Sa saglit na iyon, ang magandang mata ni Freya ay puno ng pagiging sarkastiko habang tinitignan niya si Patrick.“Freya…” Naging blangko ang isipan ni Patrick ng ilang saglit. “Bakit ka nandito?”“Kung hindi ako nagpunta dito, hindi ko maririnig na nagsasalita ka tungkol sa nakaraan natin. Narinig ko na maraming beses ka nakaramdam ng kamalian noong tayo pa. Mahirap siguro para sa iyo ang makisama sa akin.” Tumawa ng marahan si Freya at kinutya siya.Nahihiya si Patrick.Inalala niya ang mga sinabi ni Rodney ngayon lang. Ang mga ala-ala na sinabi niya ay naglalaman lang ng kakulangan ni Freya.Sa totoo lang, may pagkakaton din na mabait siya…Gayon pa man, hindi pa iyon ang oras para pag-usapan ang mga bagay na iyon.“Freya, hindi ba tayo maaaring maghiwalang nang payapa?” Nahihirapan na sinabi ni Patrick, “May mataas na katayuan ka na ngayon. Hindi ka masasaktan ni Linda sa kahit anong paraan. Let bygones be bygones.”“Siyempre, ang bagay sa pagitan natin ay maaari na natin h
"Kalimutan mo na. Dahil tinulungan mo ako ngayon, ililibre kita ng pagkain," Biglang sinabi ni Freya, "May Mexican na kainan na medyo masarap sa ibaba. Ililibre kita doon."Natigilan si Rodney. Nagulat siya. "O-Okay."...Oras na para umalis sa trabaho.Mabilis na sinara ni Rodney ang computer niya at sinundan siya pababa.Ang Mexican na kainan ay katapat lang ng gusali nila. Umorder si Freya ng quesadillas, guacamole, nachos, at iba pa na putahe.Tinignan ni Rodney ang menu. Hindi niya matiis sabihin, "Ang lugar na ito ay medyo mura, ako ay…""Ano? Umaasa ka ba na ililibre kita sa mahal na kainan?" Kumurap si Freya. "Hindi kita karapat-dapat gastusan ng mahigit 500 na dolyar."“...”Walang masabi si Rodney. "Hindi, maaari kita ililibre. Hindi ko ugali na pagbayarin ang mga babae.""Hindi, sinabi ko na na ililibre kita." Umiling si Freya."Kung gayon ay ililibre kita ng pagkain sa susunod," Mabilis na sinabi ni Rodney. May salita para doon. Ito ay para magbalik.Tinignan si
"Freya, noong gabi na iyon… noong bigla ka umiyak… Akala ko ay dahil sa amin ni Chester. Sa totoo lang, ito ay dahil nakita mo si Patrick, tama?"Biglang sinabi ni Rodney, "Pagkarinig ko sa sinabi niya ngayon, hinuhulaan ko na may mga hindi siya magagandang salita na sinabi na naging dahilan kung bakit ka nawalan ng kontrol. Hindi mo siya kailangan intindihin. Hindi mabuting tao si Patrick. Para siyang tanga tulad lang dati. Hindi siya karapat-dapat maging dahilan kung bakit ka malungkot."Hindi ako malungkot dahil sa kanya. Tinigil ko nang mahalin siya noon pa. Ako lang ay… hindi kuntento. Nagtrabaho ako maigi at binigay ko ang lahat, ngunit sa huli, hindi pa rin iyon sapat para sa kanya.""Naiintindihan ko. Ito ay parang kung paano ko tinrato si Sarah. Sa huli, tinrato niya ako bilang backup- isang bobo at tanga. Sa katotohanan, sobrang baba ng tingin niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung anong parte sa akin ang minamaliit niya. Nagtapos ako sa kilalang unibersidad. Noong ang k
Gayon pa man, dapat malinaw din si Freya tungkol dito.Maaaring mukha siyang tanga, ngunit sa totoo lang, naiintindihan niya ang mga bagay.Naaawa ang ibang tao sa isang babae na katulad niya na sobrang tapat. ...Kinabukasan.Huli nagising si Rodney.Bigla siyang napaupo at napagtanto na pamilyar ang lugar. Gayon pa man, hindi niya maalala kung nasaan siya ng ilang saglit.Pagkatapos ay pumasok si Ryan. “Brother Rodney, gising ka na.”Natulala si Rodney ng ilang segundo, pagkatapos ay naalala na niya. Ito ay bahay ni Ryan.“Sa wakas at kinilala mo na rin ako.” Tinignan ni Rodney si Ryan nang nakakakilabot. “Hindi mo ako sinagot noong tinawagan kita noon. Inisip ko pa nga na hindi mo na ulit ako kikilalanin bilang pinsan mo.”Tumawa si Ryan. “Alam mo naman na kailangan ko sundin ang sinasabi ni Grandpa. Kung hindi sumang-ayon si Grandpa, hindi rin kita tatawagin na parang kapatid.”“Sumang-ayon?”Naguguluhan si Rodney. “Sumang-ayon sa ano?”“Sumang-ayon na pabalikin ka sa
”Bakit sobrang ninenerbyos ka?” Ngumiti si Ryan. “Wala ka nang nararamdaman na kahit ano para sa kanya. Dapat ay masaya ka na may mabuting lalaki na nagkakagusto sa kanya.”“...”Natahimik si Rodney ng ilang saglit at nagsalita muli, “Natatakot lang ako na maging katatawanan ang pamilyang Snow, okay? At saka, magiging prime minister na si Uncle Nathan. Hindi ba dapat ikaw, bilang anak niya, ay hindi gumawa ng gulo para sa kanya?”“Wala akong problema sa ugali ko, at mas mabait ako kaysa sa iyo. Wala kang karapatan sabihin sa akin ang mga salitang iyan.” Sagot ni Ryan. Hindi siya kumbinsido.Nag-hmph si Rodney. “Kahit papaano, hindi papayag si Grandpa na magpakasal ka sa buntis na babae. Hindi rin papayag ang magulang mo. Huwag ka gumawa ng gulo hanggang sa mapalabas ka sa pamilyang Snow tulad ko.”“Hindi ba at bumabalik ka ngayon pagkatapos mapaalis? Paano mo malalaman ang resulta kapag hindi mo sinubukan lumaban para sa isang bagay?” Nakahalukipkip si Ryan. Mukha siyang matamlay.
“...”Mayroon ba dapat siyang ikatuwa?Nababagot na rin si Rodney. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kanya. “Ngunit… anak ko ang dinadala niya.”“Sapat na dahilan ‘yon upang mas alagaan mo ang bata,” Sagot ni Wendy habang nakangiti, “Swerte mo na lamang at babae iyon. Kaunti lamang ang mga babae ng mga Snow. Tiyak na ikatutuwa ito ng iyong lolo sa oras na malaman niya ang tungkol dito.”Kumurap ang mga mata ni Rodney. Natigilan ito.Kagaya ng kanyang hinala, babae ang bata! Mabuti ang magkaroon ng babae sa pamilya. Tiyak na magiging malambing ito. Kadalasan ding nakukuha nila ang itsura ng kanilang mga ama. Kung mamamana nito ang kanyang kaakit-akit na itsura… Ahem, tiyak na isa siya sa mga pinakamagandang babae sa buong Canberra.“Ano nanaman ‘yang iniisip mo?” Winagayway ni Wendy ang kanyang kamay sa harap ng lalaki. “Tignan mo nga ‘yang ngiti mo, sabik na sabik ka na siguro. Parang hindi mo pinilit si Freya na ipalaglag ang bata noon, ha. Isipin mo, muntikan niyo nang ma
Galit na galit si Rodney.Napaka-walang kwenta ng kanyang mga kaibigan.Ganoon na lamang ba siyang kawalang kwenta? Sa puntong hindi siya nararapat para kay Freya?Samantalang galit na nagta-type si Rodney sa kanyang phone, hindi na nito namalayan ang mga nangyayari sa kanyang harapan, kaya’t bumunggo ito kay Wendy.“Itong batang ‘to! Nandito ka ba para mamili o maglaro na lamang?” Galit na pamumuna ni Wendy.“Sorry, ma.” Agad na pinatay ni Rodney ang kanyang phone. Sinundan nito ang tingin ng ina at sinimulan itong bolahin. “Parang bagay sa’yo ‘to, ma. Matingkad ang kulay at bagay na bagay sa’yong magandang mukha.”“Manahimik. Pagtatawanan ako ng iba kapag nagsuot pa rin ang mga sing-edad ko ng ganyang mga bestida. Ngunit parang bagay nga ito kay Freya.” Sagot ni Wendy.Natigilan si Rodney. Noong tinignan niya lamang nang mabuti nalaman na kulay dilaw ang bestida. Kahit na nagdadalang-tao si Freya, hindi ito mahahalata kahit suot nito ang gayong bestida. Bukod pa rito, mukhang
“Kaya nga eh. Ilang taon na silang hiwalay, ngunit ayaw niya pa ring pakawalan ‘yung lalaki. Gusto niya pang sirain ang kumpanya ng lalaki ngayong nakahanap na ng bago ‘yung lalaki. Ang sama naman ng ugali!”“Tignan mo nga, oh. Ang sama rin ng itsura niya. Isang tingin mo lamang, alam mo nang masama rin ang kanyang ugali.”“Parang kilala ko siya. Dito rin siya nakatira, ‘di ba?”“Mahal ang bawat sulok ng Brighton Gardens. Maraming nakatira roon ay anak ng mga mayayamang pamilya. Kawawa naman ‘to, inagrabyado niya pa ang isang taga-roon.”“Anak, tumayo ka. Huwag kang hihiga diyan nang matagal.”Tinulungan ng isang matandang babae makatayo si Linda at marahan itong kinausap.“Salamat po, nanay. Subalit hangga’t hindi niya sinasabing hindi niya gagalawin ang kumpanya ng boyfriend ko, hindi ako tatayo.” Humihikbing sumagot si Linda. “Nagmamakaawa ako sa’yo, Freya, aalis ako sa puder ng mga Jackson mula ngayon huwag mo lamang silang galawin.”Yumuko si Linda upang paulit-ulit na iham