“Mom, iyan si Shaun Hill. Sobrang gwapo niya. Mas gwapo siya kaysa sa mga litrato sa Internet.”“Akala ko mas gwapo si Wesley, ngunit kung ikukumpara kay Shaun, mas gwapo si Shaun.”“Manahimik ka, maldita.”“......”Isang grupo ng mga dalaga ang nag-uusap, at hindi maiwasan ni Wesley bumagsak ang mukha niya.Likas siyang tumayo sa harap ni Catherine.Nakita ni Shaun si Catherine sa maraming tao. Madali siya makita sa maraming tao dahil sa pulang gown niya at nagpaganda sa kanya lalo ang balat niya na kasing puti ng snow.Iyon ang babae niya.Subalit, sa saglit na iyon, hawak ni Wesley ang kamay niya, at nagtago siya sa likod ni Wesley na parang maliit na bata.Nangilabot siya.Nang may malaking hakbang, nagpunta si Shaun papunta sa kanila.Ang nagdidilim niyang mukha ay may nakakatakot na mata, at walang nag-isip na magpupunta talaga siya para batiin sila.“Eldest Young Master Hill, kung nandito ka para batiin kami, tinatanggap kita, ngunit kung andito ka para sirain ang ka
Lahat ng tao na nasa kasal ay nakatitig kay Shaun.Siya ang pinakasikat na lalaki sa bansa, ngunit sa saglit na iyon, mukha siyang miserable na parang malaking bata na nawalan ng minamahal. Ang mukha niya ay napinturahan nang pag-aalinlangan at walang kakayahan.Subalit, makalipas ang ilang saglit, tumawa siya nang may pagkutya. Ito ay malamig, nakakapangilabot at nakakatakot.“Wesley Lyons, hindi mo ba alam kung anong klaseng tao ako? Babae ko iyan. Sa akin siya habangbuhay. Ano naman kung kasal na siya? Isang pirasong papel lang naman iyan.”Walang ekspresyon na umabante si Shaun, kitang may kabaliwan sa mukha niya.Natakot sina Wesley at Catherine. Mukhang minaliit nila ang kawalang hiyaan ni Shaun.“Shaun Hill, tumigil ka na. Tinigil ko na mahalin ka dati pa.” Hindi maiwasan na sumigaw ni Catherine. Sinabi na niya ito nang maraming beses.“Hindi iyon mahalaga basta mahal kita.” Inabot ni Shaun ang kamay niya, ngunit sinuntok na siya kaagad ni Wesley.Pagkatapos nila magpali
”Oo, huwag mo tatawagan ang pulis.” Galit na sinabi ni Mr. Lyons. “Hindi mo rin dapat makuha ang babae na iyon. Makipag diborsyo kaagad sa kanya pagbalik niya.”“Buhay ko ito.Wag ka mangialam.”Umalis si Wesley nang walang ekspresyon ang mukha.Nagkatinginan sina Lucas at Suzie, at pareho sila tumingin kay Liam nang walang masabi.“Uncle, anong gagawin natin? Kinuha ng basura na tatay namin si Mommy.” Nanginig si Suzie. Nakakatakot talaga yung basurang tatay ngayon lang.Balisa rin si Lucas. “Uncle, magiging okay lang ba si Mommy?”“Huwag ka mag-alala. Ayaw lang ni Shaun makasama ng mommy niyo si Wesley.”Kahit na ayon ang sinabi ni Liam, nanginig pa rin ang puso niya.Hindi normal na tao si Shaun. May sakit siya sa pag-iisip. Sino nakakaalam kung kailan siya aakto? Hindi naman parang hindi niya pa nasaktan si Catherine dati. Sana, kaya niya kumalma ngayon.“Ang kahihinatnan ng bagay na ito ay malubha. Kailangan ko magmadali bumalik sa pamilyang Hill.” Nagbuntong hininga si Li
”...”Mababaliw na si Hadley. Nagkaroon pa nga siya ng umaapaw na emosyon na patayin ang sarili niya.Ang balita na kinuha ni Shaun si Catherine ay kumalat na si buong Australia.Nagdadala ito ng mabibigat na pagpuna sa buong internet sa punto na ito.Ang mga tao ay nagagalit kay Eldest Young Master Hill sa opisyal na website ng Hill Corporation, ngunit nagpupumilit pa rin siya magkaroon ng kasal.Pakiramdam ni Hadley ay gusto niya ito paalalahanan na ang babae na gusto niya pakasalan ay kasal na sa iba.‘Eldest Young Master Hill, ang sakit mo ba ay na-trigger ulit?’Para sa kapakanan ng dignidad ni Eldest Young Master Hill, hindi na ito sinabi ni Hadley. Nag-alinlangan siyang sumang-ayon sa ideya ng lalaki.…Limang oras ang nakalipas.Bumaba ang helicopter sa pribadong isla. Sa gitna ng buong isla ay may manor.Sa saglit na iyon, ang mga katulong sa manor ay abala sa paglagay ng mga rosas bilang dekorasyon sa manor.Dahan-dahan nilagay ni Shaun si Catherine sa kama sa mas
Kahit papaano’y walang naramdamang iba si Catherine kundi goosebumps noong makita niyang ganoon kumilos si Shaun.Paanong ang nakakatakot na lalaki sa kasalan kanina’y ibang-iba umakto noong mga sandaling iyon?Ito ba’y may schizophrenia?Naisip ni Catherine na hindi makabubuti sa kanya kung ipagpapatuloy niya ang pagyayapak kung gusto niyang tumakas mamaya. Matapos niyang mapaisip nang ilang mga sandali ay sinuot niya ang kanyang mga tsinelas.Sa sandaling pakakawalan siya ni Shaun ay tumakbo siya na parang loka-loka.May nakakatakot sa malaking lugar na sinlaki ng isang kastilyo. Dahil sa ginayakan ng mga rosas, ribbon, at streamer ang mga dingding ay isang masaya at katuwa-tuwang kapaligiran ang iminumungkahi ng lugar na iyon. Tila ba’y katatapos lamang ng isang engrandeng kasalan at oras na noon para sa unang gabing magkasama ng bagong kasal.Nakasuot ng itim at puti ang mga lingkod na kanina pa nakakasalubong ni Catherine. Nginingitian siya nitong lahat at kung paminsan-mins
Bumuhos ang pagkabigo sa mukha ni Shaun.Ilang beses nang sinasabi sa kanya ni Catherine na hindi na siya nito mahal, at alam niyang totoo ang sinasabi nito.Napatigil niya talaga ang isang babae sa pagmamahal nito sa kanya.Haha.“Hindi na bale kung hindi mo na ako mahal. Minahal mo ako noon, at ngayo’y ako naman ang magmamahal sa’yo at oras na para ikaw naman ang magpahirap sa akin. Makatarungan lamang iyon.”Matapos niyang magsalita ay hinawakan ni Shaun ang mga braso ni Catherine at hinila siya patungo sa isang mahimbing na yakap.“Ano’ng ginagawa mo? Pakawalan mo na ako, Shaun. Sa ginagawa mong ito’y hindi mo ako hinahayaang pahirapan ka, bagkus ay ako lang ulit ang pinahihirapan mo.” Pilit na kumalas si Catherine at hinampas niya ang lalaki.Kay Logal siya natuto ng martial arts, subalit ay agad din naman siyang natalo.Pilit siyang binuhat ni Shaun pabalik ng manor. Nilapitan siya ng butler at sinabing, “Eldest Young Master Hill, handa na po ang lahat sa simbahan.”May
“Ito ang kwarto natin, Cathy. Gusto mo ba?” Inilagay ni Shaun si Catherine sa kama at sumandal upang halikan siya.“Shaun, ‘wag mo ‘kong lalapitan.” Itinaboy papalayo ni Catherine ang katawan ni Shaun. Nasa bingit na siya ng pag-iyak. Sa kanyang pagkabalisa ay nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata.“Syempre kailangan kong lambingin ka. Asawa mo ako. Ito ang una nating gabi bilang bagong kasal.”Ipinilit ni Shaun ang kanyang kaaya-aya at matikas na katawan kay Catherine. Idiniin niya ang kanyang tuhod sa kama at bumalot kay Catherine ang isang aura ng pagkalalaki.“Hindi ikaw ang asawa ko. Si Wesley Lyons ang asawa ko!” Sunod-sunod na sigaw ni Catherine. “Kahit na pinakasalan mo ako at nangako, ano naman? Kahit na pang-bagong kasal itong kwartong ito, hindi pa rin mababago na kay Wesley ako kinasal! Rehistrado na kami, kaya’t legal ang aming kasal.”“Manahimik ka!”Bigla siyang itinulak ni Shaun at ginamit nito ang kanyang kanang kamay upang takpan ang kanyang bi
Nang biglang tumunog ang phone ni Wesley.Nakatanggap siya ng isang kakaibang message.Binuksan niya iyon at mayroon maikling video na nakapaloob dito.Makikita sa video na nakapatay ang ilaw ngunit malinaw niyang nakikita ang dalawang anino sa kama. Nakilala niya ang mapagbirong boses na iyon ay kay Catherine.Bigla siyang nakaramdam na para bang pwersang binuksan ang kanyang dibdib.Hindi siya tanga. Alam niya kung ano ang ginagawa ng dalawa.Subalit ayaw niya iyong paniwalaan. Kinamumuhian niyang isipin iyon…Iyong gabing iyon dapat ang una nilang gabi. Matagal na niyang kinasasabikang dumating ang araw na iyon.Simula pa lamang noong nakilala niya si Catherine sa Melbourne ay nahulog na agad siya rito.Nang pumayag ito sa kanyang proposal, walang dudang ikinatuwa niya iyon. Bagama’t tahimik lamang na ginanap ang kanilang kasal, pinagsikapan niyang gayakan ito.Hindi niya inaakalang kay Shaun lamang mapupunta ang kanyang asawa sa gabing iyon.“Shaun Hill, sisiguraduhin ko