Tinikom ni Sarah ang kanyang labi nahihirapan ng walang sinasabing kahit ano.“Ayos lang ito, Rodney. Si Sarah ay merong mga rason,” Sumingit si Chester.Malagim na tumingin si Rodney kay Sarah at sa huli ay napabuntong hininga.“Bakit ka bumalik ng biglaan?” Si Shaun, na tahimik kanina pa, ay biglang nagsalita.Kiumirot ang puso ni Sarah ng tumingin siya sa pamilyar na gwapong mukha. Mabagal siyang lumingon papunta sa larawan ni Shelley sa likod niya. “Ito ay dahil hindi ko inaasahan ang kamatayan ni Shelley. Kinukunsidera na siya ay ang aking pinakamamahal na pinsan, dapat akong magbigay ng huling paalam sa kanya.”Tumahimik ang lahat.Si Alex ay biglang naglakad papunta kay Sarah. Niyakap siya at umiyak. “Sarah, bakit ngayon ka lang bumalik? Ang kamatayan ni Shelley ay sobrang malungkot at hindi patas.”“Tito, paano namatay si Shelley?” Tanong ni Sarah habang pinipigilan ang mga luha.Dahil dito, kaagad na tumitig si Alex kay Shaun. “Kasalanan ito ng kanyang asawa at ni Char
Hinigpitan ni Sarah ang hawak sa baso ng alak sa kamay niya. “Ngunit naisip niyo ba kung ano ang mangyayari sa isang bata, magandang babae matapos na makidnap?”Si Shaun, Chester at Rodney ay napahinto.Nanginig ang kamay ni Shaun habang hawak niya ang baso ng alak. Tumingin siya sa itaas at tumitig ka Sarah sa gulat.“Hindi ko na idedetalye. Ito ay masakit.” Kinurba ni Sarah ang kanyang mga labi at sumipsip ng alak. “Ako ay pinahirapan paulit ulit. Matapos ang ilang oras, nagawa kong tumakas, para lang malaman na… Ako ay kinunsidera na patay na tao. Ang aking visa ay binawi, kaya hindi ako makabalik. Sinubukan ko na kausapin ang pamilya Neeson, ngunit hindi nila ako pinansin. Sinabi nila diretso sa akin na iiwanan nila akong nakasampay at tuyo.”“Sumusobra na sila. Mga tao pa ba sila?” Hinagis ni Rodney ang baso at tumalon patayo.“Naisip kong kausapin si Shaunic, ngunit ako… ako ay hindi karapat dapat makasama niya.” Kumurap si Sarah, tumulo ang luha sa kanyang pisngi. “Siya ay
Naglakad palabas si Charity. Sa sandaling makita niya ng maayos ang babae, nanlaki ng biglaan ang kanyang mata. “Sarah buhay ka pa din?”“Oo. buhay pa ako. Bumalik na ako, Charity.” Mapaglarong tumingin si Sarah sa kanya. “Ano pa man, hindi ko inaasahan na mauuwi ka sa ganito. Tsk, ang baho mo.”“Bakit ka bumalik?” Nakatitig si Charity sa kanya na may sama ng loob. Kapag ang babaeng ito ay nasa paligid, ang mga tao sa paligid ni Charity ay laging pinupuntirya at nasasaktan.Si Charity ay nasa impresyon na ang Diyos ay kinuha na ang buhay ni Sarah. Ang hindi niya inasahan ay na si Sarah ay bumalik.“Nandito ako para kunin ang lahat ng pagmamay ari ko,” Kumurba ang labi ni Sarah at sinabi ng masaya, “Kinukunsidera na ang iyong ina ang sumira sa pamilya ko, ano sa tingin mo ang dapat kong gawin para pahirapan siya?”“Ano ang binabalak mong gawin?” Nakatitig si Charity sa kanya. “Sarah, ang ina ko ay hindi ka kailanman trinato ng masama. Trinato ka niya ng mas mabuti kaysa sa akin.”
Pinangako ni Charity sa sarili niya na hindi niya sila patatawarin hanggang sa kamatayan niya....Sa manor.Pakiramdam ni Catherine ay parang isang nakakulong na ibon.Pwede lang siya maglakad paikot-ikot sa manor at wala nang iba pa.Isang linggo na ang nakalipas mula nang makita niya si Shaun.Naisip niya na nakalimutan na ng lalaki ang tungkol sa pagbubuntis niya.Dahil depressed siya, nawalan siya ng gana kumain. Sobrang nag-alala tungkol dito si Old Master Hill at Old Madam Hill.“Tawagan si Shaun,” Utos ni Old Madam Hill sa kasambahay sa oras ng hapunan. “Hindi niya pwedeng balewalain ang asawa niya at mga anak kahit gaano pa kabusy sa trabahp. Ginusto ko silang matulog sa magkahiwalay na kwarto pero hindi ko siya inutusan na isantabi ang asawa niya.”Agad na tumawag ang kasambahay. “Sabi ni Eldest Young Master Hill na mag-oovertime siya.”“Kailangan niya pa ring magpahinga! Ano bang iniisip niya?!” Hinampas ni Old Master Hill ang kanyang kamao sa mesa.“Siguro talaga
”Oo, hindi gaanong maraming babae na gustong mapait ang kape nila.”Umupo si Shaun sa sopa kaharap si Sarah. Bigla niyang naalala ang babae sa bahay. Si Catherine, bilang halimbawa, ay mahilig sa matatamis. Ang kape niya ay laging maraming asukal at krema.Napansin ni Sarah kung paanong parang nawawala ang lalaki sa mga iniisip nito. Ang lalaking ito ay nakaupo mismo sa kanyang harapan ngunit distracted ito. Halata, na may iniisip siyang ibang babae.Hindi niya gagawin ito sa nakaraan.Lumubog ang puso ng babae, bago niya isinara ang file, ngumiti siya. “80% akong may tiwala na tuluyan kong magagamot ang kondisyon mo at pigilan ang pagbalik nito sa hinaharap.”Isang sinag ng ilaw ang lumitaw sa mga mata ng lalaki. Hiniwalay niya ang mga labi niya para magsalita nang tawagan siya ni Elle.“Eldest Young Master Hill, umalis si Young Madam ng manor para pumunta sa korte.”Biglang nag-iba ang mukha ng lalaki. “Hindi ba’t sabi ko sa’yo na hindi siya pwedeng umalis ng manor ng mga oras
Hindi mafeframe si Charity kung hindi ipinagpatuloy ni Catherine ang DNA test.“Hindi ko inaasahang dadating kayong dalawa.” Ang sulok ng mga labi ni Charity ay kumibot. Isang katotohanan na hindi pa nila kilala ang isa’t isa ng mahabang panahon.“Naniniwala kaming inosente ka.” Ang mga pisngi ni Freya ay may marka na ng luha. “Talagang iaapela namin ang kaso at babantayan ang mga magulang mo para sayo.”“Salamat. Pero kung posible, pakiusap na ayusin ang pag-alis ng mga magulang ko sa Canberra sa lalong madaling panahon.” Bago pa niya matapos ang pangungusap niya, lumapit na at kinaladkad na siya ng law enforcement personnel.Lumingon siya at tumingin sa ibabaw ng mga balikat niya ng huling beses. “Maging maingat kay Sarah Neeson…”Dahil sa layo at sa namamaos na boses, nakita lang ni Catherine na gumagalaw ang mga labi niya pero hindi narinig ang kanyang sinabi. “Anong sinasabi niya? Sinasabihan niya ba ako na mag-ingat sa isang bagay?”“Sa tingin ko tama ka.” Ginaya ni Freya a
”Shaun, matagal na rin kitang hinahayaan lang. Buntis si Cathy sa mga anak mo. hindi ba pwedeng itrato mo siya ng mas maayos? Kailangan mo ba talagang iwan siya mag-isa sa manor araw-araw? Kailangan niya ng taong maaasahan,” Galit na sigaw ni Freya, “Pwede bang tigilan mo ang pagiging moody at mainitin ang ulo? Isa rin siyang tao na may limitasyon.”“Tumahimik ka! Wala kang karapatan makialam sa mga problema namin.” Tinulak siya palayo ni Shaun at binuhat si Catherine papasok ng sasakyan.Pinikit ni Catherine ang mga mata niya.Sa totoo lang, galit siya sa kung gaano kabastos ng lalaki sa kaibigan niya.Siyempre, siguro lagi niyang iniisip na masyado silang mababa para maging ka-lebel niya“Anong problema? Hindi ka man lang maabala na tumingin sa akin ngayon?”Kinurot ng lalaki ang baba ng babae habang ang anino ay natatabunan ang mukha ng lalaki. “Buksan mo ang mga mata mo.”Nakaramdam si Catherine ng katamlayan na kumalat sa katawan niya. Ang eleganteng mukha ng lalaki ay lumi
Matapos umalis ng doktor, humila si Shaun ng upuan sa tabi ng kama, pagod ang pakiramdam.Kailan ang huling beses na malapitan niyang tinignan si Catherine?Kamakailan, lagi silang nag-aaway tuwing nagkikita sila.Bigla niyang napansin na pumayat ang babae at mukhang mas mahina kaysa dati.Dapat ay mas tumaba siya sa oras ng pagbubuntis niya.Matapos ang sandaling pag-aatubili, si Elle, na nakatayo lang sa malapit, ay hindi mapigilang magsabi, “Eldest Young Master Hill, sa totoo lang, sa tingin ko ay medyo strikto ka kay Young Madam kamakailan—”Nagbigay ng malamig na sulyap ang lalaki sa babae bago niya matapos ang pangungusap.“Um… Naiintindihan ko ang rason mo kung bakit ayaw mong makipagkita si Young Madam sa mga kaibigan niya para pigilan ang pag-ooverthink niya. Pero nabuburyo siya at malungkot na nananatili palagi sa manor. Hindi ka umuuwi o kinakamusta man lang siya. Nakakaawa siyang tingnan na nakatayo sa may bintana araw araw na nakatingin sa labas…”Nakakaawa?Ikina