Maingat na tinignan ni Shelley si Catherine bago nito isara ang pinto.Natatawang nagsalita si Shaun, “Tinakot mo naman ‘yung bata.”“...”Walang masabi si Catherine sa lalaki. “Ano’ng ginawa ko para takutin siya? Maamo naman ang mukha ko noong sinabi ko ‘yun, ah?”“Hmm, maamo pero puno ng selos.” Tungo ni Shaun habang bakas sa kanyang mukha na wala na itong magagawa. “Parang sa isang baso ng gatas lang naman. Hindi mo na kailangang magselos.”“...”Ipinapalabas naman ng lalaking makitid ang kanyang utak.Napabuntong hininga na lamang si Catherine at binalot siya ng pagkabigo.Masyado ba siyang nag-overreact kanina? Parang hindi naman.“Huwag ka nang mag-overthink. Akin na, tuyuin natin ‘yang buhok mo.”Kinuha ni Shaun ang hair dryer.Nang matuyo ang buhok ni Catherine ay nagtalukbong ito dahil sa pamumula ng kanyang mga pisngi. Dahil nagbati na sila’y naging masigla ang lalaki, ngunit nahihiya pa rin si Catherine kahit isipin niya lang ang nangyari.Subalit ay tahimik lama
“Melanie, makinig ka. Matagal na akong gustong i-divorce niyang papa mo. 5% lang ng shares ng Yule Corporation ang ibibigay niya sa’yo, samantalang 35% ang ibibigay niya kay Catherine. Ginagawa ko itong lahat para sa’yo.” Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Nicola habang hawak-hawak ang balikat ng kanyang anak.Punong puno ng galit ang mga mata ni Melanie. “Papa… bakit? Bakit niya naman ‘yon gagawin sa akin?”“Eksakto,” Sagot ni Nicola, “Wala tayong patutunguhan dito sa Canberra kung 5% lang ng shares ang ating makukuha. Baka pati si Charlie’s magbago ng kanyang isip sa’yo.”Ikinagat ni Melanie ang kanyang labi. Ayaw niya na ulit maranasang abandunahin. “Ma, bakit ba kampi ang lahat kay Catherine? Hindi ba talaga ako anak ni papa? Kung gayo’y sino ang aking ama?”“Tumahan ka nga diyan. Sa’yo mapupunta ang Yule Corporation. Sisiguraduhin ‘yan ng iyong ama.” Yakap ni Nicola sa kanyang anak. “Malalaman mo rin ang lahat.”…Ibinigay ni Hadley ang impormasyong nakalap niya mula sa Yule Corpor
Bandang 12:30 p.m. ay may isang luxury car na pumasok sa gate ng manor.Matagal na naghintay sina Rodney at Chester sa may pinto, subalit nang lumabas si Shelley sa may backseat ng sasakyan ay nagulat ang dalawang nag-aabang. Naningkit ang mga mata ni Rodney upang tignan ang babae.“Sarah… Hindi, mas maganda si Sarah.” Muling nagpigil si Rodney matapos ang panandaliang kilig.“Kilala mo rin pala ang pinsan ko? Kamag-anak ko si Sarah” Ngiti ni Shelley at lumabas ang kanyang mga dimples sa pisngi.Namuo ang mga luha sa mga mata ni Rodney, ngunit agad niyang inilayo ang kanyang tingin. “Ang sinumang pinsan ni Sarah ay pinsan ko na rin.”“Ano ang nangyayari?” Tumingin si Chester kay Shaun.“Siya ang nurse mula sa mental hospital na naka-assign na bantayan ako.” Walang ekspresyong pagpapaliwanag ni Shaun.“Ah, sige.” Tungo ni Chester. “Magaling naman? Kumusta pakiramdam mo?”Pagkasabi nito ni Chester ay agad namang buong nerbyos na tinignan ni Shelley si Shaun.“Huwag ka mag-alala,
“Ang ganda mo naman,” Bukal sa pusong pagpuri ni Catherine.“Isang malaking karangalan naman hong mapuri ng isang Mrs. Hill.” May isang maliit na ngiti sa mukha ng babae,“Kilala mo ako?” Pagkagulat ni Catherine. “Kung sa bagay, marami na ang nakakita sa akin simula noong press conference. Mahirap kalimutan ang itsurang ito.”Sumimangot ang babae, “Palagay ko’y mas mahalaga ang panloob na kagandahan kaysa sa pisikal na itsura.”“Haha, sang-ayon ako diyan.” Tawa ni Catherine. “Ano pala ang nangyari rito?”“Muntikan ko nang makabunggo ang isang sasakyang nakasalubong ko ngayon ngayon lang kaya’t umiwas ako at aksidente itong napunta sa putik. Ilang beses ko nang sinubukang alisin ito ngunit hindi man lang ito gumagalaw.” Nagpumilit ng isang mapait na ngiti ang babae.Lumapit si Catherine upang tignan ang sasakyan. “Mukhang makatutulong ako. Pwedeng pahiram ng susi mo?”Nag-aalinlangang ibinigay ng babae ang susi ng kanyang sasakyan.Naglagay ng isang malaking bato si Catherine sa
Tinitigan ni Catherine ang pangalan ni Shaun, at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nang sinagot niya ang tawag, tumunog ang kaaya-ayang tinig ng lalaki. “Bakit wala ka pa rito?”“Malapit na ako.”“Sige.”Nang ibinaba ng lalaki ang tawag ay pinakalma ni Catherine ang sarili ay sinubukan niya ang lahat upang hindi mag-overthink. Marahil ay hindi naunawaang mabuti ng mga kasambahay ang sitwasyon. Sa tagal ng pagsasama nila ni Shaun ay minabuti niyang pagkatiwalaan ang lalaki.Makalipas ang tatlong minuto, nakita niya si Shaun na naghihintay sa may field.Magkakasama ang apat na tao — tatlong lalaki at isang babae.Si Shelley na hindi naman kapansin-pansin noo’y nakasuot ngayon ng isang set ng damit mula sa spring line ng Fendi. Disente at matikas itong tignan — para bang nagpalit ng anyo ang isang dukha at naging isa itong prinsesa.Magkatabing nakatayo sina Shelley at Shaun sa harapan ng barbeque grill samantalang masayang nakikipag-usap sa kanila si Rodney. Sa kabilang b
Nagmamadaling sumagot si Shelley, ngunit pinutol agad siya ni Catherine bago pa man niya tapusin ang kanyang sinasabi, “Dahil binabayaran din naman namin siya, hindi ba’t nararapat lang na maging magalang din siya? Binabayaran mo rin naman ang mga kasambahay at security guard niyo rito para bantayan ang bahay niyo, ‘di ba? Ibig sabihin ba no’y may karapatan na silang bastusin ka?”Hindi na rin mapigilan ni Rodney ang kanyang sarili. “Tapos ka na ba, Catherine? Inaagrabyado ba kita? Kanina pa ako naiinsulto sa mga sinasabi mo eh. Sinasabi ko sa’yong iba si Shelley kumpara sa ibang tao…”“Rodney,” Sabat ni Shaun gamit ang kanyang malamim na boses. “Asawa ko si Cathy. BIgyan mo naman ng paggalang ang hipag mo.”Sumimangot si Catherine, iniisip kung ano ang balak sabihin ni Rodney noong mga sandaling iyon.Iba siya kumpara sa ibang tao?Paanong naiiba si Shelley?Nagtatampong sumagot si Rodney, “Kung sa gayo’y pagsabihan mo siya. Kung mayroon siyang sasabihin, diretsuhin niya na lang
Kumukulo na ang dugo ni Chester. “Pwede bang tigilan mo na ‘yan…”“Excuse me, Miss. Hindi ka pwedeng pumasok dito.”Tumunog ang boses ng isang kasambahay.Nang lumingon si Catherine upang tumingin sa direksyon na pinanggalingan ng boses, agad niyang nakita na naroon pala ang babaeng nakita niya kanina sa may tabi ng kalsada.“Charity, sino nagsabing pumasok ka rito?” Biglang tumayo si Rodney. Bakas ang pagkasuklam at sama ng loob ang kaaya-ayang mukha ni Rodney. “Pwede bang umalis ka na?”“Narito ako upang hanapin si Eldest Young Master Hill.” Kinibit ni Charity ang kanyang mga pilikmata, ngunit patuloy pa rin nitong tinitignan si Shaun. “Eldest Young Master Hill, pwede ba kitang makausap tungkol sa Neeson Corporation?”“Tingin mo bang kailangan ni Shaun ang tulong mo?” Kutya ni Rodney, “Ang dami nang kasuklam-suklam na bagay ang ginawa ng mga Neeson. Hindi mo ba iyon alam? Pwede bang tumawag kayo ng security guard upang paalisin itong babaeng ito?”Biglang pinalibutan si Charit
“Tama na, Charity. Pati ba naman sina Shaun at ang kanyang asawa’y pag-aawayin mo pa?”Sa wakas ay nagsalita si Chester na nakatayo sa gilid ng barbecue grill. Casual lamang ang pananamit nito, at ipinapahiwatig ng mataas nitong ilong ang karangalan at tikas. Subalit ay bakas sa mga mata nito ang matinding pagkagalit. “Hindi mo pa rin mapigilan ‘yang bibig mo. Nakakairita naman!”Pakiramdam ni Charity ay sinaksak ng mga salita nito ang kanyang puso.Mas naging kaaya-aya na ang itsura ng lalaking ito ngayon, ngunit ganoon pa rin ang galit nito sa kanya.May isang malamig na ngiti sa mga gilid ng kanyang labi. “Pilit kong sinusubukang lumayo sa inyo nitong mga nakaraang taon. Kung tama ang pagkakaalala ko, wala rin naman akong ginagawa sa inyo. Pero bakit bigla niyo na lang pinagkakaisahan ang Neeson Corporation ngayon? Eldest Young Master Hill, mahalaga ang mga microchip sa amin. Nagmamakaawa ako sa’yo…”“At ano naman ang kinalaman ko rito?” Bakas sa tikas ni Shaun ang kawalan ng e