“Hindi basta-basta ang pagpapakasal.” ‘Ika ni Jason. “Sarili niyang problema ang paglalahad niya ng kanyang pagmamahal kay Sarah. Hinding-hindi papayag ang mga Snow sa pagpapakasal ni Rodney kay Sarah maging ang pagpasok ni Sarah sa pamilya ng mga Snow. Dahil nangyari na ang lahat, pupunta ang mga Lynch dito sa Canberra upang pag-usapan ang magiging kasal.”“Kung gayo’y ano po ang mangyayari kay Sarah?” Tanong ng reporter.“May mga alituntunin kaming sinusunod sa pamilya. Hindi namin hahayaang magkaroon ng ibang babae si Rodney.”Pagkatapos iyong sabihin ni Jason ay natapos ang video.Nanginginig ang mga kamay ni Sarah. Nang mahimasmasan siya ay nagsimula siyang magsisisigaw at basagin ang mga gamit na malapit sa kanya.Hindi niya inaasahang magiging ganitong kalupit sa kanya ang mga Snow. Ngayong inilahad na nila sa lahat na si Freya ang fianceé ni Rodney, ano na lamang siya?Tatlong taon ang nakakaraan, sinira ni Thomas ang reputasyon ni Freya. Ngayon ay inanunsyo ng mga Snow n
“Noong nagtungo ako sa hotel kagabi, nakita kong merong mali kay Freya. Hindi man lang siya makalakad nang ayos, kaya kailangan niya ang tulong ko para makapunta sa kwarto. Maya-maya, nakita ko si Thomas na may hinahanap sa lugar kung nasaan si Freya. Saka ko naisip na tingan ang mga security camera pero saktong hindi gumagana ang mga kamera sa ika-28 na palapag.”‘Pagtapos magsalita ni Jessica, kumatok sa galit sa lamesa si Old Master Snow. “Masyadong matapang si Thomas.”“Hindi siya matapang. Alam ng mga empleyado sa hotel na nobya ni Second Young Master ang kapatid niya kaya hinayaan na lang nila ito.”Tinignan ni Jessica si Rodney nang malamig. “Kung hindi dahil sa’yo, hindi pupunta si Thomas. Dahil din doon, ang pagtulong ko sa’yo tungkol kay Freya. Ikaw na ang mag-ayos ng problemang ginawa mo sa sarili mo. Hindi ba’t maganda iyon?”“Isa pa, ang itsura ni Freya kagabi, ay halatang pinainom siya ng droga. Kahit na paliguan siya ng malamig ay walang kwenta, natatakot din akong b
“Hindi ba’t normal lang naman na matarget ng manyak ang magandang tulad ko?” Tulalang sabi ni Freya. “Hindi, naroon si Thomas kahapon. ‘Yon siguro ang pakana.”Nagulat si Catherine, pero kaagad siyang bumalik sa ayos.“Iyon nga siguro. Kung sinubukan niyang papasukin ‘yung ibang tao sa bahay mo, hindi na nakakagulat na kaya niyang gawin ‘yung kahapon. Kung tutuusin, magagawa niya ang gusto niya dahil inaalalayan ni Rodney si Sarah. Hanggang nandyan si Sarah, hindi siya gagalawin ni Rodney.”“Napaka bastos niya.”Nanginig si Freya sa narinig niya. “Meron bang akong sama ng loob sa kasuklam-suklam na lalaking ito sa huling buhay ko?”“Una, halata namang dahil sa ganda ko ito. Pangalawa, baka gusto ka niyang pakasalan.” Pinag-isipan ng matiwasay ni Catherine.“Ikaw ang isa sa top cosmetic chemist ngayon. Saka, lumalago ang business ng pamilyang Lynch dahil sa management ng kapatid mo. Sa totoo lang, ang rason kung bakit nanatili ito ay dahil sa koneksyon nila kay Shaun.“Dahil nawa
“Dad, hindi niyo po nauunawaan. Sinet-up po ako.” Walang nagawa si Freya kundi ipaliwanag ang buong insidente.Nanahimik ng ilang sandali si Mr. Lynch bago ito magsalita, “Kung gayo’y kailangang maging responsable ni Rodney sa iyo. Kinausap na ako ng mga Snow. Tutungo kami ng iyong ina sa Canberra ngayon upang kumain kasama sila.”“Ay.”Hindi inaasahan ni Freya na ganoong kabilis ang magiging kilos ng mga Snow, kaya’t pinag-isipan niya muli itong mabuti at ipinaalam kay Mr. Lynch ang kanyang plano.Nagalit ito nang marinig ang plano ni Freya. “Ha? Ang sabi ni Rodney ay ikaw ang nang-akit sa kanya. Bulag ba siya? Napakaganda ng aking anak, ngunit ganyan ka niya tignan. Sige, sasakay ako sa kung ano ang gusto mong gawin. Bagama’t mayaman ang mga Snow, hindi pa nangyaring umasa tayong mga Lynch sa kanila. Kaisa mo kami ng iyong ina sa balak mong iyan.”“Salamat po, Dad.” Na-touch si Freya sa sinabi ng kanyang ama kaya naman ay hinalikan niya ang hangin at nagpanggap siyang paliparin
”Sarah, ikaw ang babaeng mahal ko.” Galit na kinuha ni Rodney ang kamay ng babae at mapagmahal na sinabi, “Para sayo, kaya kong isuko ang lahat.”“Ano… Anong ibig mong sabihin?” May masamang pakiramdam si Freya tungkol dito.Mapait na tumawa si Rodney. “Sinabi sa akin ng kapatid ko na kapag hindi ko kinilala si Freya bilang fiancee ko, ang pamilyang Snow ay ibablacklist ang Osher Corporation. At ang malamig ang dugong babae na iyong, si Jessica, ay talagang kayang gawin ito. Kapag ang pamilyang Snow ay inapi ako, maaaring mawala sa akin lahat, pero ayos lang ito. May ipon pa naman ako. Masaya ako hangga’t nasa akin ka.”“...”Natigilan si Sarah.Kinasusuklaman niya na si Rodney sa pagkakawala nito ng kanyang karapatan na maging tagapagmana ng Snow Corporation. Kapag nawala rin sa kanya ang Osher Corporation, edi ano pa ang mayroon siya? Kailangan nilang mabuhay gamit ang kaunting ipon ng lalaki?Gaano katagal iyong kaunting halaga ng ipon tatagal?Siguro kailangan niyang alagaan
... Matapos umalis ng seaside villa, tinawag ni Rodney si Chester. Ang lalaki ay bad mood.Gayunpaman, nang dumating siya, napansin niya na si Shaun ay nandun din. May diretsong mukha si Shaun, at nakasuot siya ng itim na shirt at isang pares ng itim na pantalon. Mukha talaga siyang isang nabubuhay na hari ng impyerno.“Bakit nandito ka rin?”Di matiis ni Rodney na makita si Shaun.Kinunot ni Shaun ang kilay niya at tumingin sa lalaki, na kung saan agad ay nagsabi si Chester, “Narinig ni Shaun na nasangkot ka sa gulo, kaya medyo nag-aalala siya. Rodney, lahat tayo ay magkakaibigan sa pagkabata na lumaking magkakasama. Kailangan ba nating maging ganito dahil sa isang babae?”“Hindi ito kung sinong babae. Si Sarah ito!” Ang tono ni Rodney ay sobrang agresibo. “Shaun, sa huli, kasalanan mo na sobrang miserable si Sarah. Kung hindi dahil sayo, ang pamilyang Snow ay hindi siya tututulan. Talagang mabuting babae siya. Bagaman nagkasala ako sa kanya, sobrang considerate niya pa rin sa
Nakikita ang prejudiced na itsura ni Rodney ang nagpagusto kay Shaun na itapon ang lalaki na inidoro at buhusan ito ng malamig na tubig para magising ang lalaki.Gayunpaman, ito ay posibleng walang kwenta, kagaya ng kung paano siya dati.Hindi siya naniwala sa kahit anong sabihin ng iba. Ito ay tila siya ay possessed.“Halika. Uminom ka kung bad mood ka. Mawawalan ka ng alalahanin pag lasing ka.” Nagbuhos si Chester ng alak para kay Rodney.Nang lasing na si Rodney at tulog sa sopa saka nagsindi si Chester ng sigarilyo at bahagyang nagbuntong hininga.“Bakit pakiramdam ko na hindi talaga siya tinutulungan magsucceed ni Sarah? Ayaw lang ng babae na wala lang ang lalaki kapag wala ang Osher.”“Pakiramdam ko rin.” Binigyan ni Shaun ang lalaki ng kakaibang tingin. “Hindi ba’t naniwala ka kay Sarah dati?”“Masyado siyang magaling sa pagpapanggap/ Siguro si Sarah ay nagbago tatlong taon na ang nakalipas, hindi lang natin napansin.”Sumulyap si Chester sa kanya. “Hindi ka pumunta sa p
Nagmaneho si Catherine papasok at nakakita ng itim ng Aston Martin na nakaparada sa tabi ng kanyang exclusive parking space.Si Shaun ay nakaupo sa harap ng sasakyan, nakasuot ng puting shirt na maluwag na nakatucked in sa kanyang trousers. Siguro ay nabawasan siya ng timbang kamakailan dahil ang kanyang mga damit ay mukhang medyo maluwag.“Shaun Hill, bakit ka nandito? Naniniwala akong nagawa kong malinaw ang sarili ko.” binagsak ni Catherine ang pinto habang bumababa. Ang tono niya ay tunog nauubusan ng pasensya.Sumakit ang puso ni Shaun.Sa lahat ng oras na ito, hindi siya pumunta para hanapin ang babae sa kumpanya dahil takot siya na titignan siya ng babae na may ganoong malamig na mga mata.“Kailangan kitang kausapin tungkols a isang bagay. May kinalaman ito sa kaibigan mo, si Freya.” “Ano ito?” Huminto si Catherine.“Mag-uusapa ba tayo rito? Pumunta tayo sa opisina mo.” Naglakad si Shaun papunta sa babae.“...Sige.”Sumimangot si Catherine. Kung tungkol ito kay Freya,