Matapos marinig ito, ang gwapong mukha ni Shaun ay naging marahan.Sa buong itinagal ng nakaraang linggo, si Catherine ay laging mukhang walang pakialam at puno ng sama ng loob kahit gaano pa subukan ng lalaki na pasayahin siya.Ngayon, handa siyang magpalit sa isang mahabang bestida at maglakad-lakad sa tabing dagat kasama ang lalaki. Ibig sabihin ba nito na dahan-dahan na nang natatanggap ang realidad?“Sige lang.”Matapos niyang bahagyang hikayati ang babae, bigla siyang nagsisi sa pagdala ng masyadong kaunting mga bestida para sa kanya.Agad niyang tinawagan si Hadley. “Pumili ka ng mas marami pang mga bestida at ipadala sila rito. Gusto ko ‘yung nababagay isuot sa beach at sa size ng asawa ko.”Ang mga sulok ng bibig ni Hadley ay kumibot.‘Asawa mo?‘Wala ka bang hiya?‘Sa katotohanan ay asawa siya ni Wesley’“Eldest Young Master Hill, pakiusap bumalik ka sa opisina kung pwede ka.” Walang magawang dagdag ni Hadley, “Kamakailan, ang Hill Corporation ay nakatatanggap ng ma
Binuhat ni Shaun si Catherine at tumakbo papunta sa manor ng walang pagdadalawang isip.Hindi nagtagal ay dinala ng butler ang doktor. Isaalang-alang ang malalim niyang sugat, kailangan ni Catherine ng turok para bawasan ang pamamaga.Patuloy na tinitiis ni Catherine ang sakit. Ang sakit ay wala lang hangga’t hindi malaman ni Shaun ang tungkol dito.Sa kabilang banda, si Shaun ay wasak ang puso at sinisisi ang sarili. “Kapag pumunta ka sa tabing dagat sa susunod, sisiguruhin kong samahan ka sa lahat ng oras para hindi ka na gagawa ng kahit anong delikado muli.”Walang sinabing salita si Catherine. Nabubuhay siya ng isang buhay na tila nasa bilangguan siya nitong mga araw. Bantayan man siya ng lalaki o hindi, hindi ito mahalaga.…Kinagabihan, nakabaluktot si Ctaherine sa sopa sa balkonahe at nakatulala.Siya ay nabuburyo hanggang sa kamatayan. Dito, hindi siya pwedeng maglaro sa kanyang phone, manood ng telebisyon, o magshop sa paligid. Wala siyang ibang kilala rito. Bukod sa mi
Isang makabuluhang ngiti ang lumabas sa mukha ni Maurice. “Narinig ko na ang Team Clifton ay malapit na magtagumpay sa pagbuo ng Purdue Microchip.”Naningkit ang mata ni Liam at nagbuntong hininga siya. ‘Sigurado…’Sinabi na ni Charlie ang bagay na ito kay Liam ng ilang beses na, ngunit hindi inaasahan ni Liam na magpapakita ng personal si Maurice ngayon. Kahit si Mason…Ang titig ni Liam ay nagpapakita ng halo-halong pakiramdam. Inisip niya dati na eleganteng tao si Mason na dinedeboto lang ang oras niya sa sining ng hindi nabahala sa nangyayari sa labas ng mundo. Pinapaniwalaan niya rin dati na si Mason ang naglabas sa sakit sa pag-iip ni Shaun tatlong taon na ang nakalipas para sa kapakanan ng pamilyang CamposSubalit sa itsura ng mga bagay-bagay ngayon, pakiramdam ni Liam ay sobrang layo ng tatay niya sa pagiging simple.“Second Uncle, sinabi ko na dati kay Charlie na hindi ako pinapayagan ni Shaun masangkot sa mga bagay na tungkol sa laboratoryo,” Ipinaliwanag ni Liam sa maba
”Wala na dapat isipin-” Tumayo si Charlie nang mabilis.“Charlie, bigyan mo siya ng oras,” Sumabat si Mason nang may nagpapayo ng tono. “Mag-isip ka maigi, Liam. Kapag matagumpay na inilunsad ng Hill Corporation ang microchip sa merkado, magiging pinakamakapangyarihan na kompanya sa buong mundo ang Hill Corporation. Makukuha ni Shaun lahat ng dakilang karangalan, habang ikaw ay magiging mahirap na punong tagapamahala pa rin. Wala ka nga share sa Hill Corporation at kailangan mo umasa sa nanay mo para bigyan ka ng share sa hinaharap.“Atsaka, mukhang bumuti ang relasyon ng nanay mo at ni Shaun nitong mga araw,” Mabangis na idinagdag ni Maurice, “Nagtataka ako kung gaano karaming share ang ipapasa sa iyo ni Lea kung ganon? Ngunit ang tatay mo ay iba. Ikaw lang ang anak niya.”Nagpakita ng komplikadong emosyon ang mata ni Liam. Sa mahabang oras, nanatili siyang tahimik.Tinignan siya ni Mason at tumawa. “Naghihintay ako makarinig ng magandang balita mula sa iyo.”Pagkatapos ni Mason
Nanatili sa taas si Liam ng mahabang oras.Sa totoo lang, parang malaking suntok sa kanya ang mga sinabi ni Mason.Nag-aalinlangan siya, ngunit magiging malungkot nang sobra si Lea kapag tinulungan niya si Mason. Kahit ang mga lolo at lola niya ay madidismaya sa kanya.Mandalas niya nakikita na tinatrato nila ito ng hindi patas at hindi nasisiyahan sa kanya, ngunit minsan, kailangan niya aminin na mas may kakayahan si Shaun kaysa sa kanya.Sa sinabi niyang iyon, hindi niya nais maging pangalawa kay Shaun habangbuhay.Sa mata ni Shaun, si Liam ay isang tao na kaya niya pawalain ano man ang oras.Sa gitna ng napakahirap niyang kalagayan, tinawagan siya ni Suzie.“Daddy, bakit hindi mo pa ako sinusundo? Maraming bata na ang umalis.”Mabilis siyang bumalik sa diwa niya, at nakita na malapit na mag 5:00 p.m. “Okay, pupunta na ako dyan ng ilang saglit.”Habang papunta siya, nakatanggap siya ng tawag kay Old Madam Campos.Sa oras na pagdating niya sa preschool, 5:30 p.m. na. Habang
Kakaiba ito. Sa buong mga taon na ito, ang pagtrato ng pamilyang Campos kay Liam ay hindi ganun kaganda kung ikukumpara kung paano nila tratuhin ang iba nilang pamangkin. Ganoon din ang pagtrato nila kay Suzie.Kahit pa na sinabi ni Mason na mapupunta sa kanya ang 60 na porsyento ng share sa Campos Corporation, halata naman na ang ugali ng pamilyang Campos sa kanya at kay Suzie ay hindi nila ito gusto.Maaari kaya….Sinabi lang ba ni Mason ang mga salita na iyon para malinlang siya?Nang pinag-isipan niya ito maigi, wala naman talaga pakialam si Mason sa kanya sa lahat ng taon. Wala rin siya pakialam sa apo niya na si Suzie.Ibibigay ba talaga sa kanya ni Mason ang mga share niya?Nagsimula na magkaroon ng malalim na hinala si Liam, lalo na dahil mukhang sobrang galing ni Mason magtago ng mga bagay. Sino nakakaalam kung may babae siya sa labas ng pamilya sa hinaharap o may anak sa labas?Anak sa labas?Siya nga pala, sino ba talaga si Benny? Hindi pa siya narinig ni Liam dati.
“Oh, magiging okay po ang lahat basta hindi lang po ako magsasalita?” Nagpanggap na masunurin at inosente si Suzie. “Sister Jill, pakikinggan ko na po kayo simula ngayon basta’t makikipaglaro po kayo sa’kin.”“Sige, wala rin naman akong kaibigan ngayon, kaya’t makikipaglaro ako sa’yo.” Tungo ni Jill. Sa isip-isip niya’y katawa-tawa si Suzie at maaari itong maging utusan niya....Subalit lingid sa kaalaman ni Jill na sa sandaling natapos kainin ni Suzie ang kanyang hapunan at lumabas mula sa bahay ng mga Campos ay agad nitong sinabi kay Liam ang lahat ng impormasyong nakuha nito mula sa kanya.“‘Yung anak po ni Great-uncle…”Agad na nagbago ang itsura ni Liam matapos niya iyong marinig.Maaaring si Maurice o si Mason ang Great-uncle na tinutukoy ni Jill. Mayroong dalawang anak si Mayrice, si Charlie na siyang panganay at si Maddie na bunso. Nasa ibang bansa si Maddie upang mag-aral.Kung kaya’t maaaring si Benny ang anak sa labas ng kanyang ama o ni Maurice.Subalit matapang na
Tumayo si Catherine at naglakad patungo sa kabilang banda. Malamig ang kanyang pakikitungo.Huminga nang malalim si Shaun at pinanood lamang ang babae na umalis. Noong mga sandali ring iyon ay nagsimulang tumunog ang kanyang telepono.Tumawag si Clifton. Nanginginig sa pananabik ang kanyang tingin nang kanyang sabihin, “Eldest Young Master Hill, nagtagumpay po ang research at development ng Purdue Microchip.”“Gano’n ba?” Kalmadong tumungo si Shaun. “Magaling.”Nagulat si Clifton. “Eldest Young Master Hill, hindi po ba kayo nasasabik? Halis sampung bilyon ang inyong pinuhunan para sa munting microchip na ito. Isa pa, ito ang topnotch microchip ng buong mundo. Hindi ito malalampasan ng anumang kumpanya. Palagay ko’y agad na titriple ang market value ng Hill Corporation at the very least.”“Sige.” Kalmadong sagot ni Shaun. “Maaari niyo nang ilabas ang balita na matagumpay ang naging development ng microchip. Pagkatapos ng dalawang linggo ay magpatawag kayo ng press conference. Dadal