”Oo, hindi gaanong maraming babae na gustong mapait ang kape nila.”Umupo si Shaun sa sopa kaharap si Sarah. Bigla niyang naalala ang babae sa bahay. Si Catherine, bilang halimbawa, ay mahilig sa matatamis. Ang kape niya ay laging maraming asukal at krema.Napansin ni Sarah kung paanong parang nawawala ang lalaki sa mga iniisip nito. Ang lalaking ito ay nakaupo mismo sa kanyang harapan ngunit distracted ito. Halata, na may iniisip siyang ibang babae.Hindi niya gagawin ito sa nakaraan.Lumubog ang puso ng babae, bago niya isinara ang file, ngumiti siya. “80% akong may tiwala na tuluyan kong magagamot ang kondisyon mo at pigilan ang pagbalik nito sa hinaharap.”Isang sinag ng ilaw ang lumitaw sa mga mata ng lalaki. Hiniwalay niya ang mga labi niya para magsalita nang tawagan siya ni Elle.“Eldest Young Master Hill, umalis si Young Madam ng manor para pumunta sa korte.”Biglang nag-iba ang mukha ng lalaki. “Hindi ba’t sabi ko sa’yo na hindi siya pwedeng umalis ng manor ng mga oras
Hindi mafeframe si Charity kung hindi ipinagpatuloy ni Catherine ang DNA test.“Hindi ko inaasahang dadating kayong dalawa.” Ang sulok ng mga labi ni Charity ay kumibot. Isang katotohanan na hindi pa nila kilala ang isa’t isa ng mahabang panahon.“Naniniwala kaming inosente ka.” Ang mga pisngi ni Freya ay may marka na ng luha. “Talagang iaapela namin ang kaso at babantayan ang mga magulang mo para sayo.”“Salamat. Pero kung posible, pakiusap na ayusin ang pag-alis ng mga magulang ko sa Canberra sa lalong madaling panahon.” Bago pa niya matapos ang pangungusap niya, lumapit na at kinaladkad na siya ng law enforcement personnel.Lumingon siya at tumingin sa ibabaw ng mga balikat niya ng huling beses. “Maging maingat kay Sarah Neeson…”Dahil sa layo at sa namamaos na boses, nakita lang ni Catherine na gumagalaw ang mga labi niya pero hindi narinig ang kanyang sinabi. “Anong sinasabi niya? Sinasabihan niya ba ako na mag-ingat sa isang bagay?”“Sa tingin ko tama ka.” Ginaya ni Freya a
”Shaun, matagal na rin kitang hinahayaan lang. Buntis si Cathy sa mga anak mo. hindi ba pwedeng itrato mo siya ng mas maayos? Kailangan mo ba talagang iwan siya mag-isa sa manor araw-araw? Kailangan niya ng taong maaasahan,” Galit na sigaw ni Freya, “Pwede bang tigilan mo ang pagiging moody at mainitin ang ulo? Isa rin siyang tao na may limitasyon.”“Tumahimik ka! Wala kang karapatan makialam sa mga problema namin.” Tinulak siya palayo ni Shaun at binuhat si Catherine papasok ng sasakyan.Pinikit ni Catherine ang mga mata niya.Sa totoo lang, galit siya sa kung gaano kabastos ng lalaki sa kaibigan niya.Siyempre, siguro lagi niyang iniisip na masyado silang mababa para maging ka-lebel niya“Anong problema? Hindi ka man lang maabala na tumingin sa akin ngayon?”Kinurot ng lalaki ang baba ng babae habang ang anino ay natatabunan ang mukha ng lalaki. “Buksan mo ang mga mata mo.”Nakaramdam si Catherine ng katamlayan na kumalat sa katawan niya. Ang eleganteng mukha ng lalaki ay lumi
Matapos umalis ng doktor, humila si Shaun ng upuan sa tabi ng kama, pagod ang pakiramdam.Kailan ang huling beses na malapitan niyang tinignan si Catherine?Kamakailan, lagi silang nag-aaway tuwing nagkikita sila.Bigla niyang napansin na pumayat ang babae at mukhang mas mahina kaysa dati.Dapat ay mas tumaba siya sa oras ng pagbubuntis niya.Matapos ang sandaling pag-aatubili, si Elle, na nakatayo lang sa malapit, ay hindi mapigilang magsabi, “Eldest Young Master Hill, sa totoo lang, sa tingin ko ay medyo strikto ka kay Young Madam kamakailan—”Nagbigay ng malamig na sulyap ang lalaki sa babae bago niya matapos ang pangungusap.“Um… Naiintindihan ko ang rason mo kung bakit ayaw mong makipagkita si Young Madam sa mga kaibigan niya para pigilan ang pag-ooverthink niya. Pero nabuburyo siya at malungkot na nananatili palagi sa manor. Hindi ka umuuwi o kinakamusta man lang siya. Nakakaawa siyang tingnan na nakatayo sa may bintana araw araw na nakatingin sa labas…”Nakakaawa?Ikina
“Hindi siya nagpakita,” sagot ni Shaun.Suminghal si Old Master Hill sa narinig. “Sinusuportahan niya pa rin ba si Mason? Sobrang sama talaga ng loob ko sa kanya.”Ayaw na magbigay ni Shaun ng komento.Hindi tanga si Lea, minahal at pinagkatiwalaan niya lang nang sobra si Mason.“Wow, naghahapunan kayo. Grandpa, Grandma, hulaan niyo sino nakita ko sa pub kagabi?” Sina Willie at Liam ay biglang pumasok sa pinto. “Nakita ko si Sa-”Bigla siyang natigil nang nakita niya sina Catherine at Shaun sa hapag kainan. Lahat ng kulay sa mukha niya ay biglang nawala. Kailan pa nagsimula pumunta ang lalaki na ito sa villa?Sa kabilang banda naman, si Liam ay kalmadong tumingin sa lalaki bago pumwesto sa tabi ni Old Master Hill.“Sino nakita mo?” tanong ni Old Madam Hill.Huminga ng malalim si Willie bago sumagot, “Um… wala. Nagugutom na ako. Aunty Yasmine, maaari mo ba ipasa sa akin ang mangkok?”Tinignan siya ng masama ni Old Master Hill at suminghal sa panghahamak. “Alam mo lang tumambay
Nagpapahinga si Catherine sa garden. Umalis si Aunty Yasmine para kuhaan siya ng kumot.Ang lugar na kinauupuan niya ay may perpektong tanawin ng Sherman Mountain.Ang mahinang amoy ng tag-araw ay bumalot sa kanya habang may simoy ng hangin na humihipan.“Binabati kita sa pagbubuntis mo.” dahan-dahan lumapit si Liam sa kanya.Hindi na siya nag-abala tignan pa ito.“Hey, galit ka pa rin ba sa akin? Asawa ka na ng pinakamayaman na lalaki sa Australia.” umupo siya sa tabi ni Catherine. “Dapat ka magpasalamat sa akin. Magiging tagong minamahal ka kung hindi dahil sa akin.”Tinignan siya ng masama ni Catherine, walang masabi. Kailanman ay hindi siya nakakilala ng mas walang hiya na tulad niya.Sa totoo lang, hindi na masama ang loob niya sa pagset-up sa kanya noon. Maraming bagay na ang nangyari at maraming tao ang kinaiinisan niya.Nakaramdam ng awa si Liam sa pagkakita sa sugat sa mukha niya. “Um… Nagpunta ako dito para paalalahanan ka na mag-abang.”“Huh?”“Kay Shuan. Narinig k
Kalahating oras ng palabas, biglang tumunog ang phone ni Shaun.Kinuha niya ito sa bulsa niya. Nagnakaw ng tingin si Catherine doon at napansin na may tumatawag sa kanya na may pangalan na Nyasia. "Sasagutin ko lang ito sa labas."Naglakad siya palabas ng kwarto at sinagot ang tawag sa mababang boses. "May problema ba?""Hindi ba ako pwede tumawag dahil wala lang?" ang nalulungkot na boses ni Sarah ay rinig sa speaker."Hindi sa ganon...Ako…"Ang babae sa kabilang dulo ay tumawa ng marahan. "Niloloko lang kita. Nagresearch ako sa kaso mo buong araw at nakagawa ng plano ng panggagamot. Simulan na natin ang paggamot mamayang gabi.""Mamayang gabi?" nagulat siya."Uh-huh. Nakaisip ako ng trenta na plano ng paggamot sa ngayon at gagawin ito sa iba't-ibang oras ng araw. Ang kondisyon ay mas mapipigilan sa gabi at sa tingin ko ay mas relaks ang katawan ng tao sa ganon na oras, kaya mas madali para sayo ikonekta ang tunay mo na nararamdaman. Bukod doon, mas mahirap gamutin ang kondis
Inasar ni Aunt Yasmine si Catherine pagkakita sa mukha niya na nagliliwanag. "Mukhang si Eldest Young Master Hill ang gamot."Namula si Catherine at kinagat ang labi niya.Kinamumuhian niya na ang katangahan nila ay nagdala ng pinsala kala Charity at Freya. Subalit, hindi niya matanggihan ang pagnanasa sa pagmamahal ni Shaun ngayon na buntis siya.Tumawag si Shaun ng gabing iyon. "Magtatrabaho ako ng overtime mamaya, kaya hindi ako makakauwi para sa hapunan. Meron din akong social meeting mamaya at hindi ko alam kung kailan ito matatapos. Matutulog na lang ako sa bahay sa siyudad ""Okay."Bigla niya naalala ang paalala ni Liam pagkatapos ng tawag.Naguguluhan siya, at hinawakan ang ulo gamit ang dalawang kamay. Sa totoo lang, paano niya pinaniwalaan ang mga salita ni Liam?Patay na si Shelley. Maliban kung nakakilala ulit siya ng kahawig ni Sarah.Alas otso ng gabi. Biglang tumunong mula sa isang notipikasyon ang phone niya noong maliligo na dapat siya. Nakatanggap siya ng lit