Sayuri’s POV
Sunday 3 A.M
Nagising ako sa sunod-sunod na tapik sa mukha ko. Pupungas-pungas akong naupo at binuksan ang night lamp ko. Kinusot ko ang mata ko at nakita ko ang roommate ko na si Miaka Sandoval na nakatayo sa tabi ko.
"Ah,eh..Sayuri,” kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. Tila may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi. It took three minutes bago ko magets ang gusto niyang sabihin.
“Ok, fine I get it,” tumayo ako at binitbit ang blanket ko. Makikitulog na lang ako sa kuwarto ni Yuki.
Nadaanan ko sa living room ng unit namin ang boyfriend niya. Tinanguan lang niya ako at pumasok na siya sa kuwarto ni Miaka.
Hindi ito ang first time na napatalsik ako ng roommate ko para sa 'bonding' nila ng boyfriend niya. Apparently, hindi soundproof ang mga pader sa mga kuwarto kaya maririnig kung gagawa sila ng kakaibang sounds. Sasabihin ko na lang kay Yuki na nalulungkot ako kapag hindi ko siya katabi matulog. Yes, that's right; I'm Sayuri De Chavez, the clingy sister.
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko sabay hikab habang naglalakad sa corridor. Inaantok pa talaga siguro ako, Oo, namamalikmata lang ako nang makita ko si Timothy Blythe na lumabas galing sa kuwarto ni Kristina Oliveros looking satisfied.
Oh my gosh! May bonding din silang ginawa?!
"Manyak," I muttered under my breath, pero nalimutan kong sobrang tahimik sa corridor at umecho ang sinabi ko. Bigla siyang lumingon, may nakasubong kutsara sa bibig niya at may hawak siyang baso. Nasisinagan siya ng liwanag ng buwan, his hazel-brown eyes were glistening. Kumunot ang noo niya at narealized ko na hindi niya ako napansin.
Bigla akong kinabahan, nagtago ako sa may pader. Siguro naman makakaalis ako dito ng hindi nakikipagpatayan sa kanya. Ayoko siyang makita ngayon, naalala ko lang yung itsura niya habang kinakausap ko siya kagabi sa pintuan niya.
Peste! Hindi ito ang oras para magblush!
Nagkibitbalikat lang si Timothy at nagtuloy tuloy na sa paglalakad, for a moment, I saw something when the moonlight shined on him. May something sa mukha niya—umiyak siya?
No, no way, hindi umiiyak ang mga lalake. Napailing na lang ako at mabilis na lumabas sa tinataguan ko. Una tinaguan ko si Timothy, tapos iniisip kong umiiyak siya? Seriously, antok ka lang Sayuri.
Kasalanan ‘to ng boyfriend ni Miaka eh. Masyadong mahilig.
"De Chavez?"
Tila hinila pababa ng boses ni Timothy ang isip kong lumulutang sa ere. Napatingin ako sa bintana at huli na nang marealized kong nakatayo ako sa liwanag nang buwan.
"Satisfied with Kristina?" Pinadilatan ko siya.
Kunot noo siyang tumingin sa akin tapos tumingin sa kuwarto ni Kristina sabay kibit ng balikat.
"Super satisfied. Binigyan niya ako ng sample ng bago niyang milk tea recipee,” itinaas niya yung basong hawak niya.
Nang mga sandaling ‘yon ay gusto kong sampal-sampalin ang sarili ko. Gosh how did I forgot? Tina's Tea. Isa nga pala siyang culinary genius at the best ang mga naiimbento niyang recipee ng mga pagkain. Nakatikim na ako ng ice cream niya na Kalachuchi flavor at tila napunta ako sa langit nang mga sandaling ‘yon. Bukas siya mula umaga hanggang hapon at ang laki ng kinikita niya sa pagtitinda ng ice cream. Pero may rumors tungkol sa kanya na kapag pogi ka, bibigyan ka niya ng sample ng bago niyang recipee kapalit ng one week jowa challenge kasama siya.
"Ginagawa mo? Halos alas tres na ng madaling araw ah," sumubo ulit siya ng kinakain niya at tumingin nang kakaiba sa akin.
Tumingin ako sa ibang direksyon, may kakaiba sa boses niya, very weird. It feels so awkward talking to him at times like this.
"W-wala ka na don, I-kaw bat gising ka pa?”
"Wala ka na rin don," sagot niya sabay subo ulit.
"I’m j-just curious."
"Nagpapahangin lang," he sighed.
"At three in the morning?" hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Bangag tong isang ‘to.
"Walang pinipiling oras ang pagpapahangin,” sumimangot siya sa akin.
"Baka naman nangboboso ka lang?” inikot ko ng maigi ang kumot sa katawan ko.
His jaw clenched, bigla siyang humarap sa akin.
"Ano bang problema mo ha De Chavez? Oo I'm a jerk, pero hindi ibig sabihin non na kung sino sino ng kinakama ko! Hindi ako manyak!" Kitang kita ko sa reaction niya ang sobrang inis at kahihiyan?
"So, ibig mong sabihin-"
"Tumahimik ka na nga De Chavez!” singhal niya sa akin sabay subo ng ice cream.
"Wag mong sabihin, hindi ka atrracted sa girls?"
Hindi ko inisip kung anong puwedeng mangyari dahil sa sinabi ko. Hindi ko inisip ang magiging epekto sa kanya ng sinabi ko. Makikita na lang ba akong patay sa gitna ng hallway bukas? Cho-chopin ba niya ako? Itatapon sa ilog? Susunugin nang buhay? Dahil sigurado akong katapusan ko na ngayon.
"Binibigyan mo talaga ako ng rason para manakit ng babae, pero swerte mo dahil hindi ko gagawin yon, wag lang sana magdilim ang paningin ko at tanggalin kita sa kategorya ng mga babae. Wala kang idea kung paano umiikot ang mundo ko sa mga babae. Hindi ako magkakaganito ngayon kung yung kabilang team ang tipo ko."
I know I should listen to his words, but I got distracted by his eyes, medyo namamaga.
Ipinilig ko ang ulo ko at nakinig ulit sa kanya, ngayon naman may binabanggit siya na hindi marunong makinig ang mga babae. Nanlaki ang mga mata ko, tatalakan ko na sana siya pero tumingin siya sa akin. Oo natigilan ako sa tingin niya. Yung tingin na parang sinasabi niya ‘hindi mo ko pinapakinggan kaya wag mong akong subukang talakan.’
Natahimik ako. First time lang nangyari sa akin ‘to. Pitong taon ko na siyang kakilala pero kahit kailan hindi pa naiimply sa akin yung 'makuha ka sa tingin’ ngayon lang. Parang hindi ko matanggap. It can't exactly be a good thing, are we being civil with each other? Ito ang first time na nagkausap kami na walang sigawan na naganap.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko De Chavez, bakit gising ka pa at nakabalot ka ng kumot?"
"Makikitulog ako sa kuwarto ni Yuki,” I said in a tired voice.
"Bakit? May binabalak kang kalokohan? Mag pe-personality swap ba kayo ni Yuki?"
"Hindi ah, yung rommate ko, maguusap daw sila ng BF niya, she's the female version of you."
"Oh, Good looking, rich and irresistable?" mayabang niyang tanong.
"You're wrong. She’s a girl who likes boys more than her talent, and you? Irresistable? Pinapatawa mo ko, mga one hundred million," pairap kong sagot sa kaniya.
He cursed under his breath, tapos binigyan nanaman niya ako nang masamang tingin.
“Alam mo, huwag kang umasta na akala mo kilalang kilala mo ako, napipikon na talaga ako sa ugali mo!” Nagsisimula nang tumaas ang boses niya.
"Oh please, Blythe. Hindi naman kita kailangan kilalanin nang mabuti dahil alam ko namang wala akong mapapalang maganda sayo. Huwag kang masyadong pa-deep.”
Mukhang na offend siya sa sinabi ko, he looked a little upset.
"Ikaw ang huwag magpa-deep dahil sa ating dalawa yang utak mo ang mas mababaw. Napaka dali mong basahin," ngumisi siya pagkasabi noon. I don’t like it when he smirked like that.
"Ah talaga Blythe? Para sabihin ko sayo, ni hindi aabot sa isang kutsarita ang mga bagay na alam mo tungkol sa akin!" I spat at him.
"Nako Ms. De Chavez, mali ka ata dyan," umiling-iling si loko na parang sure na sure a sinabi niya.
"Hindi mo ako kilala Blythe! You don't know a single thing about me!" I hissed, giving him a death glare.
"And how about you? may alam ka ba sa akin para magsalita ka ng below the belt na katangahan? You don't even know my birthday--"
"February 29," nginisian ko siya. Mukhang nagulat siya pero saglit lang, tapos ngumiti siya.
"Nice, pero saang lugar ako pinanganak?"
I opened my mouth to reply but then I stuttered, "Uhm.." kasi wala akong idea kung saan siya pinanganak. Pero who cares! "Eh paki ko ba kung san ka pinanganak? Malamang dito sa Pilipinas!"
Umiling siya na parang disappointed.
"Just face it De Chavez- you hate me, but you don't know a single thing about me. You’re being a troll. Daldal ng daldal wala naman talagang alam,” nakangisi siya habang pinaglalaruan ang dulo ng kutasara. Sa sobrang inis ko, at nagiging impulsive nanaman ako, binuksan ko ang armalite kong bibig at;
“Pustahan tayo,” taas noo pa ang pagkakasabi ko noon.
Para sa isang average na nilalang katuwaan lamang ang makipagpustahan. Pero dito sa Strawberry Fields Academy, ang simpleng term na 'pustahan' ay isang mapanganib na bagay. We, rich kids don’t take that lightly, we take it very seriously. Example na lang ‘yung kakatapos lamang na human auction. Siguro iniisip ng iba na wala kaming magawa sa mga pera namin kaya kung anu-ano na lang ang ginagawa naming kalokohan.
Ngumisi siya, tila nagustuhan niya ang idea.
"Ok what's the deal?"
"Padamihan ng malalaman tungkol sa pagkatao ng isa’t isa,” huminga ako ng malalim at ngumiti nang nakakaloko.
"At kung sinong matalo, kailangang mag drop-out dito sa Strawberry Fields Academy,” dagdag ko pa. Masyado akong mapangahas sa mga sinasabi ko pero kung extreme na kalokohan lang din naman ang pag-uusapan, sasagarin ko na.
Tila napaisip naman siya sa sinabi ko, oo nga naman, ang pamilya niya ang top benefactor ng school na ‘to tas siya ang mapapaalis? Mapapaisip talaga siya don! Tapos bigla siyang ngumiti na parang may naisip na naman na kagaguhan.
"Fine, pero may gusto lang akong idagdag, para naman maging exciting ‘tong larong sinimulan mo."
"Shoot it."
"Kapag nanalo ako, you'll be my servant until the last day of this school year, susundin mo lahat ng gusto ko, as in lahat. Kapag naipahiya na kita sa buong campus, aalis ka na dito."
"Deal. Pero don’t get your hopes too high, kasi kasing liit ng porsyento na magkacrush ako sayo ang chance mong manalo sa deal natin,” I said mockingly. Wala na talagang preno ang bibig ko.
Parang biglang nagliwanag ang mga mata niya at ngumiti siya na kagaya nung Cheshire Cat sa Alice In Wonderland. Ang gago talaga.
"Parang mas interesting yung sinabi mo ah,” lalong lumawak ang ngiti niya.
Napalunok ako, kinabahan ako bigla. Ayoko na yung mga ngiti na ibinibigay niya ngayon sa akin!
"Let's add the impossible. Make me 'want' you," unti-unti siyang lumapit sa akin. Napapaurong ako sa ginagawa niya. Hindi ko na gusto kung san ‘to napupunta. Ayokong magmukhang duwag sa harap nitong lalakeng ‘to pero natatakot na talaga ako.
"Matalino ka diba? Oh geez, kailangan ko pa bang i-elaborate? You know what is ‘want’ between a girl and a boy right? Make me fall for you,” napapikit ako nang madiin nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Hahalikan niya ako! Pero ilang minuto ang lumipas wala akong naramdaman. Nagmulat ako. Did I just anticipate that he would kiss me??!
"Gulat ka no? Don't worry, papainlabin mo palang ako sayo, saka na ang kiss ok?” tinapik niya ako sa balikat.
Kumurap kurap ako, at nakabalik na ko sa earth.
“At idagdag ko lang. Bawal ka magtanong kay Yuki,” effortless niyang sabi sabay kain ng huling ice cream sa baso niya.
"You're acting so cocky Blythe. Hinding-hindi kita hahalikan at hinding-hindi ako magkakagusto sayo!” I finally regained my feisty personality.
"Huwag kang pakasigurado De Chavez, I can make you fall for me in a short period. Sinisigurado ko sayo, you'll be begging for my kiss in front of the whole student body. See you later. I'll be expecting you to our soccer practice. Be my personal cheerleader,” litanya niya at nilayasan na niya ako.
Pakiramdam ko literal na umuusok ang ilong ko sa galit. Napangisi na lang ako sa sarili ko, beg for his kiss? Make me fall for him? Ha, Blythe boy, wait in a million years!
Sayuki's Pov Sayuri is my twin sister and I love her. Sayuri is my twin sister and I love her. Sayuri is my twin sister and I love her. I love her kahit ginising niya ako nang alas kuwatro nang madaling araw, para magkape, dahil kailangan daw niya ng makakausap pero hindi naman siya nagsasalita. Halos one hour na ang lumipas at stagnant pa rin siya. Ineexpect niya na mahuhulaan ko ang problema niya with my twin ESP. Puyat ako. Hindi ako umiinom ng kape. But I lover her. She's my twin and I love her. My sister is a mute. “Hindi ka pa ba magsasalita?!” I snapped at her. Nagulat ata siya kaya natapon sa kamay niya yung kape. Napabuntong hininga ako, ang sakit ng mata at ulo ko dahil kulang pa ako sa tulog. Pinunasan ko ang kamay niya gamit ang tissue. "Sorry sis," sabi ko habang pinupunasan ang natapon niya. "Ok lang, alam ko inaantok ka pa," she sighed. Sigurado akong malaki
Sayuri's POVNalaglag ako sa kama nang tumunog sa tapat ng tainga ko ang alarm clock. Akala ko pinagtritripan nanaman ako ni Timothy Blythe. Kinusot ko ang mga mata ko, lumabas ng kuwarto at sinilip si Miaka sa kuwarto niya, it's almost 2 in the afternoon. Kasalanan niya 'to lahat eh! Kung hindi niya ako pinaalis hindi ako mapapagod physically and mentally.Hindi sana nangyari 'yung pustahan na 'yun.Magbabayad kang Miaka ka. Malandi ka.Tinignan ko pa siya nang matalim ng may mapansin ako sa kama niya. Oh my God! Napabalik ako sa kuwarto ko. There were four pairs of feet under her matress. Don't tell me halos maghapon na silang ganyan ng boyfriend niya? That's disgusting!Napailing akong pumasok sa banyo at nagsimulang maligo. Busy ako sa pagkukuskos ng katawan nang sumagi sa isip ko ang hinay*pak na si Timothy Blythe. Na nakatowel lang. What the heck is happening to me? Natotoxic na masyado ang utak ko sa sobrang pagpupuyat
Umiiyak ang isang bata habang naglalakad sa madilim at mahabang pasilyo ng isang malaking bahay. Nakarating siya sa tapat ng isang malaking pinto. Napasigaw siya nang may humawak na malamig na kamay sa maliit niyang balikat at pilit siyang iniharap.Humihikbi ang bata sa takot. Nagsimulang magalit ang babae nang magsimulang umiyak ang bata.Nanlisik ang mga mata ng babae."Ayoko ng umiiyak! Nabibingi ako sa iyak mo!" sigaw ng babae na halos matumba ang bata sa lakas ng boses niya. Sinampal niya nang pagkalakas ang bata. May umagos na dugo mula sa gilid ng bibig ng bata."Hindi ka titigil?! Ilang beses ko ng sinabi sayo na dapat kapag uuwi ako malinis ang bahay! Eh bakit ang dumi-dumi?! Nagkalat ka nanaman! Ang baboy baboy mo! Madumi ka! Madumi!" Paulit-ulit niyang niyugyog ang batang walang tigil sa pag-iyak, halos magsuka na ito dahil sa hilong naramdaman."Alam mo kung anong ginagawa sa mga batang salbaheng kagaya mo?! Kinukulong sa bodega!
12 Years AgoNakaupo ang mag-asawa sa harap ng doctor, naghihintay ng resulta sa ginawang test sa kanilang anak. Huminga nang malalim ang doctor at binuksan ang papel na naglalaman ng isinagawang test.Napaiyak ang ginang matapos marinig ang resulta na binasa ng doctor."It's a serious case, pero hindi ko akalain na sa ganitong edad ay nagmamanifest na sa kanya ang mga sintomas. This will have a long-lasting effect on his behavior as he grew older if hindi ito magagamot. Mahihirapan siyang magcope sa kanyang buhay hangga't patuloy na natitrigger ang alaala ng traumatic experience niya," malumanay ngunit may halong kalungkutan na sabi ng doctor."Hindi ko mawari doc kung paano nangyari ito sa anak namin. Pero ano po bang puwede ninyong gawin para mapigilan 'to?" alalang tanong ng ginoo.Matagal silang tinignan ng doctor. Ilang saglit pa ay tumayo ang doctor at lumapit sa kanyang medicine cabinet. Tila may pinindot siya
Call me a loser. Yeah I'm the biggest loser of all. I just stood still when I'm supposed to kick him down there or slap his face until his head was no longer part of his body. But no, I DIDN'T DO ANYTHING. Kinamumuhian ko siya, kinamumuhian ko ang bawat hibla ng pagkatao niya. Kinamuhian ko siya simula noong araw na dumating siya dito, simula noong araw na binili niya ako sa pesteng auction na yon.Pero bakit wala akong ginagawa? Bakit tila gumagalaw ng kusa ang mga labi ko at tinutugon ang bawat galaw niya? My God Sayuri! He just told me he was going to show me what a manwhore can do! Isn't that the same as rape?! Bakit hindi ako nagwawala? Bakit hindi ako sumisigaw at humihingi ng tulong sa kapatid ko para siya na ang pumatay sa bastardong ‘to! bakit..bakit hinihimas ko ang mga braso niya?! At bakit hinahayaan ko lang na gumapang ang palad niya sa dibdib ko?He's molesting me!No, Sayuri, it's not molestation if it's consen
“Yeah, welcome ka nga dito, Pero hindi kay De Chavez. Therefore I’m kicking you out of this school,” humalukipkip na sagot ni Timothy.“Sira ka ba?! May gusto ka ba kay Sayuri?! Hoy De Chavez sinumbong mo ba na nilakasan ko ‘yung heater sa shower mo noong isang araw?!” galit na baling sa akin ni Kervin. Lalong dumilim ang aura ni Timothy.“Ang mga lalakeng nang a-assault ng mga babae—kahit kamukha pa ‘yan ng pinakapanget na nilalang sa buong mundo—ay walang karapatan dito sa mundo—lalo na sa school na pinaghaharian ko,” I can sense danger in his tone. Kinakabahan ako sa puwede niyang gawin.“Oh so papatayin mo na ako niyan?” aroganteng tanong ni Kervin pero nakakuyom na ang kamao niya.“Hindi, pero sigurado ako yung tatay mo oo. Seriously Kervin, hindi porket nagdonate ng maliit na halaga ang tatay mo dito sa school ay puwede mo nang abusuhin ang mga
Yuki's Pov Hindi maganda ang pakiramdam ko dito sa nangyayari ngayon. Parang kailan lang, walang ginawa ang kakambal ko kundi magkulong sa study room niya. Walang pakialam kung anong itsura niya, walang pakialam kung umabot na sa talampakan ang buhok niya. Puro luma ang damit, kapag December lang bumibili kasi kailangan sa Christmas Party. And now, here we are, sorrounded by clothes and confused on what to buy. At hindi ko siya pinilit dito, siya ang nagyayang pumunta dito. Ginising niya ako ng maaga para lang magshopping. Akala ko nagis-sleep talk lang siya o bangag lang ako; hindi ko akalain na seryoso pala siya. Kailan pa naging normal na dalaga ang kapatid ko? "Yuki? Hindi ka pa ba tapos?" tanong niya sa labas, ang tooto nakaupo lang ako sa loob at naglalaro ng ML. "Malapit na," sagot ko at ibinulsa ang phone ko sa six pocket ko. Kinuha ko yung shirt na pinili ko at isinuot, tapos lumabas na ako.
Chapter 12- Ako na nga ang tumulong! Timothy’s Pov I was 10 years old nang malaman ko ang totoong konsepto ng pagkakaibigan, noong araw na dinala ako ng parents ko sa Strawberry Fields Academy. Before I came here I don’t know the feeling of having a friend, playmates or buddy. I was a lonely boy for the first nine years of my life. ‘Yung mga anak ng iba naming kamaganak ay hindi pinapayagang makipaglaro sa akin. I was rejected by my own family, I only have my mom and my dad. Kapag may family reunion iniiwan lamang nila ako sa yaya or sa tutor. Kapag umuuwi sila galing sa reunion their faces were grim, as if they went into a war. I ask them why, they said I’m too young to know. But as I grew older, the reasons became clear; I was the bad luck child. Coming here at Strawberry Fields gave me a sense of importance, everybody likes me, I found friends here. This is my true ho
"Si Florencio Andaya ay inaanak ng yumaong ama ni Andres," walang kaabog-abog na pahayag ni Yuki habang naglalakad sila pabalik sa inn. "Hindi kailanman niligawan ni Florencio si Diana, gayunpaman naging very close sila. Dahil si Florencio ay isang tagong bading. Itinuring daw na matalik na kaibigan ni Florencio si Diana dahil naiintidihan nito ang mga hirap niya sa pagtatago ng pagkatao. Kapag dumadaong dito ang kargo nila Florencio noon kina Andres agad siya dumederetso, dinadalhan niya ng kung anu-ano si Diana." "At nagselos sa kanya si Kuya Andres?" "No, sabi mo nga hindi seloso ang kuya mong 'yon. Noon. And I believe you. Kilala si Andres dito, he's a confident man. Smart, isa siyang guro. Magugustuhan ba siya ni Diana kung hindi? Ang pagiging close nina Florencio at ng ate mo ay ginamit ni Aling Melinda. You see, there are cases when the mother-in-law is so possessive and jealous of her son, lalo na kung nag-iisang anak na katulad ni Andr
"Celesteee!" Hinabol siya ni Yuki at pilit na inalis sa tubig. Wala siyang puwang sa lugar na 'to, ayaw na niyang manatili pa ni isang segundo sa bayan na 'to. Bakit mo 'to nagawa ate Diana? Bakit mo 'to nagawa sa amin? "Celeste, ano ba, maghunusdili ka!" "Ang sulat na 'yon Yuki! Sapat nang ebidensiya 'yon sa kataksilan na ginawa ng ate ko. Sulat kamay niya 'yon. Dahil sa kanyang ginawa ay nagpakamatay ang asawa niya! Sinira niya ang sarili niyang pamilya. Dapat na tayong umalis dito Yuki!" "Hindi pa rin ako naniniwala Celeste! Hindi 'yon magagawa ng ate mo! 'Yung sulat, rough draft lang 'yun." "Ano pa bang dapat nating isipin Yuki?! Kilala ko ang sulat kamay niya simula pagkabata!" "You just don't want to believe that Diana never left this town at all. Your mind refuses to consider the possibility that she was murdered, and that's understandable." "Yuki, I am matured enough to accept things that I can't change. Kaya kon
Third Person Of View "Halikayo..." binuksan ni Aling Melinda ang pinto ng kanyang tahanan. Sa sala na may sementadong sahig na kulay pula magkatabing naupo sina Yuki at Celeste, kaharap si Aling Melinda na kay Yuki lamang nakatingin. Tila hindi katabi si Yuki sa asal na ipinapakita ni Aling Melinda. "Sino 'yong Gary na nagpadala sa'yo ng sulat?At bakit pinadalhan ka ng ganyang sulat?" tanong ni Aling Melinda na hindi ngumingiti. "Kilala n'yo siguro si Gary, Aling Melinda," sabi ni Yuki. "Wala akong kakilalang Gary na taga rito sa amin. Iharap mo sa akin 'yang Gary na 'yan." "Aling Melinda-" "Kusang sumama sa kargador sa may pantalan ang Dianang 'yon. Mali 'yang nasa sulat na 'yan. Ang balita dito ay taga Marinduque, Florencio ang pangalan." Sabi ng matanda na nagpukol ng masamang tingin kay Celeste. "Florencio Andaya," sambit ni Yuki. "Andaya o An
Starting from this part until the end of Summer Arc will be told in Third Person's POV May sinag na ng araw sa bintana ng kuwarto ni Yuki nang magising si Celeste. October 14. Huwebes. Wala si Yuki sa tabi niya. Napansin niyan may iniwan itong note sa lamesita. Binasa niya ang nakasulat: Cel, Sumaglit lang ako sa kabilang bayan. I'll be back before noon. Binilhan na kita ng almusal mo. Love, Yuki. Parang gusto niyang mainis. Mag-isa siyang nag-almusal. Bakit hindi ako hinintay ni Yuki magising bago umalis? Parang wala lang sa kanya 'yung nangyari samin kagabi, inis niyang bulong sa sarili at pagkatapos mag-almusal ay naligo na siya at nagbihis. Paldang maong, blouse na maluwang na polo shirt style pero walang kuwelyo, kulay dilaw. Naisipan niyang magpunta sa palengke upang bumili ng ingredients s
Celeste's PovSandali kaming natahimik dahil sa nangyari. Hinahanap ko ang aking boses pero hindi ito lumalabas."Ang mabuti pa para maging malinawag 'kung ano ba talaga ang nangyari ay puntahan ninyo ang bahay ng biyenan ni Diana, si Aling Melinda. Siya ang kasama ng mag-asawa sa bahay at siya lang ang makakapagpatunay 'kung ano ba talagang nangyari," suhestiyon ng ale. Tumango ako at inutusan ng ale ang driver na ihatid muna kami sa bahay ng biyenan ng ate ko.Mag-aalas-kuwatro ng hapon nang kumatok kami sa bahay ni Kuya Andres. Shocked pa rin ako at di ko pa rin matanggap na patay na ang aking mabait na bayaw.Si Aling Melinda, ina ni Kuya Andres, ang nagbukas ng pinto. Agad kong kinuha ang kamay niya upang magmano. Nakakunot-noo ang matanda, atubiling ibinigay ang kamay niya sa akin."Mano po, Inay Melinda," ngumiti ako sa kanya."Hindi na po ninyo siguro ako nakikilala, ako po si Celeste."Nawala an
The half of the summer arc will focus more on Yuki and Celeste. Timothy and Sayuri's story will continue after the summer arc. Celeste's Pov “Babalik din ako agad sa dorm two weeks bago mag-start ang summer class. Kamusta naman si Sayuri?” Iniipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko habang nagluluto ng soup para sa ima (lola) ko. “Ayun nagsi-simula ng ma-love sick cow kasi uuwi si Timothy sa kanila sa susunod na linggo,” sagot ni Yuki mula sa kabilang linya. “Grabe, parang dati halos isuka nila ang isa’t-isa tapos ngayon parang di na sila mabubuhay kapag di nila nakikita ang isa’t-isa,” natatawang kong sabi habang naghahalo ng sabaw. “Ganyan din naman tayo ah? It felt like; I can't last a day without seeing you or hearing your voice, Cel." Natigilan ako sa sinabi niya. Naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko. Kahit kami ng dalawa ngayon ay feelin
Sayuri's PovMy heart was breaking by his vulnerability. Two months na ang nakalipas nung huli naming paguusap sa kuwarto niya, at narealized ko na mali ako, mali ako na pangunahan siya at iimpose sa kanya ang dapat niyang mafeel. I'm really a horrible person.Pagkatapos noon, parang hindi na ako nageexist sa mundo niya. Nagkakasalubong kami sa corridor pero si Yuki lang ang kinakausap niya. Hindi niya ako tinitignan sa mata, hindi na niya ako iniinis. For the past two months, he seems so alone in his world. Hindi maintindihan ng mga ka-eskwela namin ang nangyayari sa kanya. Pero ako gets na gets ko. Hindi na siya nagpapanggap. The fake Timothy was gone.At madaming nalungkot doon, lalo na ang mga babae. Pero madami pa ring na-curious sa mysterious at dark niyang aura, lahat gustong malaman kung anong nangyari sa hari. Kaso, wala siyang pinapansing kahit sino, puwera lang sa mga teachers. Tila tumitigil ang mundo kapa
Yuki's Pov Si Timothy. Ilang araw din siyang nakakulong sa kuwarto niya at nanonood ng mga lumang movies, tapos puro junkfoods ang kinakain. Pagkatapos ay nag-adik naman siya sa sports. As in heavy work out. Mas gusto ko pa siyang makita na nagpapakalunod sa pagkain sa kuwarto niya habang nanonood ng mga old cartoons kaysa magpaputok siya ng ugat sa kaka-work out. Simula noong araw na mag-usap kami ang laki ng pinagbago niya. Napapansin na siya ng mga tao dito sa school sa kakaiba niyang kilos, pero ok lang sa kanya. He's finally done hiding at hindi na siya sumasama sa mga jerks niyang kaibigan, laging ako ang kasama niya. As a best friend and future Psychiatrist, may mga naobserbahan ako sa kanya. Tila inilalayo niya ang sarili niya sa mundo, hindi na siya nakikipag socialize katulad ng dati.Hindi talaga siya nagsasalita, at lagi siyang nagbabasa ng libro, minsan English literature o kaya History books nagulat
Timothy's Pov We broke apart, and I knew from that moment, things will never be the same for us. I could never deny that the kiss was unreal, neither she. I stepped away from her. "Y-Yuki's gonna kill me," bulong ko. "N-no, Sorry, I'm the one who initiated so. Lord anong ginawa natin?" napatayo siya at nagpaikot-ikot sa kuwarto ko. "We just destroyed the five years of mutual hatred." "You hate me?" she suddenly stopped roaming around. Nailagay ko ang mga palad ko sa mukha ko. "You know, this is not the right time for something like this, I'm tired, stress and confused." Natahimik siya saglit at napabuntong hininga. "Me too, w-we kissed. What the hell is happening?! Recently, I hate you like hell," She whispered. "Pero napalitan na yon," sabi niya bigla. Napakunot noo ako. Biglang siyang namula at umiwas ng tingin. "A-ano, naisip ko lang 'yun nung akala ko k