”Narinig ko talagang sinabi ng waiter na dinala ni Director Irvine dito…”Bago pa matapos si Melanie, nakita niya ang matangkad at gwapong pigura sa kama. Ang ulo niya ay parang sumabog at pakiramdam niya nababaliw na siya. “Eldest Young Master Hill, bakit ka nandito?”Kumislap ang namumulang mata ni Shaun at kaagad na hinablot ang kumot para takpan ang katawan ni Catherine. Nakaramdam din ng takot si Catherine. Nang makita niya ang mga taong pumapasok sa pintuan, pakiramdam niya guguho na ang mundo.Katapusan na.Sa oras na ‘to, pakiramdam niya tapos na siya!Pagkatapos mamuhay ng lampas 20 taon, walang panahon na nakaramndam siya ng hiya tulad ngayon.Nandoon si Liam, Old Madam Hill, Lea, Joel, at Nicola. Lahat sila ay nakatingin sa dalawang taong nasa kama nang gulat.Si Shaun ay wala nang damit pantaas at si Catherine ay may maselan at malaming na mukhang puno ng pagmamahal. Kahit ang tanga ay nakikita kung ano ang ginagawa nila.Sa sobrang galit ng Old Madam Hill. ang kama
Hinila ng mag-ina ang kumot pero mahigpit ang hawak ni Catherine. Ngunit, nagawa ni Melanie na sampalin siya ng ilang beses, kalmutin ang mukha nito na naging dahilan ng pagkahilo nito.Balisa si Shaun at ibababa na sana ang Old Madam Hill nang udyukin siya ni Valerie, “Dalian mo at dalhin ang lola mo sa ospital! Gusto mo ba talaga siyang mamatay?”“Makapal ang mukha mo para akitin ang mga tao? Sisirain ko ang mukha mo!” Kinuha ni Nicola ang fruit knife.Nag-alala si Joel at nagmadaling hatakin ang mag-ina palayo. “Nababaliw ka na ba?”“Ikaw ang nababaliw. Joel Yule, tignan mo ang p*kpok mong a nak. Sinira niya ang kasiyahan ni Melanie!” Mukhang nabaliw nga si Nicola. Ang eksenang ito ay nagpaalala sa kanya kay Sheryl Jones 20 taon nang nakalipas. Hindi mawari ni Joel kung sino ang tama at ang mali pero isa lang ang sigurado siya, na hindi na niya hahayaan na may manakit kay Catherine.“Diyos ko, anong nangyayari sa loob?”Bigla, isang malaking grupo ng reporter ang pumasok.K
Nang makita ni Wesley ang magandang mukha ni Catherine na puno ng gauze, nawasak ang puso niya. “Ganito ka ba alagaan ni Shaun Hill? Hinayaan niyang saktan ka ng iba nang ganito? Ano bang ginagawa niya? Sumama ka sa’kin….”“Mr. Lyons, nakalimutan mo ba ang babala.” Hinarangan ni Hadley si Wesley.“Akala ko na aalagaan siya ni Shaun Hill.” Mukhang galit na galit si Wesley. “Dahil hindi niya kayang alagaan si Catherine, bakit niya ito kinuha? Para lang mapakita niyang kaya niya?”Napahinto si Catherine. Totoo iyon.Hanggang ngayon, hindi niya naisip na naroon siya sa puso ni Shaun. Kung gusto niya ito, hindi niya hahayaan na masaktan ito ng sobra at matapakan ng sobra.“Kela Ms. Jones at Eldest Young Master Hill na lang iyon. Tagalabas ka lang naman,”“Wesley, umalis ka na lang,” Mahinhing sabi ni Catheriene. “Huwag mong kalimutan ang pinangako mo sa akin.”Nanigas si Wesley. Isang beses nag message ito sa kanya sinasabing magpapalakas siya at isasalba ito.“Sige.” Kinuyom niya a
Si Melanie, na naakikinig sa tabi ng may maputlang muklha, ay hindi nakinaya at umiyak na lang, “Eldest Young Master Hill, ano bang meron si Catherine? Anak lang naman siya sa labas. Dahil ba marunong siyang lumandi—”“Melanie Yule, pag-isipan mo ang pinagsasabi mo,” Walang ekspresyong babala ni Shaun.Umikot ang mukha ni Nicola sa galit nang makipagtalo ito, “Eldest Young Master Hill, inimbitahan mo si Melanie, nang nakita ng lahat, para makasayaw sa ball at sinabi ng pamilyang Hill na siya ay magiging nobya mo pero ngayon ay humihindi ka? Pinaglalaruan mo ba ang pamilyang Yule? Paano na lang siya magpapakasal sa susunod?”Pakiramdam din ni Old Master Hill na nasa mali sila. “Bibigyan namin ang pamilyang Yule ng paliwanag.”“Dapat lang, maniniwala ako sa’yo, Old Master Hill. Kung hindi maresolba ang gusot na ito, sa tingin ko hindi magandang kumalat ang balita ng pamilyang Hill. Wala nang inpluwensyal na pamilya ang maglalakas loob na ikasal sa pamilyang Hill sa hinaharap. Isa pa…
”Ginising ba kita?” inayos ni Shaun ang kumot nito. “Matulog ka na, gabi na, Bukas na tayo mag-usap.”“Kamusta ang lola mo?” Umupo ng diretso si Catherine, ipinapakita ang kanyang silk na nightgown.“Ayos lang siya.Nahimatay lang siya dahil sa galit at magiging ayos din pagkatapos ng ilang araw ng pahinga.” Sinuklay ni Shaun ang mahabang buhok niya.Binaba ni Catherine ang mahaba niyang pilikmata at mahinang sinabi, “Shaunny, pakawalan mo na ‘ko.”Shaunny...Matagal na niya itong hindi tinatawag ng ganun.Noong mahal pa ng dalawa ang isa’t-isa, palagi niyang malambing na tinatawag ito ng ganun.Nawala si Shaun nang maalala niya ito at si Catherine ay lumuhod sa lapag. Tumingala siya kay Shaun nang may luhang patulo na.“Pakawalan mo na ‘ko at palayain ang sarili mo, okay? Nakita mo ang nangyari ngayong gabi. Hindi ako gusto ng pamilya mo para sa’yo. Hindi ko rin kayang tiisin ang ganitong klaseng buhay. Maraming tao ang pumasok at dinuro ako. Shaun, tao rin ako. Pagod na pagod
Hindi ayos si Hadley. “Sa totoo lang, gumanda ang Hill Corporation sa kamay ng nanay mo walang taon na ang nakalipas pero nang ikaw na ang namahala, nagpunta ka sa ibang bansa ng ilang bese ar inimbitahan ang mga pinakatalentado, personal na nagtayo ng laboratoryo at pinalawak ang scientific ar technological field. Ikaw ang nagtatag ng pagiging numero uno ng pamilyang Hill sa bansa, ikaw ang namahala sa Hill Corporation na maging top 10 sa global enterprises pero ngayon mapupunta lang ito kay Liam?”“Anong ginawa ni Liam Hill? Noong abala kang matulog ng 2:00 a.m. at magising ng 4:00 a.m., nasa ibang bansa siya nagpapakasasa. Pagkabalik na pagkabalik niya nakakuha siya ng mataas na posiyon.”“Sa tingin mo ba tulad ako ng ibang ipapamigay lang basta-basta ang pinaghirapan ko?” Biglang tinaas ni Shaun ang kilay niya.Napahinto si Hadley.“Anong nangyari sa imbestigasyon kagabi?” Tinapon ni Shaun ang lampin palayo at pinalitan ang usapan.“Ang wine na ininom mo ay napalitan ng baso n
”Ako na gagawa.” Hindi sanay si Catherine na ganito siya umasta tapos kinuha niya ang sipilyo bago pumunta ng banyo. Tinitignan ang wasak na sarili sa salamin, bigla siyang nakaramdam ng kakaiba at nalaglag sa dilim.Ngayon, hindi niya man lang makontrol kahit ang sarili niyang kamatayan.Susukuan niya na dapat ang sarili niya at mamuhay ng mahina araw-araw?Hindi, hindi niya kayang gawin ‘yun.Dahil hindi na siya takot sa kamatayan ngayon, ano pang dapat niyang ika-alala?Hanggang humihinga pa siya, lalabanan niya ang lalaking ito.Nang lumabas siya ulit, tinignan siya ni Shaun at nakitang nakapagpalit na ito. “Pwede kitang samahan magmili o magbakasyon kahit saan.”“Pupunta ako sa opisina.” Pumasok si Catherine sa dressing room at naghanap ng damit pang propesyonal. “...”Tinignan niShaun ang tingin sa kanyang mukha nang may kakaibang ekspresyon. “Pupunta ka sa kumpanya ng ganyan?”“Bakit, matatakot ba sila?” Ang tingin ni Catherine ay madilim at kalmado, na parang hind
”Natanggal na pero ang balita ay kumalat na sa buong kumpany,” nautal si Kacey, “Chairwoman Jones, huwag mo na lang seryosohin ang mga chismis nila.”“Hindi iyon chismis. Totoo iyon.” Diretsong tumingin si Catherine sa kanya.Kacey, “...”Paano niya tatanungin ang ganoong klaseng tanong?Sa puntong iyon, ang sekretarya ay biglang pumasok at sinabing, “Chairwoman Jones, masamang balita. Mayroong nagdala ng mga tao para manggulo sa kumpanya. Nang pumasok sila sa pinto, nagumpisa silang magbasag ng mga gamit at gusto nilang makita ka.”“Bababa ako.” Tumayo si Catherine.Nagulat ang sekretary. “Chairwoman Jones, hind iyon magandang ideya. Sa tingin ko nagdala sila ng kamera. Siguro ay gusto nila ito kuhanaan at ipost online.”“Wala akong pakialam.” tapos bumaba si Catherine.Sa daan, nakatanggap siya ng tawag mula kay Shaun. Huwag kang bumaba. Sinabihan ko na si Elle. magdadala siya ng tao para harapin ito.”“Hindi na kailangan. Ako mismo ang mag-aayos.”“Cathy, huwag kang padalo