Wala na ang dating Shaun. Siya na ngayon ang may kapangyarihan sa buong pamilya ng mga Hill. Hindi na ito mahihirapang asikasuhin ang mga bagay kung gusto niyang masunod ang lahat sa paraang gusto niya. Walang makapipigil sa kanya, kahit pa ang dalawang matanda.Awkward ang itsura ng Old Madam Hill. “Ano ba ang nangyayari sa pagitan niyong dalawa? Napansin naming ilang beses na rin kayong hindi nagpapansinan. Akala naman nami’y magbabati rin kayo agad.”Nakaramdam ng panlalamig si Catherine sa kanyang dibdib.Hindi na niya rin alam. Napuno na ba ang lalaki dahil ayaw niya itong kausapin nitong mga nakaraang araw, kaya’t gusto na lamang nitong makipagbalikan kay Sarah?Hindi niya inaasahang magiging ganitong kalupit ang lalaki.“‘Wag kang mag-alala diyan. Pagsasabihan namin siya. Magpagaling ka at alagaan mo ang mga bata.” Sa pambihirang pagkakataon ay nakita niyang nakikipag-simpatya sa kanya ang mga katulad ng Old Master Hill.Ipinikit ni Catherine ang kanyang mga mata at hindi
Napansin ni Catherine ang pagtingin sa kanya ng receptionist. Nagpupumilit nitong sinabi, “Aakyat pa rin ako anuman ang sabihin niya.”Agad namang dumiretso sa pag-akyat si Catherine.Nang itinulak niyang pabukas ang pintuan ng opisina ay agad niyang narinig ang dismayadong tinig ni Shaun. “Sino’ng nagsabing pumasok ka nang hindi man lang kumakatok—”Bago pa man niya tapusin ang kanyang sinasabi’y tumigil agad siya nang makita niya si Catherine.Nakita ni Catherine ang kasalukuyang nangyayari sa opisina ni Shaun. Nakakandong si Sarah kay Shaun. Sa pandidiri ni Catherine ay parang gusto niya muling sumuka kagaya ng kung paano siya sumuka noong umagang iyon.“Young Madam…” Nagmamadaling kumalas at tumayo si Sarah mula sa kanyang pagkakakandong kay Shaun. “I’m… I’m sorry…”“‘Wag ka nang magpanggap pa, Sarah. Hindi ka man lang ba nahihiyang inaakit mo ang isang lalaking kasal na?” Hindi na mapigilan ni Catherine ang sarili. Pumunta ito sa direksyon ni Sarah upang sampalin ang babae.
Imposible.Sumimangot si Shaun. “Catherine, ang pinakamamahal ko simula noon ay si Sarah. Hindi ito kailanman namatay.”Nanginig ang katawan ni Catherine.Maiksi na pangungusap lang ang ginamit niya para balewala ang buong nakaraan nila. Anong halaga niya rito?“E ‘di kasinungalingan lahat ng sinabi mo sa akin sa seaside? Sabi mo ako lang ang mamahalin mo sa buhay mong ito.” Malapit nang bumagsak at umiyak si Catheriune. “Paano mo nagawa sa akin ‘to? Bigla ka na lang nagbago. Hindi mo ba naisip na nagiging kakaiba ka.”“Huwag ka na magsabi ng kahit anong salita. Alam ko ang sarili kong puso.”Nainis si Shaun sa kanyang titig. “Marami na akong narinig tungkol sa’yo noon. Kung hindi sahil sa mga anak ko, naghiwalay na tayo noo pa.”Pinigilan ni Catherine ang hininga niya.Sa puntong iyon, nararamdaman niyang lumalamig lalo ang puso niya.‘Yun na ‘yon? Tinitiis niya lang ba ako buong oras na ‘to?Hindi na ba niya ako matiis?Ngunit, walang pakialam si Shaun. Tinuloy niya ang pa
”Pero…”“Hadley, nakikita kong madalas mo siyang kausapin si Catherine nitong mga huli. Ang layunin mo ay tulungan siya. Ito ang sasabihin ko sa’yo, walang ibang makakaintindi kay Sarah kundi ako. Siya ang babaeng mahal ko. Hindi ko hahayaang may magdududa sa kanya,” Malamig na sabi ni Shaun. “Ang problemang ito ay matatapos ngayon.”Nagulat si Hadley. “Eldest Young Master Hill, Hindi ko—”“Alis.” Binuksan ni Shaun ang laptop niya at nagbigay ng utos.Pakiramdam ni Hadley nagkamali siya at kakaiba ito.Ang ebidensya ay nasa harapan niya pero ang Eldest Young Master Hill ay hindi mapagtanto kung ano ang tama sa mali.Nakakataka si Eldest Young Master Hill.Para bang naging ibang tao siya.Oo, inaamin ni Hadley na minahal ni Eldest Young Master Hill si Sarah noon pero masasabi niyang mahal din ni Eldest Young Master Hill si Catherine.Pakiramdam ni Hadley na may mali at mas lalo niya itong inisip.Pumunta siya sa mansyon pagkatapos niya sa trabaho ng araw na iyon. Simula nang
“Okay.”Bumuntong hininga si Hadley sa ginhawa. Swerte, hindi sumuko si Young Madam.Bilang lingkod ng pinakamayamang lalaki sa Australia, marami rin itong koneksyon. Kaagad siyang nakahanap ng doctor na nagngangalang Dr. Cooper sa Australia. Kahit na nagretiro na si Dr. Cooper ilang taon na ang nakakalipas, meron itong karanasan sa psychological research..Noong gabing iyon, sinamahan ni Hadley si Catherine para kitain si Dr. Cooper.Pagkatapos marinig ni Dr. Cooper ang pagbabago ni Shaun, inayos niya ang kanyang salamin sa mata. Sabi niya, “Nang makipagpalitan ako sa mga pinaka magaling na psychologist galing Country Y, narinig ko silang banggitin ang makalumang hynpnotic skill sa Country Y na pwedeng pakialaman ang pakiramdam at memorya ng tao. Ang sintomas ng kaibigan niya ay medyo kaparehas nito.”Nagulat si Catherine. Prangka niyang sinabi, “Mapapagamot ba ito?”Mapait na tumawa si Dr. Cooper, “Sinabi ko nang ang hypnotic skill ay luma na. Ang psychologist kong kaibigan sa
”Ako?” Tumingin sa baba si Catherine at hinawakan ang kanyang tiyan. “Hadley, kung talang naggmamalasakit ka kay Shaun, kailangan mo akong tulungan. Payag si Sarah na saktan kahit si Shaun. Kung parehas na anak ko ang mapunta sa kamay niya, magdurusa sila rito.” “Huwag kang mag-alala, Young Madam. Hanggang para sa ikabubuti ng mga anak ni Eldest Young Master Hill, susuporatahan kita kahit anong manyari sa gusto mong gawin—”Hindi pa natatapos ni Hadley ang sinasabi niya nang tawagan siya ni Shaun. “Asan ka? Kaarawan ni Sarah ngayon. Pumunta ka sa clubhouse at ayusin ang lugar. Gusto ko siyang surpresahin.”“...”“Narinig mo ba ang sinabi ko?” Matigas ang boses ni Shaun.“... Sige, pupunta kaagad ako doon.” May simpatyang tumingin si Hadley kay Catherine. “Young Madam—”“Pumunta ka sa na at gawin ang pinapagawa sa’yo. Huwag mong ilantad ang sarili mo,” paalala ni Catherine, “Humanap ka ng pagkakataong makipagtulungan sa kanya. Ipaalam mo kay Shaun at sa pamilyang Hull na nakuna
Mukha silang malapit sa kada litrato na para bang kambal tuko.Nakita rin nila ang Facebook ni Sarah. Kagabi, nag-post si Sarah ng 3 layer ng cake. Ang nasa taas ng cake ay dalawang doll, isang prinsesa at isang prinsipe. Naglagay din siya ng caption na: [Hindi ko inakalang magdiriwang ako ng kaarawan kasama ka. Mahal kita. Nagsimula sa’yo at magtatapos sa’yo.]Nagkakagulo ang mga tao sa internet![P*ta akala ko santo si Eldest Young Master Hill. Saglit pa lang ang nakakalipas pero may kabit na siya ngayon. Napakag*go.)[Ako rin. Naiingit ako sa pagmamahalan ni Eldest Young Master Hill at ng kanyang asawa.][Nakakaawa ang Young Madam.][Ang babaeng ito ay mukhang kabit. Nakakahiyang babae.][Mamatay ka na, p*kpok][Nang-aakit ng asawa ng iba“...”Pinatay ni Catherine yung phone niya. Tumayo siya at nagsipilyo nang blanko ang isip.Akala niya hindi na siya iiyak pa pero sa gitna ng pagsisipilyo niya bigla siyang humagulgol. Dahil ito sa pagkakita niya ng sipilyo ni Shaun sa
Sumitsit sa sakit si Sarah at pinilit na ngumiti. “Ayos lang ako, galos lang ito”Si Thomas, na nasa tabi, biglang nagsalita, “Oh dear, paanong galos lang iyan? Sobrang daming dugo kanina. Eldest Young Master Hill, masyado kang hindi patas para kay Sarah. Hindi ko alam kung sinong loko lokong nagkalat ng mga litrato mo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, ngunit ngayon, ang lahat sa internet ay pinapagalitan ang kapatid at tinatawag siyang kabit. Tinatawag pa nila siyang isang p*ta. Ano pa man ang kaso, gumagamit sila ng lahat ng klase ng masasamang salita para magsalita tungkol sa kanila. Ang iba pa ay nalaman kung saan siya nakatira. Masyadong mapanganib ito para sa kanya.”Nagisip si Shaun ng sandali at sinabi, “Kung gayon, lumipat ka ng bahay sa ilalim ng pangalan ko ngayon.”“Oo.” Nagningning ang mata ni Thomas. “Narinig ko na bumili ka ng villa sa tabing dagat ilang taon ang nakalipas. Gusto ni Sarah na manirahan sa tabing dagat. Pumunta tayo doon.”Nanigas si Shaun.Meron s