Sayuri’s POV
I was sold. Well, hindi naman ibinenta na as in kukunin ‘yong lamang loob o kaya kukulayan ang buhok para magmukha akong pulubi tapos uutusan akong mamalimos. No.
Parang ‘yong sa movie na Flipped, nagkaroon sila ng school activity na inihanay ang lahat ng lalaking estudyante na may hawak na basket, tapos ibebenta sa kung sino mang makakapag-bid ng pinakamataas na price. Oo gano’n nga ang naisip ng mga administrator dito sa school namin para sa culminating day ng Nutrition Week. Ang original ng idea. Ika-apat na taon na nilang ginagawa ito. Ngunit hindi basket ang hawak namin, kung hindi talong. Tapos nakasuot kami ng costume. Ang costume ko ay Anabelle Doll. Anabelle doll plus talong? Winner!
At paano naman ako napabilang dito? Eh malalandi lamang ang sumasali rito, mga gustong magpabenta upang makahanap ng boypren. Define cheap.
Well, ibahin nila ako, hindi ako desperada. Sapilitan akong isinali ng kapatid kong gago. Isa siya sa organizers ng event na ito; vice-president kasi siya ng council. Gusto niya lamang akong asarin, galitin, gantihan, pahirapan. Lahat na ng pang-iinis na magagawa ng isang tao sa kapatid niya. Ganoon niya ako kamahal.
I was Eggplant girl no 8. I had to stand on the stage in the gym while nearly half the girls got auctioned off. The minimum bid was Five Pesos. Wow, hindi aabot sa bituka mo ang ipapakain sa iyo ng kakagat sa five pesos. And if nobody bids, a teacher would have to bid on you. Malas kapag ‘yong teacher na may galit o may hidden desire sa iyo ang nanalo. Kahihiyan to the highest level.
"Ang sunod naman na Eggplant girl, ay walang iba, kundi ang pinaka maganda kong kapatid at Diyosa ng Strawberry Fields Academy! The friendliest, photogenic and talented, Contestant no. 8, Sayuri De Chavez! We'll start the bid in Five Pesos. Five Pesos? I think she's priceless," ngumiti nang nakakaloko sa akin si Yuki. Tinignan ko siya nang masama. Ihanda mo na ang pang-pabiling mong unggoy ka!
Bumuntong hininga ako at hinintay kung sino man ang gustong malasin na makasama ako for a month.
"One million pesos!" sigaw ng isang hindi kaaya-ayang nilalang.
WHAT THE EFFING —
Natigilan ang lahat, tumingin sa akin si Yuki na nanlalaki ang mga mata. Nagsimulang magbulong bulungan ang mga audience pati na ang ibang contestant. Inilibot ko ang mga mata ko para hanapin kung sino ang mapangahas na bidder na iyon.
Walang gustong magbid ng mas mataas, or should I say wala talagang gusto magbid sa akin? Tumingin ako kay Yuki, na mukhang hinahanap rin ang bidder ko.
“Wow!” my brother laughed awkwardly. “We have a million-peso bid! That is — definitely record-breaking! What a generous donation for the Applegate and Orangevalley Foundation!” those are the charitable institutions that were funded by our school.
I unbelievably mouthed at him the word WTF? nagkibit-balikat lamang si tanga. Patay ka talaga sa akin Sayuki! I was sold for One Million Pesos; that doesn’t sound right! Human exploitation! nilapastangan ang pagkatao ko.
“Maaari na po bang lumapit dito sa harapan ang generous na buyer ni Ms. De Chavez?”
Natahimik ang lahat nang lumabas mula sa gilid, malapit sa exit ang isang matangkad na nilalang, dahan-dahan siyang naglakad papunta sa stage. Nakasuot siya ng V-neck na white fitted shirt, navy blue jeans paired with black high-cut boots. Nakakaloko ang mga ngiti niya. Kung isa akong hard core na malandi ay isa lang ang masasabi ko Hot baby!
Pero hindi eh, kilala ko kasi siya. Kilalang-kilala. Mukhang na-gets niya ang dahilan nang pagsimangot ko. He smirked at me, this is terrible.
Si Timothy Blythe.
Strawberry Fields Academy is a school for rich and gifted children slash spoiled brats. Cliché man pakinggan pero iyon ang katotohanan. Ipinatapon kami ng mga parents namin dito noong seven years old kami; hindi lamang dahil sa pagiging gifted namin, kundi dahil inabandona na nila kami emotionally. Nilalagyan lamang nila ng pera ang mga account namin pero bihira nila kaming bisitahin o tawagan para kamustahin. Apparently a billionaire is studying here and that billionaire is Timothy Blythe. If I’m a regular girl I would swoon over him, he’s very handsome and tall with pale skin, jet black hair, and hazel-brown eyes. He could charm many people with his looks and fat bank-account.
But I’m not a regular girl because the opposite happens, I hate him, and he hates me. End of story. And now, dahil sa gago kong kapatid, He owns me, for a month. Dahil sobrang laki nang ibinid niya, isang buwan akong magiging assistant/ sunod-sunuran sa kanya.
Wow! I love my life! Salamat sa talong ha!
Timothy’s POV
Alam kong kanina pa siya nag-titimpi at konting pitik ay sasabog na siya. Hindi ako nagkamali, this is going to be fun. Sayuri De Chavez, the girl who has been my arc nemesis for the past five years. Pera ang nagpapaikot sa mundo, gusto kong ipakita sa Andrew Sato na iyon na hindi niya ako matatalo, ako pa ang hinamon niya pagdating sa pera. Nababaliw na siya. Isa siyang loser, trying to win your ex-girlfriend with an auction is the dumbest thing I’ve ever known. Yeah, sumali ako sa auction hindi dahil sa foundation, kahit naman hindi ako magbid dito eh kayang kaya ni nilang lahat ‘yon.
Lumawak ang ngiti ko habang nakatingin sa nag-aalab sa galit na mga mata ni Sayuri, kung baril ang mga tingin niya malamang kanina pa ako nakabulagta dito.
Iyon ang isa pang bagay na kinakamuhian ko sa babaeng ito. Siya lamang ang may lakas ng loob kumalaban sa akin. Samantalang lahat ng estudyante dito, sinasamba ako. Ako, si Timothy Blythe, the richest, hottest and the most powerful guy in this school, ay binabalewala lang ng isang katulad niya? She’s got the nerve!
Now, I can wrap her around my finger. Iyon ang tinatawag na hidden agenda, and it will be a great game.
"This is crazy!" galit niyang sabi sa kapatid niyang si Yuki.
"Come on Yuri, para to sa foundation!" patawa-tawang sagot ni Yuki sa kapatid.
"Puwes, tawagan mo ang matatanda at sabihin mo mag-donate sila sa foundation!"
"Whoah, minamaliit mo ata ang kakayahan kong tumulong sa foundation. To tell you miss, hindi galing sa yaman namin ang bayad ko sayo. Galing to sa sarili kong bulsa,” ngumiti ako sa kanya na ikinainis niya pa lalo. Tinapunan na naman niya ako ng masamang tingin.
"Kinakausap ka ba namin ha? Get lost Blythe," she spat on me. Hindi talaga marunong sumunod sa uso itong babaeng ‘to.
"Oh, so, gusto mo bang si Andrew Sato ang bumili sayo?" natigilan siya sa sinabi ko. Alam kong kaunti na lamang lalagapak na sa mukha ko ang kamay niya kaya ibinaling ko ang atensyon ko kay Yuki. Unlike his snobbish and loathsome sister, Yuki is my close friend. Malaki ang tiwala ko sa kanya, tinatawanan lamang niya ang mga pang-aasar ko sa kapatid niya.
“Anong account number ninyo? Para mai-deposit ko na ang kalahati” hindi mapailawanag ang reaction ni Yuki, mukha siyang nag-aalangan. Isinulat niya sa isang papel ang account number at ibinigay sa akin. Inis na inis siyang tinignan ng kapatid niya pagkatapos ay nag-walk out na.
Binalingan naman ako ni Yuki at tumingin ng seryoso sa akin.
"Timmy, alam kong masayang inisin ang kapatid ko. Pero this time, it’s different, I swear hindi ko alam ang gagawin ko sayo kapag ginawan mo ng hindi maganda ang kapatid ko. Don't treat her like any of your girlfriends. Or else, I will kill you," seryosong tumingin si Yuki sa mga mata ko habang sinasabi ang mga salitang ‘yon.
Tumango ako at tinapik siya sa balikat. “Don’t worry dude, it’s just for a month,” I blindly assured him. Don’t treat her like any of my girlfriends? Bakit ko naman gagawin ‘yon? Kung puwedeng namang mas masama ang gawin ko?
Sinundan ko si Sayuri na ang bilis-bilis nang lakad dahil sa sobrang inis. Napalingon siya sa akin at hindi ako nagkamali malapit na siyang sumabog sa sobrang galit. “Hey Miss Sayuri De Chavez, slow down. Paano tayo magkakasundo niyan kung ngayon pa lang gusto mo na akong patayin? Hindi ka ba natutuwa? The most sought-after dude in this school bought you,” mayabang kong sabi sabay kindat sa kanya.
"Dream on, Blythe" she roared, giving me a death glare. I swear mukha nang pinitpit na lata ang mukha niya.
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, napaurong siya. "Hindi mo na pag-aari ang bawat galaw mo ngayon miss, you're all mine. Remember that. I’ll be seeing you tomorrow then, Sayuri De Chavez,” and then I left here there, with her face showing an utter disbelief. Alam kong gustong gusto na niya akong bigwasan, bangasan at tadyakan. Pero sorry siya, bawal ang violence sa school na ito.
Timothy’s POVBukod kay De Chavez ay may isa pa akong kinakainisan sa school na ‘to. Ang dorm at ang kasama ko sa kuwarto. Nakipag-usap na ako sa chief executive officer na magpapatayo ako ng sarili kong kuwarto, kaso hindi daw puwede. End of discussion. Puwedeng-puwede ko na ngang patayuan ng kanya-kanyang kuwarto lahat ng estudyante dito eh. Kaso nag-iinarte pa mga administrators, they value camaraderie daw. What a joke. Hindi naman sa bad trip na badtrip ako sa roommate ko, well badtrip lamang ako sa ginagawa niya. Sino ba namang hindi maiinis? It’s 3:00 in the morning, it’s the devil’s hour, everybody should be sleeping at nandito siya, ang pinakapogi kong roommate, singing at the top of his lungs, at Heart Break Anniversary! Puchang ama! Nakaka-bobo eh! Oo he’s a musical prodigy, magaling siya sa instruments pero hi
Timothy’s POVOh Boy, puwede na siyang maging boksingera. Literal na may circle sa paligid ng mata ko, nangingitim. Hindi ko maimulat.She looks so satisfied after what she did and just me left me there crumpling in pain. Dinala ako ng mga ka-team ko sa clinic. Man, sumama ang pakiramdam ko. Inuusig ako ng konsensya ko, magsorry daw ako sa boksingerang 'yon. At bakit? Siya 'tong nanakit sa akin. Siya ang dapat magsorry.Napangisi na lang ako, imposible kasi mangyari 'yon eh. Mas mataas pa sa Eiffel Tower ang pride niya."Uy Sir. Timmy class hour ah, anong nangyare sayo?" Pumasok ang roommate kong nagse-celebrate ng heartbreak. Napatayo naman ako, oo nga pala, hindi ako nakapagbigay ng excuse slip. Natigilan naman siya nang makita ang mukha ko."Ang panget mo Sir.Timmy!" Maluha-luha siya sa kakatawa sa akin."Thanks ha!" sarcastic kong sagot habang nilalapatan ng cold compress an
Timothy's POVNagising pa ako. Salamat naman.May luha ang mga mata ko. Napanaginipan ko nanaman ang babaeng ‘yon. Paulit-ulit ko nanamang naririnig ang mga iyak at sigaw niya. Tila katabi ko lamang siya dito. Basang basa ng pawis ang kama ko. Another nightmare.Hindi ko na maalala lahat, tila mga piraso ng isang basag na salamin ang mga panaginip ko. Leaving me a feeling of guilt, sadness and lost. What I figure out the full picture of my dreams? What will happened to me?I guess I'll never know.Huminga ako nang malalim at tumitig sa kisame. Minasahe ko ang sentido ko. My eyes are still wet from crying, I glance over my alarm clock. Its a weekend and it's 7:30 a.m, geez, 3 hours pa lang ako nakakatulog. Hindi na ako magtataka kung isang araw mamamatay na lang ako bigla dahil sa sobrang sleep deprivation. Tumayo ako, napansin kong wala pa ang sapatos ni Tiwtiw sa shoerack. Nakipag boy's night out
Sayuri’s POVSunday 3 A.MNagising ako sa sunod-sunod na tapik sa mukha ko. Pupungas-pungas akong naupo at binuksan ang night lamp ko. Kinusot ko ang mata ko at nakita ko ang roommate ko na si Miaka Sandoval na nakatayo sa tabi ko."Ah,eh..Sayuri,” kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. Tila may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi. It took three minutes bago ko magets ang gusto niyang sabihin.“Ok, fine I get it,” tumayo ako at binitbit ang blanket ko. Makikitulog na lang ako sa kuwarto ni Yuki.Nadaanan ko sa living room ng unit namin ang boyfriend niya. Tinanguan lang niya ako at pumasok na siya sa kuwarto ni Miaka.Hindi ito ang first time na napatalsik ako ng roommate ko para sa 'bonding' nila ng boyfriend niya. Apparently, hindi soundproof ang mga pader sa mga kuwarto kaya maririnig kung gagawa sila ng kakaibang sounds. Sasabihin ko na lang kay Yuk
Sayuki's Pov Sayuri is my twin sister and I love her. Sayuri is my twin sister and I love her. Sayuri is my twin sister and I love her. I love her kahit ginising niya ako nang alas kuwatro nang madaling araw, para magkape, dahil kailangan daw niya ng makakausap pero hindi naman siya nagsasalita. Halos one hour na ang lumipas at stagnant pa rin siya. Ineexpect niya na mahuhulaan ko ang problema niya with my twin ESP. Puyat ako. Hindi ako umiinom ng kape. But I lover her. She's my twin and I love her. My sister is a mute. “Hindi ka pa ba magsasalita?!” I snapped at her. Nagulat ata siya kaya natapon sa kamay niya yung kape. Napabuntong hininga ako, ang sakit ng mata at ulo ko dahil kulang pa ako sa tulog. Pinunasan ko ang kamay niya gamit ang tissue. "Sorry sis," sabi ko habang pinupunasan ang natapon niya. "Ok lang, alam ko inaantok ka pa," she sighed. Sigurado akong malaki
Sayuri's POVNalaglag ako sa kama nang tumunog sa tapat ng tainga ko ang alarm clock. Akala ko pinagtritripan nanaman ako ni Timothy Blythe. Kinusot ko ang mga mata ko, lumabas ng kuwarto at sinilip si Miaka sa kuwarto niya, it's almost 2 in the afternoon. Kasalanan niya 'to lahat eh! Kung hindi niya ako pinaalis hindi ako mapapagod physically and mentally.Hindi sana nangyari 'yung pustahan na 'yun.Magbabayad kang Miaka ka. Malandi ka.Tinignan ko pa siya nang matalim ng may mapansin ako sa kama niya. Oh my God! Napabalik ako sa kuwarto ko. There were four pairs of feet under her matress. Don't tell me halos maghapon na silang ganyan ng boyfriend niya? That's disgusting!Napailing akong pumasok sa banyo at nagsimulang maligo. Busy ako sa pagkukuskos ng katawan nang sumagi sa isip ko ang hinay*pak na si Timothy Blythe. Na nakatowel lang. What the heck is happening to me? Natotoxic na masyado ang utak ko sa sobrang pagpupuyat
Umiiyak ang isang bata habang naglalakad sa madilim at mahabang pasilyo ng isang malaking bahay. Nakarating siya sa tapat ng isang malaking pinto. Napasigaw siya nang may humawak na malamig na kamay sa maliit niyang balikat at pilit siyang iniharap.Humihikbi ang bata sa takot. Nagsimulang magalit ang babae nang magsimulang umiyak ang bata.Nanlisik ang mga mata ng babae."Ayoko ng umiiyak! Nabibingi ako sa iyak mo!" sigaw ng babae na halos matumba ang bata sa lakas ng boses niya. Sinampal niya nang pagkalakas ang bata. May umagos na dugo mula sa gilid ng bibig ng bata."Hindi ka titigil?! Ilang beses ko ng sinabi sayo na dapat kapag uuwi ako malinis ang bahay! Eh bakit ang dumi-dumi?! Nagkalat ka nanaman! Ang baboy baboy mo! Madumi ka! Madumi!" Paulit-ulit niyang niyugyog ang batang walang tigil sa pag-iyak, halos magsuka na ito dahil sa hilong naramdaman."Alam mo kung anong ginagawa sa mga batang salbaheng kagaya mo?! Kinukulong sa bodega!
12 Years AgoNakaupo ang mag-asawa sa harap ng doctor, naghihintay ng resulta sa ginawang test sa kanilang anak. Huminga nang malalim ang doctor at binuksan ang papel na naglalaman ng isinagawang test.Napaiyak ang ginang matapos marinig ang resulta na binasa ng doctor."It's a serious case, pero hindi ko akalain na sa ganitong edad ay nagmamanifest na sa kanya ang mga sintomas. This will have a long-lasting effect on his behavior as he grew older if hindi ito magagamot. Mahihirapan siyang magcope sa kanyang buhay hangga't patuloy na natitrigger ang alaala ng traumatic experience niya," malumanay ngunit may halong kalungkutan na sabi ng doctor."Hindi ko mawari doc kung paano nangyari ito sa anak namin. Pero ano po bang puwede ninyong gawin para mapigilan 'to?" alalang tanong ng ginoo.Matagal silang tinignan ng doctor. Ilang saglit pa ay tumayo ang doctor at lumapit sa kanyang medicine cabinet. Tila may pinindot siya
"Si Florencio Andaya ay inaanak ng yumaong ama ni Andres," walang kaabog-abog na pahayag ni Yuki habang naglalakad sila pabalik sa inn. "Hindi kailanman niligawan ni Florencio si Diana, gayunpaman naging very close sila. Dahil si Florencio ay isang tagong bading. Itinuring daw na matalik na kaibigan ni Florencio si Diana dahil naiintidihan nito ang mga hirap niya sa pagtatago ng pagkatao. Kapag dumadaong dito ang kargo nila Florencio noon kina Andres agad siya dumederetso, dinadalhan niya ng kung anu-ano si Diana." "At nagselos sa kanya si Kuya Andres?" "No, sabi mo nga hindi seloso ang kuya mong 'yon. Noon. And I believe you. Kilala si Andres dito, he's a confident man. Smart, isa siyang guro. Magugustuhan ba siya ni Diana kung hindi? Ang pagiging close nina Florencio at ng ate mo ay ginamit ni Aling Melinda. You see, there are cases when the mother-in-law is so possessive and jealous of her son, lalo na kung nag-iisang anak na katulad ni Andr
"Celesteee!" Hinabol siya ni Yuki at pilit na inalis sa tubig. Wala siyang puwang sa lugar na 'to, ayaw na niyang manatili pa ni isang segundo sa bayan na 'to. Bakit mo 'to nagawa ate Diana? Bakit mo 'to nagawa sa amin? "Celeste, ano ba, maghunusdili ka!" "Ang sulat na 'yon Yuki! Sapat nang ebidensiya 'yon sa kataksilan na ginawa ng ate ko. Sulat kamay niya 'yon. Dahil sa kanyang ginawa ay nagpakamatay ang asawa niya! Sinira niya ang sarili niyang pamilya. Dapat na tayong umalis dito Yuki!" "Hindi pa rin ako naniniwala Celeste! Hindi 'yon magagawa ng ate mo! 'Yung sulat, rough draft lang 'yun." "Ano pa bang dapat nating isipin Yuki?! Kilala ko ang sulat kamay niya simula pagkabata!" "You just don't want to believe that Diana never left this town at all. Your mind refuses to consider the possibility that she was murdered, and that's understandable." "Yuki, I am matured enough to accept things that I can't change. Kaya kon
Third Person Of View "Halikayo..." binuksan ni Aling Melinda ang pinto ng kanyang tahanan. Sa sala na may sementadong sahig na kulay pula magkatabing naupo sina Yuki at Celeste, kaharap si Aling Melinda na kay Yuki lamang nakatingin. Tila hindi katabi si Yuki sa asal na ipinapakita ni Aling Melinda. "Sino 'yong Gary na nagpadala sa'yo ng sulat?At bakit pinadalhan ka ng ganyang sulat?" tanong ni Aling Melinda na hindi ngumingiti. "Kilala n'yo siguro si Gary, Aling Melinda," sabi ni Yuki. "Wala akong kakilalang Gary na taga rito sa amin. Iharap mo sa akin 'yang Gary na 'yan." "Aling Melinda-" "Kusang sumama sa kargador sa may pantalan ang Dianang 'yon. Mali 'yang nasa sulat na 'yan. Ang balita dito ay taga Marinduque, Florencio ang pangalan." Sabi ng matanda na nagpukol ng masamang tingin kay Celeste. "Florencio Andaya," sambit ni Yuki. "Andaya o An
Starting from this part until the end of Summer Arc will be told in Third Person's POV May sinag na ng araw sa bintana ng kuwarto ni Yuki nang magising si Celeste. October 14. Huwebes. Wala si Yuki sa tabi niya. Napansin niyan may iniwan itong note sa lamesita. Binasa niya ang nakasulat: Cel, Sumaglit lang ako sa kabilang bayan. I'll be back before noon. Binilhan na kita ng almusal mo. Love, Yuki. Parang gusto niyang mainis. Mag-isa siyang nag-almusal. Bakit hindi ako hinintay ni Yuki magising bago umalis? Parang wala lang sa kanya 'yung nangyari samin kagabi, inis niyang bulong sa sarili at pagkatapos mag-almusal ay naligo na siya at nagbihis. Paldang maong, blouse na maluwang na polo shirt style pero walang kuwelyo, kulay dilaw. Naisipan niyang magpunta sa palengke upang bumili ng ingredients s
Celeste's PovSandali kaming natahimik dahil sa nangyari. Hinahanap ko ang aking boses pero hindi ito lumalabas."Ang mabuti pa para maging malinawag 'kung ano ba talaga ang nangyari ay puntahan ninyo ang bahay ng biyenan ni Diana, si Aling Melinda. Siya ang kasama ng mag-asawa sa bahay at siya lang ang makakapagpatunay 'kung ano ba talagang nangyari," suhestiyon ng ale. Tumango ako at inutusan ng ale ang driver na ihatid muna kami sa bahay ng biyenan ng ate ko.Mag-aalas-kuwatro ng hapon nang kumatok kami sa bahay ni Kuya Andres. Shocked pa rin ako at di ko pa rin matanggap na patay na ang aking mabait na bayaw.Si Aling Melinda, ina ni Kuya Andres, ang nagbukas ng pinto. Agad kong kinuha ang kamay niya upang magmano. Nakakunot-noo ang matanda, atubiling ibinigay ang kamay niya sa akin."Mano po, Inay Melinda," ngumiti ako sa kanya."Hindi na po ninyo siguro ako nakikilala, ako po si Celeste."Nawala an
The half of the summer arc will focus more on Yuki and Celeste. Timothy and Sayuri's story will continue after the summer arc. Celeste's Pov “Babalik din ako agad sa dorm two weeks bago mag-start ang summer class. Kamusta naman si Sayuri?” Iniipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko habang nagluluto ng soup para sa ima (lola) ko. “Ayun nagsi-simula ng ma-love sick cow kasi uuwi si Timothy sa kanila sa susunod na linggo,” sagot ni Yuki mula sa kabilang linya. “Grabe, parang dati halos isuka nila ang isa’t-isa tapos ngayon parang di na sila mabubuhay kapag di nila nakikita ang isa’t-isa,” natatawang kong sabi habang naghahalo ng sabaw. “Ganyan din naman tayo ah? It felt like; I can't last a day without seeing you or hearing your voice, Cel." Natigilan ako sa sinabi niya. Naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko. Kahit kami ng dalawa ngayon ay feelin
Sayuri's PovMy heart was breaking by his vulnerability. Two months na ang nakalipas nung huli naming paguusap sa kuwarto niya, at narealized ko na mali ako, mali ako na pangunahan siya at iimpose sa kanya ang dapat niyang mafeel. I'm really a horrible person.Pagkatapos noon, parang hindi na ako nageexist sa mundo niya. Nagkakasalubong kami sa corridor pero si Yuki lang ang kinakausap niya. Hindi niya ako tinitignan sa mata, hindi na niya ako iniinis. For the past two months, he seems so alone in his world. Hindi maintindihan ng mga ka-eskwela namin ang nangyayari sa kanya. Pero ako gets na gets ko. Hindi na siya nagpapanggap. The fake Timothy was gone.At madaming nalungkot doon, lalo na ang mga babae. Pero madami pa ring na-curious sa mysterious at dark niyang aura, lahat gustong malaman kung anong nangyari sa hari. Kaso, wala siyang pinapansing kahit sino, puwera lang sa mga teachers. Tila tumitigil ang mundo kapa
Yuki's Pov Si Timothy. Ilang araw din siyang nakakulong sa kuwarto niya at nanonood ng mga lumang movies, tapos puro junkfoods ang kinakain. Pagkatapos ay nag-adik naman siya sa sports. As in heavy work out. Mas gusto ko pa siyang makita na nagpapakalunod sa pagkain sa kuwarto niya habang nanonood ng mga old cartoons kaysa magpaputok siya ng ugat sa kaka-work out. Simula noong araw na mag-usap kami ang laki ng pinagbago niya. Napapansin na siya ng mga tao dito sa school sa kakaiba niyang kilos, pero ok lang sa kanya. He's finally done hiding at hindi na siya sumasama sa mga jerks niyang kaibigan, laging ako ang kasama niya. As a best friend and future Psychiatrist, may mga naobserbahan ako sa kanya. Tila inilalayo niya ang sarili niya sa mundo, hindi na siya nakikipag socialize katulad ng dati.Hindi talaga siya nagsasalita, at lagi siyang nagbabasa ng libro, minsan English literature o kaya History books nagulat
Timothy's Pov We broke apart, and I knew from that moment, things will never be the same for us. I could never deny that the kiss was unreal, neither she. I stepped away from her. "Y-Yuki's gonna kill me," bulong ko. "N-no, Sorry, I'm the one who initiated so. Lord anong ginawa natin?" napatayo siya at nagpaikot-ikot sa kuwarto ko. "We just destroyed the five years of mutual hatred." "You hate me?" she suddenly stopped roaming around. Nailagay ko ang mga palad ko sa mukha ko. "You know, this is not the right time for something like this, I'm tired, stress and confused." Natahimik siya saglit at napabuntong hininga. "Me too, w-we kissed. What the hell is happening?! Recently, I hate you like hell," She whispered. "Pero napalitan na yon," sabi niya bigla. Napakunot noo ako. Biglang siyang namula at umiwas ng tingin. "A-ano, naisip ko lang 'yun nung akala ko k