Malupit na tinignan ni Shaun si Hadley.Hindi makapagsalita si Hadley.Ano ang mali na ginawa niya? Humihingi lang naman siya ng lagda. Talaga naman, ang pagiging assistant ni Eldest Young Master Hill ay humihirap lalo."Ipasa mo sa akin ang dokumento."Dahan-dahan binuksan ni Shaun ang bibig niya habang tinitignan ng masama si Hadley.Binigay ito sa kanya ni Hadley. Pagkatapos pirmahan ni Shaun ito, nabanggit ni Hadley, "Siya nga pala, may isa pang bagay, Eldest Young Master Hill. Nasa balita ka dahil sa pagbisita mo kay Sarah sa ospital kagabi."Binuksan ni Hadley ang balita at ipinakita ito kay Shaun. "Ngayon at hinahabol mo si Ms. Jones, sa tingin ko kapag nakita niya ang balita na ito, baka makaramdam siya ng… pagkabigo.""Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina?"Pagkatapos panoorin ni Shaun ang bidyo, mabilis na naging malupit ang itsura niya. "Sinong taga-ulat ito?""Ito ay taga-ulat mula sa Sun Weekly. Ang organisasyon na nagbabalita palagi ng mga walang kwenta na nangya
"Shaunic, hindi pa ako magaling. Sa susunod na natin iyan pag-usapan." Nang makita no Sarah ang titulo sa folder, nakaramdam siya ng paglubog. Mabilis siyang nag-peke na hindi maganda ang nararamdaman niya at humiga. "Sarah, huwag ka na tumakbo palayo." Ayaw na ni Shaun patagalin pa ito, kaya umakto siya ng mabangis. "Ito ang titulo sa villa sa tabi ng dagat. At saka, bibigyan din kita ng isang duplex apartment at sampung commercial property. Ito ang kard na may laman na 100 bilyong dolyar, at ito ay sapat na para mabuhay ka sa luho.""Tigilan mo na. Hindi ako makikipaghiwalay sa iyo." Natapon ni Sarah ang baso ng mainit na tubig sa tabi niya dahil sa pagkabalisa at ang kinahinatnan ay napaso ang kamay niya."Miss Neeson…" Gulat na gulat si Yael at mabilis niyang pinindot ang bell para tawagin ang doktor."Ang sakit ng kamay ko. Sobrang sakit." Nagsimula umiyak si Sarah sa sakit.Inabisuhan ni Yael si Shaun, "Eldest Young Master Hill, hindi pa gumagaling si Miss Neeson. Bakit kai
Magulo rin ang utak ni Sarah.Wala siya sa mood para pilitin manatili si Rodney.Ilang saglit lang kanina, inisip niya magpakasal kay Rodney kung hindi niya maibabalik si Shaun.Kung tutuusin, siya ang taga-pamana ng Snow Corporation at pamangkin ng susunod na presidente.Ito ay hindi gaanong kagalang-galang kaysa sa pagpapakasal kay Shaun.Subalit, sa isang iglap lang, si Rodney ay inalisan ng karapatan ng pamilyang Snow mula sa pagmamana ng mga share ng Snow Corporation. Kung walang suporta ng pamilyang Snow, si Rodney, na may Osher Corporation lang, ay wala na. Magkakaroon siya ng mas malalang kasal kaysa kay Cindy.Mababaliw na si Sarah. Bakit ba sobrang malas niya?… Nagmamadali umuwi si Rodney.Sa gazebo, si Old Master Snow at si Jessia ay nag-uusap tungkol sa mga bagay sa kumpanya."Jessica, kung lalaki ka lang. Mas may kakayahan ka kaysa kay Rodney." Kapag pinakikinggan ni Old Master Snow si Jessia magsalita tungkol sa trabaho, nagiging emosyonal siya."Grandpa, par
May kahinaan sa tingin ng mga mata ni Jessica kay Rodney. “Seryoso si Grandpa. Pag-isipan mo itong mabuti. Para lamang sa isang babae? Hanggang saan mo kaya kapag hindi ka tinulungan ng mga Snow?“Pinag-isipan ko itong mabuti. ‘Di tulad mo, hindi ako magpapakasal sa isang taong hindi ko gusto,” Galit na sumagot si Rodney.Nag-iba ang itsura ni Jessica, at bumakas ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Pagkatapos nito’y lumabas na siya ng gazebo at tuluyang umalis.Mga ilang sandali pang tumayo roon si Roney bago ito naiiritang lumabas sa family house ng mga Snow.Pagkapasok niya ng sasakyan ay nakatanggap siya ng tawag mula kay General Manager Stevens. “President Snow, hindi po naging matagumpay ang pagkuha natin sa SKITTL Group ng Country F.”“Ano’ng nangyari? Hindi ba’t dalawang taon ang inihanda niyo para makuha ang SKITTL Group?” Muling bumalik ang matinding pagkagalit na naramdaman ni Rodney. Noong una’y nais niya sanang gamitin ang pagkakataon ng pagkakuha sa SKITTL Group upan
9:30 p.m.Sumandal si Shaun sa pinto ng bahay ni Catherine at paminsan-minsan itong tumitingin sa kanyang phone.Gabi na, ngunit bakit wala pa rin ang babaeng iyon? Nakikipag-date nanaman ba ito kasama ang ibang lalaki? Kung hindi pa niya isinilip ang kinaroroonan ni Isaac at nalamang magpapagabi ito sa kumpanya dahil sa karagdagang trabaho, marahil ay hindi na siya magpapakatangang maghintay sa harap ng pintuan nito sa loob ng pitong oras.Hindi pa siya naghintay nang ganitong katagal para lamang sa isang babae noon.Ding. May tunog na narinig mula sa elevator.May mga lumapit sa kanyang miyembro ng kapulisang nakasimangot. “Mukhang ikaw nga iyon.”Natulala si Shaun.“Halika na. Aalis ka rito, o susundan mo kami pabalik ng istasyon?” Malamig na sinabi ng pulis. “Ipinagbigay alam na sa amin ng may-ari nitong bahay ang nagyayari. Sabi niya’y ikaw raw ang dati niyang asawang pinepeste pa rin siya kahit na hiwalay na kayo kung kaya’t hindi niya kayang umuwi sa sarili niyang bahay.”
Pagkatapos kumain ng agahan ay naglakapad si Catherine palabas mula sa main entrance ng family villa ng mga Yule.Agad-agarang binuksan ni Shaun ang pinto ng sasakyan at naglakad patungo sa kanya. Dahil dalawang araw na siyang hindi umuuwi ng bahay, lukot-lukot ang suot nitong damit, at may mga balbas nang tumutubo sa kanyang mukha. Subalit hindi nito inapektuhan ang kanyang kaaya-ayang mukha. Sa katunayan ay pinaigting pa nito ang kanyang presensya. Kahit sa malumanay nitong itsura ay nagmukha siyang isang bad boy na kinahahalina ng mga babae.“Tumawag ka ng pulis kagabi?” Mamula-mula ang mga mata ni Shaun nang titigan nito si Catherine.“Oo. Nakatayo ka lang sa harapan ng aking pinto at ayaw mong umalis. Ang laking abala no’n para sa akin,” Malamig na sinabi ni Catherine nang walang bahid ng pagsisisi.“Ikaw…”Tumaas ang dibdib ni Shaun. Bilang isang respetadong lalaki, hindi pa siya pinapahiya nang ganoon ng isang babae noon.“Paano naman ako? Hindi ako isang taong nandiyan pa
May isang kamay na humarang sa mga labi ni Shaun bago pa man niya tuluyang halikan si Catherine.“At kailan naman ako nagkaroon ng utang sa iyo na halik?” Nalilito si Catherine. Muntikan na siyang matalo ng paglalakas-loob ng lalaki.“Noong isang gabi.” Inilabas ni Shaun ang kanyang phone at ipinakita kay Catherine ang kiss emoji na ipinadala niya rito.Namula ang magandang mukha ni Catherine nang makita niya ang kiss emoji sa phone ng lalaki. Bugso lamang ng kanyang damdamin ang dahilan kaya niya ito nagawa dahil sa intensiyon niyang suyuin pa siya lalo ng lalaki. Subalit hindi niya iisiping tatandaan talaga ito ng lalaki.“Ah, naaalala ko nga, ngunit… hindi ba’t hinanap mo kaagad si Sarah matapos mong matanggap ang aking emoji?” Nagpanggap na nakangiti si Catherine nang siya ay sumagot.“Hindi.”Tinigasan ni Shaun ang kanyang itsura, at sumagot sa hindi natural na paraan, “Naligo ako gamit ang malamig na tubig matapos ko itong matanggap mula sa’yo.”“...”At dahil malalaki na
”Hindi ko na imamaneho ‘yan. Ayaw ni Cathy, kaya wala nang dahilan para panatilihin iyan.”Nakaramdam ng hiya si Hadley. “Pero hindi ba pipityugin tignan ang Aston Martin? Hindi bagay sa estado mo.”“Hayaan na. Aston Martin din ang minamaneho ni Cathy. Dahil puti ang minamaneho niya, pwede mo akong kunan ng itim. Nakaktuwa, mayroon kaming parehas na sasakyan.”Binaba ni Shaun ang tawag pagkatapos sabihin iyon. Para bang kasing dali lang ng pagbili ng gulay ang magpalit ng sports car sa kanya.Nakatutok si Catherine sa pagmamaneho at hinayaan itong gawin ang gusto niya.Habang nagmamaneho siya, sabi ni Shaun, “Hindi ito ang daan papuntang Hudson Corporation.”“Mm, pupunta ako Sa Yule Corporation. Ang toxin sa katawan ng dad ay hindi pa naaalis, kaya pupunta ako sa kumpanya niya para tignan.”Ito ay dahil sinabi ni Joel sa kanya kagabi na pumayag ang Old Master Yule na hayaan ni Melanie na bumalik sa kumpanya. Kaya kailangan niyang personal na puntahan at tignan. Kung hindi, gugul