Nagpapahinga si Catherine sa garden. Umalis si Aunty Yasmine para kuhaan siya ng kumot.Ang lugar na kinauupuan niya ay may perpektong tanawin ng Sherman Mountain.Ang mahinang amoy ng tag-araw ay bumalot sa kanya habang may simoy ng hangin na humihipan.“Binabati kita sa pagbubuntis mo.” dahan-dahan lumapit si Liam sa kanya.Hindi na siya nag-abala tignan pa ito.“Hey, galit ka pa rin ba sa akin? Asawa ka na ng pinakamayaman na lalaki sa Australia.” umupo siya sa tabi ni Catherine. “Dapat ka magpasalamat sa akin. Magiging tagong minamahal ka kung hindi dahil sa akin.”Tinignan siya ng masama ni Catherine, walang masabi. Kailanman ay hindi siya nakakilala ng mas walang hiya na tulad niya.Sa totoo lang, hindi na masama ang loob niya sa pagset-up sa kanya noon. Maraming bagay na ang nangyari at maraming tao ang kinaiinisan niya.Nakaramdam ng awa si Liam sa pagkakita sa sugat sa mukha niya. “Um… Nagpunta ako dito para paalalahanan ka na mag-abang.”“Huh?”“Kay Shuan. Narinig k
Kalahating oras ng palabas, biglang tumunog ang phone ni Shaun.Kinuha niya ito sa bulsa niya. Nagnakaw ng tingin si Catherine doon at napansin na may tumatawag sa kanya na may pangalan na Nyasia. "Sasagutin ko lang ito sa labas."Naglakad siya palabas ng kwarto at sinagot ang tawag sa mababang boses. "May problema ba?""Hindi ba ako pwede tumawag dahil wala lang?" ang nalulungkot na boses ni Sarah ay rinig sa speaker."Hindi sa ganon...Ako…"Ang babae sa kabilang dulo ay tumawa ng marahan. "Niloloko lang kita. Nagresearch ako sa kaso mo buong araw at nakagawa ng plano ng panggagamot. Simulan na natin ang paggamot mamayang gabi.""Mamayang gabi?" nagulat siya."Uh-huh. Nakaisip ako ng trenta na plano ng paggamot sa ngayon at gagawin ito sa iba't-ibang oras ng araw. Ang kondisyon ay mas mapipigilan sa gabi at sa tingin ko ay mas relaks ang katawan ng tao sa ganon na oras, kaya mas madali para sayo ikonekta ang tunay mo na nararamdaman. Bukod doon, mas mahirap gamutin ang kondis
Inasar ni Aunt Yasmine si Catherine pagkakita sa mukha niya na nagliliwanag. "Mukhang si Eldest Young Master Hill ang gamot."Namula si Catherine at kinagat ang labi niya.Kinamumuhian niya na ang katangahan nila ay nagdala ng pinsala kala Charity at Freya. Subalit, hindi niya matanggihan ang pagnanasa sa pagmamahal ni Shaun ngayon na buntis siya.Tumawag si Shaun ng gabing iyon. "Magtatrabaho ako ng overtime mamaya, kaya hindi ako makakauwi para sa hapunan. Meron din akong social meeting mamaya at hindi ko alam kung kailan ito matatapos. Matutulog na lang ako sa bahay sa siyudad ""Okay."Bigla niya naalala ang paalala ni Liam pagkatapos ng tawag.Naguguluhan siya, at hinawakan ang ulo gamit ang dalawang kamay. Sa totoo lang, paano niya pinaniwalaan ang mga salita ni Liam?Patay na si Shelley. Maliban kung nakakilala ulit siya ng kahawig ni Sarah.Alas otso ng gabi. Biglang tumunong mula sa isang notipikasyon ang phone niya noong maliligo na dapat siya. Nakatanggap siya ng lit
Iyon ang babae na iniisip ni Shaun pati sa panaginip niya.Binalaan na siya ni Charity dati na hindi inosenteng babae si Sarah. Hindi magiging kalaban si Catherine kung buhay pa siya.Oh tama, sinabi rin ni Charity na mag-ingat kay "carer eaton" kahapon.Carer eaton.Si Sarah Neeson?Nanginig si Catherine.Sobrang nagulat siya.Iyon nga 'yun. Binalaan siya ni Charity na mag-ingat kay Sarah Neeson.Kung gayon, alam na niya na buhay pa si Sarah.Ano pa ang alam niya?Atsaka, pinaalalahanan din siya ni Liam kagabi.Alam ng lahat ito bukod sa kanya.Babalikan ba ni Shaun si Sarah?Sumakit ang puso niya habang hindi niya namalayan hawakan ang tiyan niya.Hindi maaari! Wala na siyang pakialam kung paano si Shaun dati, ngunit tatay na siya ng mga bata ngayon. Kailangan nila ng kumpletong pamilya.Dali-dali, kinuha niya ang phone niya para tawagan si Shaun."Sorry, the number you’re calling is unavailable."Ano ba ang ginagawa ni Shaun at hindi niya masagot ang tawag niya?Po
Tinitigan ni Sarah ang itsura ni Shaun. Bagama’t nakaupo ito sa isang madilim na lugar, nangingibabaw pa rin ang kaaya-aya nitong mukha. Nakaramdam siyang kailangan niyang maipanalo ang puso ng lalaki. “Shaunny, pwede ba akong humingi ng isang pabor sa’yo? Pwede mo na bang pakawalan ang Neeson Corporation?”“Gusto mo akong palitan, huh?”“Hindi naman sa gano’n, masyado akong abala sa aking trabaho kaya’t wala akong oras upang patakbuhin ang kumpanyang ‘yon.” Mapait na tumawa si Sarah. “Sinumpong si papa habang nakakulong si Charity. Wala nang iba pang mas mahalaga sa kanya bukod sa kumpanya. Natatakot lang ako na baka hindi niya kayanin kapag nawala sa kanya ang kumpanya niya.”Bakas ang kahinahunan sa mga mata ni Shaun. “Hindi ka talaga nagbago. Anyways, ‘wag na ‘wag mong kalimutan kung paano ka niya tinrato noong mga panahong nawawala ka.”“Ibang kwento ‘yon. Ginagawa ko lang ang nararapat bilang isang anak. Ang akin lang, mabuti ang konsensya ko.” Buntong-hininga ni Sarah. “Isa
Kinuskos ni Liam ang kanyang noo. May mga pagkakataon talagang wala na lang siyang masasabi sa ganitong kakayahan ng mga babae. “Sa totoo lang ay nababalitaan kong napapadalas ang pag-da-dine out nina Shaun, Rodney, at ng iba pa nilang kabarkada kasama si Sarah. Hindi ako sigurado sa iba pang mga detalye.”“Sa halip na ilayo ang sarili mula sa kanyang ex, mas lalo pa itong dumikit sa kanya. At sinasamahan pa ngang kumain sa labas! Hindi ba’t ibig sabihin din nito’y lolokohin at lolokohin niya lang din ako sa huli?” Kinagat ni Catherine ang kanyang labi, at pakiramdam niya’y mayroong namumuo sa kanyang lalamunan. “Ayokong lumaki ang mga bata nang walang ama.”“Sige.” Patuloy si Liam sa pagmamaneho.Makalipas ang apatnapung minuto’y huminto ang sasakyan sa harap ng Maison Bar.Itinulak ni Catherine ang pintuan ng sasakyan sabay labas mula rito.“Saglit lang, hintayin mo ako.” Sa kanyang pag-aalalang may mangyaring masama sa mga batang dinadala nito, agad na sinundan ni Liam si Cathe
“So kasalanan ko pa palang istinorbo ko kayo ng ex mo?” Panunukso ni Catherine kay Shaun sa gitna ng kanyang paghihikbi.“Sinabi kong nang hindi. Bakit ba ang hilig mong mamahiya nang hindi muna inaalam ang buong katotohanan? Humingi ka ng tawad kay Sarah ngayon din,” Utos ni Shaun sa asawa.Humingi ng tawad?Tumawa si Catherine na tila ba’y narinig niya ang pinakanakakatawang biro sa buong mundo.“Wala namang problema, Shaunic,” Pangungumbinsi ni Sarah. “Mabuti na sigurong umuwi na lamang kayo ng Young Madam. Ah-choo!”Kinilabutan si Sarah matapos nitong bumahin.Agad na inalis ni Shaun ang kanyang suot na coat upang balutan ang babae.Agad na nakaramdam ng pagkabigo si Catherine.Noong pumasok sa eksena si Shelley na siyang kamukha ni Sarah, sunod-sunod ang mga nagiging pagtatalo nina Shaun at Catherine na humantong sila sa bingit ng tuluyang paghihiwalay.Ngayong si Sarah na mismo ang nasa eksena, may pag-asa pa kaya si Catherine na malamangan si Sarah?Bakas ang pagkalito
Hindi maipaliwanag ang tingin ni Catherine kay Liam. Matagal na panahon na mula noong huli siyang nabilib sa lalaki.Nginitian siya nito at lumabas ang isang hanay ng mga namumuting ngipin.Nang makita ito ni Shaun at agad nandilim ang kanyang itsura.Marahang nagsalita si Sarah, “Tapos na ang panggagamot mo ngayon, Shaunic. Baka gusto mo nang ihatid pauwi ang iyong asawa?”“Sige,” Tungo ni Shaun. Nag-aalala siyang makita sina Catherine at Liam na magkasamang pauwi. At alam niyang nagmaneho papunta roon si Sarah.Nang makarating si Catherine sa pinto ay tumalikod siya upang tignan nang mabuti si Sarah. “Miss Neeson, sana nama’y kahit sa manor mo na lang gamutin itong si Shaun. Pasensya na dahil naging petty ako. Maganda ka, ex ka ni Shaun, at isa lamang akong hamak na buntis. Babae ka rin naman, kaya’t alam kong alam mo ang nararamdaman ko.”“Nauunawaan ko.” Tungo ni Sarah nang may mahinang ngiti.Nang napansin ni Sarah na umalis si Shaun nang hingi tumitingin pabalik, bigla ito