Hinaplos niya ang kanyang tiyan. “Pasensya na, mga anak ko. Alam kong ipinangako kong hindi ako magagalit, ngunit hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili.”“Cathy, ipahahatid na lang kita pabalik.” Hinawakan ni Shaun ang kanyang kamay. “Tatawagan ko lang ‘yung driver.”Nanatiling tahimik si Catherine.Kahit noong sila’y nasa byahe pauwi ay hindi ito nagsalita.Ilang beses ding pinag-aralan ni Shaun ang itsura nito. Pagod na ang kanyang mga mata. “Pasensya ka na, hindi na sana kita pinasama ngayon. Sumobra si Rodney sa kanyang sinabi.”“Oo, huwag mo na nga akong imbitahin sa susunod,” Kalmadong sagot ni Catherine.Sa totoo lang ay ramdam niya ang pagkadismaya sa kanyang puso. Sa tuwing nakakasama niya ang mga kaibigan ni Shaun ay palagi na lamang niyang nararamdaman na mag-isa niyang hinaharap ang mga ito. Ni minsa’y hindi siya naramdamang tunay siyang kinampihan ng lalaki. Hindi na nga niya maalala kung ilang beses na itong nangyayari.Nang huminto ang sasakyan ay agad siya
Kailan nga ba nagsimulang hindi siya kausapin ni Catherine?Nakaramdam ng takot sa kanyang puso si Shaun kaya’t hindi ito mapakali.“Kaya pala hindi ka sumama kina Rodney noong inimbita ka nilang lumabas. Pasensya ka na ha, hindi na dapat ako pumunta noong araw na ‘yun. Sa huli’y naapektuhan lang ang pakikipagkaibigan mo kina Rodney,” Pagsisising sinabi ni Sarah.“Hindi mo ‘yun kasalanan. Si Cindy ang dapat sisihin doon,” Malamig na sinabi ni Shaun, “Wala na bang babaeng natitira pa sa mundo? Bakit ba kasi siya makikipag-apid pa sa babaeng mula sa entertainment industry?”“Playboy naman talaga ‘yong si Chester pagdating sa mga ganyan. Marahil ay for fun lang ang pagsasama nila. Baka makipaghiwalay rin ‘yun matapos ang ilang linggo.” Tumingin si Sarah sa orasan. “Tara, magsimula na tayo?”“Okay.”Tumayo si Shaun.Nagpatutog ng isang kantang may makalumang himig si Sarah pagpasok nila ng treatment room. Nasa ibang lenggwahe ito at mukhang luma na. Hindi pa ito naririnig ni Shaun.
Malapit na ang summer, ngunit nakaramdam ng panlalamig si Catherine.Bagama’t nahuli na niya sa akto ang lalaki, bukod sa hindi na ito nagpaliwanag, hindi pa nito tinago ang kanyang pandidiri sa sandaling nakita niya si Catherine. Papaano niyang magagawa ang mga bagay na iyon?“Shaunic, ‘wag ka naman ganyan,” Nagmamadaling sinabi ni Sarah, “Asawa mo pa rin siya.”Inayos ni Shaun ang kanyang boses. “Kung hindi ko lang inakalang patay na siya noon, hindi ko pa siya magiging asawa. Tara na, Sarah, ihahatid kita.”Pagkatapos itong sabihin ni Shaun ay hinawakan niyang muli si Sarah sabay alis.Pakiramdam ni Catherine ay nanlamig ang mga dugong dumadaloy sa kanyang katawan. Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata habang sinasabing, “Ang kapal naman ng mukha mong umalis, Shaun. Kapag umalis ka, hindi na kita papatawarin.”Lumingon pabalik si Shaun. Nakasuot ng isang kulay beige na bestida ang babae. Dalawang buwan itong buntis, ngunit nangangayayat ang katawan nitong sa puntong anumang o
Wala na ang dating Shaun. Siya na ngayon ang may kapangyarihan sa buong pamilya ng mga Hill. Hindi na ito mahihirapang asikasuhin ang mga bagay kung gusto niyang masunod ang lahat sa paraang gusto niya. Walang makapipigil sa kanya, kahit pa ang dalawang matanda.Awkward ang itsura ng Old Madam Hill. “Ano ba ang nangyayari sa pagitan niyong dalawa? Napansin naming ilang beses na rin kayong hindi nagpapansinan. Akala naman nami’y magbabati rin kayo agad.”Nakaramdam ng panlalamig si Catherine sa kanyang dibdib.Hindi na niya rin alam. Napuno na ba ang lalaki dahil ayaw niya itong kausapin nitong mga nakaraang araw, kaya’t gusto na lamang nitong makipagbalikan kay Sarah?Hindi niya inaasahang magiging ganitong kalupit ang lalaki.“‘Wag kang mag-alala diyan. Pagsasabihan namin siya. Magpagaling ka at alagaan mo ang mga bata.” Sa pambihirang pagkakataon ay nakita niyang nakikipag-simpatya sa kanya ang mga katulad ng Old Master Hill.Ipinikit ni Catherine ang kanyang mga mata at hindi
Napansin ni Catherine ang pagtingin sa kanya ng receptionist. Nagpupumilit nitong sinabi, “Aakyat pa rin ako anuman ang sabihin niya.”Agad namang dumiretso sa pag-akyat si Catherine.Nang itinulak niyang pabukas ang pintuan ng opisina ay agad niyang narinig ang dismayadong tinig ni Shaun. “Sino’ng nagsabing pumasok ka nang hindi man lang kumakatok—”Bago pa man niya tapusin ang kanyang sinasabi’y tumigil agad siya nang makita niya si Catherine.Nakita ni Catherine ang kasalukuyang nangyayari sa opisina ni Shaun. Nakakandong si Sarah kay Shaun. Sa pandidiri ni Catherine ay parang gusto niya muling sumuka kagaya ng kung paano siya sumuka noong umagang iyon.“Young Madam…” Nagmamadaling kumalas at tumayo si Sarah mula sa kanyang pagkakakandong kay Shaun. “I’m… I’m sorry…”“‘Wag ka nang magpanggap pa, Sarah. Hindi ka man lang ba nahihiyang inaakit mo ang isang lalaking kasal na?” Hindi na mapigilan ni Catherine ang sarili. Pumunta ito sa direksyon ni Sarah upang sampalin ang babae.
Imposible.Sumimangot si Shaun. “Catherine, ang pinakamamahal ko simula noon ay si Sarah. Hindi ito kailanman namatay.”Nanginig ang katawan ni Catherine.Maiksi na pangungusap lang ang ginamit niya para balewala ang buong nakaraan nila. Anong halaga niya rito?“E ‘di kasinungalingan lahat ng sinabi mo sa akin sa seaside? Sabi mo ako lang ang mamahalin mo sa buhay mong ito.” Malapit nang bumagsak at umiyak si Catheriune. “Paano mo nagawa sa akin ‘to? Bigla ka na lang nagbago. Hindi mo ba naisip na nagiging kakaiba ka.”“Huwag ka na magsabi ng kahit anong salita. Alam ko ang sarili kong puso.”Nainis si Shaun sa kanyang titig. “Marami na akong narinig tungkol sa’yo noon. Kung hindi sahil sa mga anak ko, naghiwalay na tayo noo pa.”Pinigilan ni Catherine ang hininga niya.Sa puntong iyon, nararamdaman niyang lumalamig lalo ang puso niya.‘Yun na ‘yon? Tinitiis niya lang ba ako buong oras na ‘to?Hindi na ba niya ako matiis?Ngunit, walang pakialam si Shaun. Tinuloy niya ang pa
”Pero…”“Hadley, nakikita kong madalas mo siyang kausapin si Catherine nitong mga huli. Ang layunin mo ay tulungan siya. Ito ang sasabihin ko sa’yo, walang ibang makakaintindi kay Sarah kundi ako. Siya ang babaeng mahal ko. Hindi ko hahayaang may magdududa sa kanya,” Malamig na sabi ni Shaun. “Ang problemang ito ay matatapos ngayon.”Nagulat si Hadley. “Eldest Young Master Hill, Hindi ko—”“Alis.” Binuksan ni Shaun ang laptop niya at nagbigay ng utos.Pakiramdam ni Hadley nagkamali siya at kakaiba ito.Ang ebidensya ay nasa harapan niya pero ang Eldest Young Master Hill ay hindi mapagtanto kung ano ang tama sa mali.Nakakataka si Eldest Young Master Hill.Para bang naging ibang tao siya.Oo, inaamin ni Hadley na minahal ni Eldest Young Master Hill si Sarah noon pero masasabi niyang mahal din ni Eldest Young Master Hill si Catherine.Pakiramdam ni Hadley na may mali at mas lalo niya itong inisip.Pumunta siya sa mansyon pagkatapos niya sa trabaho ng araw na iyon. Simula nang
“Okay.”Bumuntong hininga si Hadley sa ginhawa. Swerte, hindi sumuko si Young Madam.Bilang lingkod ng pinakamayamang lalaki sa Australia, marami rin itong koneksyon. Kaagad siyang nakahanap ng doctor na nagngangalang Dr. Cooper sa Australia. Kahit na nagretiro na si Dr. Cooper ilang taon na ang nakakalipas, meron itong karanasan sa psychological research..Noong gabing iyon, sinamahan ni Hadley si Catherine para kitain si Dr. Cooper.Pagkatapos marinig ni Dr. Cooper ang pagbabago ni Shaun, inayos niya ang kanyang salamin sa mata. Sabi niya, “Nang makipagpalitan ako sa mga pinaka magaling na psychologist galing Country Y, narinig ko silang banggitin ang makalumang hynpnotic skill sa Country Y na pwedeng pakialaman ang pakiramdam at memorya ng tao. Ang sintomas ng kaibigan niya ay medyo kaparehas nito.”Nagulat si Catherine. Prangka niyang sinabi, “Mapapagamot ba ito?”Mapait na tumawa si Dr. Cooper, “Sinabi ko nang ang hypnotic skill ay luma na. Ang psychologist kong kaibigan sa