Magiliw tinignan ni Wesley si Catherine. Malambing niyang sinabi, “Kumpara sa kumpanya, mas gugustuhin kong hindi ka nalulungkot.”Nagulat si Catherine.Kahit na mahal siya ni Wesley, hindi niya inakalang kaswal niyang isasakripisyo ang kinabukasan ng kumpanya para sa kanya.“Wesley, hindi ako karapat-dapat…” Sabi niya sa mababang boses. Wala na siyang magawa kundi maging taos-puso.“Bakit hindi karapat-dapat? Ikaw ang direktor ng kumpanya na may net worth na 100 billiong dolyar, ang nag-iisang anak ni Joel, at ang head director ng Hazle Group. Mayroon kang kakilanlan. Ang bilang ng lalaki na gusto kang pakasalan ay may pila, pero heto ka iniisip na hindi ka karapat-dapat.” Nakangiting sabi ni Wesley. “Sa kabilang banda, ikaw ang taong hindi ko matatamas.”“Huwag ka ngang magbiro. Ang ranking ng Golden Corporation ay pumasok na sa top 50 megacorporation ng buong nation. Lagi kang sinusundan ng medya, ang binatang susunod na preesidente. Maraming babaeng anak ang gustong ikasal sa’
”Sunduin mo si Suzie sa umaga. Dalhin mo siya para makapaglaro ng buong araw.” Nagtakda ng gawain si Catherine sa lalaki.“Ganun lang ‘yun?” Natigilan si Austin.“Oo. Huwag mo hahayaang may makakilala sayo bukod kay Suzie.”...6:30 a.m.Nang si Catherine ay papunta sa Liona, tinawagan niya si Shaun.“Sa wakas ay tinawagan mo na ako.” Maririnig ang malamig, namamaos na tawa ni Shaun. “Akala ko ayaw mo na ang utusan mo.”“Gusto kong kitain si Logan. Darating ako sa Liona sa loob ng 40 minuto,” sabi ni Catherine.“Nananaginip ka ba? Anong karapatan mong gumawa ng deal kasama ako?” Malupit na sinabi ni Shaun, “Catherine, minaliit kita. Pumunta ka sa pamilyang Snow para paghiwalayin sila. Ginulo mo nang sobra si Rodney. Ni hindi ko nga siya macontact hanggang ngayon. Kinulong siya ng pamilyang Snow.”“Hindi ko inasahan na maging efficient si Elder Snow.” Ngumiti si Catherine. Ito lamang ang mabuting balitang narinig niya sa loob ng dalawang araw.“So ikaw nga,” nanlalamig na sina
”Tama ‘yan, Sarah.” Sumabad si Thomas, “Mula nang masaktan ka kahapon, nanatili si Young Master Hill sa tabi mo at hindi umalis. Anong gagawin niya kapag may nangyari sayo?”Sumimangot si Shaun nang marinig ang mga salitang ‘yun. Gayunpaman, nang makita niya ang sinag ng pag-asa sa mga mata ni Sarah, hindi niya kinaya na magsalita.“Talaga?” Tumingin si Sarah sa lalaki na may pag-asa gamit ang namumula niyang mga mata. “Shaunic, hindi ka ba galit sa akin? Sobrang dumi ko. Muntik ako—”“Hindi nangyari,” Pinutol siya ni Shaun. “Huwag ka mag-isip ng kalokohan. Nakarating kami roon ng sakto sa oras at pinigilan itong mangyari.”“Bakit palaging nangyayari sa akin ang ganitong mga bagay?” Ang ekspresyon ni Sarah ay puno ng kawalan ng pag-asa. “Ni hindi ko kilala ang taong iyon. Talagang nakakatakot. Pinunit niya lahat ng damit ko—ahh!”Bigla niyang yinakap ang ulo niya sa sakit.“Huwag mo nang isipin ang tungkol dito.” Kinuha ni Shaun ang kamay ng babae. Tinilapon ni Sarah ang sarili n
Hindi nagtagal nang umalis si Shaun, si Sarah na nasa kama ay dumilat.“Sarah, napakagaling mo.” tinaas ni thomas ang hinlalaki niya. Bumulong siya, “Gaano kaya kagalit si Catherine pag nalaman niya ang isa sa tauhan niya ay mapuputulan ng daliri?”Pinikit ni Sarah ang mata niya. Gaano kagalit si Catherine?Base sa impormasyon na nakuha niya, tauhan iyon ni Catherine pero tinatrato niya itong pamilya.Higit sa lahat pinapahalagahan niya ang nararamdaman nito. Gaano kagalit kaya siya kung maputulan ng daliri ang kapamilya nita?Habang buhay hindi makikipagrelasyon si Shaun kay Catherine.... Sa Liona, pinarada ni Catherine ang sasakyan niya sa kotse, naglakad siya sa main door.Nang makita siya ng tao sa pinto, kaagad niya itong nireport.Makalipas ang ilang minuto, nagsama si Elle ng mga tao at pumunta. Nang makita niya si Catherine nagulat siya. “Young Madam—”“Huwag mo na akong tawaging ‘Young Madam’. Hindi na ako ganoon, matagal na.” Tumingin si Catherine sa kanya nang
Kahit na sila ay malayo pa, nararamdman ni Catherine na si Shaun ay sobrang sama ang mood. Kahit ang kanyang mata ay puno ng galit.Nang maalala niya na siya ay nanggaling sa ospital, alam niya na ang p*tang iyon, si Sarah, ay nagtanim ng bagay para magkaroon ng kaguluhan sa pagitan nila muli.“Eldest Young Master Hill, sabi ni Miss Jones na gusto niya makita si Logan,” Humakbang paharap si Chance at sinabi.Ang manipis na labi ni Shaun ay tumaas nakangisi. “Maaari mo siyang makita, ngunit hindi ka na muli makakalabas matapos mong pumasok. Ano sa tingin mo?”Ang kilay ni Catherine ay nakakunot ng magkakalapit. “Shaun, nandito ako dahil ako ay tapat na gusto na makipagusap sayo. Kailangan ba nating gawin ganito ang mga bagay sa pagitan natin?”“Sa tingin mo ba papayag ako? Ikaw ang pumilit sa akin.” Ang dibdib ni Shaun ay puno ng galit. Ginawa nito ang kanyang tono na mapuno din ng inis.“Catherine, inisip mo ba ang aking damdamin ng tinutok mo ang baril sa akin? Gumawa ka din ng
Nanginig ang puso ni Shaun. Nanliit ang mata niya. "Ano ang ibig mong sabihin?""Nag-iisip lang ako, Eldest Young Master Hill, ano kaya ang mararamdaman mo kung may tao na tumaga sa daliri ng miyembro ng pamilya mo?" Mapait na ngumiti si Elle. Yumuko siya para kuhain ang daliri sa sahig at nagpunta sa ospital habang dala iyon.Nakatayo lang si Shaun sa pwesto niya, hindi gumagalaw.Nalalapit na ang tag-init, ngunit pakiramdam niya ay nanlalamig ang kalaman-lamanan niya.Hindi, hindi maaari. Siya ay isang bodyguard lang.Atsaka, kailangan niya turuan ng leksyon si Catherine. Kung hindi, hindi niya mabibigyan si Sarah ng paliwanag....Sa basement.Ipinasok si Catherine. Pagbukas ng pinto, naamoy kaagad niya ang dugo. Pagkatapos ay nakita niya itinapon si Logan sa sahig na parang sako. Wala na siyang malay.Ang mukha niya, na mayabang at hindi sumusuko dati, ay may matinding sugat. Ang buong katawan niya ay puno ng sugat na mula sa latigo.Tinignan niya ang buong katawan nito.
"Lahat ng ito… ay siguradong konektado kay Sarah. Ngunit… ang mas nakakatakot ay ang tao na nagtatago sa likod ni Sarah."Nahihirapan si Logan at sinabi, "Tayo na… ang pinupunterya niya."Kinilabutan si Catherine. "Sinabi mo na ba kay Shaun ito?""Sinabi ko na, ngunit… sa tingin nila ay nagsisinungaling ako." Mapait na tumawa si Logan. "Boss, ikaw… ang pangit ng pinili mo. Mas… malakas pa nga ako sa kanya.""Pasensya ka na. Kaya mo ba ito tiisin?" Nag-aalala siya tinignan ni Catherine."Ang pinakamasakit na bagay… ay ang withdrawal symptoms." Naghihingalo si Logan. Ngunit… ang sakit sa katawan ko ay tinutulungan ako magising at makontrol… ang sarili ko. Bukod doon, ang kamatayan… ay wala lang. Utang na loob ko naman sa iyo ang buhay ko.”“Huwag ka na magsalita pa. Ilalabas kita dito.”Hinawakan ni Catherine ang kamay niya at nangako habang namumula ang mata niya.Biglang bumukas ang bakal na pinto. Nakatayo si Shaun sa may pintuan. Nang nakita niya na magkahawak nang mahigpit
Nagbago ang ekspresyon ni Shaun. Tinignan niya si Catherine ng hindi natitinag.Hindi gumagalaw ang mata ni Catherine na parang tubig sa lawa- kalmado at walang alon.“Kung ano ang sinabi niya ay tama. Kung opisyal tayo na lumalabas dati, opisyal ko na sinasabi ito. Shaun, maghiwalay na tayo. Imposible para sa akin na makasama pa kita. Ito ay hindi na magiging posible ulit. Samakatuwid, hindi na importante kung patatawarin mo ako o hindi.”Tinignan ni Shaun ang babae na nasa harap niya na may kalmado at determinado na ekspresyon. Ang malakas niya na puso ay nanginig nang husto.Isang hindi maipaliwanag na pakiramdam na kawalan ng pag-asa ang bumalot sa kanya.Sobrang lapit sa kanya ni Catherine sa saglit na iyon, ngunit para bang may mga bundok at ilog sa pagitan nila.Walang nakakaalam na kailanman ay hindi niya inisip makipaghiwalay. Kahit pa noong lumuhod sa harap niya si Rodney… Kahit noong alam niya na siya ang nag-utos kay Logan, gusto niya gamitin si Logan na palusot. Bast