Kumukulo na ang dugo ni Chester. “Pwede bang tigilan mo na ‘yan…”“Excuse me, Miss. Hindi ka pwedeng pumasok dito.”Tumunog ang boses ng isang kasambahay.Nang lumingon si Catherine upang tumingin sa direksyon na pinanggalingan ng boses, agad niyang nakita na naroon pala ang babaeng nakita niya kanina sa may tabi ng kalsada.“Charity, sino nagsabing pumasok ka rito?” Biglang tumayo si Rodney. Bakas ang pagkasuklam at sama ng loob ang kaaya-ayang mukha ni Rodney. “Pwede bang umalis ka na?”“Narito ako upang hanapin si Eldest Young Master Hill.” Kinibit ni Charity ang kanyang mga pilikmata, ngunit patuloy pa rin nitong tinitignan si Shaun. “Eldest Young Master Hill, pwede ba kitang makausap tungkol sa Neeson Corporation?”“Tingin mo bang kailangan ni Shaun ang tulong mo?” Kutya ni Rodney, “Ang dami nang kasuklam-suklam na bagay ang ginawa ng mga Neeson. Hindi mo ba iyon alam? Pwede bang tumawag kayo ng security guard upang paalisin itong babaeng ito?”Biglang pinalibutan si Charit
“Tama na, Charity. Pati ba naman sina Shaun at ang kanyang asawa’y pag-aawayin mo pa?”Sa wakas ay nagsalita si Chester na nakatayo sa gilid ng barbecue grill. Casual lamang ang pananamit nito, at ipinapahiwatig ng mataas nitong ilong ang karangalan at tikas. Subalit ay bakas sa mga mata nito ang matinding pagkagalit. “Hindi mo pa rin mapigilan ‘yang bibig mo. Nakakairita naman!”Pakiramdam ni Charity ay sinaksak ng mga salita nito ang kanyang puso.Mas naging kaaya-aya na ang itsura ng lalaking ito ngayon, ngunit ganoon pa rin ang galit nito sa kanya.May isang malamig na ngiti sa mga gilid ng kanyang labi. “Pilit kong sinusubukang lumayo sa inyo nitong mga nakaraang taon. Kung tama ang pagkakaalala ko, wala rin naman akong ginagawa sa inyo. Pero bakit bigla niyo na lang pinagkakaisahan ang Neeson Corporation ngayon? Eldest Young Master Hill, mahalaga ang mga microchip sa amin. Nagmamakaawa ako sa’yo…”“At ano naman ang kinalaman ko rito?” Bakas sa tikas ni Shaun ang kawalan ng e
Tanging ang tunog lamang ng nasusunog na uling ang naririnig.Matapos ang ilang mga sandali’y hinubad ni Shaun ang kanyang coat at inilagay niya ang kanyang kamay sa baywang ni Catherine. “Wala na akong ganang kumain. Ang boring. Tara, doon tayo sa kwarto ko.”“Parang gusto ko nang umuwi,” Biglang sabi ni Catherine.Walang imik dito si Rodney. “Shaun, hindi ba’t pinangako mong mangingisda tayo sa may dagat bukas ng umaga? Ipahatid mo na lang siya kay Hadley. Madalang na ngayong libre tayong lahat kaya’t mag-enjoy na tayo.”“Bahala kayo.” Kumalas si Catherine sa kapit ni Shaun at naglakad.“Hindi na ako sasama bukas.” Malalaki ang hakbang ni Shaun upang sundan si Catherine.Nagmamadaling kumuha ng ilang mga gamit si Shelley bago ito sumunod sa dalawa.Sa pagkairita ni Rodney ay tinadyakan niya ang barbecue grill hanggang sa matumba ito.…Habang papauwi sila.Si Hadley ang nagmamaneho ng sasakyan kasama sina Catherine at Shaun na nasa backseat at si Shelley na nakaupo naman sa
”Anong mahirap sa pagbigay ng halimbawa? Sinaktan niya ba ang dati mong nobya o ano?” Hindi maiwasan ni Catherine na asarin si Shaun.Umalog ang katawan ni Shaun. Tumalikod siya at tinitigan nang may galit si Catherine. “Pwede ba itigil mo na ang pag-iisip ng kung ano-ano? Ayayawin mo ba ako sa kada babaeng hindi mo man lang kilala, ha? Anong punto mo?”“Inaaway ba kita?” Ngumiti si Catherine kahit na pinapakita niyang sobrang lamig na aura. “Sinusubukan kong pakipagusap nang makatuwiran sayo pero ikaw ang hindi sumasagot ng tanong ko.”“Hindi ako interesadong makipagtalo sayo. Gutom na ‘ko. May gusto akong kainin.” Naglakad si Shaun papunta sa pinto.“Pwede mo bang sagutin ang huling tanong ko? Sinusubukan niyo bang lokohin at mangaliwa sa akin?” Kada salitang pahayag ni Catherine habang nakatitig sa likod nito.Tumingin ulit si Shaun patalikod at siningkit ang malalim na mata na ngayong puno na ng galit. “Ilang beses ko bang uulitin ang sarili ko? Ang salita ni Charity ay hin
Kakaumpisa lang ng relasyon ni Shaun at Catherine.Ngunit, pero nag-umpisa na si Shaun na insultuhin ito para sa mga kaibigan niya at si Shelley.Paano na lang sa una o ikalawang taon pang makalipas?Kusang hinawakan ni Catherine ang gilid ng kanyang mukha na hindi na makinis at maganda tulad ng noon.Talaga bang mamahalin siya ni Shaun ng buong puso ng ganito?Biglang nagduda na si Catherine tungkol dito.Bigla siyang tumalikod at nagtungo sa study.Matapos ang ilang sandali, nakarinig siya ng kotseng paalis. Malamang si Shelley na ang umalis.Ngunit, hindi lumabas si Catherine sa study.11:00 p.m., ang pintuan ay pilit na binuksan. Naglakad si Shaun papasok nang may mabangis na kunot sa noo. “Catherine, tapos ka na ba? Tignan mo ang oras ngayon at hindi ka pa rin natutulog. Hindi ka masaya kay Shelley, hindi ba? Umalis na siya.”“Pwede ka nang mauna. May gagawin pa ‘ko.” Umiwas ng tingin si Catheine pagkatapos siyang tignan. Hindi niya matanggap na ganito siya tratuhin ni S
Nagtatakang tanong ni Catherine, “Meron bang anak ang dating asawa ni Boris?” “Ngayong nabanggit mo ang anak ng dating asawa, nag-iinit ang ulo ko,” Naiinis na sabi ni Freya. “Dumalo ako sa isang pagtitipon ng marami ilang araw na ang nakalipas kung saan nagpakita ng interes sa akin si Thomas Neeson, at simula noon, kinukulit na niya ako. Nakakairita siya.”“Thomas Neeson?” Simangot ni Catherine. “Ang pangalang ito ay pamilyar.”Natigil sa kaisipan, tumayo bigla si Catherine. “Naaalala ko na ngayon. Ngayong nasa Melbourne ako, may tumawag kay Hugh Jewell na gusto akong patayin. Swerte na lang at dumating si Wesley para sagipin ako. Pagkatapos noon, narinig ko ang pulis na si Thomas galing sa pamilyang Neeson sa Canberra ay may gusto sa kapatid ni Hugh na si Lily Jewell. Sinampahan ng kasi ng pamilyang Jewel si Thomas at dapat mabubulok ito sa kulungan. Pero, pinaglaban ni Shaun ang kaso nito at nanalo.”“Grabe. Hindi ko alam na siya ‘yong t*rantadong iyon.”Nagulat si Freya. “Bak
Ito ay dahil hindi mapipigilan ni Catherine ang asawa niya. Bigla siyang natawa dahil dito. “Ayos lang, kung ganoon. Lalo na’t manghihingi lang naman ako ng tulong sa’yo, pwede mo bang sabihin sakin kung kilala mo si Shelley Langley?”“...”“Mukhang hindi mo siya kilala.” Mahigpit na hinawakan ni Catherine ang phone niya. “Kahapon, ako ba ang tinutukoy mo nang sabihin mong niloloko at nangangaliwa ang isang tao? Sa tingin ko naawa ka sakin.”“Hanggang matapang ka, hindi mo kailangang isipin ang iniisip ng ibang tao sa’yo,” sagot ni Charity nang may mababang boses.Mapait na ngumiti si Catherine. “Sige, hindi kita pipilitin. Oo nga pala, may isa pang bagay. Meron ka kapatid na nagngangalang Thomas Neeson, ‘di ba? Pwede bang sabihin mo sa kanya na tigilan ang kaibigan kong si Freya? Sabihin mong hindi ko siya hahayaang makalaya lang.”“Thomas Neeson…” Ang boses ni Charity ay biglang napuno ng pagkayamot. “Sige, gagawin ko. Paalalahanan lang din kita, Miss Jones. Dapat mong palayui
Ngunit, binaba ni Wesley ang ulo niya at tinitigan ang mata ni Catherine. Ang kanyang titig ay puno ng pagmamahal. “Ang tagal na nang huli tayong magkita.” “Oo. Nakita kita nang lumabas ako galing trabaho kanina, kaya hindi ko na natiis at sinundan ka rito,” malungkot na sagot ni Wesley. “Kamusta ka na? Napansin kong hindi ka masaya kanina…”“Hindi. May iniisip lang ako,” tiyak na tanggi ni Catherine. “Tama. ngayong kasama mo na ang lalaking mahal mo, siguro ay natutuwa ka.” Nakakapagpababa ng sariling tawa ni Wesley.“Pasensya na, Wesley…” Sobrang nahihiya si Catherine dahil sa kasalanan niya.“Pero hindi ‘yun ang dahilan kung bakit ako narito ngayon, para sabihing wala lang ito.” Mapait na ngiti ang kumalat sa mukha ni Wesley. Kinuha niya ang ice cream sa server at inabot ang isa kay Catherine.“M-may kailangan nga pala ako asikasuhin. Paalam.” Gumawa ng nakakahiyang rason si Catherine dahil hindi malakas ang loob niya para harapin ito.“Hindi mo man lang gustong umupo kasam