Isang sandali na nanatiling tahimik si Catherine. Matapos, sinabi niya, “Pinagawa mo ang lahat ng ito sa isang chef, tama?”“Hindi, ginugol ko ang buong umagawa sa paggawa ng tanghalian para sayo sa bahay,” sabi ni Shaun, “Ikaw ang sumubok na pasiyahin ako sa Melbourne. Ngayon, ako naman ang magpapasaya sayo.”Nangutya si Catherine, “Eldest Young Master Hill, talagang magaling ka sa pagpapasaya sa mga babae. Tila gumamit ka rin ng maraming effort nang ligawan mo si Sarah dati.”“Maniwala ka man o hindi, ikaw lang ang pinagluto ko dati.” Inabutan siya ni Shaun ng tinidor. “Kain na.”“Hindi ako kakain.” Nawala na ang pagkakalma ni Catherine. Bakit kailangan niyang kumain kapag sinabihan siya ng lalaki?“Cathy, hindi ka nagiging makatuwiran. Wala ka rin bang ex-boyfriend?”“SIge, kukuha ako ng lalaking kamukha ni Ethan para alagaan ako at samahan. Ayos lang ba ‘yun?”Sumulyap si Catherine sa lalaki. Sigurado, nakita niya ang hindi pagkatuwa ng lalaki sa mga mata nito at tumawa. “Ki
Shauncierly Yours…Nagburp siya sa gulat.“Natanggap mo na? ‘Yan ang bago kong pangalan sa Whatsapp.” Sumulyap si Shaun sa kanya.“Anong sinusubukan mong gawin dito?” Nalalabuan si Catherine.“Ginagaya kita.”“...”Naalala ni Catherine noong sinusubukan niyang landiin ang lalaki dati, pinalitan niya pa ang pangalan niya sa Whatsapp bilang ‘Shaunerine’.Nagging kalmado siya tungkol dito dati pero sa pagkakaalala nito ang nagpapula sa kanyang mukha sa kahihiyan.Baliw ba siya dati?“Tignan mo ang ‘About’ section ko,” Pinaalalahanan siya ni Shaun.Pinindot ito ni Catherine para buksan habang nanginginig. [Kung ang habambuhay na pagkakabilanggo ay mahalin ka ng magpakailanman, edi handa akong tanggapin ang kaparusahan.]Binaba ni Shaun ang kanyang ulo at umubo. “Nagustuhan mo ba?”Bilang abogado, ‘yun ang pinakaromantikong lawyer-related na pag-amin na naisip niya.Hinawakan ni Catherine ang noo ng lalaki.“Anong ginagawa mo?”“Tinitignan kung may lagnat ka.”Nagdilim ang e
”Shaun, ito ang pangalawang beses na inakusahan mo ‘ko dahil sa babaeng ‘yon.” Galit din si Rodney. “Si Shelley ay kapatid ni Sarah. Wala na rito si Sarah. Ginagawa ko ‘to para protektahan ang pamilya niya.”“Oo, lagi ko ring iniisip ‘yan. ‘Yun ang dahilan kung bakit paulit ulit kong sinusuko ang prinsipyo ko para sa kapakanan ni Sarah. Sa lahat ng mga taong ito, ilang masamang gawain ang nagawa ni Thomas?!“Apat na taon na ang nakalipas, siya ang dahilan ng pagkamatay ng isang tao. Lahat ng ebidensya ay tumuturo sa kanya pero tiniis ko ang kritisismo ng buong Australia at nilaban ang kaso para sa kanya. Matapos ang kasong ‘yun, kinamuhian ko ang trabaho ko at umatras mula sa komunidad ng mga abogado. Lahat ng mga taong ito, hinayaan ko si Hugh na itarget ako hangga’t gusto niya at alam mo ‘yan.“...”Natahimik si Rodney.Mahigpit na hinawakan ni Shaun ang kamay ni Catherine. “Dinepensahan ko si Thomas sa loob ng apat na taon, binigyan ko pa ng leksyon ang pamilyang Neeson noong p
Nanigas ang ekspresyon ni Lea. “Retired na ang lolo mo. Pinaaalalahanan kita na huwag gumawa ng mga bagay na sobrang malupit. Kung hindi man, huwag mo ‘kong sisisihin sa pagpapahirap sayo.”“Hindi ako sigurado sa ibig mong sabihin sa mga salitang ‘yun, pero…”Sa isang iglap ay kumuha ng remote control si Shaun at binuksan ang malaking telebisyon sa pader. Ang mga mukha ng ilang mga major shareholders ng Hill Corporation ay malinaw na lumabas sa screen. “Excuse me, Mom. Nasa video call ako kasama ang mga shareholder. Narinig nila lahat ng sinabi mo.”Si Director Kennedy, na pinakamatanda sa lahat ng shareholder, ay nagsabi, “Vice Director Hill, kapag siningil natin ang 80 bilyong dolyar, pwede natin ito paghati-hatian at magkakaroon ang bawat isa ng daang milyon. Syempre, alam namin na mayaman ka at walang pakialam. Pwede mong tanggihan ang pera at ibigay na lang ito sa amin.”Sarkastikong sinabi ni Director Martin, “Naiintindihan namin na ang pamilyang Campos ay pamilya ng asawa mo
“Huwag ka nga tanga. Kung gusto magpunta ng pamilyang Campos sa korte kasama si Shaun, tiyak na walang tiyansa manalo. Isa siyang dalubhasa sa batas. Walang nakakalamang sa kanya.”Nilagay ni Lea ang kard sa kamay niya. “May kumpanya rin ako na pinapatakbo. Alam ko kung gaano kalaki ang daloy ng pera ng isang kompanya. Maaari mo na ibalik sa akin ang pera kapag nagkaroon ng sapat na kapital ang pamilyang Campos.”“Salamat.”Niyakap siya ni Mason.Ngumiti si Lea. Sa saglit na iyon, bigla siya tinawagan ni Old Master Hill. “Asan ka? May kailangan ako italakay sayo. Bumalik ka rito kaagad sa manor.”“Okay…”“Ikaw lang mag-isa.”Natigilan si Lea.Pagkalipas ng isang oras, naglakad siya sa sala. “Dad, bakit mo ko tinawag pabalik?”“Tatanungin kita, magkano ang pera na hawak mo?” matalim ang titig sa kanya ni Old Master Hill.Tinikom ni Lea ang labi niya ng hindi maipaliwanag. “Wala na gaano natitira. Ininvest ko ang karamihan.”Dahan-dahan tumayo si Old Master Hill. “Malinaw ako
Nang makabalik siya sa diwa niya, mabilis niyang tinawagan si Mason. “Mason, maaari mo ibalik ang animnapung bilyong dolyar sa akin? Huwag ka mag-alala, kinausap ko na ang tatay ko sa insidente ng pamilyang Campos. Sabi niya pipigilan niya si Shaun-”“Pasensya ka na, my dear. Binigay ko na kay Charlie ang pera,” sabi ni Mason nang walang magawa, “Nilipat na ni Charlie ang pera sa Hill Corporation.”“...”Kasing puti na ng papel ang mukha ni Lea. Pakiramdam niya ay may nakabara sa lalamunan niya.“Okay lang yan, dear. Maaari mo sabihin kay Shaun na ibigay sayo ang pera,” masayang sinabi ni Mason, “Salamat dahil malaki ka na tulong sa pamilyang Campos. Mahal kita.”Kung dati ito, baka naantig pa si Lea, ngunit ngayon, malamig ang buong katawan niya. “Mason, sa pagkakaalam ko, maganda ang takbo ng negosyo ng pamilyang Campos sa mga nakaraang taon. Wala bbng walumpung bilyong dolyar sa account?”“Well, sabi sa akin ng magulang ko wala. Siguro naman hindi sila magsisinungaling sa akin
Nagdilim ang ekspresyon ni Charity sa pagkarinig ng mga salitang iyon. Patayo na sana siya, ngunit hinawakan ni Catherine ang balikat niya pababa.“Hahayaan mo lang ito?” tinignan siya ni Charity.“Huwag ka magmadali. Tapusin muna natin ang bath natin.”Umiling si Catherine at pinikit ang mata niya.Makalipas ang dalawampung minuto, lumabas si Shelley at tatlong babae sa banyo habang nakasuot ng bathrobe. Biglang hinarang ni Catherine at Charity ang daanan nila.“Young Madam, anong sinusubukan mo gawin? Hindi naman posible na sasaktan mo kami, tama?” nagkaroon ng natataranta na itsura si ShelleyIsang matangkad at payat na babae ang umabante at sinabi, “Young Madam Hill, hindi mo kailangan ilabas ang galit mo sa babae. Minsan kapag nangangaliwa ang mga lalaki sayo, pag-isipan mo ang sarili mo. Kung sabagay, kailangan ng dalawang tao para sumayaw ng tango”Naging mala-yelo ang titig ni Charity. “Hindi nakakapagtaka kung bakit nagsasama kayo. Mukhang birds of a feather flock toget
"Charity hindi na ako mananatili pa sa spa. Naalala ko na may kailangan ako puntahan na importante. Mauuna na ko umalis."Mabilis na nagpalit si Catherine ng dami at nagmadali umuwi Binuksan niya ang pinto ng manor. Nakaupo si Shaun sa sofa sa loob, ginagawa ang trabaho niya "Cathy, hindi s at sinabi mo na pupunta ka ng spa? Mabilis ka nakabalaim." Binaba ni Shaun ang laptop niya at tunayo. "Kumain ka ba ba-""Shaun, tatanungin kita, nakita mo ba si Rebecca noong nasa Melbourne parin tayo pagkatapos ng lahat ng nangyari?" ginambala siya ni Catherine."Bakit mo ako tinatanong tungkol sa kanya?" nagdilim ang mukha ni Shaun ."Pagkatapos mapunta sa bilangguan ni Jeffery at Sally, biglang nawala si Rebecca. May kinalaman ka ba doon?" tinitignan siya ni Catherine.Sumimangot si Dhaun. "Tama iyon. tinuruan ko siya ng leksyon. Siya. ."Nakaramdam siya ng pamilyar, matalin na sakit sa ulo niya. "Anong ginawa ko sa kanya? Bakit hindi ko maalala?"Lumubog ang puso ni Catherine. Akala