Nagpunta si Shaun sa kusina para kumuha ng kanin. Habang nakangiti, bumulong si Catherine kay Aunty Yasmine, “Alam ko ang kondisyon niya, ngunit sa tingin ko ay mas mabuti na tratuhin siyang normal na tao araw-araw. Kapag mas lalong maingat tayo, mas lalong sensitibo at mag-aalala ang nararamdaman niya.”Naintindihan na ni Aunty Yasmine. “Ang galing mo, Young Madam. Siya nga pala, hindi pa kumakain si Eldest Young Master Hill. Kailangan mo siya pakainin mamaya.”‘DI kalaunan, kumuha si Shaun ng mangkok na may kanin.“Bakit hindi ka kumakain?”“Kumain na ako ng kaunti. Hindi ako gutom.” inilagay ni Shaun ang kanin sa harap niya.“Nagsisinungaling ka. Sabi sa akin ni Aunty Yasmine ay hindi maganda ang lagay ng tiyan mo, kaya kailangan mo kumain.” pinilit siya paupuin ni Catherine. “Kailangan mo kumain ng kahit ano.”“Wala ako gana kumain…”“Hayaan mo na pakainin kita.” kumuha ng hipon si Catherin at nilagay ito sa bibig niya.“...”P*ch*. Dati pangit ang lasa ng mga hipon para s
Ginagawa ito ni Shaun kahit na iba ang sinabi niya. Gayon pa man, hindi siya kasing walang kahihiyan tulad ni Shaun dati.“Sige. Ako na ang gagawa niyan.” naglakad siya papunta dito at tinulak siya palayo.“Hindi maaari. Gusto ko maranasan ang mga paghihirap na pinagdaanan ng asawa ko dati.” pang-asar na sagot ni Shaun sa pagkakita sa namumula niyang mukha.“Hindi mo alam paano ito labhan.” nakaramdam ng kahihiyan at pagkairita si Catherine. “Hindi mo pwedeng kusutin ‘yan sa ganyan na paraan. Huwag mo iyan sirain.”“Kung gayon, turuan mo ako.” tinaas ni Shaun ang kilay niya at umakto na parang mabait siya na bata na handang matuto.Sa kauna-unahang pagkakataon, alam na ni Catherine kung ano ang pakiramdam kung paano barilin ang sarili sa paa. “Bilisan mo.” pinagmadali siya ni Shaun.Wala siyang magawa at umupo siya sa tabi ni Shaun at ginabayan siya. “Kusutin mo ito sa loob…”Pagkatapos panoorin ni Catherine ang lalaki na labhan ang damit panloob niya nang dahan-dahan habang g
Ngumiti si Shaun. “Magaling. Marami ka natutunan na quote mula sa mga romantikong pelikula, huh? Noong unang nakilala kita, nilandi mo ako gamit ang quote na “Hindi ko maiwasan maging masaya ngayon at nakilala ko na ang mahal ko sa buhay.’ Sabihin mo pa sa akin anong alam mo. Subukan mo gamitin iyon ngayon.”“...”Hindi makapagsalita si Catherine sa mga pangungutya niyang salita.Sa huli, naramdaman niya na wala siyang magawa at malanding binalot ang braso niya sa leeg nito. “Pasensya na, hubby. Kahit papaano, hindi ako nagsisinungaling ngayon. Ngayon at gusto mo sabihin ko sayo kung kailan ako nahulog sayo, hindi ko masabi ang tiyak na saglit. Siguro noong isa sa mga araw na ginugol natin magkasama. Maaari rin noong mala-bayani mo akong sinagip ng paulit-ulit. Noong makabalik ako sa diwa ko, nahulog na ako sayo.”Natunaw ang puso ni Shaun sa mga sinabi niya. “Talaga?”“Oo. Sa totoo lang, noong una kitang nakilala, akala ko ikaw ang pinakagwapong lalaki na nakilala ko sa buhay ko,
“Top three sa pinakamayaman na pamilya? Napakalabong mangyari noon.” nagulat si Old Master Hill“Maaari mo tignan ang financial statement ng mga Campos para sa taon ngayon. Madalas na mababang profile ang mga Campos at mahinhin kumilos. Pagkatapos ni Liam mamahala sa kompanya, pumirma siya ng kasunduan sa mga Campos na nakakapagbigay ng limang benepisyo sa kanila. Para bang hindi pa sapat ang kapangyarihan ng Campos.”Ang balita ay parang isang pasabog kay Old Master Hill“Kapag ang mga Hill ay masyado na nasa ilalim, ang mga Campos ang siguradong una na hindi makakapaghintay na mamahala sa kumpanya. Kung ako ang may-ari ng Hill Corporation, ang katayuan ng mga Hill ay hindi magbabago. Gayon pa man, ikaw ang bahala. Kahit pa na hindi mo plano hayaan ako ang makakuha sa kompanya, maaari ko pa rin panatilihin ang katayuan ko sa Australia. Kung gayon, ang sitwasyon ng mga Hill ay walang kinalaman sa akin…”“Ngunit ang sakit mo…”“Kahit hindi mo ako paniwalaan, ayos lang. Marami ako g
“Sinabi sa akin ni Shaun na ang mga Campos ay umabot na sa nangungunang tatlong pinakamayaman na pamilya sa Australia kasama ang pag-aari nila,” biglang sinabi ni Old Master Hill.Nagulat si Old Madam Hill. “Paano ito naging posible?”“Naaalala mo pa ba kung paano ang pamilyang Campos noong nakaraang dalawampung taon? Kinamumuhian ko si Mason noon. Kahit na siya ay talentado sa musika, hindi siya makapaglabas ng sampung milyong dolyar. ‘Di kalaunan, pinilit ni Lea na tulungan ang pamilyang Campos, at nagpanggap akong walang nakikita. Kung totoo ito, hindi ba sa tingin mo ay tinatago ito nang magaling ng pamilyang Campos?“Oo. Habang nasa kasal noong isang araw, nagmamaktol sa akin si Old Madam Campos kung paano kapangit ang takbo ng negosyo nila. Umaasa siya na matulungan natin ang pamilya niya.” puno ng kaluputan si Old Madam Hill.“Dati ay kinamumuhian ko si Shaun dahil hindi niya kaya at sa pagsira ng dignidad ko, kaya ko hinayaan si Liam ang mamahala sa Hill Corporation. Ngunit
“Ano?” sumigaw sa galit si Charlie, “Nag-invest ako ng marami sa paggawa at ngayon ay sinasabi mo sa akin na magdudusa ako sa malaking kalugihan?”“Anong malaking kalugihan? Hindi ba at marami ka na nakuhang kita bago ito?” kinusot ni Liam ang sentido niya. “Maliban doon, sabihin mo sa akin ang totoo, nilantad ba talaga ng mga Campos ang litrato dati ni Shaun?”“Baliw ka na ba para paniwalaan si Catherine? Paano makukuha ng isang taga-labas na tulad ko ang mga litrato na iyon?”Nanatiling tahimik si Liam habang may imahe ng lalaki ang lumabas sa isip niya. Kung magdadalawang isip, parang imposible na si Mason Campos, na walang pakialam sa mga kaganapan, ay gagawa ng ganito. “Kahit papaano, lahat mga Hill ay pinagsusupetiyahan na ako ang nasa likod nito. Sisirain ako ni Shaun kapag nabawi niya na ang mataas na posisyon.”“Huwag ka mag-alala. Makukuha mo ang shares ng nanay mo kahit papaano.”Tinapos ni Charlie ang tawag at gumawa ng isa pa pagkatapos. “Nabigo ang plano.”“Hmm, min
Hinanda na ni Old Madam ang sarili niya sa poot ni Shaun habang papunta siya dito. Ito ay tiyak na hindi niya inaasahan na makita siyang kalmado at masigla.Napansin ng dalawa ang matandang babae pagpasok nila ng bahay.Mabilis na nawala ang ngiti sa mukha ni Shaun. Ang mata niya ay nagpapakita ng walang interes at pag depensa.Pakiramdam ni Old Madam Hill ay may karayom na tumusok sa puso niya“Hello, Granny,” marahan na binati ni Catherine ang matandang babae na parang walang hindi kasiya-siya na nangyari sa pagitan nila dati.Binigyan lang siya ng malamig na titig ng matandang babae, tumatanggi magbigay ng komento.Isang anino ang dumapo sa mukha ni Shaun. “Kung nandito ka para maging bastos sa asawa ko, pakiusap at umalis ka na.”“Ikaw…” nabulol si Old Madam Hill sa galit. “Ako ang lola mo. Magiging masaya ka lang ba pagkatapos ko mamatay?”“Ang alam ko lang ay ang pamilyang Hill ang nagbuhos ng asin sa sugat ko. Baka pwersahan ako na ko itrap sa mental hospital kung hindi
“Dahil nag-invest si Nicola Wicks ng ilang bilyong dolyar.” may bakas ng mapanganib na hangarin ang mata ni Shaun. “Kung nahulaan ko ito ng tama, ginawa niya iyon pagkatapos sumang-ayon ni Aunty Valerie papangitin ang mukha ni Catherine. Pinepeke niya ang mga kita.”Nagulat si Old Madam Hill at hindi sigurado sa sasabihin niya.“Granny, dapat magpasalamat ka. Hindi ko siya hahayaan mabuhay kung hindi lang dahil sa inyo ni Grandpa.”Tumayo si Shaun. “Tignan mo ang mga anak mo. Ang isa ay may pake lang sa pagsuporta sa pamilya ng asawa niya, at ang isa ay nagpepeke ng mga kita. Ang nag-iisa mong anak na lalaki ay pangkaraniwan lang at walang kakayahan. Sa tingin mo ba matatamasa niyo ni Grandpa sa edad niyo ang kayamanan niyo ngayon kung hindi dahil sa akin?”Parang tumanda ng ilang taon si Old Madam Hill pagkatapos marining noon....Alas dose ng hapon.Biglang lumabas si Catherine sa kusina pagkatapos gumawa ng tanghalian ngunit ang tensyon sa ere ay lalong lumala.Nilagay niya