Sumimangot si Freya. “Lahat ng taong ito na kasama ko si Patrick ay may itinuro sa akin. Ang tunay na mabuting lalaki ay hindi ka iiwan kahit pa gaanong mapanlinlang ang ibang babae. Kung ikaw lang ang nagsusumikap na panatilihin ang buhay mag-asawa niyo lagi, hindi magtatagal ay mawawasak pa rin ito.”Tila nagulat si Catherine.Tinapik siya ni Freya sa balikat. “Masyado maraming babae sa mundong ‘to ang handa maging homewreckers, hindi pa banggitin na si Shaun ang pinakamayaman na lalaki sa Australia. Hindi mabilang na mga babae ang gugustuhing itapon ang mga sarili nila sa kanya at nasa kanya kung kailan siya didistansya sa kanila. Hayaan mo nalang na natural na mangyari ang mga bagay. Sa kabila ng lahat, hindi worth it pahalagahan ang isang tao na madali kang iwan.”“Ang tunog niyan ay… tama.”“Tama nga ito. Hayaan mong ilibre kita ng hapunan ngayong gabi.”“Sige.”Bumalik siya sa manor matapos maghapunan pero hindi pa nakakabalik si Shaun.Ang malaking manor ay lalong parang
Sa kabilang banda, hindi sanay si Shaun na hindi makatanggap ng tawag o mensahe mula kay Catherine.Hindi pa matagal ang nakalipas, laging tumatawag ang babae para tanungin kung nasaan siya at ang schedule niya dahil kay Sarah. Gayunpaman, tumigil na siya sa pagtatanong.Hindi siya tawagan ng babae at laging siya ang unang tumatawag sa babae.Ang mga mensahe niya ay laging may sagot na ilang mga salita lamang.Tumigil pa ang babae sa pagpunta kapag dumadating si Sarah para sa treatment sessions niya.Nang makipaghang out siya kay Rodney at Chester sa clubhouse ng gabi, hindi nagpapakita ng interes ang babae na samahan siya at hindi pa siya kukwestiyunin.Sa unang beses, tunay na naintindihan niya ang ibig sabihin ng babae sa ‘hindi na maaabala’ pa.Nag-alala siya sa pakiramdam na ito.Kahit sa trabaho, madalas siyang nadidistract at matutulala nang hindi ito napapansin.Naguluhan si Hadley sa kilos ng lalaki. “Eldest Young Master Hill, may iniisip ka ba?”Humigop si Shaun sa
“Oo, siya iyan.” naglaro ng baraha si Madam Campos. “Ang mga lalaki, kailangan sila makontrol. Kung hindi, makikipagtalik sila sa ibang tao.”“May punto ka dyan.” nilaro ni Catherine ang huling baraha niya. “Panalo ako.”“...”Nagsulat ng cheke si Madam Campos habang may madilim na ekspresyon. “Hindi mo ba maintindihan ang sinasabi ko?”“Naiintindihan ko,” kalmado na sagot ni Catherine, “Ngunit sa panahon ngayon, hindi ba normal na para sa mga lalaki magkaroon ng kabit? Narinig ko na nagkaroon ng ibang relasyon si Mr. Campos sa sekretarya niya dati…”Pakiramdam ni Madam Campos ay napahiya siya. “Mga tsismis lang iyon. Tinutukoy ko ngayon ay ikaw.”“Sinabi ko na sa iyo, ilang lalaki ba ang hindi magloloko sa asawa nila? At saka, si Shaun ang pinakamayaman na lalaki sa Australia. Maraming babae ang gusto makipagtalik sa kanya. Hindi posible na pakialaman ko silang lahat. Dapat isipin ko ang sarili ko. Kapag nasilang na ang kambal na dinadala ko, hindi ko na kailangan mag-alala sa k
“Hindi ako nag-aalala.” tinignan ni Catherine si Shaun nang may ngiti. “At saka, ang pagkakaroon ng pisikal na pakikipagtalik ay hindi kabilang na pangangaliwa.”“...”Ibig niya bang sabihin ay hindi niya iintindihin kahit makipagtalik siya kay Sarah?Hindi, hindi maaari. Noong aksidente niyang niyakap si Sarah dati, sobrang tagal niya nagselos.“My dear, ang pagtitipon mamayang gabi ay para salubungin si Chase. Andito siya sa Canberra,” sabi ni Shaun para mapapayag siya, “Dapat ka magpunta.”Nagulat si Catherine.Si Chase na nanggaling sa lugar kung saan siya lumaki, at ang relasyon niya kay Chase ay maayos.“Okay. Matagal na simula noong nakita ko rin siya.”Nanigas ang ekspresyon ni Shaun.Hindi niya inaasahan na dadating ang panahon na aasa siya kay Chase para maaya si Catherine.P*cha na Chase, hindi posible na kinakausap niya si Catherine sa likod niya diba?Si Chase, na nangingisda sa dagat, ay bumahing. “Sino ang nakakamiss sa akin ng sobra? Si Rin kaya iyon?”Nilab
Palihim na hinigpitan ni Sarah ang hawak sa baso niya. Bigla niya binaba ang ulo niya at umubo.“Ayos ka lang ba? Hindi ba magaling ang lalamunan mo?” mabilis na nagtanong si Rodney sa pag aalala.Sinabi ni Catherine, “Oh dear, hindi pa ba magaling ang sugat mo? Mas mabuti kung magpahinga ka sa bahay kung hindi maayos ang pakiramdam mo.”“Catherine, hindi pa ba sapat ang sinabi mo?” hindi na siya matiis ni Rodney. Binalaan niya, “Maliwanagan ka dapat dito. Nasakal si Sarah dahil sa kapakanan ng paggamot ng sakit ni Shaun. Bilang asawa niya, hindi ka lang marunong magpasalamat, ngunit sarkastiko ka pa. Pwede ba tumigil ka na?”Pakiramdam ni Catherine at naagrabyado siya at ngumuso. “Young Master Snow, paano mo nasabi iyan? Noong araw na iyon, sinabi mo pa sa akin na si Shaun at Ms. Neeson ay may nararamdaman pa sa isa’t-isa at sinabi na lumayo ako. Sa kaso na iyon, hindi ko lugar magpasalamat dahil ginawa niya iyon ng kusang loob.”Nang sinabi ni Catherine iyon, may bakas ng pagkat
May bakas ng pag-aalala sa mata ni Chase.“My dear, kumain ka ng prutas.” nagdala si Shaun ng plato ng prutas.Nagbukas ulit ang pinto ng pribadong kwarto. Pumasok si Chester kasama ang matangkad na babae habang nakahawak siya sa baiwang nito. May mahaba at diretsong buhok ang babae na nakalagay sa balikat niya. Nakasuot siya ng floral-striped na off-shoulder na damit at may puffy sleeves. Tinernuhan niya ito ng puting maikling palda.Subalit, nang makita ni Catherine ang mukha ng babae, hindi siya makapagsalita.P*ta!Sobrang pangit ng araw.Ang babae na iyon ay si Cindy, na hindi niya nakita nang matagal na panahon na.Simula nang masira ang pamilyang Jones, bihira na makita ni Catherine si Cindy, ngunit madalas niya makita ito ngayon sa mga entertainment na balita sa phone niya. Mukhang sumisikat na si Cindy. Subalit, wala na siyang relasyon kay Cindy, kaya hindi na niya ito pinansin. Nakakagulat, nakikipagtalik na ngayon ito kay Chester.Lahat ba ng mata ng kaibigan ni Shau
Tinignan ni Sarah si Catherine na may malamig na ekspresyon at may ningning sa mata niya. Pinagmukha niya ang sarili niya na maging mapag-unawa na kaibigan. “Tara kumanta tayo.”Tinignan ni Catherine ang dalawang babae ng hindi makapagsalita.Isang mapagpanggap na p*t* at isang pekeng p*t*.Sila ay tugma na ginawa ng langit.Kung alam niya lang, hindi na sana siya sumama.‘Di kalaunan, nagsimula na tumugtog ang musika sa pribadong kwarto. Nakilala kaagad ni Catherine ang himig. Ito ay ang ‘Count on Me’ ni Bruno Mars.Sila nila Freya at Cindy ay madalas kantahin ang tugtog na ito dati.Sa saglit na iyon, kinuha ni Cindy ang mikropono at pinasa ito sa kanya sa harap ng lahat. Sinabi pa niya sa mikropono, “Cathy, kantahin natin ito. Tayo ang pinakamagaling sa pagkanta ng kanta na ito. Alam ko na nakagawa ako ng pagkakamali dati at hindi ko na alam kung ano iba pang sabihin bukod sa patawarin mo ako. Ngunit namiss ko na talaga ang pagkakaibigan natin. Kung hindi dahil sa panghihikay
Hinaplos niya ang kanyang tiyan. “Pasensya na, mga anak ko. Alam kong ipinangako kong hindi ako magagalit, ngunit hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili.”“Cathy, ipahahatid na lang kita pabalik.” Hinawakan ni Shaun ang kanyang kamay. “Tatawagan ko lang ‘yung driver.”Nanatiling tahimik si Catherine.Kahit noong sila’y nasa byahe pauwi ay hindi ito nagsalita.Ilang beses ding pinag-aralan ni Shaun ang itsura nito. Pagod na ang kanyang mga mata. “Pasensya ka na, hindi na sana kita pinasama ngayon. Sumobra si Rodney sa kanyang sinabi.”“Oo, huwag mo na nga akong imbitahin sa susunod,” Kalmadong sagot ni Catherine.Sa totoo lang ay ramdam niya ang pagkadismaya sa kanyang puso. Sa tuwing nakakasama niya ang mga kaibigan ni Shaun ay palagi na lamang niyang nararamdaman na mag-isa niyang hinaharap ang mga ito. Ni minsa’y hindi siya naramdamang tunay siyang kinampihan ng lalaki. Hindi na nga niya maalala kung ilang beses na itong nangyayari.Nang huminto ang sasakyan ay agad siya