Patuloy na sumigaw si Liam, “Hindi mo naman talaga mahal ang nanay ko. Sa mahigit 20 na taon, tinatrato mo lang siya bilang kagamitan. Kaya hindi mo rin ako mahal, ang anak mo.”“Ituloy mo ang sinasabi mo.” Humithit si Mason sa sigarilyo niya ng walang interes at dahan-dahan nilabas ang usok.Subalit, nakaramdam si Liam ng kalamigan sa buto niya nang nakita niya iyon. “May impormante ka siguro sa Hill Corporation. Siya ang tao na naglabas ng datos tungkol sa microchip ng Hill Corporation. Para pagtakpan ang tao na iyon, inilayo mo ang atensyon ni Shaun at pinaniwala siya na ako ang nagtraydor sa Hill Corporation. Sa mas madaling salita, gusto mo na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ko at ng pamilyang Hill.”“Tulad ng inaasahan sa anak ko, tama ang hula mo.”Tinanggal ni Mason ang abo ng sigarilyo niya. “Liam, sobrang binigo mo ako ngayon. Subalit, dahil anak kita, maaari kita bigyan ng isa pang tiyansa. Sundan mo ako at magtrabaho ka sa Campos Corporation simula ngayon.
Sa saglit na iyon, narinig ni Lea na may malambing na tumawag, “Hubby…”Pagkatapos ay lumingon si Mason. May malumanay siyang ekspresyon sa mukha niya.Tumingin din si Lea. Isang mas bata at magandang babae ang naglakad papunta kay Mason habang hawak ang kamay ng pito o walong taong gulang na batang lalaki. Tumakbo ang maliit na bata at niyakap si Mason. “Dad…”Pakiramdam ni Lea ay parang nahati ang ulo niya sa kidlat. Nanlaki ang mata niya habang tinignan niya ang babae at bata. Muntik na siya hindi makahinga.Kung hindi siya nagkakamali, ang babae na ito ay ang anak ng pamilyang Holt, si Joanne Holt. Si Joanne ay medyo malapit kay Sarah. Ilang beses pa nga nakasalamuha ni Lea si Joanne dati sa mga kaganapan sa korporasyon sa Canberra.“Aunty Lea.” Tinignan siya ni Joanne. “Pasensya ka na, kami ni Mason ay matagal nang nagmamahalan. Ito ang anak namin.”Gusto ni Lea dumura ng dugo mula sa galit. Ang mga salita ni Joanne ay parang sampal sa mukha niya.“Mason Campos, g*go ka!”
Sa himpilan ng pulis.6:00 a.m.Nagpunta si Chester kasama ang abogado niya at nakita sina Joel at Wesley sa lobby.Nang nakita siya ni Joel, sinabi niya habang may mabigat na ekspresyon, “Chester, alam ko na nandito ka para piyansahan si Shaun, ngunit ipapaalala ko lang sayo, hindi madali na mapiyansahan siya. Payuhan mo siya at sabihin sa amin kung saan niya tinatago si Cathy.”“Susubukan ko ang makakaya ko, Uncle Joel.” Kinusot ni Chester ang kilay niya at tinignan si Wesley.Kailanman ay hindi nagkrus ang landas nila ni Wesley dati, ngunit nababasa niya ito sa mga magazine.Mabilis na umangat ang Golden Corporation sa kasalukuyang mga taon at naging nangungunang pharmaceutical na grupo salamat sa pagsisikap ni Wesley.Siya ay malumanay at elegante ng nakapanayam siya, ngunit sa kasalukuyan, siya ay nakasuot ng itim na suit. Ang elegante niyang mukha ay natatakpan ng may patong na galit sa ilalim ng ilaw.May pakiramdam si Chester na si Wesley ay hindi simpleng lalaki.Suba
Kung iisiping mabuti, dapat ay nakatutulog na nang mahimbing si Catherine dahil hindi na niya kailangan pang matulog kasama ang lalaking iyon.Subalit sa halip na matulog ay paikot-ikot lamang siya sa kama.Hindi siya mapakali dahil pakiramdam niya’y mayroong masamang mangyayari.Naaalala niya ang mga mata ni Shaun noong umalis ito noong nakaraang gabi. May kakaiba sa mga tingin nito at nagmamadaling umalis. Ano kaya ang nangyari?Sa taas ng posisyon ng lalaki ngayon, sino pa kaya ang maaaring makapagbanta sa kanya?Pagsapit ng 8:00 a.m. ay umupo si Catherine sa hapag-kainan upang mag-almusal. Maraming hinain na masasarap na pagkain ang chef ngunit nawalan na agad siya ng gana matapos ang dalawang kagat.Pagkatapos mag-almusal ay lumabas siya upang maglakad-lakad hanggang sa sumapit ang tanghali nang biglang may nakita siyang helicopter sa ‘di-kalayuan.Ang una niyang naisip ay marahil nagbabalik si Shaun. Hindi niya inaasahang makababalik agad ang lalaki.Subalit noong lumapag
“Hindi.”Nagulat si Catherine sa tingin ng mga mata ng lalaki. Ngayon lamang niya nakitang ganoon tumingin ang lalaki.“Pasensya na, natakot ata kita.” Napagtantuan ni Wesley na marahil ay nagiging malupit siya sa babae kaya’t agad niyang niyakap ito nang mahilpit. Puno ng sakit ang kanyang pananalita.“Cathy, ayaw ko rin namang maging ganito ang lahat. Isang buwan din akong nag-alala at nabalisa. Kinamuhian ko ang walang kwenta kong sarili. Hinayaan kong kuhanin ka lamang ni Shaun sa akin habang napuno ang aking puso ng galit sa araw-araw na kasama mo ang lalaking iyon. Hihiwalayan mo na ba ako kapag minahal mo na siyang muli?”Habang nakikinig si Catherine ay mas lalong nadudurog ang kanyang puso. “Hindi, Wesley. Ako dapat ang humihingi ng tawad…”Gusto na lamang niya magpalamon sa lupa sa tuwing iniisip niya ang mga sandaling nakikipagtalik siya kay Shaun. Hiyang-hiya siyang harapin si Wesley.Si Shaun ang kanyang katabi noong gabi ng kanyang kasal.Lalong namulta ang kanyang
Pakiramdam ni Catherine na may kakaiba sa mga pangyayari. Masyadong madaling natalo si Shaun. Para bang mayroon talagang umaatake sa Hill Corporation.“Kung gayo’y hindi na ang mga Hill ang pinakamayamang pamilya sa buong bansa?” Hindi mapigilan ni Catherine ang kanyang sariling ibulong ang kanyang tanong.“Oo. Sa market value ngayon ng Hill Corporation, mas mababa pa sa aking pamilya ang mga Hill.”Sagot ni Wesley. “Walang makapagsasabi kung ano ang mangyayari bukas. Kapag hindi pa tinuloy ni Shaun ang compensation sa mga partner nilang kumpanya, bababa at bababa ang reputasyon ng Hill Corporation hanggang sa wala nang kumpanya ang gugustuhin pang makipagtulungan sa kanila.“Kapag nagbayad naman siya’y bilang na ang araw ng Hill Corporation. Hindi na sila makapagkakalap pa ng pera upang makapag-invest sa mga laboratory upang makabuo ng microchip sa susunod. Kapag wala silang inilabas na panibagong chip ay palagay ko’y tuluyan nang mawawala ang Hill Corporation sa market.”Naunawa
Tila’y mga cannonball kung tumira ang mga salita ni Wesley na siya namang kinasakit ng ulo ni Catherine.Oo.Ilegal ang mga ginawa ni Shaun. Hindi siya pumayag sa anumang ginawa nito sa kanya.Dapat lang namang maparusahan ang mga taong lumalabag ng bata, hindi ba?Ngunit bakit siya nagdalawang-isip ngayon?Kahit na makulong si Shaun at bumagsak ang Hill Corporation, wala na itong kinalaman sa kanya.“Cathy, nauunawaan kong mahirap para sa iyong ikwento iyong lahat sa mga pulis, ngunit mahirap din ito para sa akin,” Mapait na sinabi ni Wesley, “Ngunit kaya natin itong harapin nang sabay. Ipinapangako ko na ako, si Wesley Lyons, ay hindi susuko sa iyo.”Mas lalo lamang sumama ang loob ni Catherine matapos iyong sabihin ng lalaki.Sa tuwing nagpapakita ng kagandahang-loob sa kanya ang lalaki ay mas lalong kumikirot ang kanyang puso....Makalipas ang limang oras.Bumaba sa bakuran ng mga Yule ang helicopter. Kapwa naroon sina Joel at Lucas na matagal nang naghihintay.Dahil m
”Hindi ka… buntis sa anak nanaman ni Shaun, ano?” Kabadong biglaang tanong ni Freya.“Hindi.” galit na galit na sabi ni Catherine. Nilabas niya ang phone at naglakad palabas ng balcony.“Oh, nakipagtalik ka ba kay Shaun?” Tuloy na tsimis ni Freya.“...”Nalungkot si Catherine at nginitngit ang ipin niya. “Tapos ka na? Pwede bang iba na lang tanungin mo?”“Talaga namang interesado ako sa ganitong bagay. Mas nakakatuwa.” Tawa ni Freya.“T*rantado.” Hindi matiis ni Catherine. “Hirap na hirap ang konsensya ko umaga hanggang gabi nitong mga nakaraang buwan, okay?”“Huwag kang mag-isip ng ganyan. Napilitan ka lang naman.” Inaliw siya ni Freya. “Hindi mo naman ginustong maagkaroon ng kabit.”“Manahimik ka.”Ang salitaang ‘kabit’ ang nag trigger sa puso ni Catherine.“Kung ganoon…” Pinalitan ni Freya ang pinag-uusapan. “Kahit anong mangyari, wala nang pwedeng gawin sa’yo si Shaun sa hinaharap.”Tinikom ni Catherine ang labi niya at tinanong ang komplikadong nararamdaman niya, “Ganoo