sarap ng puké mo, Miss Alina. Ang sarap ng katas, nakakaadik din ang amoy,” sabi niya kaya napatakip ako ng kamay sa bibig ko dahil sa sobrang tawa. First time atang may magsabi sa akin ng ganoon. Dati kasi, ganoon lang, kain, higop, pasok ng daliri sa butas ko, pero walang nagsasabi na masarap at nakaadik ang amoy nito.Ayaw pa rin niyang tumigil sa pagsipsip, pagdila at pagdurot-durot ng mga daliri niya sa butas ng kaángkinan ko. Totoong sarap na sarap siya dito na akala mo ay kumakain siya ng tahong. Napapangiwi at napapanganga tuloy ako sa tuwing ididiin pa niya ang paghigop sa butás ko. Para tuloy akong nauubusan ng lakas. Hindi na ako natigil sa pag-iling at pag-ungól dahil sa sarap na pinaparanas niya sa akin.“Gusto ko nang ipasok ang tité ko sa loob ng butas mo, ready ka na ba, Miss Alina?” tanong niya habang ang boses ay mapanghibok.“I am dead, Corvus. No matter how painful it might be, I don’t care anymore. When I fell from the veranda of my penthouse, tha
Caline’s POVTahimik ang gabi. Katabi ko si Akeno, mahimbing na natutulog kasi pagod sa trabaho dahil overtime siya, actually ay kakauwi lang niya. Talagang binibigay niya ang best niya para mapabuti at mapalago ang negosyong binigay sa kaniya ni papa. At nakikita ko naman na maganda ang nagiging takbo ng lahat dahil magaling talaga ang asawa ko.Nakahilig ang ulo niya sa balikat ko, tila kampanteng-kampante sa mundo. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Ang lalaking ito, na minahal ko ng buong puso, ay naging katuwang ko sa lahat ng bagay—ngayon, magiging ama na siya.Pero ang ngiti ko ay napalitan ng kirot. Isang matinding sakit sa tiyan ang biglang dumaluyong sa akin. Nagising ako ng tuluyan, at sa ilang segundo pa, naramdaman kong may mainit na likidong umagos mula sa akin. Pumutok na ang panubigan ko.“Akeno, gumising ka!”Ginising ko si Akeno, na sa simula ay parang nag-aalangan pa kung gigising ba siya o hindi.“Hmm? Ano iyon, Honey?” tanong niya habang nakapikit pa rin ang
Akeno’s POVPagkatapos ng isang linggong honeymoon sa South Korea, heto, balik trabaho na ulit ako. Pero, nakaka-miss ding bumalik sa trabaho, nakaka-miss batiin ng mga empleyado, lalo’t sanay na akong tinatawag na sir.Nasa gitna ako ng isang mahalagang meeting sa opisina. Maraming desisyon ang kailangang gawin, maraming proyekto ang inaasikaso. Ngunit isang mensahe mula sa aking telepono ang nagpahinto sa lahat.“Sir, may nangyari kay Ma’am Caline. Nahimatay po siya sa mansion.”Parang tumigil ang mundo ko pagkatapos kong mabasa ang message na iyon. Hindi ko na inintindi kung sino ang nag-text. Hindi ko na rin narinig ang sinasabi ng mga tao sa empleyado ko. Ang tanging nasa isip ko ay si Caline—ang asawa kong minamahal ko ng higit pa sa kahit ano ay may nangyaring masama ngayong araw.“Meeting adjourned,” malamig kong sabi bago tumayo. Walang tanong-tanong. Walang paliwanag. Mabilis kong kinuha ang susi ng sasakyan at nagmamadaling umalis ng building.Habang nagmamaneho, halos suma
Caline’s POVSa lahat ng sandaling pinangarap ko ang araw na ito, hindi ko inakalang magiging ganito siya kaganda. Gising pa lang ako kaninang madaling araw, nararamdaman ko na ang excitement dahil alam kong special ang araw na ito para sa aming dalawa ni Akeno.Ito ang araw na ikakasal ako kay Akeno, ang taong nagpatunay na ang pag-ibig ay walang hanggan. Pagbukas ko ng aking mga mata, naramdaman ko agad ang kiliti ng liwanag ng araw na dumaan sa kurtina ng kuwarto ko. Ang mga kasambahay ay abala na, ang glam team ay nasa labas na ng pinto at naghihintay sa akin. Maaga akong naligo dahil ayokong maghintayin ang mga mag-aayos sa akin.“Good morning, bride-to-be!” Masiglang bati ng makeup artist na si Elle pagpasok niya sa kuwarto. Sikat siyang makeup artista sa social media kaya siya ang kinuha ko. Isa pa, mga maaarte kong kaibigan ang nag-suggest sa kaniya kasi nga iba gumalaw ang kamay niya kapag nagpapaganda ng isang tao. At dahil kasal ko ‘to, aba, dapat lang na maging mas maganda
Akeno’s POVMatapos ang araw na iyon, ang kaarawan ko na puno ng mga sorpresa, saya, at pagmamahal, akala ko tapos na ang lahat, pero tila may hinanda pang kakaiba si Papa Corvus para sa akin.Gabi na at handa na akong matulog sana. Nakahiga na ako sa kama at iniisip ang lahat ng nangyari kanina. Ang saya sa mga ngiti nina Caline at ng kanyang pamilya, ang amoy ng masasarap na pagkain, at ang ingay ng tawanan ay naglalaro pa rin sa isipan ko. Nang biglang kumatok sa pinto si Papa Corvus.“Akeno, can I have a word with you?” tanong niya.Napatayo agad ako at mabilis na nag-ayos ng sarili. Hindi ko alam kung bakit, pero parang kinabahan ako. Ano kaya ang pag-uusapan namin?“Uh, yes po. Sige po, Papa,” sagot ko habang dahan-dahang binubuksan ang pinto.Tumayo siya sa may pintuan, nakita ko ang seryosong mukha niya. “Sa opisina ko tayo mag-usap.”Hindi ko maiwasang kabahan habang sinusundan siya. Sa isip ko, baka may ginawa akong hindi tama o baka may plano siyang paghiwalayin na kami ni
Akeno’s POVIsang taon na ang lumipas mula nang magbalik sa dati ang mundo. Sa wakas, ang pinto ng impyerno ay naisara na, at ang mga demonyong minsang naghasik ng lagim ay nawala na lahat. Naging sikat na parang superhero sina Caline, Caius at Papa Corvus sa buong Pilipinas kasi nasaksihan ng buong Pilipinas kung paano nila tinapos at inubos ang mga demonyo.Pero ang mga alaala ng digmaang iyon ay nananatili, hindi lang sa kaluluwa ng bawat tao, kundi pati na rin sa mga bakas ng pagkawasak sa ating paligid.Ang Manila na dating puno ng buhay at sigla, ay naging larawan ng kaguluhan noon. Maraming gusali ang nawasak, maraming negosyo ang nagsara, at maraming buhay ang naiba. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, dahan-dahan na ring umaangat ang lahat. Ang tao, kahit kailan, ay marunong bumangon.At ngayon, isang taon matapos ang lahat ng iyon, tila bumalik na rin ang normalidad. Pero kahit bumalik na ang lahat sa dati, hindi maikakaila na may mga pagbabago na sa akin at sa paligid ko.**P
Caline’s POVAng unang araw ng labanan namin ay masyadong nakakamangha dahil sa nakikita ko kung paano makipaglaban ang kakambal kong si Caius.Tumayo kami sa isang lugar na tila naging entablado ng digmaang ito—isang malawak na disyerto ng abo at nasirang mga gusali. Ang dilim ng paligid ay sinisindihan lamang ng nag-aapoy naming mga kapangyarihan.Ngunit ang atensyon ko ay hindi maialis kay Caius.Nakangiti si Caius, tila ba para sa kaniya, ang mga demonyong humaharap sa amin ay mga laruan lamang. Ang asul niyang apoy, maliwanag na maliwanag, ngunit nakakatakot kapag ginamit na.Kumalat mula sa kaniyang mga palad ang asul na apoy at bumuo ng isang bilog sa kaniyang paligid. Ang gara, ang ganda talaga ng apoy niya.Biglang lumipad sa hangin ang apoy, tila naging mga asul na mga ibong nagliliyab, bawat isa ay may matalas na pag-atake. Nang magsimula nang sumugod ang mga demonyo, isa-isa silang binanatan ng apoy na iyon. Sa bawat atake, natutunaw sila ng parang abo, ganoon kabagsik ang
Caline’s POVHindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa katawan ng kapatid kong si Caius, na ngayon ay nasa sala ng mansiyon namin. Ilang taon naming hinanap ang sagot sa pagkawala niya, at ngayon, heto kami, muli nang magkasama.“Caline, hawakan mo ang kamay niya,” marahang sabi ni Papa Corvus. Ramdam ko ang bigat ng emosyon sa boses niya.Tumango ako, inilapit ang nanginginig kong kamay sa malamig na kamay ni Caius. Ang mama naman namin ay nakaluhod sa gilid, patuloy na umiiyak habang hinihintay ang susunod na mangyayari.Si Tita White ang isa sa mga gumagabay sa amin kasi maalam siya sa mga ganitong eksena.Pero bago namin makuha ang katawan ni Caius, inasikaso muna ni papa ang lahat ng kailangan. Nagsimula ang lahat nang magdala si Papa ng papel mula sa ospital. Nang sa wakas ay maayos na ang lahat ng dokumento para makuha namin ang katawan ni Caius. Tumawag siya ng ambulansya para ihatid ito sa mansiyon, at buong araw naming inihanda ang sala bilang lugar ng pagsasama-sama
Caline’s POVHindi ko akalain na darating ang gabi kung kailan mabubuo ang lahat ng lakas ko—ang lahat ng pinagsama-samang tapang at takot—upang labanan ang isa sa pinakamalakas na kalaban ng pamilya namin. Si Vorthak. Ang demonyong sumira ng napakaraming buhay, ay saka pa ako manghihina ng ganito.Pero ngayon, habang nakatingala ako mula sa lupa, ramdam ang bigat ng bawat sugat sa katawan ko, alam kong hindi ito ang oras para sumuko. Hindi ko hahayaang matapos ang laban nang ganito.“Caline,” marahang sabi ni Papa Corvus habang inaalalayan niya akong bumangon mula sa pagkakabagsak. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala, kahit na halata sa kanya ang pagod at hirap. “You’re not done yet. We’re not done yet.”Tumango ako, kahit pa nanginginig ang mga binti ko. Hinawakan ko ang baston kong halos basag na, kaya hinayaan kong mawala na ang kape nito. “We’ll finish this, Papa,” sabi ko habang ang boses ko ay pilit na tinatapangan.Si Vorthak, na nakatayo sa harap namin, ay tumawa ng malak
Caline’s POVAng init ng gabi ay tila sumasalamin sa init ng tensyon na bumabalot sa amin. Hindi ko maialis ang kaba sa dibdib ko habang tinitingnan si Papa Corvus, na abala sa paggawa ng plano para madala si Thomas sa likod ng ospital. Alam naming hindi na si Thomas ang nasa katawan niya. Ang demonyong si Vorthak ang nagmamanipula sa pinsan ng Mama ko.Ngayon na kami nagplanong labanan siya habang ang mga demonyong nakawala sa impyerno ay tahimik at hindi pa nagpaparamdam.“Caline, this has to be precise,” sabi ni Papa, ang malamig niyang boses ay halatang puno ng pag-aalala. “Vorthak is unlike any demon you’ve faced before. He’s cunning and extremely powerful.”Tumango ako, pinipilit maging kalmado kahit na parang umaalon ang kaba sa loob ko. “I understand, Papa. Whatever it takes, we’ll end this tonight.”Habang nasa ospital, sinimulan namin ang plano. Ginamit ni Papa ang koneksyon niya sa mga staff ng ospital upang magpasimuno ng isang “emergency evacuation drill.” Habang nagkakag