Bahagyang ngumiti si Catherine at pinatay ang telebisyon.‘Masaya ka ngayon, pero hintayin mo ang oras na ikasal ka. Padadalhan kita ng magandang regalo at ipaalam sayo ang pakiramdam kung paano mahulog mula sa langit.’...Samantala, sa kabilang banda.Sina Nicola, Melanie, at Damien, na kamakailan ay inaatake ng publiko, ay natuwa na marinig ang balita.Si Nicola, partikular, ay galit na galit na tumawa. “Eh ano kung bumalik na si Catherine? Ibang tao pa rin naman ang pakakasalan ni Shaun.”“Mismo. Inagaw niya pa mula sa akin si Shaun kamakailan. Sa huli, ang buhay may-asawa ko ay lumabas na mas mainam kaysa sa kanya.” Gayunpaman, kinunot ni Damien ang mga kilay niya. “Kayong dalawa ay dapat nang tumigil sa paggugol ng atensyon sa mga walang kwentang usapin kagaya nito. Ang pinakamahalaga ngayon ay maibalik ang Yule Corporation sa lalong madaling panahon.”Binigyan siya ni Nicola ng hindi sumasang-ayon na tingin. “Huwag kang mag-alala. Si Joel ay pahina nang pahina araw-araw
”Nakatanggap kami ng report tungkol sa pagtatangka mo na lasunin ang isang tao.” Agad na pinosasan ng pulis si Nicola.Nabigla si Nicola. Sinamaan niya ng tingin si Walter, para lang makita ang lalaki na nakaluhod sa lapag na ang dalawang kamay ang nasa ulo nito. “Minamahal na mga opisyal, siya ang nag-utos sa akin na gawin ito. Pinilit akong gawin ito. Naiwan ako na walang choice…”Bayolente siyang umiiling habang nagsasalita.Sa sandaling iyon, nagsimulang makaramdam si Nicola ng takot at napagtanto na nalinlang siya. “Hindi. Hindi ko alam ang sinasabi niya. Walter, bakit mo ako inaakusahan? Sinabihan kita na pumunta rito dahil may itatanong ako sayo.”“Huwag mo na itanggi, Nicola.”Sinuportahan ni Catherine si Joel sa pagbaba nila mula sa ikalawang palapag ng warehouse. Ang mga mata ni Joel ay puno ng sama ng loob, at gusto niyang balatan si Nicola ng buhay. Kung hindi siya nagtago at narinig kung ano ang sinabi ni Nicola ngayon lang, hindi niya mapagtatanto na ang babaeng kina
Pagkatapos lumabas ng balita, nagkaroon ng kaguluhan sa online.[Diyos ko po. Anong klaseng babae si Nicola? Kasal siya sa presidente ng Yule Corporation, nangaliwa kasama ang kapatid ng presidente, at nagkaroon ng relasyon sa sekretarya. May asawa na nangangaliwa si President Yule.][Alam kaya ni Damien ito? Siguro ay wala siya masabi.][Ipinupusta ko na may karelasyon na maraming lalaki ang babae na iyan.][Nagtataka ako kung nasisiyahan din magloko si Melanie tulad ng nanay niya, isinaalang-alang na anak siya ni Nicola. Kahit pa hindi niloko ni Melanie si Charlie ngayon, ‘di kalaunan ay magkakaroon siya ng asawa na nangangaliwa.][Bukod sa kahawig ni Melanie ang nanay niya, hindi magandang bagay kahit na kahawig niya ang tatay niya. Naniniwala ako na may kinalaman sina Damien at Melanie sa paglason kay Joel.][Nakakadiri na pamilya. Nalulungkot ako na naugnay ang pamilyang Campos sa kanila.]“...”Nagalit si Melani pagkatapos magbasa ng mga komento. Binato niya ang ashtray p
“Hindi, Dad. Hindi ganon na tao si Mom. May hindi siguro pagkakaunawaan,” ipinaliwanag ni Melanie habang umiiling.“Tama na, Melanie. Narinig ko iyon mula sa ibang tao,” naiinis na sinabi ni Joel. “Noong pumasok ang mga pulis, hinihila ng nanay mo ang damit ni Walter sa warehouse habang may araw pa. Habang interogasyon ni Walter sa mga pulis, nilabas niya na may relasyon sila ng nasa apat hanggang limang taon na. Nagkikita sila isang beses kada buwan kadalasan sa hotel, kotse o kaya sa labas.”Parang nakakita ng multo ang ekspresyon ni Melanie noong narinig niya ang mga salitang iyon.Lalong nababalisa si Damien habang nagsasalita siya. Para siyang ligaw na hayop na nawalan ng kontrol. Sa kabila ng pagiging lumpo, nagawa niya basagin ang mga nakapaligid sa kanya. Ang mata niya ay puno ng malupit na kapaitan.“Palagi niya akong minamaliit. Ayaw na ayaw niya na lumpo ako.” hinampas ni Damien ang binti niya. “Dahil sa kanya, pinatay ko pa si Sheryl, nilabanan ang buong pamilyang Yule
“Napaka g*go ni Charlie.” nasamid si Nicola. “Pwede mo tanungin si Damien na samahan ka. Kapag nakuha mo ulit ang Yule Corporation, kukunin ng mga Campos ang panig mo.”“Maghihintay kami ni Dad sa’yo, Mom,” naiiyak na sinabi ni Melanie.…Sa ospital.Sinamahan ni Catherine si Joel para makatanggap ng IV infusion.Kahit na lumamig ang ulo ni Joel sa pagkita na naaresto si Nicola, ang kalusugan niya ay bumagsak muli dahil balisa siya. Pinadala siya sa ospital simula noon para magpagamot.Hindi nagtagal para magmadali pumunta sa ospital sina Old Master Yule at Old Madam Yule. Nang nakita ni Old Madam Yule ang sitwasyon ni Joel, nagsimula bumagsak ang mga luha sa mukha niya. “Sira ang ulo ni Nicola. Maganda ang pagtrato namin sa kanya. Ang aksidente na natamo mo nakalipas na tatlong taon ay kaugnay siguro sa kanya. Sa kabutihang palad, hiniling namin kay Catherine na alagaan ka. Kung hindi…"Ang mga salita na iyon ay nagdala ng kilabot pababa sa gulugod ni Old Master Yule. Ngayon at
”Melanie, hawakan mo ako at lumuhod.” nagpumilit si Damien.Dahil si Damien ay biyolohikal na anak ni Old Madam Yule, hindi niya kaya makita na lumuhod ito. “Lumpo ka. Paano ka luluhod? BIlisan mo at tumayo ka.” “Oo, lumpo ako.” ibinaba ni Damien ang ulo niya at tuluyan na umiyak. “Simula noong pinanganak ako, maraming tao na ang nagmamaliit sa akin dahil sa kapansanan ko. Nagpapasalamat ako kay Brother, ngunit sa parehong oras,, naiinggit ako sa kanya. Gusto ko si Nicola, ngunit hindi siya interesado sa akin. Sa lumipas na dekada o mahigit pa, wala akong minahal na iba kundi siya lang. Ginawa ko lahat para sa kanya nang hindi nagrereklamo. Akala ko mamahalin niya rin ako pagkatapos niya makuha ang Yule Corporation, ngunit mali ako. Ngayon ko lnag naintindihan ang pag-uugali niya. Dad, Mom, Brother, kasalanan ko ito.”Malapit na umiyak si Old Madam Yule. Hindi niya matiis sabihin, “Kasalanan ko ito. Hindi na sana kita isinilang at sobrang pahirapan ka nang may mababang kumpiyansa s
”Catherine, dahil nasa ospital ako, hahayaan kita mamahala ng ilang bagay para sa akin pansamantala.” tinapik ni Joel si Catherine sa likod ng kamay niya. “Hihilingin ko si Assistant Church na mag-ulat sa iyo sa susunod.”Nagsimula na sumakit ang ulo ni Catherine. “Dad, pinipilit mo ba ako mamahala ng Yule Corporation?”“Paano kita pinipilit?” seryoso siyang tinignan ni Joel. “Bilang anak ko at young lady ng Yule Corporation, hindi ka na mamarkahan bilang anak sa labas. Nararapat lang na makasama mo ang sinumang lalaki sa buong Australia. Pati si Sarah ay walang-wala sa’yo.”Sa wakas ay tumama na sa kanya ang intensyon ni Joel.Biglang uminit ang pakiramdam ni Catherine.Hindi na kailangan pa sabihin, nalaman siguro ni Joel na ikakasal na si Shaun, kaya ayaw niyang kinukumpara ang sarili niya. Isinaalang-alang na si Catherine ay ang Eldest Young Laste at malapit na maging tagapagmana ng Yule Corporation, hindi siya matatalo ni Sarah sa dangal at katayuan sa buhay. Kahit pa gaano k
Ngumiti si Yael at sinabi, “Si Mr. Hill ang nag-suggest na isagawa ang in-vitro fertilization noong narinig niyang gusto niyong magkaroon ng at least dalawang anak. Natatakot siyang mahirapan kayong mabuntis nang dalawang beses. Nakiusap na siya kay Young Master Jewell upang ikalap ng pinakamagaling na pregnancy team sa buong bansa para sa iyo.”“Yael…” Tila’y nahihiya at nangungutya ang tingin na ibinigay ni Sarah sa babae.Natuon ang tingin ni Catherine sa tiyan ni Sarah bago ito napatawa bigla. “Mas maganda sigurong maging lalaki na lang. Mas madali para sa kanila kasi ang kailangan lang naman nilang gawin ay magbigay ng sperm para sa artificial insemination. Pero ang mga babae, kailangan nilang sumailalim sa kung anu-ano pang proseso. Sa early stages, kailangan nilang sumailalim sa mga injection at gamot. Narinig kong napakasakit ding sumailalim sa insertion. Hangang hanga ako sa’yo. Walang wala ang pagmamahal ko kay Shaun kumpara sa ipinakikita mo ngayon.”Nag-iba ang itsura ni