Share

Kabanata 450

Tanging ang tunog lamang ng nasusunog na uling ang naririnig.

Matapos ang ilang mga sandali’y hinubad ni Shaun ang kanyang coat at inilagay niya ang kanyang kamay sa baywang ni Catherine. “Wala na akong ganang kumain. Ang boring. Tara, doon tayo sa kwarto ko.”

“Parang gusto ko nang umuwi,” Biglang sabi ni Catherine.

Walang imik dito si Rodney. “Shaun, hindi ba’t pinangako mong mangingisda tayo sa may dagat bukas ng umaga? Ipahatid mo na lang siya kay Hadley. Madalang na ngayong libre tayong lahat kaya’t mag-enjoy na tayo.”

“Bahala kayo.” Kumalas si Catherine sa kapit ni Shaun at naglakad.

“Hindi na ako sasama bukas.” Malalaki ang hakbang ni Shaun upang sundan si Catherine.

Nagmamadaling kumuha ng ilang mga gamit si Shelley bago ito sumunod sa dalawa.

Sa pagkairita ni Rodney ay tinadyakan niya ang barbecue grill hanggang sa matumba ito.

Habang papauwi sila.

Si Hadley ang nagmamaneho ng sasakyan kasama sina Catherine at Shaun na nasa backseat at si Shelley na nakaupo naman sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status