Timothy’s POV
Oh Boy, puwede na siyang maging boksingera. Literal na may circle sa paligid ng mata ko, nangingitim. Hindi ko maimulat.She looks so satisfied after what she did and just me left me there crumpling in pain. Dinala ako ng mga ka-team ko sa clinic. Man, sumama ang pakiramdam ko. Inuusig ako ng konsensya ko, magsorry daw ako sa boksingerang 'yon. At bakit? Siya 'tong nanakit sa akin. Siya ang dapat magsorry.
Napangisi na lang ako, imposible kasi mangyari 'yon eh. Mas mataas pa sa Eiffel Tower ang pride niya.
"Uy Sir. Timmy class hour ah, anong nangyare sayo?" Pumasok ang roommate kong nagse-celebrate ng heartbreak. Napatayo naman ako, oo nga pala, hindi ako nakapagbigay ng excuse slip. Natigilan naman siya nang makita ang mukha ko.
"Ang panget mo Sir.Timmy!" Maluha-luha siya sa kakatawa sa akin.
"Thanks ha!" sarcastic kong sagot habang nilalapatan ng cold compress ang black eye ko.
God, I'll hunt you down De Chavez!
Lumabas na ako ng clinic. Dumeretso ako sa girl’s dorm. Well, bawal ang lalake sa dorm nila. Pero sino ba ako sa tingin nila? Puwede kong puntahan kahit anong lugar na gusto kong puntahan dito. Wala akong pake kung may higher year na magalit sa akin dahil sa paglabag ko sa rules, I have a mission—search and destroy Sayuri De Chavez.
"Hi! Sir. Timmy- whoah! Anong nangyari sa perfect face mo?!" Napairit na sabi ng isang lowerclassman. Napapikit ako sa inis, hindi lang dahil sa black eye kundi dahil sa sakit ng ulo na binibigay sa akin ng Sayuri na 'yon. Wala siyang pakialam kung masira niya ang pinakaiingatang yamashita treasure ng Strawberry Fields Academy—my face.
Good Lord, De Chavez has made me bitter. Tuloy-tuloy ako, hanggang sa makita ko siya sa girl’s common room (living room ng mga dorm) nanlaki ang mata niya nang makita ako, hanggang sa napalitan ito ng iba't-ibang emosyon, galit, gulat and apologetic look.
"Oh hello Mr. Blythe, Buti dumating ka na."
Napakunot noo ako. Oh, so hinihintay niya ako? Ang prinsesa ng kadiliman ay hinihintay ako? Dapat na ba akong matuwa? Kailangan ko na bang magpapansit dahil dito?
"Sa tingin ko may kaylangan kang panagutan," ngumisi ako sa kanya.
Binigyan naman niya ako ng 'Duh' look. "Hey, baka nakakalimutan mo, nasa girl's dorm ka."
Puwede ko na ba siyang bigwasan sa harap ng mga estudyanteng 'to? As in ngayon na. Tumayo siya, sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay niya at tumingin nang seryoso sa akin.
"Well, I believe I deserve an apology, " she stated in a matter-of-fact tone. Literal na nalaglag ang panga ko.
Nagpapatawa ba siya? Ako? Si Timothy Blythe, do not- I repeat,-do not- apologize! I never have in my life! Kung kasing taas ng Eiffel tower ang pride niya, puwes kasing layo ng buwan ang chance na magso-sorry ako sa kanya!
"Naghihintay ako," humalukipkip siya habang taas-noong naghihintay na magsalita ako. Sige maghintay ka hanggang sa magyelo ang araw.
Sayuri's Pov
Believe it or not, may plano akong magsorry sa kanya. Kinausap ako ni Yuki at sinabihan ako na hindi ko dapat sinuntok si Timothy. At bakit sino ba siya? Bagay lang sa kanya 'yon! Gagawin ko na sana eh.
"Hudas kang babae ka," napailing niyang sabi sa akin sabay talikod paalis. Laglag ang panga ko at tila umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Wala pang tumawag sa akin nang ganoon. That's foul!
"Hoy Blythe bumalik ka dito!" umalingawngaw sa buong dorm ang sigaw ko.
“Freak!” sigaw niya pabalik. At doon sumabog na ang boiling point ko, sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon.
"Mamatay ka na Blythe! Gago! Impakto!" masaya sanang makita siyang tumatakbo papalayo dahil sa takot. Pero hindi eh, tumigil lang siya, dahan-dahan siyang lumingon sa akin at binigyan ako nang nakakamatay na tingin, nag-aalab sa galit ang mga mata niya.
"Aba, De Chavez, baka nakakalimutan mo kung sino ang nakabili sayo?" he asked in an icy tone, dahan-dahan siyang lumapit sa akin. At tumigil siya nang sobrang lapit na niya, I got a little bit of scared.
Tikom lang ang bibig ko, inihahanda ko na ang kamao ka para sapakin siya ulit. Pero kinuha niya ang kamay ko bago ko pa magawa.
“You know na hindi ako nananakit ng babae eh. Huwag mong hintaying ikaw ang unang masampolan.”
What?! Ang kapal ng mukha niya pagbantaan ako! Hudas! Barabas! Hestas! Satanas!
"Impak-" pero pinutol niya kung ano mang sasabihin ko.
"Mag-ingat ka De Chavez, wala sa usapan ang pagbibigay ng gagong pet name, boksingerang angry bird!”
"And what do you think of yourself? Jerk!"
"You’re an outrageous tomboy!"
"Sunog-bagang ugok!" sigaw ko sa kanya.
"Annoying Witch!”
“Gagong unggoy!”
"Ah, so, labasan na ng hayop na ugali ang gusto mo?" pacool niyang sabi pero bakas pa rin doon ang galit.
"Manyak na baboy!" sigaw ko sa kanya. Yeah, this is going nowhere. Totoo naman 'yon, isa siyang womanizing piglet.
Sasagot pa sana siya pero nakaisip na ako ng mas malupit na pang-inis sa kanya.
"You’re nothing but an idiot Spoiled brat. Kaya ka lang naman nandito eh dahil sa pera ng magulang mo. Who cares kung sila ang main benefactor ng school? I don’t even know kung pasok pa ang IQ mo sa borderline, You’re nothing but a brainless asshole.”
Okay, I’m playing dirty now. Pero bagay lang sa kanya 'yon! Kasalanan niya 'to lahat!
“Are you calling me a spoiled brat?” he growled, for some reason, natakot ako sa tono niya.
“O-Oo!” ninenerbyos kong sagot.
Tumitig lang siya akin, pagkatapos ay tinalikuran na niya ako. Pabagsak niyang sinarado ang pintuan ng common room, na ikinagulat ng mga nasa labas. Lumapit sa akin si Yuki at pumasok kami sa kuwarto ko. Malamang sesermonan nanaman niya ako sa ginawa ko. Kaya inunahan ko na siya bago pa siya magsalita. Dahil sa stress ko kay Blythe ginawa kong stress ball ang mukha ni Yuki.
"Aba! Kasalanan ko bang pikon siya?! Siya itong sumugod sa dorm pikon naman! Seriously, if you want to blame someone, blame the woman who conceived him, kasalanan niya kung bakit may Timothy Blythe sa mundong 'to!"
"Yuri-" hindi ko na siya pinatuloy, alam ko na kung sinong kakampihan niya.
"Don't you dare, Sayuki."
"Wala akong planong kalabanin ka Yuri. Gusto ko lang sabihin sayo na mapupunit na ang mukha ko sa ginagawa mo.”
Napakunot ang noo ako at itinigil ang ginagawa kong pagpisil sa mukha niya. Ang kapatid kong nagmukhang mansanas sa pula.
"Sorry bro," I apologized affectionately at niyakap sya sa likod. Ganun kami kasweet. Kambal nga eh.
"Grabe talaga ang temper mo Yuri, beyond compare. Hindi mo siya dapat tinawag na spoiled brat," umiiling na sabi ni Yuki.
"He is a spoiled brat!" pasigaw kong sabi at pinaghahampas ko ang ibabaw ng Biology book ko.
"Well, Sayuri. Baka nakakalimutan mo, at aminado ako, spoiled din tayo kagaya niya. May tig-isa tayong limousine, may driver, may sarili tayong isla, we go to this super expensive school-"
"We are nothing like Timothy Blythe! Siya mahal siya ng pamilya niya. I bet proud ang parents niya na gifted ang anak nila. Ang saya-saya niya kapag nakakauwi siya sa bahay nila kapag Christmas, new year, holloween, birthdays. I bet lagi siyang kinakamusta ng parents niya. We may be rich Yuki but we are not spoiled! Kasi walang pakialam ang mga magulang natin sa atin!"
"At paano mo naman nasabi na hindi pinagdadaanan ni Timmy ang nangyayari sa atin? Malay mo kagaya natin siya, ayaw sa kanya ng parents niya kaya dito siya pinadala," mahinahon pero seryoso ang mga tingin ni Yuki sa mga mata ko.
Naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong laging tama ang mga sinasabi ni Yuki, laging parang 'jokes are half meant' ang mga banat niya. Kayang kaya niyang i-analyze ang mga bagay nang maayos, samantalang ako nauunahan ang init ng ulo.
"So are you telling me that I should go and apologize to him?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Ok, alam ko na sagot. Nagbuntong hininga ako at dumeretso sa pinto.
"Fine, magsosorry ako sa kanya kasi tinawag ko siyang gago, impakto, narcissistic na idiot. At magsosorry ako sa pagtawag sa kanya ng spoiled brat."
"So, finally, you’re admitting that you're subconsciously feeling guilty about your fight," ngumiti ang kapatid ko sa akin at iniwan ako doon na nag-iisip kung tama pa ba ang mga ginagawa ko.
Masyado ng masakit ang ulo ko ngayon dahil sa lalakeng 'yon. Pagkatapos ng dramatic naming paguusap ay lumabas din ako para magpalamig ng ulo. Pero hindi naging madali ang paghahanap ko ng kapayapaan, dahil puro gossip tungkol sa akin ang naririnig ko. Trending ang pag-aaway namin sa buong school. Mga chismosa! Mga palaka! Walang ibang ginawa kundi pag-usapan ang buhay ng ibang tao! Minsan iniisip ko tuloy kung gifted children ba talaga lahat ng bata dito? Eh bakit ganon sila? Parang hindi sila tine-train para maging Dancer, Singer, Doctor, next Einstein, next Da Vinci, just to name a few of our future profession. Nakakainis, I guess they're trying hard to be amazingly mediocre.
Nagkulong ako sa study room ko at nagsimulang pagdiskatahan ang mga libro na nakatiwangwang doon. Kailangan kong idivert ang stress ko. Kailangan ko ng shock absorber. Nakakainis! Hindi naman sa naguguilty ako, bakit naman ako maguguilty sa ginawa ko?! Serves him right! Siya itong nanguna!
Timothy's Pov
Spoiled brat? Isn't she a little hypocrite? Wala siyang alam! Wala siyang alam kaya wala siyang karapatan na gaguhin ako! Ang lakas talaga ng apog niya! Pareho lang naman kaming naliligo sa pera ng magulang namin, kagaya ng lahat ng bata dito! Hypocrite! Foul! Freaking monster!
She'll get what she deserves.
Badtrip tong shower na 'to ah, bakit ang init masyado ng tubig? Anong tingin nila sa mga tao dito karne ng baka? kailangan pakuluan?
Agad-agad akong nagtatalon paalis sa kumukulong shower, pero dahil masyadong pre-occupied ang isip ko, hindi ko napansin ang nilalakaran ko. Nadulas ako sa hindi nabuhusang shampoo at naglanding ang tailbone ko sa matigas na tiles. Puro katangahan! Puro kamalasan!
Kasalanan lahat 'to ng babaeng 'yon! Binigyan niya ako ng maagang pamasko, isang malaking pasa na magiging kasize na ng America bukas.
This is what I get after I paid a million, What a bargain. Paika-ika akong lumabas sa banyo at naglagay ng towel sa bewang. Magsusuot na ako ng dapat isuot nang may kumatok sa pinto.
Siguro si Tiw-tiw nanaman 'to! Naiwan na naman niya ang susi niya. Napaka absent minded, paano kaya siya nakapasa dito? Inis kong binuksan ng maliit ang pintuan, hanggang dibdib ko lang ang inilabas ko. Grabe dude ang sakit ng tailbone ko kapag nakilos. This is torture man.
"Puwede ba Tiw, ipulupot mo na lang sa leeg mo ang susi mo para hindi mo mamisplaced! Sa susunod na gisingin mo ako gamit ang megaphone sa madaling araw, I will get your long nose out of this school—“ natigilan ako nang marealized ko kung sino ang nasa labas ng pinto.
Behold, the beautiful devil ascended into my suite.
"Oh ano nanaman?" masungit kong tanong. Wala ako sa mood makipag lokohan sa kanya ngayon, may black eye ako at masakit ang puwet ko!
"Di ka pa ba tapos sa heart-warming, life-changing, speech mo? O baka naman gusto mong pantayin 'tong black eye sa mukha ko?"
Nakatingin lang siya sa akin, nakita ko siyang lumunok. Tapos ang pula ng pisngi niya.
What the hell is wrong with her this time?
“Exploiting your power as rich kid again, eh?" She snaps. Napahinga ako ng malalim.
"Fine, ano bang sasabihin mo? Shoot it," tumayo siya nang deretso, huminga nang malalim at bumulong ng alien words.
"Gustokongmagsorrykasiangtangamo," napasimangot ako sa sinabi niya.
"What the hell was that?" Huminga siya nang malalim na tila hirap na hirap at tumingin ng matalim sa akin.
"Gusto kong mag sorry kasi ang tanga mo."
Hindi ko maiwasang mapangisi. "Oh, nagsisisi ka na? Wow naman, the ever wonderful Sayuri De Chavez has come to apologize to the pitiful little me. I feel so blessed and honored. Sa wakas nagising ka rin sa katotohanan. Ang hirap siguro ano?"
She anxiously tap her foot repeatedly, sign na nagsisimula na siyang magalburoto.
"Look, bastard. Pumunta ako dito para magsorry sa pagtapak sa napakalaki mong ego, pero nagkamali ata ako sa ginawa ko, kasi tumagos lang sa utak mong bungol ang sinabi ko! Moron!"
"Bastusan na naman? seriously De Chavez, you are so immature," I rolled my eyes.
Nakita ko kung paano mamula nang sobra ang mukha niya sa galit at napakuyom ang kamao niya.
"I accept your humble apology. Sana lang mahanap ko ang pagpapatawad sa puso ko-"
"You, moronic bare chested idiot!" Magsisimula nanaman siya pero pinigilan ko na.
"Bakit parang nagbla-blush ka kanina? Na turn-on ka ba sa nakita mo? Ibig sabihin pala attracted ka sa akin physically? Hmm, now I wonder kung paano magwo-work tong tandem na 'to within a month," nakangisi kong sabi. Sabog nanaman ang butchi nito.
"I hate you! You, mean, hateful boy!" she screamed. Binuksan ko ang pinto at inilapit ang mukha ko sa mukha niya.
"The more you hate the more you love, sabi nila there's a thin line between hate and love. Hate, in fact, is also a reflection of love,” litanya ko sabay sara ng pintuan. Natawa ako sa mga mata niyang nagliliyab sa galit. At hanggang sa sumapit ang hatinggabi ay natatawa pa rin ako.
Pero ang mga tawa ko ay napalitan ng isang panaginip na akala ko hindi na ako magigising pa. Panaginip na tila nais akong dalhin sa aking huling hantungan sa tuwing matutulog ako.
"Paki-usap, huwag mo akong kunin. Huwag mo akong patayin.Huwag!" Paulit-ulit kong sigaw sa kanya, tumatakbo ako palayo. Mahuhuli niya ako! Mamamatay ako kapag nahuli niya ako!
Bago pa niya ako maabutan ay tila may humila sa akin at nagising akong humihingal. Basa ng pawis ang unan at kumot ko.
Nagising pa ako. Salamat naman.
Timothy's POVNagising pa ako. Salamat naman.May luha ang mga mata ko. Napanaginipan ko nanaman ang babaeng ‘yon. Paulit-ulit ko nanamang naririnig ang mga iyak at sigaw niya. Tila katabi ko lamang siya dito. Basang basa ng pawis ang kama ko. Another nightmare.Hindi ko na maalala lahat, tila mga piraso ng isang basag na salamin ang mga panaginip ko. Leaving me a feeling of guilt, sadness and lost. What I figure out the full picture of my dreams? What will happened to me?I guess I'll never know.Huminga ako nang malalim at tumitig sa kisame. Minasahe ko ang sentido ko. My eyes are still wet from crying, I glance over my alarm clock. Its a weekend and it's 7:30 a.m, geez, 3 hours pa lang ako nakakatulog. Hindi na ako magtataka kung isang araw mamamatay na lang ako bigla dahil sa sobrang sleep deprivation. Tumayo ako, napansin kong wala pa ang sapatos ni Tiwtiw sa shoerack. Nakipag boy's night out
Sayuri’s POVSunday 3 A.MNagising ako sa sunod-sunod na tapik sa mukha ko. Pupungas-pungas akong naupo at binuksan ang night lamp ko. Kinusot ko ang mata ko at nakita ko ang roommate ko na si Miaka Sandoval na nakatayo sa tabi ko."Ah,eh..Sayuri,” kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. Tila may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi. It took three minutes bago ko magets ang gusto niyang sabihin.“Ok, fine I get it,” tumayo ako at binitbit ang blanket ko. Makikitulog na lang ako sa kuwarto ni Yuki.Nadaanan ko sa living room ng unit namin ang boyfriend niya. Tinanguan lang niya ako at pumasok na siya sa kuwarto ni Miaka.Hindi ito ang first time na napatalsik ako ng roommate ko para sa 'bonding' nila ng boyfriend niya. Apparently, hindi soundproof ang mga pader sa mga kuwarto kaya maririnig kung gagawa sila ng kakaibang sounds. Sasabihin ko na lang kay Yuk
Sayuki's Pov Sayuri is my twin sister and I love her. Sayuri is my twin sister and I love her. Sayuri is my twin sister and I love her. I love her kahit ginising niya ako nang alas kuwatro nang madaling araw, para magkape, dahil kailangan daw niya ng makakausap pero hindi naman siya nagsasalita. Halos one hour na ang lumipas at stagnant pa rin siya. Ineexpect niya na mahuhulaan ko ang problema niya with my twin ESP. Puyat ako. Hindi ako umiinom ng kape. But I lover her. She's my twin and I love her. My sister is a mute. “Hindi ka pa ba magsasalita?!” I snapped at her. Nagulat ata siya kaya natapon sa kamay niya yung kape. Napabuntong hininga ako, ang sakit ng mata at ulo ko dahil kulang pa ako sa tulog. Pinunasan ko ang kamay niya gamit ang tissue. "Sorry sis," sabi ko habang pinupunasan ang natapon niya. "Ok lang, alam ko inaantok ka pa," she sighed. Sigurado akong malaki
Sayuri's POVNalaglag ako sa kama nang tumunog sa tapat ng tainga ko ang alarm clock. Akala ko pinagtritripan nanaman ako ni Timothy Blythe. Kinusot ko ang mga mata ko, lumabas ng kuwarto at sinilip si Miaka sa kuwarto niya, it's almost 2 in the afternoon. Kasalanan niya 'to lahat eh! Kung hindi niya ako pinaalis hindi ako mapapagod physically and mentally.Hindi sana nangyari 'yung pustahan na 'yun.Magbabayad kang Miaka ka. Malandi ka.Tinignan ko pa siya nang matalim ng may mapansin ako sa kama niya. Oh my God! Napabalik ako sa kuwarto ko. There were four pairs of feet under her matress. Don't tell me halos maghapon na silang ganyan ng boyfriend niya? That's disgusting!Napailing akong pumasok sa banyo at nagsimulang maligo. Busy ako sa pagkukuskos ng katawan nang sumagi sa isip ko ang hinay*pak na si Timothy Blythe. Na nakatowel lang. What the heck is happening to me? Natotoxic na masyado ang utak ko sa sobrang pagpupuyat
Umiiyak ang isang bata habang naglalakad sa madilim at mahabang pasilyo ng isang malaking bahay. Nakarating siya sa tapat ng isang malaking pinto. Napasigaw siya nang may humawak na malamig na kamay sa maliit niyang balikat at pilit siyang iniharap.Humihikbi ang bata sa takot. Nagsimulang magalit ang babae nang magsimulang umiyak ang bata.Nanlisik ang mga mata ng babae."Ayoko ng umiiyak! Nabibingi ako sa iyak mo!" sigaw ng babae na halos matumba ang bata sa lakas ng boses niya. Sinampal niya nang pagkalakas ang bata. May umagos na dugo mula sa gilid ng bibig ng bata."Hindi ka titigil?! Ilang beses ko ng sinabi sayo na dapat kapag uuwi ako malinis ang bahay! Eh bakit ang dumi-dumi?! Nagkalat ka nanaman! Ang baboy baboy mo! Madumi ka! Madumi!" Paulit-ulit niyang niyugyog ang batang walang tigil sa pag-iyak, halos magsuka na ito dahil sa hilong naramdaman."Alam mo kung anong ginagawa sa mga batang salbaheng kagaya mo?! Kinukulong sa bodega!
12 Years AgoNakaupo ang mag-asawa sa harap ng doctor, naghihintay ng resulta sa ginawang test sa kanilang anak. Huminga nang malalim ang doctor at binuksan ang papel na naglalaman ng isinagawang test.Napaiyak ang ginang matapos marinig ang resulta na binasa ng doctor."It's a serious case, pero hindi ko akalain na sa ganitong edad ay nagmamanifest na sa kanya ang mga sintomas. This will have a long-lasting effect on his behavior as he grew older if hindi ito magagamot. Mahihirapan siyang magcope sa kanyang buhay hangga't patuloy na natitrigger ang alaala ng traumatic experience niya," malumanay ngunit may halong kalungkutan na sabi ng doctor."Hindi ko mawari doc kung paano nangyari ito sa anak namin. Pero ano po bang puwede ninyong gawin para mapigilan 'to?" alalang tanong ng ginoo.Matagal silang tinignan ng doctor. Ilang saglit pa ay tumayo ang doctor at lumapit sa kanyang medicine cabinet. Tila may pinindot siya
Call me a loser. Yeah I'm the biggest loser of all. I just stood still when I'm supposed to kick him down there or slap his face until his head was no longer part of his body. But no, I DIDN'T DO ANYTHING. Kinamumuhian ko siya, kinamumuhian ko ang bawat hibla ng pagkatao niya. Kinamuhian ko siya simula noong araw na dumating siya dito, simula noong araw na binili niya ako sa pesteng auction na yon.Pero bakit wala akong ginagawa? Bakit tila gumagalaw ng kusa ang mga labi ko at tinutugon ang bawat galaw niya? My God Sayuri! He just told me he was going to show me what a manwhore can do! Isn't that the same as rape?! Bakit hindi ako nagwawala? Bakit hindi ako sumisigaw at humihingi ng tulong sa kapatid ko para siya na ang pumatay sa bastardong ‘to! bakit..bakit hinihimas ko ang mga braso niya?! At bakit hinahayaan ko lang na gumapang ang palad niya sa dibdib ko?He's molesting me!No, Sayuri, it's not molestation if it's consen
“Yeah, welcome ka nga dito, Pero hindi kay De Chavez. Therefore I’m kicking you out of this school,” humalukipkip na sagot ni Timothy.“Sira ka ba?! May gusto ka ba kay Sayuri?! Hoy De Chavez sinumbong mo ba na nilakasan ko ‘yung heater sa shower mo noong isang araw?!” galit na baling sa akin ni Kervin. Lalong dumilim ang aura ni Timothy.“Ang mga lalakeng nang a-assault ng mga babae—kahit kamukha pa ‘yan ng pinakapanget na nilalang sa buong mundo—ay walang karapatan dito sa mundo—lalo na sa school na pinaghaharian ko,” I can sense danger in his tone. Kinakabahan ako sa puwede niyang gawin.“Oh so papatayin mo na ako niyan?” aroganteng tanong ni Kervin pero nakakuyom na ang kamao niya.“Hindi, pero sigurado ako yung tatay mo oo. Seriously Kervin, hindi porket nagdonate ng maliit na halaga ang tatay mo dito sa school ay puwede mo nang abusuhin ang mga
"Si Florencio Andaya ay inaanak ng yumaong ama ni Andres," walang kaabog-abog na pahayag ni Yuki habang naglalakad sila pabalik sa inn. "Hindi kailanman niligawan ni Florencio si Diana, gayunpaman naging very close sila. Dahil si Florencio ay isang tagong bading. Itinuring daw na matalik na kaibigan ni Florencio si Diana dahil naiintidihan nito ang mga hirap niya sa pagtatago ng pagkatao. Kapag dumadaong dito ang kargo nila Florencio noon kina Andres agad siya dumederetso, dinadalhan niya ng kung anu-ano si Diana." "At nagselos sa kanya si Kuya Andres?" "No, sabi mo nga hindi seloso ang kuya mong 'yon. Noon. And I believe you. Kilala si Andres dito, he's a confident man. Smart, isa siyang guro. Magugustuhan ba siya ni Diana kung hindi? Ang pagiging close nina Florencio at ng ate mo ay ginamit ni Aling Melinda. You see, there are cases when the mother-in-law is so possessive and jealous of her son, lalo na kung nag-iisang anak na katulad ni Andr
"Celesteee!" Hinabol siya ni Yuki at pilit na inalis sa tubig. Wala siyang puwang sa lugar na 'to, ayaw na niyang manatili pa ni isang segundo sa bayan na 'to. Bakit mo 'to nagawa ate Diana? Bakit mo 'to nagawa sa amin? "Celeste, ano ba, maghunusdili ka!" "Ang sulat na 'yon Yuki! Sapat nang ebidensiya 'yon sa kataksilan na ginawa ng ate ko. Sulat kamay niya 'yon. Dahil sa kanyang ginawa ay nagpakamatay ang asawa niya! Sinira niya ang sarili niyang pamilya. Dapat na tayong umalis dito Yuki!" "Hindi pa rin ako naniniwala Celeste! Hindi 'yon magagawa ng ate mo! 'Yung sulat, rough draft lang 'yun." "Ano pa bang dapat nating isipin Yuki?! Kilala ko ang sulat kamay niya simula pagkabata!" "You just don't want to believe that Diana never left this town at all. Your mind refuses to consider the possibility that she was murdered, and that's understandable." "Yuki, I am matured enough to accept things that I can't change. Kaya kon
Third Person Of View "Halikayo..." binuksan ni Aling Melinda ang pinto ng kanyang tahanan. Sa sala na may sementadong sahig na kulay pula magkatabing naupo sina Yuki at Celeste, kaharap si Aling Melinda na kay Yuki lamang nakatingin. Tila hindi katabi si Yuki sa asal na ipinapakita ni Aling Melinda. "Sino 'yong Gary na nagpadala sa'yo ng sulat?At bakit pinadalhan ka ng ganyang sulat?" tanong ni Aling Melinda na hindi ngumingiti. "Kilala n'yo siguro si Gary, Aling Melinda," sabi ni Yuki. "Wala akong kakilalang Gary na taga rito sa amin. Iharap mo sa akin 'yang Gary na 'yan." "Aling Melinda-" "Kusang sumama sa kargador sa may pantalan ang Dianang 'yon. Mali 'yang nasa sulat na 'yan. Ang balita dito ay taga Marinduque, Florencio ang pangalan." Sabi ng matanda na nagpukol ng masamang tingin kay Celeste. "Florencio Andaya," sambit ni Yuki. "Andaya o An
Starting from this part until the end of Summer Arc will be told in Third Person's POV May sinag na ng araw sa bintana ng kuwarto ni Yuki nang magising si Celeste. October 14. Huwebes. Wala si Yuki sa tabi niya. Napansin niyan may iniwan itong note sa lamesita. Binasa niya ang nakasulat: Cel, Sumaglit lang ako sa kabilang bayan. I'll be back before noon. Binilhan na kita ng almusal mo. Love, Yuki. Parang gusto niyang mainis. Mag-isa siyang nag-almusal. Bakit hindi ako hinintay ni Yuki magising bago umalis? Parang wala lang sa kanya 'yung nangyari samin kagabi, inis niyang bulong sa sarili at pagkatapos mag-almusal ay naligo na siya at nagbihis. Paldang maong, blouse na maluwang na polo shirt style pero walang kuwelyo, kulay dilaw. Naisipan niyang magpunta sa palengke upang bumili ng ingredients s
Celeste's PovSandali kaming natahimik dahil sa nangyari. Hinahanap ko ang aking boses pero hindi ito lumalabas."Ang mabuti pa para maging malinawag 'kung ano ba talaga ang nangyari ay puntahan ninyo ang bahay ng biyenan ni Diana, si Aling Melinda. Siya ang kasama ng mag-asawa sa bahay at siya lang ang makakapagpatunay 'kung ano ba talagang nangyari," suhestiyon ng ale. Tumango ako at inutusan ng ale ang driver na ihatid muna kami sa bahay ng biyenan ng ate ko.Mag-aalas-kuwatro ng hapon nang kumatok kami sa bahay ni Kuya Andres. Shocked pa rin ako at di ko pa rin matanggap na patay na ang aking mabait na bayaw.Si Aling Melinda, ina ni Kuya Andres, ang nagbukas ng pinto. Agad kong kinuha ang kamay niya upang magmano. Nakakunot-noo ang matanda, atubiling ibinigay ang kamay niya sa akin."Mano po, Inay Melinda," ngumiti ako sa kanya."Hindi na po ninyo siguro ako nakikilala, ako po si Celeste."Nawala an
The half of the summer arc will focus more on Yuki and Celeste. Timothy and Sayuri's story will continue after the summer arc. Celeste's Pov “Babalik din ako agad sa dorm two weeks bago mag-start ang summer class. Kamusta naman si Sayuri?” Iniipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko habang nagluluto ng soup para sa ima (lola) ko. “Ayun nagsi-simula ng ma-love sick cow kasi uuwi si Timothy sa kanila sa susunod na linggo,” sagot ni Yuki mula sa kabilang linya. “Grabe, parang dati halos isuka nila ang isa’t-isa tapos ngayon parang di na sila mabubuhay kapag di nila nakikita ang isa’t-isa,” natatawang kong sabi habang naghahalo ng sabaw. “Ganyan din naman tayo ah? It felt like; I can't last a day without seeing you or hearing your voice, Cel." Natigilan ako sa sinabi niya. Naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko. Kahit kami ng dalawa ngayon ay feelin
Sayuri's PovMy heart was breaking by his vulnerability. Two months na ang nakalipas nung huli naming paguusap sa kuwarto niya, at narealized ko na mali ako, mali ako na pangunahan siya at iimpose sa kanya ang dapat niyang mafeel. I'm really a horrible person.Pagkatapos noon, parang hindi na ako nageexist sa mundo niya. Nagkakasalubong kami sa corridor pero si Yuki lang ang kinakausap niya. Hindi niya ako tinitignan sa mata, hindi na niya ako iniinis. For the past two months, he seems so alone in his world. Hindi maintindihan ng mga ka-eskwela namin ang nangyayari sa kanya. Pero ako gets na gets ko. Hindi na siya nagpapanggap. The fake Timothy was gone.At madaming nalungkot doon, lalo na ang mga babae. Pero madami pa ring na-curious sa mysterious at dark niyang aura, lahat gustong malaman kung anong nangyari sa hari. Kaso, wala siyang pinapansing kahit sino, puwera lang sa mga teachers. Tila tumitigil ang mundo kapa
Yuki's Pov Si Timothy. Ilang araw din siyang nakakulong sa kuwarto niya at nanonood ng mga lumang movies, tapos puro junkfoods ang kinakain. Pagkatapos ay nag-adik naman siya sa sports. As in heavy work out. Mas gusto ko pa siyang makita na nagpapakalunod sa pagkain sa kuwarto niya habang nanonood ng mga old cartoons kaysa magpaputok siya ng ugat sa kaka-work out. Simula noong araw na mag-usap kami ang laki ng pinagbago niya. Napapansin na siya ng mga tao dito sa school sa kakaiba niyang kilos, pero ok lang sa kanya. He's finally done hiding at hindi na siya sumasama sa mga jerks niyang kaibigan, laging ako ang kasama niya. As a best friend and future Psychiatrist, may mga naobserbahan ako sa kanya. Tila inilalayo niya ang sarili niya sa mundo, hindi na siya nakikipag socialize katulad ng dati.Hindi talaga siya nagsasalita, at lagi siyang nagbabasa ng libro, minsan English literature o kaya History books nagulat
Timothy's Pov We broke apart, and I knew from that moment, things will never be the same for us. I could never deny that the kiss was unreal, neither she. I stepped away from her. "Y-Yuki's gonna kill me," bulong ko. "N-no, Sorry, I'm the one who initiated so. Lord anong ginawa natin?" napatayo siya at nagpaikot-ikot sa kuwarto ko. "We just destroyed the five years of mutual hatred." "You hate me?" she suddenly stopped roaming around. Nailagay ko ang mga palad ko sa mukha ko. "You know, this is not the right time for something like this, I'm tired, stress and confused." Natahimik siya saglit at napabuntong hininga. "Me too, w-we kissed. What the hell is happening?! Recently, I hate you like hell," She whispered. "Pero napalitan na yon," sabi niya bigla. Napakunot noo ako. Biglang siyang namula at umiwas ng tingin. "A-ano, naisip ko lang 'yun nung akala ko k