“Oo. Noong sina Sarah at Shaun pa ay mayroon pa siyang relasyon kasama ang isang drug addict na taga-ibang bansa. Kung hindi ako nagkakamali ay nakilala nila ang isa’t isa noong pumunta ng ibang bansa si Sarah. Linggo-linggo ay pumupunta si Sarah sa apartment ng lalaki at magdamag siyang namamalagi roon. Hindi nakita kung sino ang pumatay sa lalaki. Noong una’y si Sarah ang pinagsususpetyahan ng mga pulis, ngunit wala silang makitang ebidensya laban sa kanya.”Ikinagulat ng buong pamilya ng mga Snow ang kanilang narinig.Lalo na’t hindi lingid sa kanilang kaalaman na patagong pinoprotektahan ni Rodney si Sarah.Bagama’t naging usap-usapan si Sarah nitong mga nakakaraang araw, wala pa namang nakapagpapatotoo sa lahat ng mga iyon. Walang nakaaalam ng mga tunay na kaganapan ng insidenteng iyon.“Sigurado ba kayong totoo ang inyong sinasabi?” Nababalot ng lungkot ang mukha ni Jessica.“Sa katunayan ay alam iyan ni Young Master Snow, ngunit diyosa kung ituring niya si Sarah. Marahil ay
Nang mapagtantuan nila ang gulong kanilang ginawa, nagsalita si Joel, “Gabi na. Mauuna na kami.”“Aalis na lang kayo bigla, bakit hindi muna kayo mag-kape?” Napatayo si Jason.“Sa susunod na lang siguro, dahil iimbestigahan pa namin ‘yung tungkol sa bodyguard ni Catherine upang malaman kung sino talaga ang palihim na lumalaban kay Catherine. Kailangan naming malaman ang katotohanan.” Ikinaway ni Joel ang kanyang kamay bago sila tuluyang umalis ni Catherine.Pagkaalis nila’y nagtanong si Old Master Snow, “Sa palagay niyo ba’y totoo ang sinasabi nina Joel at ng kanyang anak?”Sumimangot si Jason. “Palagay ko’y… nagsasabi si Catherine ng totoo. Isa pa, mabuting tao si Joel.”“Sang-ayon ako.” Tumungo si Wendy. “Dahil kung hindi ay marahil hindi siya lolokohin ni Nicola na siyang nakikipag-relasyon kay Damien sa loob ng sampung taon. Isa pa, natutuwa ako kina Catherine at Freya mula noong huli ko silang nakilala. Hindi sila katulad ng mga taong masasama ang loob. Isa pa, mas nakikita n
Tumango si Catherine. Pasikreto siyang natuwa na nakapunta siya sa pamilyang Snow ngayon.Kahit papaano, tuluyan niyang nasira ang posibilidad na makasal si Sarah kay Rodney.Habang malalim ang iniisip niya, tumunog ang phone niya. Si Wesley ito, na matagal siang hindi kinausap. “Cathy, narinig ko ang insidene tungkol kay Logan at Freya.”Hindi makapagsalita si Cathy. “Freya, ang madaldal na ‘yun…”“Gusto ka lang naman niyang tulungan. Magkita tayo,” sabi ni Wesley. “Pag-usapan natin ang pwedeng gawin.”Hindi naisip ni Catherine na kaya makipaglaban ni Wesley kay Liona, pero hindi niya kayang hindian ito. Sa hulim, tumango na lang siya....Sa basement ni Liona.Ang tunog ni Rodney habang nakikipag-usap at ang tunog ng latigo ay nasasabay. “Sabihin mo! Si Catherine ba ang ang nag-utos sa’yo?”“Hindi, Wala… akong ginawa.” Kinimkim ni Logan ang panga niya. Noong hindi na niya matiis, nahimatay siya.“P*ta, ang g*gong ‘to? Ang tigas ng ulo.”Tumalikod si Rodney at umalis sa bas
Humakbang paharap si Tyler. Mapagpakumbabang sabi niya, “Young Master Hill, Master Ziegler, Snowden, and Liona, hindi natin kailanman pinakialaman ang isa’t-isa. Sa tingin ko hindi kayo dapat mangialam sa problema ng pamilyang Snow.”“Hinahayaan ng pamilyang Snow na bugbugin ang apo nila?” Hindi makapaniwala si Shaun.Rodney, na binugbog hanggang mabali ang buto niya, gait na sinabi, “Si Catherine ang nagsabi sa grandpa ko. Sinusubukan niyang lamatan ang relasyon namin.”May bakas ng galit ang makikita sa mata ni Shaun. Ang babaeng iyon ay tuso at kasuklam-suklam.Walang pakialam na sabi ni Tyler, “Inutos ni Old Master Snow. Kung lalaban si Young Master Snow, pwede namin siyang bugbugin kung paano namin gusto. Ito ay para maiwasan ang gulo na ikapapahamak ng pamilyang Snow.”“Nababaliw na siguro ang grandpa ko…” Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin iyon may sumuntok sa tiyan niya galing sa likod.“Ikaw ang baliw,” Malamig na pagpapaalala ni Tyler, “Ang eleksyon ni Second Maste
Magiliw tinignan ni Wesley si Catherine. Malambing niyang sinabi, “Kumpara sa kumpanya, mas gugustuhin kong hindi ka nalulungkot.”Nagulat si Catherine.Kahit na mahal siya ni Wesley, hindi niya inakalang kaswal niyang isasakripisyo ang kinabukasan ng kumpanya para sa kanya.“Wesley, hindi ako karapat-dapat…” Sabi niya sa mababang boses. Wala na siyang magawa kundi maging taos-puso.“Bakit hindi karapat-dapat? Ikaw ang direktor ng kumpanya na may net worth na 100 billiong dolyar, ang nag-iisang anak ni Joel, at ang head director ng Hazle Group. Mayroon kang kakilanlan. Ang bilang ng lalaki na gusto kang pakasalan ay may pila, pero heto ka iniisip na hindi ka karapat-dapat.” Nakangiting sabi ni Wesley. “Sa kabilang banda, ikaw ang taong hindi ko matatamas.”“Huwag ka ngang magbiro. Ang ranking ng Golden Corporation ay pumasok na sa top 50 megacorporation ng buong nation. Lagi kang sinusundan ng medya, ang binatang susunod na preesidente. Maraming babaeng anak ang gustong ikasal sa’
”Sunduin mo si Suzie sa umaga. Dalhin mo siya para makapaglaro ng buong araw.” Nagtakda ng gawain si Catherine sa lalaki.“Ganun lang ‘yun?” Natigilan si Austin.“Oo. Huwag mo hahayaang may makakilala sayo bukod kay Suzie.”...6:30 a.m.Nang si Catherine ay papunta sa Liona, tinawagan niya si Shaun.“Sa wakas ay tinawagan mo na ako.” Maririnig ang malamig, namamaos na tawa ni Shaun. “Akala ko ayaw mo na ang utusan mo.”“Gusto kong kitain si Logan. Darating ako sa Liona sa loob ng 40 minuto,” sabi ni Catherine.“Nananaginip ka ba? Anong karapatan mong gumawa ng deal kasama ako?” Malupit na sinabi ni Shaun, “Catherine, minaliit kita. Pumunta ka sa pamilyang Snow para paghiwalayin sila. Ginulo mo nang sobra si Rodney. Ni hindi ko nga siya macontact hanggang ngayon. Kinulong siya ng pamilyang Snow.”“Hindi ko inasahan na maging efficient si Elder Snow.” Ngumiti si Catherine. Ito lamang ang mabuting balitang narinig niya sa loob ng dalawang araw.“So ikaw nga,” nanlalamig na sina
”Tama ‘yan, Sarah.” Sumabad si Thomas, “Mula nang masaktan ka kahapon, nanatili si Young Master Hill sa tabi mo at hindi umalis. Anong gagawin niya kapag may nangyari sayo?”Sumimangot si Shaun nang marinig ang mga salitang ‘yun. Gayunpaman, nang makita niya ang sinag ng pag-asa sa mga mata ni Sarah, hindi niya kinaya na magsalita.“Talaga?” Tumingin si Sarah sa lalaki na may pag-asa gamit ang namumula niyang mga mata. “Shaunic, hindi ka ba galit sa akin? Sobrang dumi ko. Muntik ako—”“Hindi nangyari,” Pinutol siya ni Shaun. “Huwag ka mag-isip ng kalokohan. Nakarating kami roon ng sakto sa oras at pinigilan itong mangyari.”“Bakit palaging nangyayari sa akin ang ganitong mga bagay?” Ang ekspresyon ni Sarah ay puno ng kawalan ng pag-asa. “Ni hindi ko kilala ang taong iyon. Talagang nakakatakot. Pinunit niya lahat ng damit ko—ahh!”Bigla niyang yinakap ang ulo niya sa sakit.“Huwag mo nang isipin ang tungkol dito.” Kinuha ni Shaun ang kamay ng babae. Tinilapon ni Sarah ang sarili n
Hindi nagtagal nang umalis si Shaun, si Sarah na nasa kama ay dumilat.“Sarah, napakagaling mo.” tinaas ni thomas ang hinlalaki niya. Bumulong siya, “Gaano kaya kagalit si Catherine pag nalaman niya ang isa sa tauhan niya ay mapuputulan ng daliri?”Pinikit ni Sarah ang mata niya. Gaano kagalit si Catherine?Base sa impormasyon na nakuha niya, tauhan iyon ni Catherine pero tinatrato niya itong pamilya.Higit sa lahat pinapahalagahan niya ang nararamdaman nito. Gaano kagalit kaya siya kung maputulan ng daliri ang kapamilya nita?Habang buhay hindi makikipagrelasyon si Shaun kay Catherine.... Sa Liona, pinarada ni Catherine ang sasakyan niya sa kotse, naglakad siya sa main door.Nang makita siya ng tao sa pinto, kaagad niya itong nireport.Makalipas ang ilang minuto, nagsama si Elle ng mga tao at pumunta. Nang makita niya si Catherine nagulat siya. “Young Madam—”“Huwag mo na akong tawaging ‘Young Madam’. Hindi na ako ganoon, matagal na.” Tumingin si Catherine sa kanya nang