Ahhhhhhhh pinagtitripan ba siya ng langit?Gusto siya ng tiyuhin ni Ethan, ngunit pinakasalan niya ang maling tao!Punong puno pa siya ng sugat. Paano siya magkakaroon ng lakas na humantong papunta sa panibagong relasyon?“Pa… Pasensya na, Mr. Lyons. Ka… Kaibigan lamang ho ang tingin ko sa inyo.”“Mabuti na lamang kung gayon.” Pinanghinaan ng loob si Wesley, ngunit patuloy pa rin ang pagngiti nito. “Huwag kang mag-alala. Inilahad ko lamang ang aking damdamin hindi upang ibalik mo ito, kundi upang maunawaan mo ang nararamdaman ko upang maligawan kita.”Naramdaman ni Catherine na nagpintig ang ulo niya. “Ngunit wala akong intensyon na makipagrelasyon sa ngayon. Gusto ko muna ituon ang atensyon ko sa aking trabaho.”“Mahihintay kita. Sige, maupo muna tayo upang makapag-order.” Maginoong hiinila ni Wesley ang isang upuan para sa kanya.Walang nagawa si Catherine kung hindi iyuko ang kanyang ulo at ibigay ang kanyang order....Sa kanto sa labas ng bintana ng restaurant, may isang
Hindi maitatanggi na gwapo siya, ngunit kung magalit… Huwag na, nakakawala lang ng gana.Subalit, bakit siya naririto? Nagkaroon bigla si Catherine ng hudyat upang kunin ang kanyang mga dalahin at lumisan na sa lugar na iyon.“Mr. Hill, Young Master Harrison.” Tumayo si Wesley sa at kinamayan ang dalawa.Subalit nang abutin niya ang kamay ni Shaun, tinignan lamang siya nito ng kanyang mga mahahabang pilikmata.Lumipas ang ilang mga sandali at nakaramdam na ng kahihiyan si Wesley. Nang inakala niyang hindi na ibabalik ni Shaun ang pagbati nito, iniabot ni Shaun ang kanyang kamay. “Pasensya na. Wala ako sa mood ngayong araw.”Ilang beses na rin nitong nakausap si Shaun Hill noon, lalo na noong binalak niyang kuhanin si Shaun upang asikasuhin ang isang kaso tungkol sa negosyo para sa kanya. Maayos sa simula ang naging usapan, ngunit ‘di kinalauna’y ipinaalam sa kanya ng tanggapan nito na may iba siyang inaasikaso.Sa totoo lang, medyo dismayado siya kay Shaun Hill.Subalit kilala s
Makakahindi ba siya? Hindi naging madali para sa kanya ang makakuha ng reservation dito.Catherine. “...”Makakatanggi ba siya? Masyado ngang mahirap harapin ang malademonyong mukha ni Shaun.“Kayong dalawa… Parang hindi kayo masyadong natutuwa sa ideya. May naistorbo ba kami?” Tumingin sa kanila si Shaun, ang boses nito ay malalim at nanghihikayat.“Ah, hindi. Tara, maupo kayo.” Nagtanong si Wesley sa isang tauhan doon upang sila’y abutan ng menu.Ngayong may apat ng tao sa lamesa, sumikip lalo ang lugar dahil naroon pa rin ang bouquet ng mga bulaklak sa lamesa.Aabutin sana ito ni Catherine upang ilagay ang mga rosas sa kanyang tabi, ngunit mas mabilis si Shaun kaysa sa kanya at iniabot nito ang mga bulaklak sa isa sa mga tauhan. “Pakialis ito. Hindi ako hiyang sa polen.”Nagtaka si Catherine kung tama ba ang kanyang narinig. Hindi ito nakakita ng anumang reaksyon sa tuwing nag-uuwi siya ng mga bulaklak upang ilagay sa mga paso. Marahil ay sinasadya na itong gawin.“Hindi k
Pinisil ni Shaun ang sigarilyo sa pagitan ng daliri niya at humigop ng malalim. Kumalat sa lugar ang usok nang ibuga niya ito.Nilagay niya sa basurahan sa tabi niya ang upos na sigarilyo at naglakad papunta sa kanya nang may malalaking hakbang.“Sumama ka sa akin.”Hinila niya ito papunta sa kabilang gilid ng restaurant.Dinala niya si Catherine sa likod ng hallway ng mga cabinet ng mga wine.Ang ilaw sa loob ay medyo madilim at ang mukha ng lalaki ay nagpakita ng hindi maramdamang panganib nang tumingala ang babae para tignan siya.“Anong ginagawa mo?” Tinulak ni Catherine ang dibdib niya pero hindi man lang ito gumalaw.“Sa tingin mo ba papayag ako sa pinagsasasabi mo?” Hinatak ni Shaun ang kamay niya, madilim ang mukha nito. “Masaya ka ba kasama si Wesley Lyons? Nakalimutan mo bang kasal ka? Walang duda, kaya pala pinipilit mong mag divorce tayo. Nakakita ka na ng panibagong target, ‘di ba?”“Shaun Hill, mag-ingat ka sa sinasabi mo.” Nanginig sa galit dahil sa kahihiyan si
Mabilis na binaba ni Catherine ang tawag. Nang magtama ang mata nila ni Shaun, naramdaman niya namula ang buong katawan niya tulad ng kamatis.Napansin din ito ni Shaun at hindi mapaliwanag na saya ang naramdaman niya ng ilang sandali. Ang kanyang kaakit-akit na labi ay kumurba. “Masakit ang tiyan?”Sinamaan siya ng tingin ni Catherine, mas lalo siyang nahiya. “Hindi mo na ako ma-iistorbo. Sa kahit anong mangyari, kung ayaw mong madehado dahil sa akin, masusugest kong idivorce mo na ako kaagad.”“Tinatakot mo ba ‘ko?” Hinawakan siya ulit ni Shaun, sa kanyang malamig na tono. “Catherine Jones, kung madedehado mo ako, Pagbabayarin kita ng masakit na halaga.”Hindi man lang natakot si Catherine.“Alam kong abogado ka at mayroong daan-daang paraan para masira ang reputasyon ko pero wala nang silbi ‘yan sa akin. Ang reputasyon ko ay matagal nang sira at itinakda rin sa batas na bawal magtaksil sa kasal ay ilegal. ‘Di ba?“Wala naman tayong property na binili pagkatapos ng kasal kaya n
Sa isang iglap, mas marami pa sa sampung pares ng mata ang dumapo kay Catherine. Ang mata ng mga babaeng iyon ay puno ng selos at inggit.Hindi makapagsalita si Catherine. Ilang momento pa lang ang nakakalipas pero nakaakit na kaagad siya ng atensyon ng ibang babae. Kahit na ganoon, meron pa rin siyang kapal ng mukha para sabihin iyon sa kanya. Tinignan niya ito ng masama. “Hindi mo ako honey. ‘Wag kang magsalita ng kung ano-ano diyan. Hindi nga kita kilala.”“Honey, pwede mo akong sigawan sa bahay. Bakit natin kailangan mag-away sa labas?” Walang pag-asa siyang nagpakita ng mapait na ngiti at naglabas ng dokumento sa kanyang bulsa. “Swerte akong dala ko ang marriage license natin ngayon.”Tinanggal niya sa pagkatupi para makita ng lahat.Sabi ng matandang lalaki, “Siya nga ang asawa mo. Babae, sumosobra ka na. Halos mapaniwala mo kami.”Galit din ang driver. “Dali at bayaran mo na ang pamasahe ng asawa mo. Ang bus ay hindi lugar para mag-away kayo.”Nagmaktol ang ibang babae,
Pagkapasok, nanghingi siya ng pinaka maanghang na hotpot at nag-order ng lahat ng klase ng tripe, mutton rolls, beef rolls...Nang dumating ang pagkain, kumuha siya ng piraso ng tripe at nilagay sa bibig niya pagkatapos isawsaw sa hotpot ng ilang segundo. Masarap ito, at mabango!Wala nang ipapangit ang ekspresyon ni Shaun. Si Catherine ay sobrang pokus sa pagkain niya at hindi na siya tinignan pa.Kung ito ay nakaraan, siguradong mag-oorder siya ng gusto nito at masigasig na ipapakilala kung paano ang pinakamagandang paraan na kainin to.Ngayon, wala na siyang pakialam dito. Na para bang hindi niya ito nakikita talaga.Biglang sumikip ang dibdib niya at nag-utos gamit ang malamig na boses, “Bigyan mo ‘ko.”“Wala ka bang kamay? Kung gusto mong kumain, e ‘di kumain ka mag-isa.” Hindi man lang tinaas ni Catherine ang ulo niya.Pumintig ang sentido niya pero wala siyang choice kundi kunin ang kubyertos at alamin kung paano magluto ng karne.Pagkatapos niyang kumagat, namula ang
Nang sabihin niya na siya ay ‘walang choice’, ang salitang iyon ay puno ng pagkasira at pagkawalang pag-asa.Walang masabi si Chase. “E ‘di, nasaan siya ngayon? Iniwan ka niya pagkatapos kumain?”“Manahimik ka.” Tinignan siya ng masama nito. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at pinikit ang mata niya pagkapasok. Sobrang sakit ng nararamdaman niya na hindi na niya gugustuhin pang magsalita.Tinignan ni Chase ang maputlang mukha nito at sikretong kinuhanan ng litrato para ipadala sa WhatsApp ni Catherine.[Sister-in-law, sumakit ang tiyan ni Shaun para lang masamahan kang kumain ng hotpot. Dadalhin ko siya sa ospital ngayon. Catherine, ‘wag kang magalit sa kanya. Hindi man niya sinasabi pero may pakialam siya sa’yo.]“Anong litrato ang kinuha mo ngayon?” Biglang binuksan ni Shaun ang mata niya at kinuha ang phone ni Chase. Binasa niya ang tinaype ni Chase at nakaramdam ng pagkawala ng dignidad at reputasyon. “May pakialam ako sa kanya? Sa tingin ko nawawala ang turnilyo ng ulo mo.”