Share

Kabanata 872

Doon sa may carpark.

Habang umaakyat ang elevator ay siya namang sinuntok nang malakas ni Shaun ang bintana ng kanyang sasakyan.

Tumulo ang dugo mula sa kanyang kamao patungo sa lapag, ngunit wala siyang naramdamang kahit na anong sakit. Namula ang kanyang mga mata, at nababalot siya ng pighati.

Totoo ngang… tinutukan siya ng baril ni Catherine.

Ano pa bang mas sasakit pa kaysa sa makitang hindi na kailangang magdalawang-isip pa ng kaisa-isang babaeng minahal niyang barilin siya?

Ha!

Minahal nga ba siya nito? Bakit naman ganoon siyang kalupit?

“Shaun, hindi pa ba malinaw sa iyo sa puntong ito kung ano ba talaga si Catherine? Matagal na siyang nagbago. Sa dami ng pinagbago niya’y hindi na natin siya makilala. Sino’ng maglalakas-loob na magdala ng baril nang gano’n?”

Nababagot na sinabi ni Rodney. “Marami siyang tinatago sa iyo. Marahil nga’y hindi siya gano’ng kaseryoso sa relasyon ninyo. Ni hindi ka nga niya mahal. Nakipagbalikan lamang siya sa iyo dahil gusto niyang gantihan s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status