Alina’s POV Pag-alis ko sa panaginip ni Helena, tuloy-punta naman ako sa tambayan ni White Lady sa park malapit sa munisipyo. Nadatnan ko siyang nakaupo sa park habang nakatingala sa mga bituin. “Kumusta ‘yung lalaking pinasok mo ang panaginip? Nagawa mo na bang makipag-séx sa kaniya?” bungad niyang tanong sa akin. Napangisi ako. “H-hindi, ang arte, e. Ayaw niya, nahihiya raw siya sa akin,” sagot ko naman. “Kinapalan ko na nga ang mukha ko, pero ayaw pa rin, mukhang nahihiya nga siya kahit alam niyang nasa panaginip niya kami.” Hindi ko rin alam kung bakit nahiya pa siya. Halos himudin at pagnasahan na nga niya ang underwear ko nung nakaraang araw, saka pa siya umarte gayong ako na ang nag-aya sa kaniya. Tawang-tawa ako nung makita kong pati sa underwear ko ay nilabasan na rin siya matapos niya itong pag-jákulan. Sobrang libog niya kapag mag-isa lang siya. Naisip ko nga na agad siyang papatol sa akin kapag inaya ko siya, kaya lang hindi ganoon ang nangyari kaya parang na-hopia ako
Corvus POVNapadilat ang mga mata ko nang makita kong nagising ako dito sa upuan na kung saan ay naririto na naman ako sa veranda ng penthouse ni Miss Alina.Teka, pinasok na naman ba ni Alina ang panaginip ko kaya ako naririto?Tumingin ako sa paligid, hinanap ko siya, pero hindi ko naman ito makita rito. Biglang umihip ang malamig na hangin, napayakap ako sa katawan ko. Huli ko na napansin na hubu't hubad pala ako ngayon. Natatandaan ko, hubu't hubad akong natulog. Ito ay dahil nawalan ng kuryente nung gabing antok na antok na ako. Sa sobrang init, nagtanggal na lang ako ng saplot para makatulog na ako. Kung ano ako nung natulog, ganito rin ako ngayon sa panaginip na ‘to.Tinakpan ko ng kamay ang ari ko. Baka kasi nakamasid lang si Miss Alina sa akin, nakakahiya naman."M-miss Alina, pinasok mo ba ulit ang panaginip ko?" tanong ko sa kaniya.Kung kailan naman wala akong saplot, saka naman siya pumasok sa panaginip ko. Nakakahiya tuloy ang itsura ko. Pero ang pinagtataka ko, walang s
Alina’s POV“Ano?! Nagpakita ka ng hubu’t hubad na nakatawan sa kaniya sa panaginip niya?” nagulat na tanong ni White lady matapos kong sabihin sa kaniya ang ginawa ko sa panaginip ni Corvus.“Oo, para mawala na ang hiya niya. Saka, sanay naman ako sa ganoon. Noon, halos linggo-linggo ay may nakaka-séx akong guwapong lalaki. Iba’t ibang hubu’t hubad na lalaki na ang nakita ko. At iba’t ibang lalaki na rin ang nakakita sa katawan kong walang saplot, kaya parang sanay na ako. Nito na lang din talaga ako tumino nung makilala ko ang seryoso at mabait na si Nacho,” sagot ko sa kaniya. Kadalasan kasi, kapag nakikita mo na ‘yung the one, talagang gagawin mo ang lahat para maging matino ka na. Pero sa tingin ko, parang hindi pa rin talaga si Nacho ang the one ko kaya habang ganito pa ako, susubukan kong akitin at landiin na si Corvus. Titignan ko kasi kung hanggang saan aabot ang pagiging pakipot niya. Para kasing hindi bagay sa kaniya ang ganoon, sa nakikita ko kasi, parang mas masahol pa si
Corvus’ POVHalos patapos na ako sa pagtatanim ng mga bagong halaman dito sa garden ko, pero ‘yung isip ko, naroon pa rin sa hubu’t hubad na katawan ni Miss Alina sa panaginip ko. Sa lahat ng babaeng nakakita ko ang hubu’t hubad na katawan, natatanging si Miss Alina lang ata ang nakita kong ganoon kaganda ang hugis ng katawan. Kahit sa panaginip ko lang siya nakita, hindi mawala-wala sa isip ko ang istura niya, lalo na ang dibdib nitong napakalaki. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya at nagpakita siya ng ganoong katawan sa akin. Tila, nawawala na rin talaga ang pake niya kay Nacho na siyang fiance niya. Hindi ko naman din siya masisi, base sa kinikilos at iniisip ng fiance niya, parang wala kasi sa kaniya na patay na si Miss Alina. Hindi manlang siya mukhang malungkot. At talagang naisip pa niyang mag-gym at magpalaki ng katawan kaysa asikasuhin si Miss Alina.Nang nag-uugas na ako ng kamay para magtanggal ng mga lupa sa kamay, narinig kong nagri-ring ang cellphone ko. Nag
Alina's POVNandito ako sa kuwarto ni Nacho. This time, wala na siya sa penthouse ko. Nandito naman siya sa mansiyon nila. Pinagmamasdan ko siya habang mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog.Nakakainggit siya kasi halatang wala siyang pino-problema. Tama si Corvus, hindi ko manlang nakikita sa kaniya ang pagkakaroon ng pake sa akin. Kahit pagluluksa, wala.Kanina, habang nagdi-dinner silang buong pamilya, inggit na inggit ako. Kasi sila, buo pa. Kasama pa ni Nacho ang buong pamilya niya. Mama, papa at ang dalawa niyang kapatid na lalaki. Dati, ang tingin ko sa kanila, ang babait. 'Yung tipong kapag gagala kami dito ni Nacho, hindi nawawala ang mga ngiti nila sa labi. Hindi rin nawawala ang pag-aasikaso nila sa akin. Hindi nila pinaparamdam na hindi ako iba sa kanila. ‘Yung tipong pamilya talaga ang turing nila sa akin. Pero ngayong patay na ako, kahit topic tungkol sa akin, wala akong naririnig. Kahit pagkalungkot o pagluluksa, wala akong nakikita sa mga mukha nila. Para bang wala l
Corvus’ POVNgayon ang unang araw ko bilang gym instructor ni Nacho. Ang bagong trabaho na binigay sa akin nila Miss Helena at Miss Alina. Mahirap, pero para kay Miss Alina, gagawin ko.Pawisan at halos tagaktak na ang pawis ni Nacho. Wala kami sa gym na pinagtatrabahuhan ko. Nandito kami ngayon sa sarili niyang gym—dito sa isang rest house niya malapit sa beach. Malapit lang naman ito sa bahay ko, isang oras at kalahati lang ang biyahe kaya ayos lang sa akin. Mabuti na lang din at may motor ako. Dito sa resthouse niya, wala siyang ibang kasama. Kung mayroon man, iilang staff lang na mag-a-assist sa kaniya. Nagkakaroon lang ng mga tao dito kapag pupunta siya, iyon ang sabi niya sa akin kanina.May kalahating oras ko na siyang tinuturuan sa mga dapat niyang gawin. Gusto ko nga sanang imali ang pagtuturo sa kaniya, kaya lang baka masira ako, mayaman pa naman na tao ito kaya ginawa ko pa rin ang trabaho ko. Mahirap na, baka kung ano pang gawin ng lokong ito sa akin. Iba pa rin kasi kapag
Alina’s POVGabi na, kapag madalim na ang paligid, mas malakas ang mga kakayahan ng mga ligaw na kaluluwa na magparamdam sa mga tao. Iyon ang sabi sa akin ni White lady.Kanina pa ako nakatingin kay Nacho, habang kumakain ito ng dinner. Mag-isa na lang siya ngayon dito sa kaniyang rest house. Hindi na siya umuwi kasi bukas, papupuntahin niya ulit dito si Corvus.Habang kumakain ito, napakagana niya. Tila, hindi naman siya pursigido sa pagpapalaki ng katawan niya. Umpisa palang nang paggi-gym niya, kumain ka agad siya ng marami. Binalewala niya ‘yung mga sinabi ni Corvus kanina. Lahat ng nakahain sa lamesa niya ngayon ay malakas makataba. Hindi ko tuloy alam kung ano ba talagang trip niya. Nagpapalaki ba talaga siya ng katawan o gusto niya lang maging close si Corvus?“Mas gusto ko siya kaysa sa tangang ‘yon,” bigla niyang sabi. Ano kayang ibig sabihin niya? Sino ang tinutukoy niyang mas gusto niya kaysa sa tangang iyon?Bakla ka nga ba, Nacho? Kung oo, tang-ina ka, papatayin talaga ki
Corvus’ POVNandito na ako ulit sa penthouse ni Miss Alina. Kapag ganitong tahimik, at narito ako sa vendara, alam kong pinasok na ulit ni Miss Alina ang panaginip ko. Lumingon ako sa paligid, nakita kong nakatayo si Miss Alina sa tapat ng isang malaking halaman dito. Nakasuot pa rin siya ng wedding gown. Gaya nung una, gandang-ganda pa rin ako sa kaniya.Seryoso siyang nakatingin sa akin. Parang nag-aabang kung ano bang dapat na naming gawin. Sa totoo lang, hindi ako makapaniwala na gusto niyang makipag-séx sa akin. Ngayon na talaga ako naniniwala kay Geronimo na kahit sino talaga ay naaakit sa akin.Hindi na ako nagpakipot. Kung ano ako bilang lalaki, ganoon na rin ang ginawa ko ngayon. Sanay na rin naman din ako sa ganitong landian kaya bakit ba magpapakahiya pa ako. Habang nakatingin siya sa akin, isa-isa ko nang tinanggal ang damit ko sa harapan niya. Inuna kong tanggaling ang t-shirt, sunod ang panjama. Huli kong tinanggal ang underwear ko.Nung hubu’t hubad na ako, tinitigan ko
Caline’s POVTahimik ang gabi. Katabi ko si Akeno, mahimbing na natutulog kasi pagod sa trabaho dahil overtime siya, actually ay kakauwi lang niya. Talagang binibigay niya ang best niya para mapabuti at mapalago ang negosyong binigay sa kaniya ni papa. At nakikita ko naman na maganda ang nagiging takbo ng lahat dahil magaling talaga ang asawa ko.Nakahilig ang ulo niya sa balikat ko, tila kampanteng-kampante sa mundo. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Ang lalaking ito, na minahal ko ng buong puso, ay naging katuwang ko sa lahat ng bagay—ngayon, magiging ama na siya.Pero ang ngiti ko ay napalitan ng kirot. Isang matinding sakit sa tiyan ang biglang dumaluyong sa akin. Nagising ako ng tuluyan, at sa ilang segundo pa, naramdaman kong may mainit na likidong umagos mula sa akin. Pumutok na ang panubigan ko.“Akeno, gumising ka!”Ginising ko si Akeno, na sa simula ay parang nag-aalangan pa kung gigising ba siya o hindi.“Hmm? Ano iyon, Honey?” tanong niya habang nakapikit pa rin ang
Akeno’s POVPagkatapos ng isang linggong honeymoon sa South Korea, heto, balik trabaho na ulit ako. Pero, nakaka-miss ding bumalik sa trabaho, nakaka-miss batiin ng mga empleyado, lalo’t sanay na akong tinatawag na sir.Nasa gitna ako ng isang mahalagang meeting sa opisina. Maraming desisyon ang kailangang gawin, maraming proyekto ang inaasikaso. Ngunit isang mensahe mula sa aking telepono ang nagpahinto sa lahat.“Sir, may nangyari kay Ma’am Caline. Nahimatay po siya sa mansion.”Parang tumigil ang mundo ko pagkatapos kong mabasa ang message na iyon. Hindi ko na inintindi kung sino ang nag-text. Hindi ko na rin narinig ang sinasabi ng mga tao sa empleyado ko. Ang tanging nasa isip ko ay si Caline—ang asawa kong minamahal ko ng higit pa sa kahit ano ay may nangyaring masama ngayong araw.“Meeting adjourned,” malamig kong sabi bago tumayo. Walang tanong-tanong. Walang paliwanag. Mabilis kong kinuha ang susi ng sasakyan at nagmamadaling umalis ng building.Habang nagmamaneho, halos suma
Caline’s POVSa lahat ng sandaling pinangarap ko ang araw na ito, hindi ko inakalang magiging ganito siya kaganda. Gising pa lang ako kaninang madaling araw, nararamdaman ko na ang excitement dahil alam kong special ang araw na ito para sa aming dalawa ni Akeno.Ito ang araw na ikakasal ako kay Akeno, ang taong nagpatunay na ang pag-ibig ay walang hanggan. Pagbukas ko ng aking mga mata, naramdaman ko agad ang kiliti ng liwanag ng araw na dumaan sa kurtina ng kuwarto ko. Ang mga kasambahay ay abala na, ang glam team ay nasa labas na ng pinto at naghihintay sa akin. Maaga akong naligo dahil ayokong maghintayin ang mga mag-aayos sa akin.“Good morning, bride-to-be!” Masiglang bati ng makeup artist na si Elle pagpasok niya sa kuwarto. Sikat siyang makeup artista sa social media kaya siya ang kinuha ko. Isa pa, mga maaarte kong kaibigan ang nag-suggest sa kaniya kasi nga iba gumalaw ang kamay niya kapag nagpapaganda ng isang tao. At dahil kasal ko ‘to, aba, dapat lang na maging mas maganda
Akeno’s POVMatapos ang araw na iyon, ang kaarawan ko na puno ng mga sorpresa, saya, at pagmamahal, akala ko tapos na ang lahat, pero tila may hinanda pang kakaiba si Papa Corvus para sa akin.Gabi na at handa na akong matulog sana. Nakahiga na ako sa kama at iniisip ang lahat ng nangyari kanina. Ang saya sa mga ngiti nina Caline at ng kanyang pamilya, ang amoy ng masasarap na pagkain, at ang ingay ng tawanan ay naglalaro pa rin sa isipan ko. Nang biglang kumatok sa pinto si Papa Corvus.“Akeno, can I have a word with you?” tanong niya.Napatayo agad ako at mabilis na nag-ayos ng sarili. Hindi ko alam kung bakit, pero parang kinabahan ako. Ano kaya ang pag-uusapan namin?“Uh, yes po. Sige po, Papa,” sagot ko habang dahan-dahang binubuksan ang pinto.Tumayo siya sa may pintuan, nakita ko ang seryosong mukha niya. “Sa opisina ko tayo mag-usap.”Hindi ko maiwasang kabahan habang sinusundan siya. Sa isip ko, baka may ginawa akong hindi tama o baka may plano siyang paghiwalayin na kami ni
Akeno’s POVIsang taon na ang lumipas mula nang magbalik sa dati ang mundo. Sa wakas, ang pinto ng impyerno ay naisara na, at ang mga demonyong minsang naghasik ng lagim ay nawala na lahat. Naging sikat na parang superhero sina Caline, Caius at Papa Corvus sa buong Pilipinas kasi nasaksihan ng buong Pilipinas kung paano nila tinapos at inubos ang mga demonyo.Pero ang mga alaala ng digmaang iyon ay nananatili, hindi lang sa kaluluwa ng bawat tao, kundi pati na rin sa mga bakas ng pagkawasak sa ating paligid.Ang Manila na dating puno ng buhay at sigla, ay naging larawan ng kaguluhan noon. Maraming gusali ang nawasak, maraming negosyo ang nagsara, at maraming buhay ang naiba. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, dahan-dahan na ring umaangat ang lahat. Ang tao, kahit kailan, ay marunong bumangon.At ngayon, isang taon matapos ang lahat ng iyon, tila bumalik na rin ang normalidad. Pero kahit bumalik na ang lahat sa dati, hindi maikakaila na may mga pagbabago na sa akin at sa paligid ko.**P
Caline’s POVAng unang araw ng labanan namin ay masyadong nakakamangha dahil sa nakikita ko kung paano makipaglaban ang kakambal kong si Caius.Tumayo kami sa isang lugar na tila naging entablado ng digmaang ito—isang malawak na disyerto ng abo at nasirang mga gusali. Ang dilim ng paligid ay sinisindihan lamang ng nag-aapoy naming mga kapangyarihan.Ngunit ang atensyon ko ay hindi maialis kay Caius.Nakangiti si Caius, tila ba para sa kaniya, ang mga demonyong humaharap sa amin ay mga laruan lamang. Ang asul niyang apoy, maliwanag na maliwanag, ngunit nakakatakot kapag ginamit na.Kumalat mula sa kaniyang mga palad ang asul na apoy at bumuo ng isang bilog sa kaniyang paligid. Ang gara, ang ganda talaga ng apoy niya.Biglang lumipad sa hangin ang apoy, tila naging mga asul na mga ibong nagliliyab, bawat isa ay may matalas na pag-atake. Nang magsimula nang sumugod ang mga demonyo, isa-isa silang binanatan ng apoy na iyon. Sa bawat atake, natutunaw sila ng parang abo, ganoon kabagsik ang
Caline’s POVHindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa katawan ng kapatid kong si Caius, na ngayon ay nasa sala ng mansiyon namin. Ilang taon naming hinanap ang sagot sa pagkawala niya, at ngayon, heto kami, muli nang magkasama.“Caline, hawakan mo ang kamay niya,” marahang sabi ni Papa Corvus. Ramdam ko ang bigat ng emosyon sa boses niya.Tumango ako, inilapit ang nanginginig kong kamay sa malamig na kamay ni Caius. Ang mama naman namin ay nakaluhod sa gilid, patuloy na umiiyak habang hinihintay ang susunod na mangyayari.Si Tita White ang isa sa mga gumagabay sa amin kasi maalam siya sa mga ganitong eksena.Pero bago namin makuha ang katawan ni Caius, inasikaso muna ni papa ang lahat ng kailangan. Nagsimula ang lahat nang magdala si Papa ng papel mula sa ospital. Nang sa wakas ay maayos na ang lahat ng dokumento para makuha namin ang katawan ni Caius. Tumawag siya ng ambulansya para ihatid ito sa mansiyon, at buong araw naming inihanda ang sala bilang lugar ng pagsasama-sama
Caline’s POVHindi ko akalain na darating ang gabi kung kailan mabubuo ang lahat ng lakas ko—ang lahat ng pinagsama-samang tapang at takot—upang labanan ang isa sa pinakamalakas na kalaban ng pamilya namin. Si Vorthak. Ang demonyong sumira ng napakaraming buhay, ay saka pa ako manghihina ng ganito.Pero ngayon, habang nakatingala ako mula sa lupa, ramdam ang bigat ng bawat sugat sa katawan ko, alam kong hindi ito ang oras para sumuko. Hindi ko hahayaang matapos ang laban nang ganito.“Caline,” marahang sabi ni Papa Corvus habang inaalalayan niya akong bumangon mula sa pagkakabagsak. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala, kahit na halata sa kanya ang pagod at hirap. “You’re not done yet. We’re not done yet.”Tumango ako, kahit pa nanginginig ang mga binti ko. Hinawakan ko ang baston kong halos basag na, kaya hinayaan kong mawala na ang kape nito. “We’ll finish this, Papa,” sabi ko habang ang boses ko ay pilit na tinatapangan.Si Vorthak, na nakatayo sa harap namin, ay tumawa ng malak
Caline’s POVAng init ng gabi ay tila sumasalamin sa init ng tensyon na bumabalot sa amin. Hindi ko maialis ang kaba sa dibdib ko habang tinitingnan si Papa Corvus, na abala sa paggawa ng plano para madala si Thomas sa likod ng ospital. Alam naming hindi na si Thomas ang nasa katawan niya. Ang demonyong si Vorthak ang nagmamanipula sa pinsan ng Mama ko.Ngayon na kami nagplanong labanan siya habang ang mga demonyong nakawala sa impyerno ay tahimik at hindi pa nagpaparamdam.“Caline, this has to be precise,” sabi ni Papa, ang malamig niyang boses ay halatang puno ng pag-aalala. “Vorthak is unlike any demon you’ve faced before. He’s cunning and extremely powerful.”Tumango ako, pinipilit maging kalmado kahit na parang umaalon ang kaba sa loob ko. “I understand, Papa. Whatever it takes, we’ll end this tonight.”Habang nasa ospital, sinimulan namin ang plano. Ginamit ni Papa ang koneksyon niya sa mga staff ng ospital upang magpasimuno ng isang “emergency evacuation drill.” Habang nagkakag