”Ginising ba kita?” inayos ni Shaun ang kumot nito. “Matulog ka na, gabi na, Bukas na tayo mag-usap.”“Kamusta ang lola mo?” Umupo ng diretso si Catherine, ipinapakita ang kanyang silk na nightgown.“Ayos lang siya.Nahimatay lang siya dahil sa galit at magiging ayos din pagkatapos ng ilang araw ng pahinga.” Sinuklay ni Shaun ang mahabang buhok niya.Binaba ni Catherine ang mahaba niyang pilikmata at mahinang sinabi, “Shaunny, pakawalan mo na ‘ko.”Shaunny...Matagal na niya itong hindi tinatawag ng ganun.Noong mahal pa ng dalawa ang isa’t-isa, palagi niyang malambing na tinatawag ito ng ganun.Nawala si Shaun nang maalala niya ito at si Catherine ay lumuhod sa lapag. Tumingala siya kay Shaun nang may luhang patulo na.“Pakawalan mo na ‘ko at palayain ang sarili mo, okay? Nakita mo ang nangyari ngayong gabi. Hindi ako gusto ng pamilya mo para sa’yo. Hindi ko rin kayang tiisin ang ganitong klaseng buhay. Maraming tao ang pumasok at dinuro ako. Shaun, tao rin ako. Pagod na pagod
Hindi ayos si Hadley. “Sa totoo lang, gumanda ang Hill Corporation sa kamay ng nanay mo walang taon na ang nakalipas pero nang ikaw na ang namahala, nagpunta ka sa ibang bansa ng ilang bese ar inimbitahan ang mga pinakatalentado, personal na nagtayo ng laboratoryo at pinalawak ang scientific ar technological field. Ikaw ang nagtatag ng pagiging numero uno ng pamilyang Hill sa bansa, ikaw ang namahala sa Hill Corporation na maging top 10 sa global enterprises pero ngayon mapupunta lang ito kay Liam?”“Anong ginawa ni Liam Hill? Noong abala kang matulog ng 2:00 a.m. at magising ng 4:00 a.m., nasa ibang bansa siya nagpapakasasa. Pagkabalik na pagkabalik niya nakakuha siya ng mataas na posiyon.”“Sa tingin mo ba tulad ako ng ibang ipapamigay lang basta-basta ang pinaghirapan ko?” Biglang tinaas ni Shaun ang kilay niya.Napahinto si Hadley.“Anong nangyari sa imbestigasyon kagabi?” Tinapon ni Shaun ang lampin palayo at pinalitan ang usapan.“Ang wine na ininom mo ay napalitan ng baso n
”Ako na gagawa.” Hindi sanay si Catherine na ganito siya umasta tapos kinuha niya ang sipilyo bago pumunta ng banyo. Tinitignan ang wasak na sarili sa salamin, bigla siyang nakaramdam ng kakaiba at nalaglag sa dilim.Ngayon, hindi niya man lang makontrol kahit ang sarili niyang kamatayan.Susukuan niya na dapat ang sarili niya at mamuhay ng mahina araw-araw?Hindi, hindi niya kayang gawin ‘yun.Dahil hindi na siya takot sa kamatayan ngayon, ano pang dapat niyang ika-alala?Hanggang humihinga pa siya, lalabanan niya ang lalaking ito.Nang lumabas siya ulit, tinignan siya ni Shaun at nakitang nakapagpalit na ito. “Pwede kitang samahan magmili o magbakasyon kahit saan.”“Pupunta ako sa opisina.” Pumasok si Catherine sa dressing room at naghanap ng damit pang propesyonal. “...”Tinignan niShaun ang tingin sa kanyang mukha nang may kakaibang ekspresyon. “Pupunta ka sa kumpanya ng ganyan?”“Bakit, matatakot ba sila?” Ang tingin ni Catherine ay madilim at kalmado, na parang hind
”Natanggal na pero ang balita ay kumalat na sa buong kumpany,” nautal si Kacey, “Chairwoman Jones, huwag mo na lang seryosohin ang mga chismis nila.”“Hindi iyon chismis. Totoo iyon.” Diretsong tumingin si Catherine sa kanya.Kacey, “...”Paano niya tatanungin ang ganoong klaseng tanong?Sa puntong iyon, ang sekretarya ay biglang pumasok at sinabing, “Chairwoman Jones, masamang balita. Mayroong nagdala ng mga tao para manggulo sa kumpanya. Nang pumasok sila sa pinto, nagumpisa silang magbasag ng mga gamit at gusto nilang makita ka.”“Bababa ako.” Tumayo si Catherine.Nagulat ang sekretary. “Chairwoman Jones, hind iyon magandang ideya. Sa tingin ko nagdala sila ng kamera. Siguro ay gusto nila ito kuhanaan at ipost online.”“Wala akong pakialam.” tapos bumaba si Catherine.Sa daan, nakatanggap siya ng tawag mula kay Shaun. Huwag kang bumaba. Sinabihan ko na si Elle. magdadala siya ng tao para harapin ito.”“Hindi na kailangan. Ako mismo ang mag-aayos.”“Cathy, huwag kang padalo
”Masaya ka na?”Pagkatapos na pagkatapos niya magsalita, ilang pulis ang pumasok galing labas. “Nakatanggap kami ng report na may pumunta sa Hudson para manggulo…”Magsasalita na sana si Fergus nang kaagad na tinulak ni Catherine si Melanie sa gilid. Naglakad siya palapit sa pulis nang may pulang mata. “Officer, ang mga taong ito ay pumasok na lang sa building at nagumpisang manira sa pag-aari ng Hudson. Binato pa nga sila ako ng bulok na itlog.”Sumigaw si Melanie, “Hindi, malinaw na sinubukan niyang sirain ang mukha ko gamit ang kutsilyo! Dalian niyo at arestuhin siya!”Tinignan ng pulis si Catherine na may mukhang puno ng sugat at nabahiran ng bulok na itlog saka si Melanie na maayos ang damit at mukhang malinis. Kaagad siyang nagalit. “Sinong sinubukang manira ng mukha nino? Sa tingin mo ba bulag ako?”“Mr. Officer, huwag mong taasan ang boses mo. Siya ang pinakamamahal na anak ng pamilyang Yule at iyong lalaking ‘yun ay si Fergus Wicks ng pamilyang Wicks. Narinig kong marami
"Hindi mo ba nakita sa phone mo ang balita?: Naglakad si Chester palapit sa kanya. "Ito ang pinaka nakakagulat na balita ngayong araw. Lahat ng tao sa internet ito ang pinag-uusapan."Nawala si Catherine sa sarili niyang mga ideya ng ilang sandali. Alam niyang hindi magsisinungaling si Chester sa kanya pero hindi niya inisip na natanggal si Shaun dahil gusto niyang pakasalan ito."Normal lang iyon. Hindi tama ang pag uugali niya. Meron siyang nobya pero pinilit niyang kuhain pati ang nakatatandang kapatid nito. Hindi niya man lang makontrol ang pang babanh parte ng kanyang katawan at sinira ang charity dinner na ginawa ng pamilyang Hill. Pagkatapos niyang gawin ang kasuklam-suklam na gawain, malamang, siya ay matatanggal sa posisyon.Napatigil si Chester.Maya-maya, imbis na magalit dahil napagalitan ang kanyang kaibigan, tumawa siya ng masaya. "Ang ebalyuwasyon mo ay swak na swak. Totoo ngang kasuklam-suklam si Shaun at may pangit na pag uugali."Sumimangot si Catherine, nagulat
Isang nakakaawang ngiti ang gumapang sa mukha ni Catherine. “Kung gayon iyan ang tingin mo sa akin. Dad, minahal mo ba ako at sinubukan intindihin ako? Diretsuhan, matagal ko ng kilala si Shaun. Siya ang nagpilit sa akin na sumama sa kanya. Kamakailan, pinipigilan niya ang aking kumpanya at kay Wesley. Gawa niya itong lahat. Sa tingin mo ba nilalasap ko ang buhay na walang dignidad? Sa tingin mo ba natutuwa ako na tinuturo at pinupuna bilang isang hayop?!”Ng magpatuloy siya, siya ay nasamid sa luha.Si Joel ay nataranta. “Ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin ng maaga?”“May magbabago ba kung sasabihin ko sayo?” Binigyan siya ni Catherine ng nangungutyang tingin. “Hindi mo nga ako maprotektahan sa sarili mong bahay, paano na lang sa harap ni Shaun.”Isang nakakailang na ekspresyon ang gumapang sa mukha ni Joel. Sa isang iglap, mukha siyang tumada ng ilang taon.“Ako ay walang silbi. Dinala kita sa Canberra ngunit iniwan ka na apihin ng iba. Hahanapin ko si Shaun ngayon. Sumosobra na
”Tito Joel, umaasa akong papayagan mo kami.” Mabagal na tinaas ni Shaun si Catherine. “Tanging sa basbas mo lang kami makakapagsama ng lehitimo. Higit pa dito, maaari siyang makabalik sa bahay ng Yule lehitimo matapos ko siyang pakasalan. Sa paraang iyon, walang aalipusta at magmamaliit sa kanya. Ayaw mo bang makita ito, Tito Joel?”Ang huling pangungusap ay nakaapekto kay Joel.…Sa huli, si Catherine ay kahit papaano nahatak papunta sa kotse ni Shaun.Nakatingin sa gwapong lalaki sa tabi niya na seryosong nagmamaneho, si Catherine ay naguluhan. Ibig bang sabihin nito… na ang pamilya Hill ay inalis siya sa posisyong presidente dahil lang gusto niya siyang pakasalan?“Tama na ang pagtitig mo sa akin ng ganyan.”Tinigil ni Shaun ang kotse sa crossing. Tapos, humarap siya at hinalikan siya sa labi. “Tara na at pumili ka na iyong wedding ring.”“Hindi kita pakakasalan!” Nagalit si Catherine. Kinukunsidera ang nakakatakot niyang karakter, tumangi siya na matali sa kanya ng habang bu