[Siguradong-sigurado ako. Ang pangalan niya ay Sheryl Jones at ang anak niya ay ang tserman ng Hudson Corporation. Mayroon pa akong litrato niya.]Pagkatapos ay kumalat na ang litrato nina Sheryl at Catherine sa internet.Nakatanggap si Catherine ng tawag mula sa kompanya na ang Facebook ng Hudson ay tinadtad ng pamumuna. Ang board of directors ng kumpanya ay gustong magkaroon ng pagpupulong ulit.“Pupunta na ako sa kompanya ngayon.” pagkasabi ni Catherine, kinuha ni Shaun ang phone niya. Nag-utos siya sa kabilang dulo ng tawag, “Ako si Shaun Hill. Ako na bahala sa bagay na ito sa Hudson. Huwag niyo na muna siya tawagan.”Pagkatapos noon, tinapon niya ang phone sa gilid.“Shaun Hill, anong ginagawa mo?” sa sobrang galit ni Catherine ay sumakit ang tiyan niya. “Hindi mo nga kaya protektahan ang sarili mo ngayon. Pwede ba pakialaman mo ang sarili mo?”“Hindi ka pwede umalis sa ospital sa kondisyon mo.” maamo ang mata ni Shaun, ngunit ang tono niya ay dominante pa rin.“Ngunit hind
Nakadekuwatro si Shaun, at kalmado ang kilos niya. “Maraming tao ang nagpupuna sa akin sa internet ngayon. Sa totoo lang, hindi ako naaabala dito, at wala akong pakialam kung ano ang tingin sa akin ng ibang tao. Ngunit kahapon, sinimulan nila insultuhin ang asawa ko sa online. Ito ay isang bagay na hindi ko kaya tiisin…”Nagulat ang mamamahayag. “Asawa?”“Tama iyon.” hinarap ni Shaun ang kamera, at ngumiti siya. “Ang tserman ng Hudson Corporation, si Catherine Jones. Siya ang asawa ko.”Natulala ang mamamahayag. “Nakuha mo na ba ang sertipiko ng kasal niyo?”“Upang maging eksakto, nakuha na namin ito mahigit apat na buwan na ang nakaraan.”Ang mamamahayag. “Iyon… iyon ay imposible.”“Anong imposible doon? Dala ko pa nga ito ngayon.” nilabas ni Shaun ang dokumento mula sa bulsa niya. Hindi lang ang litrato nila ng kasal nila ang dala niya, ngunit malinaw ang petsa na nakasulat dito.Sa ward, sobrang nagulat si Aunty Yasmine at nalaglag niya ang mga pongkan sa kamay niya. “Miss Jo
Natahimik si Catherine at ngumiwi. ‘Aunty Yasmine, nakalimutan mo na ba na pangit na ako ngayon?’Subalit, naging sikat ang panayam kay Shaun sa internet.Ang takbo ng kalakaran sa internet ay mabilis na nagbago.[P*t*ng*n*. Matagal na palang kasal si Eldest Young Master Hill kay Catherine Jones. Ibig sabihin hindi siya kabit. Natural lang na matulog nang magkasama ang mag-asawa. Si Melanie Yule ang kabit.][Kung iisipin, bukod sa litrato na kumuha siya ng mga strawberry kasama si Melanie Yule, hindi ko siya nakita kasama si Melanie Yule. Sa kasalungat, niyakap ni Eldest Young Master si Catherine Jones at binilhan ito ang alahas. Kahit sino na may mata ay makikita na tunay na pagmamahal ito.][Iniisip ko ngayon na hindi naging madali para kay Catherine Jones ang lahat. Hindi siya tanggap ng mga Hill, at pinapagalitan pa natin siya.][Eldest Young Master, nagkamali kami. Isa kang tunay na lalaki. Hindi ka masama. Nilabanan mo pa ang mga mayaman na pamilya ng Canberra para sa asawa
“Malapit ka na maging engaged sa pamilyang Campos. Huwag mo masyado isipin ang sinasabi ng iba tungkol sayo.” hinawakan ni Nicola ang kamay ni Melanie. “Kapag sinuportahan tayo ng Campos, ilang sandali lang bago harapin sina Shaun Hill at Catherine Jones.”Tumango si Melanie. Ibabalik niya ang insulto na ito ng ilang libong beses pabalik. “Mom, magdidiborsyo ba talaga kayo ni Dad?”“Hindi papayag ang lolo mo.”… Sa Hill Manor.Sa maagang umaga, muntik na mamatay sa galit si Old Master Hill dahil sa sertipiko ng kasal ni Shaun.“Ang pilyo na iyon, pinakasalan na pala si Catherine Jones noon pa.”Hinilot ni Old Madam HIll ang noo niya. Hindi niya pa ring nakukuha ang bearings niya. “Well, malaki na siya, at nagawa niya tayo lokohin. Nag-alala pa ako sa kasal niya na parang t*ng*.”Galit na sinabi ni Valerie, “Mom, ang sinabi ni Shaun sa telebisyon ay sobra na. Pinalaki siya ng pamilya natin at minahal, ngunit sa huli, pinalabas niyang matapobre ang pamilya natin.”“Nagsasalita
“Dad, masyado ka ideyalista. Kung hindi ako lalaban, papaalisin niya ako sa kompanya kapag nawala sila Grandma at Grandpa. Isang tao lang ang pwede sa Hill Corporation, at ang tao na iyon ay ako.” sabi ni Liam nang may malamig na singhal.“Okay, gusto ko rin na mamuno si Liam sa Hill Corporation. Gustong pakasalan ni Shaun si Catherine Jones, ngunit hindi matatag ang emosyon niya at muntik na niya saktan si Valerie noon. Mas lalong ayaw ko sa kanya ngayon.”Umiling si Lea. Kung kaya niya bumalik sa nakaraan, hindi niya talaga iluluwal si Shaun.… Pagkatapos ng tanghalian.Isang banayad at komportableng simoy ng hangin na mula sa bintana, ay mahinang umiihip kay Catherine. Ipinikit niya ang mga mata niya, ninanais niya matulog, ngunit bigla niya naramdaman na may humahalik sa mukha niya.Sino ito?Isang pamilyar na amoy ng cedar ang nagmula sa kabilang partido na hindi niya pinanindirian.Ang inaantok niyang mata ay dahan-dahan niyang binuksan, at nakita niya ang nakakasilaw n
“Sige, magiging tapat ako sayo.” kinuha ni Shaun ang kamay niya at nilagay ito sa ilalim ng baba niya. “Sa tuwing tinatawagan ko si Melanie, iyon ay dahil kamukha ka niya ng kaunti. Inaamin ko hindi pa ako nakakamove-on sa iyo simula noong bumalik ako sa Melbourne.”‘Hindi pa ako nakakamove-on sa iyo…’Iilan lang ang salitang iyon, ngunit pakiramdam ni Catherine ay ito lang ang pangungusap na sinabi niya na natural at nakakaantig sa kanya simula noong dumating siya dito sa Canberra.Bumilis ang tibok ng puso niyaNoong unang pagkilala niya kay Melanie, pakiramdam niya rin na medyo kahawig niya ito.Subalit, hindi niya inaasahan na iyon ang rason kung bakit niya nilapitan si Melanie.Kung sabagay, sobrang desidido siya noong umalis siya sa Melbourne.Sobrang nasaktan din siya sa kawalan ng tiwala ni Shaun.“Noong una, Iniisip ko dahil hindi mo ako minahal at nilapitan mo ako para akitin lang ako, magpapakasal ako sa babaeng kahawig mo at kalimutan iyon. Ngunit hindi ko inaasahan
“Sandali…” hinila siya pabalik ni Catherine.“Ano?” matagal na ang huli niyang pagkusa sa pagpigil sa kanya. Ang gwapong mukha ni Shaun ay nagniningning nang may nang aasar na ngiti. “Hindi mo kaya makita na umalis ako?”Kinagat ni Catherine ang labi niya at inangat ang manggas sa kaliwang kamay ni Shaun, at nakita na nakabalot ng benda ito. Siya ay… talagang nasugatan?“Maliit na sugat lang iyan.” isang hindi natural na itsura ang dumapo sa mata ni Shaun, at mabilis niya kinuha pabalik ang kamay niya.“Paano ka nagkaroon ng sugat?” tinitigan siya ni Catherine. Kung ito ay maliit na sugat lang, bakit siya nanginginig sa sakit sa simpleng magaan na dampi lang?“Nag-aalala ka ba sa akin?” ngumiti si Shaun. Ang malalim niyang boses ay puno ng tuwa. “Sumasakit ba ang puso mo para sa akin?”“...Lumabas ka na.” naiirita na si Catherine dahil sa hiya. Akala niya ay may pakialam ito sa kanya, ngunit…. ito ay dahil asawa pa rin siya nito sa papeles.Ngumiti ng may pagmamahal si Shaun at
“Dahil wala siyang sinabi sayo, hindi ko rin pwesto na magsalita.” ngumiti ng magalang si Chester. “Hindi mo kailangan mag-isip nang sobra. Basta alam mo na mahal ka niya.”Alam ng lahat na mahal siya ni Shaun.Dahan-dahan binaba ni Catherine ang mata niya. Subalit gayon pa man, may masama siyang nararamdaman sa puso niya na hindi maalis. “Ngunit gusto ko malaman kung sino ang nanakit sa kanya. Natatakot ako na nagalit niya ang pamilyang Hill dahil sa akin…”“Hindi simpleng tao si Shaun, kaya walang magagawa ang mga Hill sa kanya. ‘Wag ka mag-alala. Ngayon, ikaw lang ang makakasakit sa kanya.” Nang naglakad si Chester papuntang pinto, lumingon siya at nginitan siya. “Nagkakaroon ka na rin ng pakialam kay Shaun. Ibig sabihin ba niyan pumayag ka na mapatawad siya?”Natigil si Catherine ng ilang segundo, at ang mukha niya ay namula ng hindi namamalayan.Tumawa ng marahan si Chester. “Nakikiusap ako na manatili ka sa tabi niya. Medyo mainit ang ulo ni Shaun, ngunit may kinalaman ito s