Tinaas ni Freya ang natatakot at agrabyado na boses, natatakot na hindi siya marinig ng mga tao sa gilid. “Ang adrk green na bestida na pangpalit ay masyado maliit. Hindi ko ito masuot. Ms. Neeson, pakiusap at ipaalam mo muna sa akin ang kulay ng damit na susuotin mo sa susunod. Natatakot ako na mapagalitan ni Master Snow kapag parehas ulit tayo ng kulay.”Ang mga tao na nakapaligid ay minataan si Sarah at nagsimula na sila mag-usap.“Masyado naman iyon hindi makatuwiran. Siya lang ba ang tao na maaari magsuot ng kulay pula?”“Tama. Ang kulay ng damit niya ay hindi kasing ganda ng kay Ms. Lynch, kaya pinagpalit niya si Ms. Lynch. Hindi ko talaga masabi na ganito siyang klase na tao.”“Si Young Master Snow rin. Si Ms. Lynch ang cosmetic chemist ng produkto na ito at malaki ang naiambag niya sa Osher Corporation, para lang pintasan sa pagsuot ng bestida na kaparehas ng kulay ng kay Sarah. Masyado siya bossy.”“...”Namumula ang mukha nina Rodney at Sarah mula sa mga batikos. Gusto
Hindi nagtagal matapos umalis si Thomas ay nagising si Freya sa init na naramdaman.Nagliliyab ang kanyang katawan, kaya’t sa isang iglap ay tumayo siya dahil hindi niya rin alam kung nasaan siya. Sinubukan niyang hanapin ang kanyang daan hanggang sa natisod siya at nabangga sa isang lalaki.Tila’y nakahanap siya ng isang air conditioner, kaya’t kumapit siya sa lalaki at tumangging pakawalan ito.“Hindi po ba’t si Freya Lynch ito, Eldest Young Lady…” Ninenerbyos na sinulyapan ng assistant ang mga nakakunot na kilay ni Jessica.Tinitigan ni Jessica ang namumulang mukha ni Freya. “Mayroong may pakana nito.”Natigilan ang assistant. “Ngunit nasa press conference po tayo ng Osher Corporation. Siya ang director ng research and development department, kaya’t siya ang tinuturing na bida ngayong gabi. Sino ang maglalakas-loob na maging ganito?”“Dadalhin ko siya sa aking kwarto. Magmatyag-matyag ka rito. Marahil ay kung sinuman ang naghahanap sa isang tao ang may pakana ng lahat ng ito.”
“Ano’ng klaseng tanong ‘yan, oo naman, kwarto ko ‘to…”Tumingin si Rodney sa kanyang paligid, at biglang nawalan siya ng kumpiyansa. Mukha ngang hindi niya iyon silid.Namumula sa galit ang mga mata ni Freya. “Hindi mo rin ‘to kwarto, ano? Rodney Snow, manyak ka. Sino’ng mag-aakalang gagalawin mo ako nang hindi alam ni Sarah? Mukha pa namang mahal na mahal mo ‘yung babae. Kulang pa ba ang babae sa buhay mo? Bakit hindi mo hanapin si Sarah?”“Ako, pagnanasaan ka?” Galit na galit si Rodney. “Ikaw nga ang siyang pumuslit dito kagabi noong lasing ako!”Malapit na talaga siyang masiraan ng bait. Sa wakas ay nilahad na niya ang kanyang pagmamahal para kay Sarah at kahit na mahirap ay pinatili niyang malinis ang kanyang sarili, ngunit sa isang iglap lamang ay sinira ng babaeng iyon ang lahat.“Ugh, sa utak mong ‘yan, hinding-hindi ako makikipagtalik sa iyo kahit na magmakaawa ka pa. Isa pa… unang beses ko rin ‘yung kagabi, okay?” Sa tindi ng kanyang pagkabagot ay gustong umiyak ni Freya.
“Huwag kang mag-alala. Hinding-hindi ka hihiwalayan ni Sarah. Ngayong wala na siyang pag-asa kay Shaun, ikaw na lamang ang kanyang masasandalan. Pihado ko’y tatampuhin lamang iyon at pagbabantaan kang hihiwalayan ka niya. Kapag sinuyo mo siya, pagbibigyan ka nu’n. Siya nga pala, alam kong hindi ikaw ang lalabas na masama sa lahat ng ito. Anumang paraan ay ikaw ang palalabasin niyang inosente. Makahahanap iyon ng paraan upang ituon sa iba ang pagkakasala.”Pagkatapos niyang magsalita ay idinabog ni Freya pasara ang pinto.Natigilan si Rodney sa pananalita ng babae.… Nang makalabas si Freya mula sa hotel kahit na masakit ang kanyang mga binti ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Catherine.“‘Teh, ang galing mo naman.”Hangang-hanga si Catherine sa kaibigan nito. “Ang engrande ng pag-propose ni Rodney kay Sarah, at nakipagtalik ka agad sa kanya kinabukasan? Ang galing mo namang balikan si Sarah. Nasa trending searches kayo ni Rodney ngayon. Alam na ng buong Australia ang lahat.”
“Hindi basta-basta ang pagpapakasal.” ‘Ika ni Jason. “Sarili niyang problema ang paglalahad niya ng kanyang pagmamahal kay Sarah. Hinding-hindi papayag ang mga Snow sa pagpapakasal ni Rodney kay Sarah maging ang pagpasok ni Sarah sa pamilya ng mga Snow. Dahil nangyari na ang lahat, pupunta ang mga Lynch dito sa Canberra upang pag-usapan ang magiging kasal.”“Kung gayo’y ano po ang mangyayari kay Sarah?” Tanong ng reporter.“May mga alituntunin kaming sinusunod sa pamilya. Hindi namin hahayaang magkaroon ng ibang babae si Rodney.”Pagkatapos iyong sabihin ni Jason ay natapos ang video.Nanginginig ang mga kamay ni Sarah. Nang mahimasmasan siya ay nagsimula siyang magsisisigaw at basagin ang mga gamit na malapit sa kanya.Hindi niya inaasahang magiging ganitong kalupit sa kanya ang mga Snow. Ngayong inilahad na nila sa lahat na si Freya ang fianceé ni Rodney, ano na lamang siya?Tatlong taon ang nakakaraan, sinira ni Thomas ang reputasyon ni Freya. Ngayon ay inanunsyo ng mga Snow n
“Noong nagtungo ako sa hotel kagabi, nakita kong merong mali kay Freya. Hindi man lang siya makalakad nang ayos, kaya kailangan niya ang tulong ko para makapunta sa kwarto. Maya-maya, nakita ko si Thomas na may hinahanap sa lugar kung nasaan si Freya. Saka ko naisip na tingan ang mga security camera pero saktong hindi gumagana ang mga kamera sa ika-28 na palapag.”‘Pagtapos magsalita ni Jessica, kumatok sa galit sa lamesa si Old Master Snow. “Masyadong matapang si Thomas.”“Hindi siya matapang. Alam ng mga empleyado sa hotel na nobya ni Second Young Master ang kapatid niya kaya hinayaan na lang nila ito.”Tinignan ni Jessica si Rodney nang malamig. “Kung hindi dahil sa’yo, hindi pupunta si Thomas. Dahil din doon, ang pagtulong ko sa’yo tungkol kay Freya. Ikaw na ang mag-ayos ng problemang ginawa mo sa sarili mo. Hindi ba’t maganda iyon?”“Isa pa, ang itsura ni Freya kagabi, ay halatang pinainom siya ng droga. Kahit na paliguan siya ng malamig ay walang kwenta, natatakot din akong b
“Hindi ba’t normal lang naman na matarget ng manyak ang magandang tulad ko?” Tulalang sabi ni Freya. “Hindi, naroon si Thomas kahapon. ‘Yon siguro ang pakana.”Nagulat si Catherine, pero kaagad siyang bumalik sa ayos.“Iyon nga siguro. Kung sinubukan niyang papasukin ‘yung ibang tao sa bahay mo, hindi na nakakagulat na kaya niyang gawin ‘yung kahapon. Kung tutuusin, magagawa niya ang gusto niya dahil inaalalayan ni Rodney si Sarah. Hanggang nandyan si Sarah, hindi siya gagalawin ni Rodney.”“Napaka bastos niya.”Nanginig si Freya sa narinig niya. “Meron bang akong sama ng loob sa kasuklam-suklam na lalaking ito sa huling buhay ko?”“Una, halata namang dahil sa ganda ko ito. Pangalawa, baka gusto ka niyang pakasalan.” Pinag-isipan ng matiwasay ni Catherine.“Ikaw ang isa sa top cosmetic chemist ngayon. Saka, lumalago ang business ng pamilyang Lynch dahil sa management ng kapatid mo. Sa totoo lang, ang rason kung bakit nanatili ito ay dahil sa koneksyon nila kay Shaun.“Dahil nawa
“Dad, hindi niyo po nauunawaan. Sinet-up po ako.” Walang nagawa si Freya kundi ipaliwanag ang buong insidente.Nanahimik ng ilang sandali si Mr. Lynch bago ito magsalita, “Kung gayo’y kailangang maging responsable ni Rodney sa iyo. Kinausap na ako ng mga Snow. Tutungo kami ng iyong ina sa Canberra ngayon upang kumain kasama sila.”“Ay.”Hindi inaasahan ni Freya na ganoong kabilis ang magiging kilos ng mga Snow, kaya’t pinag-isipan niya muli itong mabuti at ipinaalam kay Mr. Lynch ang kanyang plano.Nagalit ito nang marinig ang plano ni Freya. “Ha? Ang sabi ni Rodney ay ikaw ang nang-akit sa kanya. Bulag ba siya? Napakaganda ng aking anak, ngunit ganyan ka niya tignan. Sige, sasakay ako sa kung ano ang gusto mong gawin. Bagama’t mayaman ang mga Snow, hindi pa nangyaring umasa tayong mga Lynch sa kanila. Kaisa mo kami ng iyong ina sa balak mong iyan.”“Salamat po, Dad.” Na-touch si Freya sa sinabi ng kanyang ama kaya naman ay hinalikan niya ang hangin at nagpanggap siyang paliparin