“...”Mayroon ba dapat siyang ikatuwa?Nababagot na rin si Rodney. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kanya. “Ngunit… anak ko ang dinadala niya.”“Sapat na dahilan ‘yon upang mas alagaan mo ang bata,” Sagot ni Wendy habang nakangiti, “Swerte mo na lamang at babae iyon. Kaunti lamang ang mga babae ng mga Snow. Tiyak na ikatutuwa ito ng iyong lolo sa oras na malaman niya ang tungkol dito.”Kumurap ang mga mata ni Rodney. Natigilan ito.Kagaya ng kanyang hinala, babae ang bata! Mabuti ang magkaroon ng babae sa pamilya. Tiyak na magiging malambing ito. Kadalasan ding nakukuha nila ang itsura ng kanilang mga ama. Kung mamamana nito ang kanyang kaakit-akit na itsura… Ahem, tiyak na isa siya sa mga pinakamagandang babae sa buong Canberra.“Ano nanaman ‘yang iniisip mo?” Winagayway ni Wendy ang kanyang kamay sa harap ng lalaki. “Tignan mo nga ‘yang ngiti mo, sabik na sabik ka na siguro. Parang hindi mo pinilit si Freya na ipalaglag ang bata noon, ha. Isipin mo, muntikan niyo nang ma
Galit na galit si Rodney.Napaka-walang kwenta ng kanyang mga kaibigan.Ganoon na lamang ba siyang kawalang kwenta? Sa puntong hindi siya nararapat para kay Freya?Samantalang galit na nagta-type si Rodney sa kanyang phone, hindi na nito namalayan ang mga nangyayari sa kanyang harapan, kaya’t bumunggo ito kay Wendy.“Itong batang ‘to! Nandito ka ba para mamili o maglaro na lamang?” Galit na pamumuna ni Wendy.“Sorry, ma.” Agad na pinatay ni Rodney ang kanyang phone. Sinundan nito ang tingin ng ina at sinimulan itong bolahin. “Parang bagay sa’yo ‘to, ma. Matingkad ang kulay at bagay na bagay sa’yong magandang mukha.”“Manahimik. Pagtatawanan ako ng iba kapag nagsuot pa rin ang mga sing-edad ko ng ganyang mga bestida. Ngunit parang bagay nga ito kay Freya.” Sagot ni Wendy.Natigilan si Rodney. Noong tinignan niya lamang nang mabuti nalaman na kulay dilaw ang bestida. Kahit na nagdadalang-tao si Freya, hindi ito mahahalata kahit suot nito ang gayong bestida. Bukod pa rito, mukhang
“Kaya nga eh. Ilang taon na silang hiwalay, ngunit ayaw niya pa ring pakawalan ‘yung lalaki. Gusto niya pang sirain ang kumpanya ng lalaki ngayong nakahanap na ng bago ‘yung lalaki. Ang sama naman ng ugali!”“Tignan mo nga, oh. Ang sama rin ng itsura niya. Isang tingin mo lamang, alam mo nang masama rin ang kanyang ugali.”“Parang kilala ko siya. Dito rin siya nakatira, ‘di ba?”“Mahal ang bawat sulok ng Brighton Gardens. Maraming nakatira roon ay anak ng mga mayayamang pamilya. Kawawa naman ‘to, inagrabyado niya pa ang isang taga-roon.”“Anak, tumayo ka. Huwag kang hihiga diyan nang matagal.”Tinulungan ng isang matandang babae makatayo si Linda at marahan itong kinausap.“Salamat po, nanay. Subalit hangga’t hindi niya sinasabing hindi niya gagalawin ang kumpanya ng boyfriend ko, hindi ako tatayo.” Humihikbing sumagot si Linda. “Nagmamakaawa ako sa’yo, Freya, aalis ako sa puder ng mga Jackson mula ngayon huwag mo lamang silang galawin.”Yumuko si Linda upang paulit-ulit na iham
Noon pa lamang ay kinamumuhian na ni Freya si Rodney, ngunit ngayo’y napagtantuan ng babae na may nakakabilib din palang mukha ang lalaki.“Tama na!” Sigaw ni Linda. Nang makita nitong walang pumansin sa kanya, hinigpitan lamang niya ang kanyang kapit sa palda ni Freya at sinabing, “Freya, sabihan mo si Young Master Snow na tumigil na. Itigil na ang pag-aaway. Maaaring may mamatay. Hindi niyo pwedeng abusuhin ang inyong kapangyarihan upang mambully ng kung sino-sino.”Dumarami lamang lalo ang mga nanonood.Nang narinig nila ang pangalan ng mga Snow ay agad silang nagtinginan.“Hindi ba’t iyon ang pamilya ni Nathan Snow, ang susunod na prime minister?”“Baka nga. Balita ko’y dito nakatira ang inaanak ni Nathan.”“So siya ang inaanak ng mga Snow?”“Kaya naman pala napakayabang niya. Hindi pa nga prime minister si Nathan, ganyan na siya. Paano na lamang kapag nakuha na ni Nathan ang posisyon?”“...”Narinig ni Freya ang lahat ng kanilang mga sinasabi.Galit na tinaboy ni Freya s
Ngumisi si Rodney.Dumating din ang mga pulis noong mga sandaling iyon.Nang makita nilang masyado nang maraming tao ang nanonood at ilang mahahalagang personalidad ang sangkot sa insidente ay agad na nilang dinala ang mga ito sa presinto....Makalipas ang isang oras ay dumating si Jessica.Tumambad sa kanya ang namamagang mukha ni Patrick at si Linda na puno rin ng pasa ang mukha. Nanigas lamang ang kanyang kaaya-ayang mukha.“Anong ginagawa mo rito, ate?” Nagulat na tinanong ni Rodney at bahagya itong kinilabutan.“Kalat na sa Internet ang pag-aaway ninyo. Sinasabi ng lahat ng tao na inaabuso nating mga Snow ang ating kapangyarihan.” Panenermon ni Jessica. “Unang araw pa lamang ng iyong pagbabalik ay perwisyo na agad ang dulot mo sa amin. Tinutulak mo ba kaming ipakulong ka talaga?”“Huwag mo siyang sisihin, Jessica.” Hinarangan ni Freya ang dalawa.“Ano’ng nangyari sa iyong mukha?” Nanliit ang mga mata ni Jessica.“Hinampas siya nito, ate.” Agad na tinuro ni Rodney si Pat
"Ikaw…" Galit na sumimangot si Patrick. Timitig sya kay Freya. Nang makita niya ang namamagang magandang mukha ng babae, sandaling natigilan ang puso niya. Ganun ba kalakas ang pagsampal niya sa babae?"Patrick, ilang beses mo na 'kong sinaktan? Sinaktan mo 'ko tatlong taon na ang nakalipas, at sinaktan mo ulit ako makalipas ng tatlong taon," kalmadong sinabi ni Freya, "Sa tingin mo ba easy target ako?""T*ngina, hindi ito ang unang beses na sinaktan ka niya?! Bakit hindi mo sinabi 'yan nang mas maaga?" Malupit na sinabi ni Rodney, "Nilakasan ko sana ang suntok ko sa kanya ngayon lang."Tumingin si Freya kay Rodney na natulala.Ang gwapo niyang mukha ay halatang puno ng galit. Hindi sanay ang babae rito.Matapos ang lahat, sila ay talagang magkaaway na tinutunggali ang isa't isa.Pinaliit ni Jessica ang magaganda niyang mga mata. Bagaman si Patrick ay nasapak hanggang magkaroon ng mga pasa sa buong katawan niya at ang mukha niya'y namamaga na, hindi mahirap obserbahan mula sa kan
Hindi, ayaw ni Linda maging isang ordinaryong babae.“Hindi ko rin alam.” Lumilipad ang isip na umiling si Patrick.Hindi niya pwedeng kalabanin si Jessica. Ang pamilyang Lynch ay nalagpasan na ang Jackson Corporation nang sobra nitong ilang mga taon sa ilalim na pamumuno ng Forrest, pati na rin ng pamilyang Snow.Ni hindi siya ang kalaban ng pamilyang Lynch.Nagngitngit si Linda ng ngipin. “Patrick, may ideya ako. Ang katunayang nasaktan tayo ngayong araw ay totoo. Hangga’t paiikutin natin ang video ni Rodney na sinasaktan tayo, siguradong magsisimula ito ng komosyon. Ang pamilyang Snow ay talagang may nakakaoverwhelm na kapangyarihan at si Nathan ang future prime minister. Gayunpaman, walang makakaalam ng resulta kapag hindi pa huling sandali. Maraming tao sa kadiliman ang gustong palitan si Nathan. Gusto siguro talaga nila na mamantsahan ang reputasyon ng pamilyang Snow. Pwede nating kunin ang oportunidad na ito.”Nabigla si Patrick. Tumitig siya kay Linda na tila ito ang unang
Sobrang nagulat si Rodney. “Sis, hindi ko inaasahan ‘yun.”“Ito ay dahil masyadong mapagpanggap si Linda at masakit siya sa mata. Kinamumuhian ko nang sobra ang mga pekeng babae kagaya niya,” Walang pakialam na sabi ni Jessica.Naintindihan ni Freya. Tila hindi nagbibiro si Jessica nang sabihin niyang, ‘Ang paggawa ng palabas ang tanging magpapabigat ng pagbabayaran niyo’ kay Linda.Pumuri si Rodney, “Sis, ang sinabi mo ay tama. Ang Linda na ‘yun ay t*nginang mapagpanggap. Iyak siya nang iyak. Pinamukha niya siya ang biktima at binubully natin siya.”“Dahil napansin mo ‘yun, bakit hindi mo makita ang mga panlilinlang ni Sarah dati?” Biglang tanong ni Jessica.Walang mahanap na mga salita si Rodney para makasagot.Sabi ni Freya, “Kapag mahal mo at nagmamalasakit ka sa isang tao, iisipin mo na lahat ng sabihin ng taong ‘yun ay tama. Lahat ng gawin ng taong ‘yun ay magpapakirot sa puso mo. Kagaya lang ito sa ating mga bystanders na nakikita pagiging mapagpanggap ni Linda pero hindi