“So kasalanan ko pa palang istinorbo ko kayo ng ex mo?” Panunukso ni Catherine kay Shaun sa gitna ng kanyang paghihikbi.“Sinabi kong nang hindi. Bakit ba ang hilig mong mamahiya nang hindi muna inaalam ang buong katotohanan? Humingi ka ng tawad kay Sarah ngayon din,” Utos ni Shaun sa asawa.Humingi ng tawad?Tumawa si Catherine na tila ba’y narinig niya ang pinakanakakatawang biro sa buong mundo.“Wala namang problema, Shaunic,” Pangungumbinsi ni Sarah. “Mabuti na sigurong umuwi na lamang kayo ng Young Madam. Ah-choo!”Kinilabutan si Sarah matapos nitong bumahin.Agad na inalis ni Shaun ang kanyang suot na coat upang balutan ang babae.Agad na nakaramdam ng pagkabigo si Catherine.Noong pumasok sa eksena si Shelley na siyang kamukha ni Sarah, sunod-sunod ang mga nagiging pagtatalo nina Shaun at Catherine na humantong sila sa bingit ng tuluyang paghihiwalay.Ngayong si Sarah na mismo ang nasa eksena, may pag-asa pa kaya si Catherine na malamangan si Sarah?Bakas ang pagkalito
Hindi maipaliwanag ang tingin ni Catherine kay Liam. Matagal na panahon na mula noong huli siyang nabilib sa lalaki.Nginitian siya nito at lumabas ang isang hanay ng mga namumuting ngipin.Nang makita ito ni Shaun at agad nandilim ang kanyang itsura.Marahang nagsalita si Sarah, “Tapos na ang panggagamot mo ngayon, Shaunic. Baka gusto mo nang ihatid pauwi ang iyong asawa?”“Sige,” Tungo ni Shaun. Nag-aalala siyang makita sina Catherine at Liam na magkasamang pauwi. At alam niyang nagmaneho papunta roon si Sarah.Nang makarating si Catherine sa pinto ay tumalikod siya upang tignan nang mabuti si Sarah. “Miss Neeson, sana nama’y kahit sa manor mo na lang gamutin itong si Shaun. Pasensya na dahil naging petty ako. Maganda ka, ex ka ni Shaun, at isa lamang akong hamak na buntis. Babae ka rin naman, kaya’t alam kong alam mo ang nararamdaman ko.”“Nauunawaan ko.” Tungo ni Sarah nang may mahinang ngiti.Nang napansin ni Sarah na umalis si Shaun nang hingi tumitingin pabalik, bigla ito
Hindi nito nakumbinse si Shaun. “Imposible. Napanood ko sa balita na basta basta lamang nililinis ang mga rekado sa mga barbecue na tulad nito.”Walang maisagot ang may-ari.Punyeta. Narito lang ba itong lalaking ito upang manggulo. Kung hindi dahil sa matikas nitong pangangatawan at mamahaling kasuota’y itinaboy na niya sana ang lalaki.“Kung ayaw mong maniwala’y wala akong magagawa doon. Marahil ay sa ibang stall na lamang kayo kumain.” Panunukso ng may-ari kay Shaun.“Hindi naman sa gano’n. Ako na lang ang bahalang maghugas ng mga rekadong kakainin ng aking asawa.” Pinili ni Shaun ang mga rekadong pinili ni Catherine at siya mismong naghugas sa mga ito gamit ang malinis na tubig.“Balak mo bang hugasan ‘yang lahat, kasama ang mga in-order ng isa niyo pang kasama?” Kinuyom ng may-ari ang kanyang ngipin.“Hindi. Wala akong pakialam kung ‘yung pinakamarumi niyong rekado ang ihain ninyo sa kanya.”Wala muling masabi ang may-ari sa kanyang narinig.Bakit naman napakasama nitong t
Diniin ni Shaun ang labi niya sa inis. “Sundan mo siya.” Pagkatapos ibaba ang tawag, inikot ni Catherine ang ulo niya at tinignan ni Shaun. “Anong meron? May nangyari ba kajy Sarah?”“Narinig mo ang lahat?” Nagningning ang mata ni Shaun. Hininaan niya sa pinakamahina ang tono, kaya nagulat siya na narinig niya ito.Sa totoo lang, wala siyang narinig.Talagang alam niya lang ang taktika ni Sarah.Totoo namang hindi simple ang babae.Ngumuso si Catherine, “Hindi lang ako tama sa hinala kong may nangyaring masama sa kanya pero sigurado rin akong si Rodney ang tumawag. Sigurado akong sinisi ka ni Rodney dahil hindi mo hinatid si Sarah pauwi at iniisip kung bakit siya nabasa pero pinipilit ni Sarah na hindi magsalita.”“...”Natigilan ni Shaun na halos magdalawang isip siya kung may nilagay bang bug sa kanyang phone.“Paano mo nalaman?”Kinurba ni Catherine ang labi niya. Tulad ng inaasahan, tama siya ng hinala. “Ginamit ni Rebecca ang taktika na ‘yan noon.”Sumimangot si Shaun
”Suriin mo ang katawan ko at tignan kung meron bang marka. Inosente ako.” Binuka ni Shaun ang braso niya at umikot sa harap ni Catherine.Hindi magawang tignan ni Catherine si Shaun. Tumayo siya at tinulak ito palayo. Saka, naglakad siya sa banyo. “Pumasok ka na, siraulo ka.”“Tumigil ka na sa pag-iyak, mahal ko. Sa’yo lang ako siraulo.” Kinuha ni Shaun ang oppurtunidad para hatatkin siya sa braso nito at halikan sa mukha. Pagkatapos n’un, walang hiya niyang sinabi, “Kaya ko lang maging siraulo sa harap mo.”“Shaun, hindi ko gusto itong ganito mong pag-uugali.”Tinaas ni Catherine ang kamay niya at hinampas ito. Hindi siya natuwa. Sa halip, nakaramdam siya ng sobrang pagkainis at umiyak ng mapait. “Lagi mo akong pinupuna kahit hindi mo alam ang totoo at binibigyan ng premyo pagkatapos. Pinagbabawal ko ang pakikipagkita mo kay Sarah.”“Imposible iyon, babe.” Isang mapait na ngiti ang makikita sa mukha ni Shaun. “Kinalulungkot kong siya lang ang may kayang magpagaling sa sakit ko. G
”Isa pa, hindi ka na dapat makipagkita kay Sarah nang mag-isa pwera na lang kung para sa paggamot mo. alam kong kaibigan din siya ni Rodney at Chester, kaya madalas silang makipagkita dito. Kung apat kayong nagkikita, pwede mo akong isama.”Nilagay ni Catherine ang mukha niya sa dibdib ni Shaun nang may mapagmahal na mukha.Matagal na simula nang huling ganito siya kay Shaun. Lumambot ang puso nito at naguluhan kaagad. “Pero si Rodney at Chester—”“Alam kong ayaw nila sa akin pero okay lang iyon. Kaya kong tiisin iyon basta maiwasan ko lang na maagaw ang asawa ko ng ibang babae.”Inangat ni Catherine ang ulo niya at pinikit-pikit ang mapang akit niyang malaking mata. “Dahil masyado kang gwapo. Mahal kita?”“Babe, makikinig ako sa’yo.” Lumiwanag ang mata ni Shaun. Binaba niya ang ulo niya at hinalikan ito sa labi.Huminga siya ng malalim habang tuluyang nadominantehan ng babae. Sa kasong ito, paano bang makakaroon ng posibilidad na may mangyari sa kanila ni Sarah? Wala naman siyan
Nagsalubong ang kilay ni Old Master Hill. Nakilala na niya si Sarah noon at mas ayaw niya ito kay Catherine. “Wala na bang ibang psychologist sa mundo? Bakit siya ang kailangang gumamot sa’yo? Kumuha ka ng iba.”Tumango si Old Madam Hill. “Tama. Paano mo nahiling na siya ang manggagamot sa iyo? Naisip mo man lang ba ang mararamdaman ng asawa mo?”Bumuntong hininga si Catherine sa ginhawa. Mukhang hindi gusto ni Old Master Hill at Old Madam Hill si Sarah.Isang mapait na ngiti ang makikita sa mukha ni Shaun. “Sabi ni Chester na sila ang pinaka magaling na psychologist sa US. Kaya nang hilingin ko siyang pumunta noon, hindi ko inakalang si Sarah ito.”Nanatiling tahimik sandali si Old Master Hill bago tumango. “Okay, pero dapat kang magdahandahan sa kilos mo. Huwag kang magkakamali. Sana hindi ka magaya sa yapak ng nanay mo.”“Hindi talaga, Grandpa.”Tumango si Shaun.Sa daan niya pa-opisina, tinawagan niya si Sarah para sabihin ang lokasyon sa kanyang treatment.“Inasahan ko na
”Oo nga pala, malapit ka sa Neeson Corporation noon, Chairwoman Jones. Dahil may nahalal nang presidente ang kumpanya ngayon, gusto mo ba siyang batiin?” Paalala ni General Manager Wolfe.Natigil si Catherine. “Sino ‘yun?”“Thomas Neeson, ang pinaka matandang anak na lalaki ni Boris at dati niyang asawa. Noon, narinig kong hindi siya ganoon kagaling. Pero nakakagulat na pumayag ang Hill Corporation na ibigay sa kanila ang pinakabagong microchip kung ito ang mamumuno sa Neeson Corporation.”Nanigas ng bahagya ang ekspresyon ni Catherine.Lumabas na Neeson, ang g*gong kumuha ng papel ni Charity.Parang may kung ano na hindi na kailangan sabihin na may kinalaman ni Shaun at Sarah sa desisyon na ito.Kahit gaano karaming beses magmakaawa ni Catherine at Charity kay Shaun noon, pasimple niyang tinatanggihan dahil pinapatakas niya ang Neeson Corporation. Ngunit, ngayong bumalik na si Sarah, naging presidente si Thomas ng kumpanya at ang microchip ay naibigay sa kanila.‘Shaun, o Shaun