“Sinabi sa akin ni Shaun na ang mga Campos ay umabot na sa nangungunang tatlong pinakamayaman na pamilya sa Australia kasama ang pag-aari nila,” biglang sinabi ni Old Master Hill.Nagulat si Old Madam Hill. “Paano ito naging posible?”“Naaalala mo pa ba kung paano ang pamilyang Campos noong nakaraang dalawampung taon? Kinamumuhian ko si Mason noon. Kahit na siya ay talentado sa musika, hindi siya makapaglabas ng sampung milyong dolyar. ‘Di kalaunan, pinilit ni Lea na tulungan ang pamilyang Campos, at nagpanggap akong walang nakikita. Kung totoo ito, hindi ba sa tingin mo ay tinatago ito nang magaling ng pamilyang Campos?“Oo. Habang nasa kasal noong isang araw, nagmamaktol sa akin si Old Madam Campos kung paano kapangit ang takbo ng negosyo nila. Umaasa siya na matulungan natin ang pamilya niya.” puno ng kaluputan si Old Madam Hill.“Dati ay kinamumuhian ko si Shaun dahil hindi niya kaya at sa pagsira ng dignidad ko, kaya ko hinayaan si Liam ang mamahala sa Hill Corporation. Ngunit
“Ano?” sumigaw sa galit si Charlie, “Nag-invest ako ng marami sa paggawa at ngayon ay sinasabi mo sa akin na magdudusa ako sa malaking kalugihan?”“Anong malaking kalugihan? Hindi ba at marami ka na nakuhang kita bago ito?” kinusot ni Liam ang sentido niya. “Maliban doon, sabihin mo sa akin ang totoo, nilantad ba talaga ng mga Campos ang litrato dati ni Shaun?”“Baliw ka na ba para paniwalaan si Catherine? Paano makukuha ng isang taga-labas na tulad ko ang mga litrato na iyon?”Nanatiling tahimik si Liam habang may imahe ng lalaki ang lumabas sa isip niya. Kung magdadalawang isip, parang imposible na si Mason Campos, na walang pakialam sa mga kaganapan, ay gagawa ng ganito. “Kahit papaano, lahat mga Hill ay pinagsusupetiyahan na ako ang nasa likod nito. Sisirain ako ni Shaun kapag nabawi niya na ang mataas na posisyon.”“Huwag ka mag-alala. Makukuha mo ang shares ng nanay mo kahit papaano.”Tinapos ni Charlie ang tawag at gumawa ng isa pa pagkatapos. “Nabigo ang plano.”“Hmm, min
Hinanda na ni Old Madam ang sarili niya sa poot ni Shaun habang papunta siya dito. Ito ay tiyak na hindi niya inaasahan na makita siyang kalmado at masigla.Napansin ng dalawa ang matandang babae pagpasok nila ng bahay.Mabilis na nawala ang ngiti sa mukha ni Shaun. Ang mata niya ay nagpapakita ng walang interes at pag depensa.Pakiramdam ni Old Madam Hill ay may karayom na tumusok sa puso niya“Hello, Granny,” marahan na binati ni Catherine ang matandang babae na parang walang hindi kasiya-siya na nangyari sa pagitan nila dati.Binigyan lang siya ng malamig na titig ng matandang babae, tumatanggi magbigay ng komento.Isang anino ang dumapo sa mukha ni Shaun. “Kung nandito ka para maging bastos sa asawa ko, pakiusap at umalis ka na.”“Ikaw…” nabulol si Old Madam Hill sa galit. “Ako ang lola mo. Magiging masaya ka lang ba pagkatapos ko mamatay?”“Ang alam ko lang ay ang pamilyang Hill ang nagbuhos ng asin sa sugat ko. Baka pwersahan ako na ko itrap sa mental hospital kung hindi
“Dahil nag-invest si Nicola Wicks ng ilang bilyong dolyar.” may bakas ng mapanganib na hangarin ang mata ni Shaun. “Kung nahulaan ko ito ng tama, ginawa niya iyon pagkatapos sumang-ayon ni Aunty Valerie papangitin ang mukha ni Catherine. Pinepeke niya ang mga kita.”Nagulat si Old Madam Hill at hindi sigurado sa sasabihin niya.“Granny, dapat magpasalamat ka. Hindi ko siya hahayaan mabuhay kung hindi lang dahil sa inyo ni Grandpa.”Tumayo si Shaun. “Tignan mo ang mga anak mo. Ang isa ay may pake lang sa pagsuporta sa pamilya ng asawa niya, at ang isa ay nagpepeke ng mga kita. Ang nag-iisa mong anak na lalaki ay pangkaraniwan lang at walang kakayahan. Sa tingin mo ba matatamasa niyo ni Grandpa sa edad niyo ang kayamanan niyo ngayon kung hindi dahil sa akin?”Parang tumanda ng ilang taon si Old Madam Hill pagkatapos marining noon....Alas dose ng hapon.Biglang lumabas si Catherine sa kusina pagkatapos gumawa ng tanghalian ngunit ang tensyon sa ere ay lalong lumala.Nilagay niya
“Shaunny, may lola rin ako. Nagsisi ako na hindi ako naggugol ng maraming oras kasama siya noong kung kailan namatay na siya. Ang pamilya ay literal na kadugo at sobrang hirap na putulin sila. Dahil sayo, kaya ko sila tiisin at patawarin. Basta napapasaya ka noon.” nang may masinsin na titig, tinignan ni Catherine si Shaun sa mata.Naantig si Shaun.Ang emosyon na pinigilan niya sa ilalim ng puso niya ay sumabog na parang bulkan.Binaba niya ang ulo niya para halikan siya nang malalim sa labi. "Pasensya ka na, baby."'Sa pagpaparanas sayo nito.' Ang mukha niya ay pumangit dahil sa pamilyang Hill ngunit tinitiis niya pa rin sila para sa kanya.Hindi iyon kailangan. Nangako siya na pagbabayarin niya sila sa ginawa nila kay Catherine.Kasama na si Valerie."Balang araw, hahanap ako ng tao na gagamot sa mukha mo. Mamahalin kita habambuhay."Sinara ni Catherine ang mata niya. Sa saglit na iyon, pakiramdam niya ay malakas siya at kalmado Hindi na mahalaga kung pumangit ang mukha ni
Nawala ang ilaw sa mata ni Shaun sa pagkakarinig noon. "Isang pagkakataon lang ba nandito siya ngayon?""Mukhang ganon nga. Ang mga kandidato na pinili mismo ng pamamahala ng ospital ay ang mga magaling magtrabaho na nars sa kasalukuyan."Tumango siya sa pagkarinig noon, ang depensa sa puso niya ay nawala. "Sino ang pinuno ng pamilyang Neeson ngayon?""Si Charity Neeson."Ang dulo ng labi niya ay kumibot at naging sarkastikong ngiti. "Hindi siya kumikilala ng utang na loob pagkatapos magnakaw ng bahay ng ibang tao. Ilabas mo ang utos na huwag magbigay ng microchip sa pamilyang Neeson.""Um… Okay." bumuka ang labi ni Hadley ngunit hindi na nagsabi pa ng iba....Alas singko ng hapon.Maaga umalis sa trabaho si Catherine ngayon. Nakarinig siya ng ingay mula sa basketball court pagkalabas niya ng kotse.Sakto ang pagpasok niya at nakita niya tinataas ni Shaun ang kamay niya para makagawa ng magandang three-point field na tira. Wala siyang odeya kung gaano katagal na siya naglalar
Iritang irita na si Catherine. Hindi niya naman masasabing hindi siya natutuwa dahil lang Langley ang apelyido ng nurse.Subalit ay hindi niya rin naman kayang magkunwaring isa siyang mapagbigay na tao. “Hindi ko inaasahang pakikinggan mo ang batang iyon,” ‘Ika niya habang naka-pout.Itinaas ni Shaun ang kanyang mga kilay at pagkatapos ay yumuko ito upang amuyin ang kanyang mga labi. “Hmm, parang may naaamoy akong nagseselos.”“Seryoso nga kasi.” Pabirong hampas ni Catherine sa likuran nito.Para kay Shaun ay mas kiliti pa ito kaysa sa hampas.Agad namang hinawakan ni Shaun ang kanyang kamay upang halikan ito. “Hindi rin naman ako magiging ganoong ka-masunurin dati at baka nga umayaw pa ako sa ideyang may nag-aantabay sa aking nurse mula sa mental hospital, subalit ay gusto kong gumaling agad para sa’yo, kaya’t susundin ko itong treatment plan. Ayokong gumawa ng isang bagay na ikapapahamak mo ulit. Naiintindihan mo ba ako?”Ikinagat ni Catherine ang kanyang mga labi. Biglang suma
Maingat na tinignan ni Shelley si Catherine bago nito isara ang pinto.Natatawang nagsalita si Shaun, “Tinakot mo naman ‘yung bata.”“...”Walang masabi si Catherine sa lalaki. “Ano’ng ginawa ko para takutin siya? Maamo naman ang mukha ko noong sinabi ko ‘yun, ah?”“Hmm, maamo pero puno ng selos.” Tungo ni Shaun habang bakas sa kanyang mukha na wala na itong magagawa. “Parang sa isang baso ng gatas lang naman. Hindi mo na kailangang magselos.”“...”Ipinapalabas naman ng lalaking makitid ang kanyang utak.Napabuntong hininga na lamang si Catherine at binalot siya ng pagkabigo.Masyado ba siyang nag-overreact kanina? Parang hindi naman.“Huwag ka nang mag-overthink. Akin na, tuyuin natin ‘yang buhok mo.”Kinuha ni Shaun ang hair dryer.Nang matuyo ang buhok ni Catherine ay nagtalukbong ito dahil sa pamumula ng kanyang mga pisngi. Dahil nagbati na sila’y naging masigla ang lalaki, ngunit nahihiya pa rin si Catherine kahit isipin niya lang ang nangyari.Subalit ay tahimik lama