Habang malungkot si Rodney, biglang pumasok ang tawag ni Old Master Snow.Sobrang nagulat si Rodney na halos mabato niya ang phone niya. Ang makakita ng tawag mula sa pamilyang Snow ngayon ay parang pagkita sa hari ng impyerno na paparating para sa buhay niya.Matapos, tumigil sa pagtunog ang phone, pero hindi nagtagal, isa pang tawag ang pumasok. Ang cycle ay nagpatuloy.Naiwan na walang pagpipilian, ang magagawa lang ni Rodney ay sagutin ang tawag. “Grandpa…”“Anong karapatan mong tawagin pa akong grandpa sa pagbingi-bingihan sa mga salita ko? Ikaw na masamang bagay. Hindi dapat kita pianalabas.” Nagalit si Old Master Snow. “Pinalabas lang kita nitong umaga, at nagpropose ka kay Sarah pagdating ng gabi. Bumalik ka, at bubugbugin kita hanggang kamatayan.”“Grandpa, talagang nakakaawa si Sarah. Dapat akong tumayo at protektahan siya ngayon. Hindi ko maintindihan bakit kayong lahat ay may prejudice pagdating kay Sarah.”Bigo na sinabi ni Rodney, “Si Catherine ay isang outsider, ng
Bagaman nawala si Young Master Hill kay Sarah, mayroon pa siyang Young Master Snow, na ang pamilya na posibleng panggalingan ng bagong prime minister para sa susunod na taon.“Hindi kataka-taka na hindi siya makalimutan ni Young Master Snow. Talagang napakaganda niya.”“Hindi ba? Ang pigura niya ay sobrang ayos, at siya ay talagang isang stunner.”“...”Nang marinig ni Sarah ang sunod-sunod na papuri, nagsimula siyang makaramdam ng pagmamalaki.Eh ano kung nawala si Shaun sa kanya? Pwede pa rin siya maging sentro ng atensyon ng lahat.Palihim na nakaramdam si Cindy ng pagkainggit habang tumitingin. Nung una ay minaliit niya si Sarah nang makipaghiwalay si Shaun sa babae, ngunit sinong mag-aakala…Si Chester lamang ang nakasimangot. Nahuli niya ang tagong pagmamalaki sa mga mata ni Sarah sa sandaling naglakad papasok si Sarah ngayon lang.Bagaman agad itong nawala, kakaiba ito.Malinaw na minahal niya si Shaun ng mahigit 10 taon at kakahiwalay pa lamang. Nagtangka pa siyang mag
Suspetya talaga ni Sarah na siya, si Catherine, at si Freya ay mortal na magkaaway. Kung hindi, bakit nila ito iinisin saan man siya magpunta?Si Thomas, na nasa tabi niya, at nakatitig ng nakakamatay kay Freya na kitang may halong kasakiman sa mata niya.“Sarah, kailangan ko makuha ang babae na ito ngayong araw.”Bumulong si Thomas sa tainga ni Sarah, “Hindi ko inisip na magiging maganda ng sobra si Freya. Walang magiging masama para sa akin kapag pinakasalan ko siya.”“Okay, sinusuportahan kita. Nagkataon lang na maraming mamamahayag dito ngayong gabi. Maaari mo samantalahin ang oportunidad na ito, ngunit mag-ingat ka.” Huminga ng malalim si Sarah. Maaari siya maghiganti sa kabila nito. Kapag pinakasalan ni Freya si Thomas, magkakaroon siya ng maraming beses harapin ito.“Gagawin ko.”Tumango si Thomas.Sa entablado, ipinapakilala na ni Freya ang bagong produkto sa lahat.“Magandang gabi sa inyong lahat. Ako si Freya, ang tao na namumuno at cosmetic chemist din ng bagong prod
”Naghanda ako ng bestida sa iyo. Magpalit ka noon bago ka bumaba.” Tinuro ni Rodney ang dark green na bestida sa sofa gamit ang baba niya.“Ayos lang ang damit ko. Bakit kailangan ko magpalit?” Naguguluhan si Freya.“Ang kulay ng damit mo ay kaparehas ng kay Sarah.” Kalmadong sinabi ni Rodney. “Dahil fiancee ko siya at mapapangasawa ng presidente ng kompanya, hindi kita hahayaan na magsuot ng parehas na kulay ng kanya.”“...”Pagkatapos ng ilang saglit ng pagtataka, pakiramdam ni Freya ay sasabog na ang dibdib niya sa galit. “P*ta? Bakit hindi mo na rin sabihin na hindi kami pwede ni Sarah magkaroon ng parehas na kasarian?”Sumimangot si Rodney sa sinabi niya. “Isa kang anak ng marangal na pamilya, ngunit ang bibig mo ay puno ng masamang salita. Napakalaswa.”“Bakit hindi mo sinabi na malaswa ako noong tinanggap mo ako maging cosmetic chemist?”Umismid si Freya. “Ang disenyo ng damit ko ay iba kay Sarah. Bakit hindi ako pwede magsuot ng pulang bestida dahil lang suot niya ito? S
”Rodney, t*nga ka siguro. Paano ako lalabas dito ng hindi iyan suot?” Nagngitngit ang ngipin ni Freya.“Sino ang tinatawag mo na t*nga? Sabihin mo iyon ng isang beses muli, at itatapon ko ang bagay na ito.” Nababagot na si Rodney. Para sa listo at matalinong tao na katulad niya na mapahiya ni Freya nang paulit-ulit ay sobra na.“...Mali ako, Brother Snow. Maaari mo ba ipasa sa aking ang nipple cover ko?” Dali-dali ngumiti si Freya. “Kung ayaw mo, maaari naman ako tumakbo palabas nang ganito ang estado at sumigaw na may motibo sa akin si President Snow. Maraming mamamahayag sa labas, at andoon din ang munting Sarah mo.”“Mahusay.”Ang babala ni Freya ay nagbigay kay Rodney ng walang ibang pagipipilian kundi kunin niya ito at ipasa sa kanya.Sa pagkakita sa namumula niyang mukha, hindi makapagsalita ngunit nakakatawa ito para kay Freya. Kailangan lang niya kunin ang nipple cover! Kailangan niya ba umarte ng ganito? “Hey, hindi ka pa ba nakikipagtalik sa babae dati?”“Hindi pa ako n
Tinaas ni Freya ang natatakot at agrabyado na boses, natatakot na hindi siya marinig ng mga tao sa gilid. “Ang adrk green na bestida na pangpalit ay masyado maliit. Hindi ko ito masuot. Ms. Neeson, pakiusap at ipaalam mo muna sa akin ang kulay ng damit na susuotin mo sa susunod. Natatakot ako na mapagalitan ni Master Snow kapag parehas ulit tayo ng kulay.”Ang mga tao na nakapaligid ay minataan si Sarah at nagsimula na sila mag-usap.“Masyado naman iyon hindi makatuwiran. Siya lang ba ang tao na maaari magsuot ng kulay pula?”“Tama. Ang kulay ng damit niya ay hindi kasing ganda ng kay Ms. Lynch, kaya pinagpalit niya si Ms. Lynch. Hindi ko talaga masabi na ganito siyang klase na tao.”“Si Young Master Snow rin. Si Ms. Lynch ang cosmetic chemist ng produkto na ito at malaki ang naiambag niya sa Osher Corporation, para lang pintasan sa pagsuot ng bestida na kaparehas ng kulay ng kay Sarah. Masyado siya bossy.”“...”Namumula ang mukha nina Rodney at Sarah mula sa mga batikos. Gusto
Hindi nagtagal matapos umalis si Thomas ay nagising si Freya sa init na naramdaman.Nagliliyab ang kanyang katawan, kaya’t sa isang iglap ay tumayo siya dahil hindi niya rin alam kung nasaan siya. Sinubukan niyang hanapin ang kanyang daan hanggang sa natisod siya at nabangga sa isang lalaki.Tila’y nakahanap siya ng isang air conditioner, kaya’t kumapit siya sa lalaki at tumangging pakawalan ito.“Hindi po ba’t si Freya Lynch ito, Eldest Young Lady…” Ninenerbyos na sinulyapan ng assistant ang mga nakakunot na kilay ni Jessica.Tinitigan ni Jessica ang namumulang mukha ni Freya. “Mayroong may pakana nito.”Natigilan ang assistant. “Ngunit nasa press conference po tayo ng Osher Corporation. Siya ang director ng research and development department, kaya’t siya ang tinuturing na bida ngayong gabi. Sino ang maglalakas-loob na maging ganito?”“Dadalhin ko siya sa aking kwarto. Magmatyag-matyag ka rito. Marahil ay kung sinuman ang naghahanap sa isang tao ang may pakana ng lahat ng ito.”
“Ano’ng klaseng tanong ‘yan, oo naman, kwarto ko ‘to…”Tumingin si Rodney sa kanyang paligid, at biglang nawalan siya ng kumpiyansa. Mukha ngang hindi niya iyon silid.Namumula sa galit ang mga mata ni Freya. “Hindi mo rin ‘to kwarto, ano? Rodney Snow, manyak ka. Sino’ng mag-aakalang gagalawin mo ako nang hindi alam ni Sarah? Mukha pa namang mahal na mahal mo ‘yung babae. Kulang pa ba ang babae sa buhay mo? Bakit hindi mo hanapin si Sarah?”“Ako, pagnanasaan ka?” Galit na galit si Rodney. “Ikaw nga ang siyang pumuslit dito kagabi noong lasing ako!”Malapit na talaga siyang masiraan ng bait. Sa wakas ay nilahad na niya ang kanyang pagmamahal para kay Sarah at kahit na mahirap ay pinatili niyang malinis ang kanyang sarili, ngunit sa isang iglap lamang ay sinira ng babaeng iyon ang lahat.“Ugh, sa utak mong ‘yan, hinding-hindi ako makikipagtalik sa iyo kahit na magmakaawa ka pa. Isa pa… unang beses ko rin ‘yung kagabi, okay?” Sa tindi ng kanyang pagkabagot ay gustong umiyak ni Freya.