"Oo." Agad na tumango si Suzie at pinikit niya ng madiin ang kanyang mga mata, dahilan upang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. "Sa tuwing kakain ako ng luto mo, Tita, naiisip ko si Mommy. Ngayon lang, naisip ko na ikaw ang mommy ko." Pagkatapos, bigla siyang tumalon papunta sa mga bisig ni Catherine. "Tita, pwede ba kitang maging mommy?" “...” Masyadong mabilis ang palabas ng maliit na drama queen. Kahit si Catherine, na isang self-proclaimed acting genius, ay hindi makasabay sa kanyang anak. Sayang lang na hindi isang artista ang batang ito. Siguradong pwede siyang maging isang child star. "Hindi." Bago pa siya makasagot, nagbago ang ekspresyon ni Shaun at nagsalita siya ng may malalim na boses. Tumingin si Suzie sa kanya at binaon niya ang sarili niya sa mga braso ni Catherine dahil sa sobrang takot. Nagsimula siyang umiyak. "Nakakatakot si Tito.""Bakit tinatakot mo ang bata?" Galit na tumingin si Catherine sa kanya. Hindi sinasadya ni Shaun na takutin
“Hindi kita pinipigilan kitain siya.” tinikom ni Shaun ang bibig niya at naiinis na sinabi, “Kung gusto mo siya makita, ako ang magdadala sa iyo sa kanya, ngunit hindi ang tatay mo.”“Bakit hindi?” itinagilid ni Suzie ang ulo niya nang may mausisa na itsura sa mata niya.“Uncle, gusto mo ba si Aunty? Ito ba ay… pagseselos?” mabilis na lumiit ang madilim na mata ni Shaun. Gusto niya si Catherine? Ganun na ba ito kahalata at pati si Suzie ay nasabi ito?“Huwag ka magsabi ng kalokohan.” nalugmok ang mukha niya. “Paano masasabi ng bata na katulad mo kung ano ang ibig sabihin ng pagkagusto sa isang tao?”“Alam ko kung paano ito. May gwapo na lalaki dati sa tabi ng bahay ko, at kapag nakikipaglaro siya sa ibang babae, sobrang hindi ako natutuwa.” ngumuso si Suzie at sinabi, “Iyon ay pagseselos.”“...” nagsimula na sumakit ang ulo ni Shaun. Baka kailangan niya kausapin si Liam, upang hindi hayaan makipag-date si Suzie sa preschool.“Okay, hindi mo naiintindihan. Ipapadala kita doon.” na
Ngayon, ang tao na gustong-gusto harapin ni Catherine… ay si Sarah Neeson.Pagkatapos iwan si Lucas sa villa, guminhawa ang loob ni Catherine sa mga kasalukuyan niyang inaalala. Habang kasama ang dalawang bata, para siyang bomba na sasabog na anumang oras.Sa gabi, pagkatapos makatulog ni Lucas, umalis si Catherine sa villa. Nang makapasok siya sa kotse, tinawagan niya ang numero ni Logan. “Kumusta ang sitwasyon kay Lucifer?”“Ang lalaki na iyon ay nagsusugal, umiinom, at paiba-iba ng bar araw-araw. Nagdala pa nga siya ng babae sa dalawang magkasunod na araw.” nagbuntong hininga si Logan. “Pumupunta si Sarah tatlong beses sa isang linggo at nanatili ng pito hanggang walong oras kada bisita. Tsk, nagtataka talaga ako kung may sakit ba si Shaun. Kung wala, makukuha niya rin iyon ‘di kalaunan.”“Manahimik ka.” kinusot ni Catherine ang noo niya. Palagi niya sinasabi ang bagay na iyon kapag tinatawagan niya ito, at hindi siya komportable doon.“Kumusta na ang pinaayos ko sa mga tao na
“Kailan pa tayo naging ganun kaayos?” mas lalo naniniwala si Shaun sa mga sinabi ni Suzie.“Liam Hill, mayroon ka ng anak. Ilang taon ka na? Kailangan mo tumigil magloko buong araw at kunin ang responsibilidad sa anak mo. Kailangan ka ni Suzie.”“Ngunit kailangan ko rin ng kalayaan. Hey, sa katotohanan, sobrang natuwa ako magkaroon ng anak noong una, ngunit pagkatapos ng ilang araw, abala na ito. Wala na ako kalayaan; at ayaw matulog ni Suzie kasama si Mom, kaya maaari ko lang siya ibigay sayo.” pagkatapos ay ibinaba na ni Liam ang phone.Binaba ni Shaun ang tingin at nakita na naluluha si Suzie, at sinabi, “Hindi na ako gusto ni Daddy.”“Hindi, marami lang ginagawa si Daddy. Matutulog ka kay Uncle ngayong gabi, okay?” nasasaktan si Shaun kapag nakikita niya umiiyak ito.“Uncle, pasensya na sa pag-abala sa iyo.” minura ni Shaun si Liam nang mahigit sampung libong beses sa kakaibang itsura ni Suzie ngayon. Paano niya nakita na nakaka-abala ang mabait na batang ito? Alam niya ba kun
Sa ilalim ng madilim na dilaw na ilaw, nagngitngit si Sarah ng ngipin at wala siyang ibang gustong gawin kundi sampalin si Suzie.…Pagkatapos ng hapunan, gusto maligo ni Suzie. Walang karanasan sa pagpapaligo sa bata si Shaun, kaya hiniling niya na si Aunty Zara ang magpaligo sa kanya.Subalit, umiling si Suzie. “Sabi ni Mommy hindi pwede makita ng mga taong hindi ko kilala ang katawan ko. Aunty Sarah, pwede mo ba ako paliguan?” tinignan niya si Sarah.Nangangati ang anit ni Sarah. “Hindi...Hindi ko rin alam…” ‘At saka, hindi tayo ganon kapamilyar, okay?’“Kalimutan mo na. Hindi na ako maliligo.” binaba ni Suzie ang ulo niya. “Hindi rin ako pwede paliguan ni Uncle. Hindi tama na hawakan ng lalaki ang babae.”Tumawa si Shaun at lumingon kay Sarah. “Paliguan mo na lang siya. Hindi ba at nag-iisip ka magkaroon ng anak? Makakakuha ka ng pagsasanay muna.”Pumadyak si Sarah at umarte na parang malditang bata. “Hindi lang dapat ako ang responsable sa bata. Kapag dumating ang panahon,
Kumulo ang dugo ni Shaun sa eksena na iyon, at hindi mapigilan na sumakit ang puso niya. Mabilis siyang kumuha ng tuwalya at nagmamadali ibalot maigi ang maliit na katawan. Pagkatapos ay kinuha niya si Suzie sa bisig niya at dali-daling naglakad palabas ng banyo.Habang karga niya si Suzie paputang kama, umiiyak ito. “Ang sakit… Sobrang lamig…” hinawakan ni Shaun ang balat niya, at nalaman na sobrang lamig nito, tinignan niya ang katawan niyo at nakita na may pasa siya sa may siko.“Suzie, okay na. Dadamitan ka kaagad ni Uncle.” kinuha ni Shaun ang quilt at ibinalot ito kaagad sa kanya. Pagtalikod niya, nakasalubong niya si Sarah, na papunta habang may hawak ng pares ng damit ng bata. Mukha siyang nagulat at naagrabyado.“Shaun, pasensya ka na. Hindi ko alam paano siya biglang nalaglag…”“Sinabi ko sa iyo na paliguan siya, ngunit ganito mo ginawa iyon? Nakaupo ka lang doon noong nalaglag siya.” isang matinding galit ang naramdaman ni Sarah. Iyon ang unang beses na hindi nakontrol n
Nangatog si Shaun. Kung ibang tao siguro ang nagsabi ng mga salitang iyon, marahil ay hindi niya ito paniniwalaan.Ngunit hindi isang basta-basta lamang na inosenteng bata si Suzie. Nasa edad ang bata na kung saan ay hindi pa ito marunong magsabi ng kasinungalingan. Kaya’t marahil ay totoo ang sinasabi nito.Hindi niya inaasahang sasabihin ni Sarah ang mga bagay na iyon.Isinisisi niya ba si Suzie dahil lamang sa pinagsabihan siya nito nang kaunti habang kumakain ng hapunan? Bago lamang sa kanya na makita ang ganitong pag-uugali sa babae. Ang alam lamang niya ay isang marahan, mapagbigay, mabait, at masiglang babae si Sarah. Inaasahan niyang magiging pasyensyosa rin ito patungo sa mga bata dahil sa kanilang planong mag-pamilya.Subalit matapos niyang dalhin doon si Suzie ay napagtantuan niyang walang pasensya si Sarah sa mga bata. Wala namang problema roon, ngunit papaano niya masasabi ang mga malulupit na salitang tulad noon sa isang batang kamamatay lamang ng ina? May nagbago ba
“Si Isaac Stinger.” Mahinang sinabi ni Catherine.“...”Naging maulap ang kaaya-ayang mukha ni Shaun. Gusto niyang sigawan at pagsabihan ang babae, ngunit hiwalay na sila, kaya’t wala siyang dahilan upang akusahan ito.“Bumalik ka na rito. May injury si Suzie. Narito ako sa inyong pintuan.”“Ha?” Tumunog ang kaba ni Catherine. “Papaano siya nasugatan? Nasa’n si Liam?”“Hindi ko alam. Pabaya masyado ‘yang si Liam. Bilisan mo. Mangiyak-ngiyak si Suzie at sinasabing gusto ka niyang makasama.” Wala gaanong inasahan si Shaun habang sinasabi ito. Hindi rin naman anak ni Catherine si Suzie.Ngunit ikinagulat niya noong sumagot si Catherine, “Sige, papunta na ako.”Matapos ibaba ang tawag, iniyuko ni Shaun ang kanyang ulo upang tignan ang batang nasa kanyang tabi. Hindi niya inaasahang pagtutuunan ng ganoong karaming pansin ni Catherine si Suzie. Tila ba’y anak ni Catherine ang bata.…Sa kabilang banda nama’y kinausap ni Catherine si Isaac matapos nitong ibaba ang tawag, “Pasensya ka