Tumayo si Catherine at naglakad patungo sa kabilang banda. Malamig ang kanyang pakikitungo.Huminga nang malalim si Shaun at pinanood lamang ang babae na umalis. Noong mga sandali ring iyon ay nagsimulang tumunog ang kanyang telepono.Tumawag si Clifton. Nanginginig sa pananabik ang kanyang tingin nang kanyang sabihin, “Eldest Young Master Hill, nagtagumpay po ang research at development ng Purdue Microchip.”“Gano’n ba?” Kalmadong tumungo si Shaun. “Magaling.”Nagulat si Clifton. “Eldest Young Master Hill, hindi po ba kayo nasasabik? Halis sampung bilyon ang inyong pinuhunan para sa munting microchip na ito. Isa pa, ito ang topnotch microchip ng buong mundo. Hindi ito malalampasan ng anumang kumpanya. Palagay ko’y agad na titriple ang market value ng Hill Corporation at the very least.”“Sige.” Kalmadong sagot ni Shaun. “Maaari niyo nang ilabas ang balita na matagumpay ang naging development ng microchip. Pagkatapos ng dalawang linggo ay magpatawag kayo ng press conference. Dadal
Noong una’y inakala ni Shaun na nasaktan siya sa kung saan.Ngunit naging balisa ang lalaki noong nakita niyang wala namang sugat sa kanyang binti. Kung hindi sa kanya ang dugo, malamang ay kay Catherine iyon.Dahan-dahan niyang iniangat ang kumot. Napansin niyang may mantsa sa parteng likuran ng underwear ng babae.Bagama’t hindi niya pa nararanasang magkaroon ng buwanang dalaw, alam niyang tiyak na may dalaw noon si Catherine.Subalit hindi ba’t dinalaw na siya nito mga dalawampung araw lamang ang nakalilipas? Papaanong mayroon siya ulit ngayon?Agad niyang napagtantuan ang lahat.Kung tatantsahing mabuti, kung hindi siya dinalaw noong panahong iyon ay marahil iyon ang panahon kung kailan siya maaaring magkaroon ng anak.Maaari kayang noon na lamang siya ulit dinalaw?Kung gayo’y saan kaya nanggaling ang dugo ngayon?Agad niyang naalala na sa mga sugat na natamo ng babae noong nahulog siya mula sa reef ng tabing-dagat noon, malamim ang isa sa mga iyon.Agad niyang naunawaan
“Subukan mo.”Nagngangalit ang mga ngipin ni Shaun at binalaan niya si Catherine. May panlalamig, kalituhan, at bakas ng pagkawala sa kanyang mga mata.Tila’y mga matatalim na kutsilyo ang mga salita ng babae.Noong mga nakaraang ayaw na iyon, napaisip siya na baka nasanay na ang babae dahil sa pagiging masunurin at tahimik nito. Ngayo’y naunawaan na niyang nananaginip lamang pala siya nang gising.Nang marinig niyang nagbabalak siyang lisanin ng babae sa mundong iyon ay napuno ng takot ang kanyang isip. Ni hindi siya nakapag-isip bago siya magsalita.“Kapag naglakas-loob kang patayin ang iyong sarili, Catherine Jones, sisiguraduhin kong sasamahan ka ng buong pamilya at mga kaibigan mo.”“Nababaliw ka na! Demonyo ka!” Malupit na pagmumura ni Catherine. “Isinusumpa ko na sa ilang saglit ay iiwanan ka rin ng mga kaibigan at kapamilya mo. Wala nang kakampi sa’yo. Kamumuhian ka ng lahat. Malulugi ang iyong kumpanya, at walang matitira sa’yo.”“Sigawan mo ako kahit gaano mo gusto. Ka
“Cathy, Cathy…”Para bang hindi siya marinig ni Catherine. Paulit-ulit niyang hinahalikan ito na para bang ito na ang huling halik nila bago maghiwalay.Natakot si Catherine, at nawala dahil sa halik nito.Pinakawalan niya lang ito nang halos di na ito makahinga saka niyakap ng mahigpit.“Cathy, kailangan kong umalis dahil may aasikasuhin ako.” Paos na sabi ni Shaun sa tenga niya.Napaatras si Catherine. Kumalma ang katawan niya, at malamig ang tono niya. “Buti, umalis ka na. Hindi ko gustong makita ka araw-araw.”“Babalik ako kaagad.” Kinagat nang marahan ni Shaun ang tenga niya.Nakaramdam siya ng kuryente sa katawan niya, pero hindi niya ito matulak.“Hintayin mo ako.”Binitawan siya ni Shaun. Pagkatapos titigan ang malalim na mata nito ng mas matagl pa sa sampung segundo, tumalikod n ito at umalis ng bathroom.Nanatiling nakatayo si Catherine sa shower, gulat.Hindi niya alam kung anong mali sa lalaki. Aalis lang naman ito saglit. Kailangan ba talagang ipamukha na parang
“Bakit niyo pinapalibutan ang dad ko? Matanda na ang dad ko at nababalisa agad ito sa ganitong bagay. Sa tingin niyo ba kayo lang nag nag-aalala? Mawawala sa amin ang position ng pagiging makapangyarihang pamilya.“Tumigil kayo.” Nagtaas na ng boses si Lea at malamig na pinigilan ang mg ito. “Ang pinaka importanteng bagay ngayon ay makita ang butas ng kumpanya. Kailanga nating malaman sino ang naglabas ng data ng laboratory.”“Ano pang magagawa ng paghanap ng butas? Kahit malaman natin kung sino iyon, sira na ang reputasyon ng Hill Corporation.”Isang shareholder ang nagsalita ng mapait, “Ang boss ng mga kumpanyang pumirma sa kotrata natin ay pupunta bukas ng umaga. Hindi natin maiiwasan ang pagcompensate sa kanila. Kung hindi tayo magbayad, aabot tayo sa korte. Dahil kailangan nating gawin ito, aabot sa rock botton ang kumpanya ng reputasyon. Sino na lang ang makikipagtulungan sa atin sa hinaharap? Anong mangyayari sa kumpanya pagkatapos natin mabayaran? Mababankrupt ba tayo?”“Ta
”Hindi ko ginawa.” Umiling si Liam. Tumingin siya sa lahat, nagulat. Subalit, nakita niya lang ang lahat sa conference room na nakatitig sa kanya na may sama ng loob at galit. Ang kanilang tingin ay parang gusto siyang kainin ng buo.“Hindi ko trinaydor ang Hill Corporation,” Paliwanag muli ni Liam, “Oo, ang tatay ko ay ginawa ito dati, pero tinanggihan ko siya.”Nanginig ang katawan ni Lea. “Ang iyong ama ay sinabi na ibigay mo ang data ng microchip ng kumpanya?”Kaharap ang hindi naniniwalang tingin ng kanyang ina, si Liam ay tanging tumango. “Oo,sinabi niya sa akin na siya ang pinaka malaking shareholder ng Campos Corporation. Sinubukan niya din na kumbinsihin ako sa pagsabi na ang Campos Corporation ay magiging akin sa hinaharap, pero tumanggi ako.”Si Lea ay halos nawalan ng balanse.Kahit na napansin na niya na si Mason ay medyo nagiging malamig sa kanya at siya ay hindi madalas umuuwi sa bahay, hindi niya inakala na ang taong natutulog katabi niya ay sobrang nakakatakot.T
Galit na sumigaw si Liam. Tumingin siya sa lahat, at lahat sila ay nakatingin sa kanya na may pagtitig ng kawalan ng tiwala. Kahit sina Old Master Hill, Valerie, Shaun, at Lea ay nagsususpetya sa kanya. “Mom, hindi ka rin naniniwala sa akin?” May ekspresyon si Liam ng kawalan ng pag-asa. “Parte ako ng pamilyang Hill. Hindi ako gagawa ng kahit ano para pagtaksilan ang Hill Corporation.”“Liam…” Tumitig si Lea sa lalaki. Wala siyang masabi. Napagtanto niya na hindi niya makita ang katotohanan sa kahit sino. Kamakailan ay malakas ang loob niyang sinabi na inosente si Mason, ngunit sinampal siya sa mukha ng katotohanan.“Ipadala siya sa istasyon ng pulis.” Biglang malamig na iniutos ni Shaun kay Chance na nakatayo sa likod niya. “Liam, iimbestigahan ko ang usaping ito hanggang sa dulo. Kapag nalaman ko na ikaw ang may kagagawan nito, gagawin kong impyerno ang buhay mo.”Nakaramdam si Liam ng panlalamig sa buong katawan. Bago pa niya malaman ito, si Chance at ilang mga miyembro ng Lion
Nagulat si Spencer nang marinig niya iyon. “Anong nangyari kay Willie?”Umiyak si Yvette habang sinasabi, “Pumunta siya sa bar para magkaroon ng masayang gabi at nakita ang asawa ni Ivan Campos. Nalasing siya at sinubukang molestyahin ang babae. Bilang resulta, dinakip siya ni Ivan.”Natisod si Spencer ng ilang hakabang palikod. Willie ang kanyang nag-iisang anak.Bulyaw ni Valerie, “Second Brother, paano mo eksaktong pinangaralan ang anak mo? Isang seryosong isyu ang nangyari sa pamilyang Hill, habang si Willie ay nasa bar nagmomolestya ng asawa ng iba?”Walang masabi si Spencer. “Imposible ito. Totoong loko-loko si Willie dati at gumaw ng maraming masasamang mga bagay. Gayunpaman, matapos bumalik mula sa Melbourne tatlong taon ang nakalipas, malaki na ang pinagbago niya. Nagkaraoon pa nga siya ng matinong girlfriend nung nakaraan.”“Ang pamilyang Campos ito,” nasasakal na sabi ni Yvette, “Ito siguro ay isang trap ng pamilyang Campos. Kung hindi man, paanong makikia ni Willie ang