Hindi nakaramdam ng sakit si Shaun at tinignan niya pababa si Catherine. “Sige lang at kagatin mo. Hindi ba at sinabi mo sa akin na ang tao na kumakagat sa ibang tao ay dahil mahal mo ito nang sobra? Kagatin mo ako ng kasing lakas ng pagmamahal mo sa akin.”“...”Muntik na masuka si Catherine. Sobrang tagal na noon, ngunit naaalala niya pa rin ito. Ilang saglit lang kanina noong ininsip niya na pangit ang memorya nito.“Akit hindi mo na ako kinakagat? Natatakot ka ba na masaktan ako?” hinawakan ni Shaun ang tainga niya na parang kuting, ang maamo niyang boses ay nakakaakit at nakakakuryente. “Okay lang. Hindi ako natatakot sa sakit.”Sobrang lungkot na ni Catherine ngayon.Kung kakagatin niya ito, iyon ay senyales ng pagmamahal, ngunit kung hindi niya ito kakagatin, ibig sabihin hindi niya kaya saktan ito.Walang paraan para analo siya kay Shaun“Matulog ka na.” niyakap siya ni Shaun at pinatay ang ilaw bago humiga.Nakatulog kaagad si Shaun habang naaamoy si Catheinr.Subalit
Tulad ng inaasahan...Mas lalong nagging sigurado si Catherine sa sagot na nasa puso niya ngayon.Subalit, nagging hindi kaaya-aya ang mukha ni Shaun. “Tanga! Paano mo siya hinayaan makatakas pagkatapos mo siya ipadala sa malayo na bundukin na lugar?”Nayamot si Hadley. “Sabi ng lalaki na may van na kumuha sa kanya noong hinahabol niya ito.”“Mahirap paniwalaan na may kasabwat pa rin si Rebecca Jones. Sige at tignan moa ng van na iyon,” malamig na utos ni Shaun“Oo.” huminto si Hadley at hindi niya mapigialn magtanong, “Young Madam, bakit mo ako biglang tinanong na tignan si Rebecca Jones kahapon. May alam ka ba?”Tinignan din ni Shaun si Catherine ng nagtataka.“Hindi ko pa masasabi ngayon.”Tumingin palayo si Catherine. Baka hindi siya paniwalaan ni Shaun na si shelley Langley ay baka si Rebecca Jones. Baka sisihin pa siya nito na gumagamit ng hindi patas na paraas para harapin si Shelley.“Sabihin mo sakin. Hindi ko gusto na nagtatago ka ng mga bagay sa akin.” hinila ni Sha
Ngumiti si Catherine at tumango. “Oh, alam ko. Ang pangalan na Shaunarah ay hindi rin mula sayo, iyon ay ideya ni Chester. Hindi mo rin sadya tawagin ang pangalan ni Sarah sa panaginip mo. Si Sarah ang gumulo sayo mula sa kabilang mundo.”Si Shaun, “...”Bilang abogado, ito ang kauna-unahang karanasan niya na maramdam na hindi madepensahan ang sarili niya.Pagkatapos makarating sa ospital, sinabi ni Catherine ng walang interes, “Bilisan mo na at umalis. Kailangan ko pa magpunta sa kumpanya para sa pagpupulong.”Gusto talaga ni Shaun na imbitahin si Catherine at samahan siya, ngunit tinikom niya ang bibig niya at sa huli ay lumabas na ng kotse ng hindi nagsasalita.Pinaandar na ni Catherine ang kotse at umailsAyaw niya maging malambot ang puso dahil lang nakakaawa ang pagkilos ni shaunSinong maaawa sa kanya kung siya ang malulungkot at nahihirapan, kung gayon?Maraming tao sa ospital tuwing umaga, at nastuck siya sa dami bago siya makarating sa pasukan.Kaswal siyang tumingin
Palagi ba nagkikita ang dalawa na ito sa likod niya?“Cathy, huwag ka mag-isip ng iba.” hindi namalayan at itinulak ni Shaun si Shelley palayo. “Nakita niya na nagdudugo ang kamay ko, kaya-”“Hindi ba at andyan ang nars para doon? Anong kinalaman niya doon?” galit na sumabat si Catherine. “Dahil hindi mo siya maiwan, bakit pinepeste mo pa rin ako? Masaya ba?’Namutla ang gwapong mukha ni Shaun. Hindi alam kung dahil ba nawalan siya ng maraming dugo o dahil nasaksak siya ng mga salita niya.Nagmamadaling magpaliwanag si Shelley, “Young Madam, lahat ng sinabi ni Eldest Young Master Hill ay totoo. Tignan mo ang kamay niya, nagdudugo pa ito…”“Itikom mo bibig mo.” nagalit sa kanya si Catherine. “Shelley Langley, tiniis na kita ng mahabang panahon. Sa tingin mo ba madali ako saktan?”Nagmadali siya at hinawakan ang mahabang buhok ni Shelley, sinampal ang parehong pisngi.“Ahhhh! Young Madam, huwag mo ako sampalin! Eldest Young Master, tulungan mo ako!” humingi ng tulog si Shelley ha
“Oo, kambal, ngunit iyon din ang dahilan kung bakit mas mahirap sila panatilihin.” ipinaliwanag ng doktor, “kayong matatanda, kailangan niyo maging maingat. Kung ang aksidente ay hindi nangyari ngayon sa ospital at hindi siya nakakuha ng panggagamot sa tamang oras, tiyak na nawala na ang mga sanggol. Kung mapipigilan o hindi ang pagkalaglag ay nakadepende sa kung paano ang pag-unlad ng mga bagay sa paglaon. "“Salamat, doktor.”Biglang nakaramdam si Shaun ng takot.Handa na sila nila ni Catherine magkaroon ng anak, ngunit walang nangyari sa kanila simula noong dumating si Shelley. At saka, sabi ng doktor sa Melbourne na mahihirapan siya magkaroon ng anak sa kondisyon ng katawan niya, kaya hindi niya ito inisip masyado.Subalit, dinadala ni Catherine ang mga anak niya ngayon.Kambal ito.Subalit, baka mawala ang mga anak niya.Pakiramdam niya ay nalaglag siya mula sa langit papunta sa sahig.“Rodney Snow!” sinuntok ni Shaun ang mukha ni Rodney sa galit.“Paano ko malalaman na
Naglakad si Shaun patungo sa kama at maraha niyang tinitigan si Catherine. “Cathy, wala naman talagang nangyayari sa pagitan namin ni Shelley. Nagdugo lang naman ang aking kamay dahil sa paraan ng pagturok ng nurse sa akin, kaya’t itinulak siya agad ni Shelley pagkakita niya noon. Kaya mo nakita ang mga nakita mo kanina. Huwag ka nang magtampo. Masama ‘yan para sa magiging anak natin.”Ngumisi lamang si Catherine.Hindi ito makipaniwalang sa lahat ng napagdaan nila, at ngayong magiging nanay na siya, iniisip pa rin ng lalaking makitid ang kanyang utak.Sa kanya nanaman ang sisi ngayon.“Aunty Yasmine, pwedeng pakiabot ang aking phone?” Ayaw ni Catherine na makausap ang lalaki.Iniabot naman ni Aunty Yasmine ang telepono. Nag-text si Catherine kay Freya at nagsimula itong maglaro sa kanyang phone. Ni isang sandali’y hindi niya tinignan ang lalaki.Umupo si Shaun sa loob ng ilang sandali hanggang sa ipinalabas na ito ng doktor upang tumungo sa kabilang kwarto para sa IV drip.Puma
“Iiwanan mo ako ng pera? Totoo ba ‘yan? Parang noong una tayong kinasal, malinaw mong sinabi sa akin na wala akong makukuha ni kapiranggot na barya.” Tawa ni Catherine.Ikinagulat naman ito ni Harvey at nagnakaw ito ng tingin kay Shaun. Iniisip niyang isang matipunong lalaki ang Eldest Young Master Hill pagdating sa babaeng iniibig nito, ngunit lumalabas na mas malala pa ito sa ibang mga lalaki. Siya ang pinakamayamang lalaki sa buong bansa ngunit ayaw niyang bigyan ng kahit kapiranggot na barya ang kanyang asawa pang-sustento man lang.Masyado naman ‘tong madamot.Naramdaman ni Shaun ang pandidiri ng lalaki sa kanya at biglang nandilim ang kanyang itsura. Inilabas niya ang kanyang wallet mula sa kanyang bulsa at inihagis ito patungo kay Catherine. “Sige, ibibigay ko na ang lahat ng perang gusto mo simula ngayon, okay?”“‘Wag na lang. Kakaunti na lang ang mga lalaking inilalagay ang kanilang pera sa kanilang card ngayon. Karamihan ay ginagamit ito para sa mga investment.” Ni hindi
“Sumunod ka na lang. Minsan lang ito mangyari sa atin. Para rin ito sa mga darling natin.” Tinulungan ni Shaun na tumayo si Catherine upang ilagay sa kanya ang pad.Habang nangyayari ang lahat ay wala nang iba pang gustong gawin si Catherine kundi iuntog ang kanyang sarili hanggang sa bawian siya ng buhay.Nang makabalik siya sa kama, singpula ng kanyang mukha ang prutas na nasa lamesa.Nairita si Catherine sa kanyang nakikita at gusto niya tuloy kumain ng isa, ngunit agad na tumayo si Shaun nang makita nitong kinuha ng asawa ang kutsilyo upang hiwain ang prutas. “Maupo ka na lang, ako na ang bahala.”Sa madaling kwento, namalagi sa ward si Shaun simula hapon hanggang gabi. Hindi nito pinayagang humawak ng kahit ano si Catherine dahil palagi niya itong binibilinan na bumalik sa pagkahiga at matulog.At dahil sa sunod-sunod niyang pagtulog, 6:00 am pa lamang kinabukasan ay nagising na siya.Nang binuksan niya ang kanyang mga mata, nakita niyang kahati na niya sa kanyang unan si Sh