Share

Kabanata 1383

“Kaya nga eh. Ilang taon na silang hiwalay, ngunit ayaw niya pa ring pakawalan ‘yung lalaki. Gusto niya pang sirain ang kumpanya ng lalaki ngayong nakahanap na ng bago ‘yung lalaki. Ang sama naman ng ugali!”

“Tignan mo nga, oh. Ang sama rin ng itsura niya. Isang tingin mo lamang, alam mo nang masama rin ang kanyang ugali.”

“Parang kilala ko siya. Dito rin siya nakatira, ‘di ba?”

“Mahal ang bawat sulok ng Brighton Gardens. Maraming nakatira roon ay anak ng mga mayayamang pamilya. Kawawa naman ‘to, inagrabyado niya pa ang isang taga-roon.”

“Anak, tumayo ka. Huwag kang hihiga diyan nang matagal.”

Tinulungan ng isang matandang babae makatayo si Linda at marahan itong kinausap.

“Salamat po, nanay. Subalit hangga’t hindi niya sinasabing hindi niya gagalawin ang kumpanya ng boyfriend ko, hindi ako tatayo.” Humihikbing sumagot si Linda. “Nagmamakaawa ako sa’yo, Freya, aalis ako sa puder ng mga Jackson mula ngayon huwag mo lamang silang galawin.”

Yumuko si Linda upang paulit-ulit na iham
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status