“Aunty Cathy, alam niyo po ba kung ano iyong manamis-namin na lasang iyon? Para maramdaman ko rin po iyon sa puso ko sa susunod!” Nalilitong tumingin si Suzie kay Catherine.“Hindi ko rin alam eh. Hindi ako kasing-maalam, maramdamin, at taksil tulad ng Uncle Shaun mo.” Biro ni Catherine bago niya iyuko ang kanyang ulo upang ipagpatuloy ang pagkain ng steak pizza.Kumuha ng isang basong tubig si Shaun at nagmamaktol itong ininom.Kailan pa siya naging taksil?Bilang haligi ng mga Hill, bukod kay Catherine ay si Sarah pa lamang ang kanyang naging kasintahan. Bukod pa rito’y si Catherine lamang ang kanyang naging matalik na kasintahan.…Matapos nilang kumain ay tumungo ang tatlo sa sinehan.Buhat ni shaun si Suzie sa kanyang bnalikat, samantalang dala-dala ni Catherine ang jacket ni Suzie.Para sa ibang mga bata, mukhang isang buong pamilya ang tatlo.Noong sila’y naghihintay sa lobby ng sinehan ay maraming bata rin ang nakatayo roon. Ang iba’y kasama rin ang kanilang mga ama o
Tumungo si Suzie, ipagpalagay na totoo ang sinabi ni Shaun.Walang masabi si Catherine. Bigla na lamang din niyang napansin na nasa likod ng kanyang upuan ang kamay ni Shaun.Tinitigan niya ang lalaki, ngunit sinabi lamang nitong, “Nananakit ang aking balikat, kaya’t inuunat ko ang aking braso.”“...”Tumingin na lamang si Catherine sa harap dahil ayaw niyang pagtuunan ng pansin ang lalaki.Subalit nakayayamot naman talaga ang mga cartoon na pelikula. Tanging si Suzie lamang ang babad sa panonood.Yumuko na lamang si Catherine upang buksan ang kanyang phone at maglaro.Matapos sulyapan ni Shaun ang kanyang account at region ay inilagay niya ang kanyang kamay sa balikat ni Catherine. At dahil isang manipis na bestidang gawa sa silk lamang ang suot ni Catherine, ay naramdaman niya ang malambot nitong shoulder blade.“Shaun…” Tumingala si Catherine upang tignan nang masama si Shaun.Nahihiyang binawi ni Shaun ang kanyang kamay. Pagkatapos nito’y kinuha niya ang baso ng grapefruit
Minasahe ni Catherine ang sentido niya. “Wala nang sapat na espasyo sa bahay ko para ilagay ang mga damit na mga ‘to…”“Iwan mo siya sa Zion Residence, kung ganoon. Kung pupunta ka para manatili, hindi mo na kailangan magdala ng damit,” Sagot ni Shaun nang may ugaling na parang… silang dalawa ay nasa opisyal na relasyon.Hindi makapagsalita si Catherine sa nakikita niyang kahiya-hiyang ekspresyon. “Bakit nga ulit ako mananatili doon?”“Kung hindi ka pupunta at mananatili sa lugar ko, kaninong lugar mo balak manatili? Hindi ko hahayaang sa bahay ng ibang lalaki ka mananatili,” Sabi ni Shaun na may pagkadominante at mapukaw na paraan.Gayunpaman, wala nang enerhiya si Catherine para makipag-away pa sa kanya. Dahil gusto niyang gastusan pa ito, hahayaan lang ito ni Catherine. Sabagay, siya ang magdedesisyon kung mananatili ba ito sa lugar ni Shaun.Gaya noon, napabili na lang si Shaun ng higit 100 pares ng damit para kay Catherine, na ang dapat lang talagang bibilhin ay pares ng pa
Nagbago ang ekspresyon ni Shaun. “Sige at tumawag ng ambulansya para sunduin si Sarah. Pabalik na ako ngayon.”Nang ibaba niya ang tawag, diniinan niya ang accelerator hanggang sa pinaka diin at kaagad nakarating sa pasukan ng Hackett Institute. “Iiwan ko si Suzie dito sa’yo ngayong gabi. Bukas, babalik ako at susunduin siya ng umaga.”Sa puntong ito, nakatulog na si Suzie sa bisig ni Catherine.Siningkit ni Catherine ang mata niya. Nang tinitigan ni Catherine ang walang muwang at maamong hitsura, ang kanyang puso ay biglang sumakit. Kanina lang, ang maliit na batang ito ay talagang sinabi ang masama niyang ama ay medyo mabait naman, kaya gusto niyang makipagbalikan si Catherine dito. Gayunpaman, ngayon ay iiwan niya ito nang walang pagdadalawang-isip para kitain ang babae.“Ngayong siya ay mabigat na, sa tingin mo ba kaya ko siyang buhatin paakyat ng entrance ng lugar mag-isa?” Sarkastikong tumawa si Catherine.Nagulat si Shaun at sinagot ito nang walang pagdadalawang isip, “Bu
Ang mga sinabi ni Catherine ay pinahinga si Shaun ng maluwag.Kahit na alam niyang may pagbabago sa puso niya, may nakokonsensya pa din siya dahil sa pinangako niya noon. Pagkatapos bumalik ni Sarah, kinayab niyang gamutin ang sakit niya, pero hindi niya kayang makipagtalik dito.Gayunpaman, tama si Catherine.Mababaw pa lang ang relasyon ni Shaun at Sarah saka hindi pa sila nagtatalik. Noon, taos pusong hiniling ni Shaun na maikasal kay Sarah. Kung hindi dumating si Lucifer, pakakasalan niya si Sarah.Inaamin niya na kaawa-awa si Sarah, pero hindi siya ang may dahilan ng masamang nakaraan nito.Pagpatuloy ni Catherine, “Makatwiran akong tao kung tutuusin. Kung walang nasa tabi ni Sarah, ayos lang sa akin kung gusto mo siyang puntahan at tulungan dahil dati ka niyang nobyo. Pero meron itong kasama at ang kapatid niya ay nasa Canberra. Kung gusto mong pumunta doon, hindi kita bibigyan ng pangalawang pagkakataon.”Dahil doon, binuksan niya ang sasakyan at diretsong umalis bitbit si
Biglang naglabas si Shaun ng mga susi sa kanyang bulsa. “Ito ang mga susi sa isang duplex apartment sa pinakataas na palapag ng Brighton Gardens. Ang furnished apartment na ito ay 240 metro kwadrado. Lumipat ka ron at iyo na ‘yon mula ngayong araw.”“...”Natulala si Freya. Bagaman hindi pa siya bumabalik ng Canberra ng maraming taon, alam niya na ang Brighton Gardens ay isa sa pinakamahal na apartments sa Canberra. Ikonsidera na nasa downtown ito, bawat pulgada ng lupa ay nagkakahalaga ng sobrang laki.Talagang inalok siya ni Shaun ng isang apartment ng ganun lamang?“Gusto mo ba ito?” Tinanong siya ni Shaun.“Oo!”Kinuha ni Freya ang susi, iniisip na sayang kapag tinanggihan niya ang alok ng scumbag. “Lilipat na ako bukas.”“Mm.”Tumango si Shaun sa kasiyahan. Matapos ‘nun, pumasok siya ng elevator at umalis. Sa wakas, nagawa niyang mapaalis ang third wheel na ito.…Matapos buksan ni Freya ang pinto at pumasok sa bahay, agad siyang tumakbo kay Catherine. Pinagmayabang ni
Sa Zion Residence.Sa oras na makita ni Shaun ang kiss emojo, nakaramdam siya ng agos ng excitement sa kanya looban. Nag-urong sulong ang kanyang Adam’s apple, na nagdulot ng pagkabalisa sa hindi mapaliwanag na rason.Humiga siya, iniimagine na hinahalikan siya ni Catherine.Sa sandaling iyon, bigla siyang umupo sa kama at nagpadala ng mensaheng may apat na salita kay Catherine: [Gusto ko nito bukas.] Matapos, tumakbo siya sa banyo para maligo ng malamig.Hindi kailanman ay napukaw siya ni Sarah sa kabila ng pagsasama nila sa mahabang panahon. Hindi kailanman sa kanyang wildest dreams na naisip niya na ang simpleng emoji mula kay Catherine ay mag-eexcite sa kanya ng sobra.Mapait siyang tumawa.Nang lumabas siya ng banyo, tumunog muli ang kanyang phone.Tinawag siya ni Yael. “Eldest Young Master, hindi ka ba sasama? Umiiyak si Miss Neeson sa ospital. Tumatanggi siya na mabendahan.” Si Shaun ay medyo nainis. “Katawan niya iyon, hindi sakin!”Nataranta si Yael nang sigawan siya
“Shaunic, sobrang namiss kita.” Yumapos si Sarah sa mga braso ni Shaun, ang mga luha niya ay binabasa ang shirt ng lalaki. “Nagninilay ako sa aking sarili nitong mga araw. Masyado akong hangal at t*nga. Pinapangako ko na hindi na ako magkakasala sayo. Bumalik ka sakin. Talagang miss na kita.”Pinakipot ni Shaun ang kanyang mga mata at binuhat ang babae papunta sa kama. Matapos ‘nun, tumalikod siya at sinabi sa doktor sa labas, “Pumasok ka at gamutin siya.”“Hindi. Kung hindi ka mangangako sakin, hindi ako magpapagamot.” Nagpumiglas si Sarah sa pagkabalisa.Sa nakikitang ekspresyon ng babae, ang mga mata ni Shaun ay nagpakita ng pagkainis. Ang kanyang gwapong mukha ay dahan dahan na naglabas ng diwa ng pagiging mahigpit. “Tama na. Tumigil ka sa paggamit ng katawan mo para i-threaten ako.”Wala siyang ideya kung paano naging walang hiya at hindi reasonable si Sarah. Tinatakot niya pa ang lalaki ngayon, na isang pamamaraan na kinamumuhian ng lalaki.Ito ang unang beses na gumamit si