“Ang ganda mo naman,” Bukal sa pusong pagpuri ni Catherine.“Isang malaking karangalan naman hong mapuri ng isang Mrs. Hill.” May isang maliit na ngiti sa mukha ng babae,“Kilala mo ako?” Pagkagulat ni Catherine. “Kung sa bagay, marami na ang nakakita sa akin simula noong press conference. Mahirap kalimutan ang itsurang ito.”Sumimangot ang babae, “Palagay ko’y mas mahalaga ang panloob na kagandahan kaysa sa pisikal na itsura.”“Haha, sang-ayon ako diyan.” Tawa ni Catherine. “Ano pala ang nangyari rito?”“Muntikan ko nang makabunggo ang isang sasakyang nakasalubong ko ngayon ngayon lang kaya’t umiwas ako at aksidente itong napunta sa putik. Ilang beses ko nang sinubukang alisin ito ngunit hindi man lang ito gumagalaw.” Nagpumilit ng isang mapait na ngiti ang babae.Lumapit si Catherine upang tignan ang sasakyan. “Mukhang makatutulong ako. Pwedeng pahiram ng susi mo?”Nag-aalinlangang ibinigay ng babae ang susi ng kanyang sasakyan.Naglagay ng isang malaking bato si Catherine sa
Tinitigan ni Catherine ang pangalan ni Shaun, at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nang sinagot niya ang tawag, tumunog ang kaaya-ayang tinig ng lalaki. “Bakit wala ka pa rito?”“Malapit na ako.”“Sige.”Nang ibinaba ng lalaki ang tawag ay pinakalma ni Catherine ang sarili ay sinubukan niya ang lahat upang hindi mag-overthink. Marahil ay hindi naunawaang mabuti ng mga kasambahay ang sitwasyon. Sa tagal ng pagsasama nila ni Shaun ay minabuti niyang pagkatiwalaan ang lalaki.Makalipas ang tatlong minuto, nakita niya si Shaun na naghihintay sa may field.Magkakasama ang apat na tao — tatlong lalaki at isang babae.Si Shelley na hindi naman kapansin-pansin noo’y nakasuot ngayon ng isang set ng damit mula sa spring line ng Fendi. Disente at matikas itong tignan — para bang nagpalit ng anyo ang isang dukha at naging isa itong prinsesa.Magkatabing nakatayo sina Shelley at Shaun sa harapan ng barbeque grill samantalang masayang nakikipag-usap sa kanila si Rodney. Sa kabilang b
Nagmamadaling sumagot si Shelley, ngunit pinutol agad siya ni Catherine bago pa man niya tapusin ang kanyang sinasabi, “Dahil binabayaran din naman namin siya, hindi ba’t nararapat lang na maging magalang din siya? Binabayaran mo rin naman ang mga kasambahay at security guard niyo rito para bantayan ang bahay niyo, ‘di ba? Ibig sabihin ba no’y may karapatan na silang bastusin ka?”Hindi na rin mapigilan ni Rodney ang kanyang sarili. “Tapos ka na ba, Catherine? Inaagrabyado ba kita? Kanina pa ako naiinsulto sa mga sinasabi mo eh. Sinasabi ko sa’yong iba si Shelley kumpara sa ibang tao…”“Rodney,” Sabat ni Shaun gamit ang kanyang malamim na boses. “Asawa ko si Cathy. BIgyan mo naman ng paggalang ang hipag mo.”Sumimangot si Catherine, iniisip kung ano ang balak sabihin ni Rodney noong mga sandaling iyon.Iba siya kumpara sa ibang tao?Paanong naiiba si Shelley?Nagtatampong sumagot si Rodney, “Kung sa gayo’y pagsabihan mo siya. Kung mayroon siyang sasabihin, diretsuhin niya na lang
Kumukulo na ang dugo ni Chester. “Pwede bang tigilan mo na ‘yan…”“Excuse me, Miss. Hindi ka pwedeng pumasok dito.”Tumunog ang boses ng isang kasambahay.Nang lumingon si Catherine upang tumingin sa direksyon na pinanggalingan ng boses, agad niyang nakita na naroon pala ang babaeng nakita niya kanina sa may tabi ng kalsada.“Charity, sino nagsabing pumasok ka rito?” Biglang tumayo si Rodney. Bakas ang pagkasuklam at sama ng loob ang kaaya-ayang mukha ni Rodney. “Pwede bang umalis ka na?”“Narito ako upang hanapin si Eldest Young Master Hill.” Kinibit ni Charity ang kanyang mga pilikmata, ngunit patuloy pa rin nitong tinitignan si Shaun. “Eldest Young Master Hill, pwede ba kitang makausap tungkol sa Neeson Corporation?”“Tingin mo bang kailangan ni Shaun ang tulong mo?” Kutya ni Rodney, “Ang dami nang kasuklam-suklam na bagay ang ginawa ng mga Neeson. Hindi mo ba iyon alam? Pwede bang tumawag kayo ng security guard upang paalisin itong babaeng ito?”Biglang pinalibutan si Charit
“Tama na, Charity. Pati ba naman sina Shaun at ang kanyang asawa’y pag-aawayin mo pa?”Sa wakas ay nagsalita si Chester na nakatayo sa gilid ng barbecue grill. Casual lamang ang pananamit nito, at ipinapahiwatig ng mataas nitong ilong ang karangalan at tikas. Subalit ay bakas sa mga mata nito ang matinding pagkagalit. “Hindi mo pa rin mapigilan ‘yang bibig mo. Nakakairita naman!”Pakiramdam ni Charity ay sinaksak ng mga salita nito ang kanyang puso.Mas naging kaaya-aya na ang itsura ng lalaking ito ngayon, ngunit ganoon pa rin ang galit nito sa kanya.May isang malamig na ngiti sa mga gilid ng kanyang labi. “Pilit kong sinusubukang lumayo sa inyo nitong mga nakaraang taon. Kung tama ang pagkakaalala ko, wala rin naman akong ginagawa sa inyo. Pero bakit bigla niyo na lang pinagkakaisahan ang Neeson Corporation ngayon? Eldest Young Master Hill, mahalaga ang mga microchip sa amin. Nagmamakaawa ako sa’yo…”“At ano naman ang kinalaman ko rito?” Bakas sa tikas ni Shaun ang kawalan ng e
Tanging ang tunog lamang ng nasusunog na uling ang naririnig.Matapos ang ilang mga sandali’y hinubad ni Shaun ang kanyang coat at inilagay niya ang kanyang kamay sa baywang ni Catherine. “Wala na akong ganang kumain. Ang boring. Tara, doon tayo sa kwarto ko.”“Parang gusto ko nang umuwi,” Biglang sabi ni Catherine.Walang imik dito si Rodney. “Shaun, hindi ba’t pinangako mong mangingisda tayo sa may dagat bukas ng umaga? Ipahatid mo na lang siya kay Hadley. Madalang na ngayong libre tayong lahat kaya’t mag-enjoy na tayo.”“Bahala kayo.” Kumalas si Catherine sa kapit ni Shaun at naglakad.“Hindi na ako sasama bukas.” Malalaki ang hakbang ni Shaun upang sundan si Catherine.Nagmamadaling kumuha ng ilang mga gamit si Shelley bago ito sumunod sa dalawa.Sa pagkairita ni Rodney ay tinadyakan niya ang barbecue grill hanggang sa matumba ito.…Habang papauwi sila.Si Hadley ang nagmamaneho ng sasakyan kasama sina Catherine at Shaun na nasa backseat at si Shelley na nakaupo naman sa
”Anong mahirap sa pagbigay ng halimbawa? Sinaktan niya ba ang dati mong nobya o ano?” Hindi maiwasan ni Catherine na asarin si Shaun.Umalog ang katawan ni Shaun. Tumalikod siya at tinitigan nang may galit si Catherine. “Pwede ba itigil mo na ang pag-iisip ng kung ano-ano? Ayayawin mo ba ako sa kada babaeng hindi mo man lang kilala, ha? Anong punto mo?”“Inaaway ba kita?” Ngumiti si Catherine kahit na pinapakita niyang sobrang lamig na aura. “Sinusubukan kong pakipagusap nang makatuwiran sayo pero ikaw ang hindi sumasagot ng tanong ko.”“Hindi ako interesadong makipagtalo sayo. Gutom na ‘ko. May gusto akong kainin.” Naglakad si Shaun papunta sa pinto.“Pwede mo bang sagutin ang huling tanong ko? Sinusubukan niyo bang lokohin at mangaliwa sa akin?” Kada salitang pahayag ni Catherine habang nakatitig sa likod nito.Tumingin ulit si Shaun patalikod at siningkit ang malalim na mata na ngayong puno na ng galit. “Ilang beses ko bang uulitin ang sarili ko? Ang salita ni Charity ay hin
Kakaumpisa lang ng relasyon ni Shaun at Catherine.Ngunit, pero nag-umpisa na si Shaun na insultuhin ito para sa mga kaibigan niya at si Shelley.Paano na lang sa una o ikalawang taon pang makalipas?Kusang hinawakan ni Catherine ang gilid ng kanyang mukha na hindi na makinis at maganda tulad ng noon.Talaga bang mamahalin siya ni Shaun ng buong puso ng ganito?Biglang nagduda na si Catherine tungkol dito.Bigla siyang tumalikod at nagtungo sa study.Matapos ang ilang sandali, nakarinig siya ng kotseng paalis. Malamang si Shelley na ang umalis.Ngunit, hindi lumabas si Catherine sa study.11:00 p.m., ang pintuan ay pilit na binuksan. Naglakad si Shaun papasok nang may mabangis na kunot sa noo. “Catherine, tapos ka na ba? Tignan mo ang oras ngayon at hindi ka pa rin natutulog. Hindi ka masaya kay Shelley, hindi ba? Umalis na siya.”“Pwede ka nang mauna. May gagawin pa ‘ko.” Umiwas ng tingin si Catheine pagkatapos siyang tignan. Hindi niya matanggap na ganito siya tratuhin ni S