Kung… Kung pumayag lang sana siya sa arrangement ng pamilyang Snow at pinakasalan ang babae noon.Sa paraang ‘yun, ang bata ay magkakaroon ng kumpletong pamilya, at si Freya ay hindi mabubuntis bago ikasal.Sa kasamaang palad, walang gamot sa pagsisisi sa mundong ‘to.Nagbuntong hininga si Catherine. “Tama si Freya. Ayaw niya rin nung una ang bata. Kapatid mo ang nagbanta sa kanya, sinabing gigipitin ang Lynch Corporation kapag pina-abort ang bata.”“Pasensya na… Pasensya na talaga.” Sobrang nagsisisi si Rodney. “Paano kung… Pakasalan kita? Gagampanan ko ang resposibilidad para rito. Talagang magiging mabuti ako sayo at sa bata sa hinaharap.”Bagaman hindi niya mahal si Freya, handa siyang gampanan ang responsibilidad.“Managinip ka.” Galit si Freya. “Karapat dapat ka ba sakin? Isang mabahong piraso ka lang ng t*e na pinagsawaan ni Sarah. Hindi ako basurahan na nangongolekta ng basura na tinatapon ng mga tao.”Tinamaan sa mga salita ni Freya, namutla si Rodney at nawasak. “Tama
May suot na itim na suit si Eliza ngayon habang ang buhok niya ay nasa balikat niya. Kung ordinaryong babae siya, magmumukha siyang nakakayamot. Gayon pa man, ang katangian niya sa mukha ay maganda at ang kutis niya ay makinis. Sa black and white na contrast, mukha siyang sumusunod sa uso, na parang bagay siya sa isang magazine.Gayon pa man, ininom niya ang tsaa niya habang nakatingin sa phone niya. Hindi nga siya nito tinignan mismo.Tumaas ang kilay ni Chester.Para protektahan siya, mabilis na sinabi ni Freya, “Young Master Jewell, ito ang aking kaibigan na si Eliza. Sikat siya na artista, ngunit pakiusap at huwag ka magkaroon ng mahalay na pag-iisip tungkol sa kanya. Malapit ka na ikasal.”Tumawa ng marahan si Chester. “Miss Lynch, huwag mo naman ako pagmukhain na ako ay isang tao na nagkakaroon ng kung ano-anong ideya sa kabilang kasairan anumang oras at kahit saan.”Kumurap si Freya at inosenteng sinabi, “Hindi, nairinig ko lang na may reputasyon si Young Master Jewell sa p
Huminga nang malalim si Freya, at mabilis na sinabi ni Catherine, “Hayaan mo siya tumikim ng isa. Ang isang piraso ay ayos lang.”“Sige. Isa lang.” Binigyan siya ni Rodney ng pinakamaliit na parte.“Wala ka nang pakiaalm doon.” Gusto na sumabog ni Freya.“Syempre may pakialam ako. May pakialam ako sa anak ko.” Nag-iingat na sinabi ni Rodney, “Kahit na hindi mo ako kinikilala, hindi mo ako mapipigilan sa pag-aalala para sa bata.”Hindi na naabala si Freya sa kanya at hinugasan na lang ulit ang sashimi na ibinigay sa kanya ni Rodney gamit ang malamig na tubig.Nagdilim ang ekspresyon ni Rodney. “Wala akong sakit.”“Hindi ako sigurado dyan. Nanatili ka kay Sarah ng mahabang panahon. Maaaring nahawa ka sa isang bagay.”Namula ang mukha ni Rodney sa galit. Pagkatapos ng mahabang oras, sinabi niya. “Wala akong ginawa na kahit ano kasama si Sarah, okay?”“Ahem.” Umubo si Shaun at ang iba.Binigyan siya ni Chester ng kakaibang titig. “Hindi mo rin ito kaya gawin?”“Syempre kaya ko.”
Ang mata ni Eliza ay walang sigla. Pagkatapos niya maghintay kay Chester ng ilang saglit at napansin na hindi nito tinuloy ang sinasabi niya, nagpatuloy siya kumain.Nanlamig ang mata ni Chester sa walang bahala na ugali ni Eliza. “Bakit hindi ka nagsasalita?”“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kapag sinabi ko na ayaw ko kuhain ang atensyon mo, tatawagin mo akong hipokrito. Kapag sinabi ko na gusto ko ng atensyon mo, tatawagin mo akong walang magandang kaugalian.”Kumain si Eliza ng isda, nginuya niya ito maigi at nilunok bago magsalita. “Kaya mas mabuting tumahimik na lang ako. Baka pagbantaan mo nanaman ako.”Tinignan ni Chseter ang mabagay niyang galaw, at mayumaapaw na emosyon sa kailaliman ng mata niya.Gusto magsailta ni Freya para kay Eliza noong una. Gayon pa man, tumawa siya pagkatapos marinig ang sinabi ni Eliza. “Totoo iyon. Walang kwenta ang mga lalaki minsan. Kumain na tayo.”… Sa kalagitnaan ng pagkain, tumayo si Chester at nagpunta siya ng banyo.Habang n
Umubo si Catherine habang may hawak na baso ng tubig.Kung hindi siya tinulungan ni Chester noong nakaraang araw, bibigyan niya ng thumbs up si Freya.Magaling pa rin si Freya sa pagsagot sa mga tao.“Hindi mo alam paano masabi kung ano ang mabuti at masama.”Ang gwapong mukha ni Chester ay nawalan ng emosyon.Kahit papaano, si Cindy ay ang babae na papakasalan niya. Kaya napapahiya si Chester sa paulit-ulit na pangungutya ni Freya sa kanya. “Maaaring totoo iyon, ngunit naiintindihan ko na kung gaano nakakasakal para kay Cathy noong magkakasama kayo tatlong taon na ang nakaraan.” Tumayo si Freya at ngumiti kay Catherine. “Cathy, busog na ako. Aalis na ako.”“Ihahatid na kita.” Dail-daling tumayo si Catherine.“Huwag na. Manatili kang kasama si Shaun. Marami na ako kinain, kaya gusto ko maglakad-lakad.” Kumaway si Freya at agad na umalis.Wala pang kalahating minuto, tumayo si Rodney. “Ihahatid ko siya.”Sa ganon, naging hindi komportable ang kapaligiran ng kwarto.Nagbuho
Ang string sa utak ni Shaun ay naputol nang may ‘buzz’.Hinapit niya si Catherine papunta sa dibdib niya.“Ano ang ginagawa mo? Bitaw.” Nahirapan si Catherine. Kahit papaano, nasa publiko sila. Paano kung biglang pumasok ang waiter?“Ano sa tingin mo ang ginagawa ko? Dahil inakit mo ako, kailangan mo kunin ang responsibilidad.” Tumawa si Shaun at binaba niya ang ulo niya para halikan si Catherine sa labi.Lumapit si Catherine sa kanya. Sobrang komportable niya.Pagkatapos ng ilang minuto, narinig niyang sinabi ni Shaun. “Gusto ko pa rin kapag naghahapunan tayo nang tayong dalawa lang. Masyado maingay kapag maraming tao sa paligid.”“Oo…”… Sa esplanade.Hindi nagmaneho si Freya dahil pumunta siya gamit kasama si Catheirne at kahit na may trapiko, karamihan dito ay mga pribandong kotse.Kaya inilabas niya ang phone niya at sumubok kumuha ng taxi.Hindi niya alam, sa harap ng isa pang pribadong kainan sa katabing gusali, isang gwapong binata ang naglalakad papunta sa kote niy
“Ate, nagkakamali ata kayo ng nasakyan. Kararating ko lamang.” Malapit nang umiyak na sinabi ng driver.“Ay, pasensya na.” Agad namang sinabi ni Freya. “Maling sasakyan nga ata ng nasakyan ko. Alam mo, i-cancel ko na lang kaya ‘yung order para hindi ka rin maapektuhan.”“Maraming salamat, ate.”“Ako rin naman ang may kasalanan.” Binaba ni Freya ang tawag at nagmamadaling hinawakan ang driver na nasa kanyang harapan.”Kuya, pasensya na, maling sasakyan ata ang nasakyan ko. Maling tao ata ang nakuha mo.”“Hindi.” Narinig ni Freya ang isang pamilyar na boses. Tumalikod sa Patrick upang ipakita ang kanyang kaaya-ayang mukha.Mga ilang sandaling natahimik si Freya. Tila’y binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang buong katawan dahil sa nararamdaman niyang panlalamig. “Ikaw?”“Kumain lang din ako roon at nagkataong nakita kita noong palabas na ako.” Mabilis na lumingon si Patrick sa likod bago ito tumingin sa kalsada. “Pinarada ko sa harap ‘yung sasakyan at basta-basta kang pumasok, par
Pinikit ni Freya ang kanyang mga mata.Hindi na dapat siya pumunta ng Canberra?Hindi, hindi siya nagsisising pumunta siya. Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan, walang pagsisisi kay Freya dahil kung hindi, haharapin ni Catherine ang lahat nang mag-isa. Papaano na lamang ang kanyang kaibigan?Mabuti na lamang at naroon siya. Sa loob ng tatlong taon sa ibang bansa, habang naaawa siya sa kanyang sarili ay nagpursigi siya upang maiba ang takbo ng kanyang karera.“Nagkakamali ka. Wala akong pinagsisisihan. Ayaw ko na ulit maging isang babaeng taga-Melbourne ngunit tatanga-tanga, walang pangarap sa buhay, ang walang gawin kundi hintayin kang pansinin mo ako.”“Nandoon ka pa rin…” May kaunting pangingilabot sa boses ni Patrick.Ano pa kaya ang dahilan kung bakit napapaitan ang babae sa kanyang nakaraan?Iyon ay dahil hindi niya pa rin ito mapakawalan. Iyon ang dahilan kung bakit big deal pa rin ang lahat para rito.Iyon ang pananaw ni Patrick.“President Jackson, kung gusto mo akon
Ng ibaba ni Freya ang kanyang tingin, napagtanto niyang may nilagay na diamond necklace si Ryan sa kanyang leeg."Ikaw…""Ito ay isang regalo para sayo." Hinalikan siya ni Ryan sa noo. "Hindi pa kita nabibigyan ng regalo kahit na matagal na tayong nagde date.""Hindi iyan totoo. Lagi kang bumibili ng mga regalo ni Dani…”“Walang kwenta iyan. Ang pagbili ng mga regalo para sa aking anak na babae ay natural. Ang pagbili ng mga ito para sayo ay isang bagay din siyempre."Labis na naantig si Freya. Si Dani ay hindi anak ni Ryan, ngunit sinabi pa rin niya ang mga salitang iyon…Minahal niya talaga siya.Gayunpaman, siya ay napakahina at mahiyain."Kailan mo balak umalis? Ihahatid na kita sa bago mong tahanan," Sabi ni Ryan.“Balak ko lumipat bukas. Pupunta ang mga magulang ko sa Canberra kinabukasan. Magkakaroon tayo ng family dinner sa gabi."“Mm. Sasamantalahin ko ang pagkakataong manatili at kumain kapag pinapunta na kita, okay?" Hinawakan ni Ryan ang mukha niya at nagtanong.
Ibinaba ni Freya ang mga bagay na hawak niya. Lumingon siya at umikot sa baywang ni Ryan gamit ang dalawang kamay. "Walang tutulong dito. Kung patuloy akong mananatili dito, at patuloy kang... ganito, matutuklasan din tayo sa madaling panahon.""Tulad ng ano?" Ang malungkot na boses ni Ryan ay umalingawngaw mula sa kanyang leeg.“Basta... ganito. Gaya ng ginagawa mo ngayon." Namula si Freya. "Palagi kang naghahanap ng mga dahilan upang mapunta ako sa iyong lugar sa umaga o pumunta sa aking lugar pagkatapos ng trabaho sa gabi. May makakahanap na kakaiba sa madaling panahon. Kung lilipat ako, walang mga taong tumitingin sa bawat galaw namin. Magiging mas maginhawang mag date din sa labas."Ilang oras ding tinitigan ni Ryan si Freya. Siya ay napabuntong hininga. “Pero kailangan kong magtrabaho ng dagdag na oras ng madalas. Malalaman ng tatay ko kung hindi ako babalik pagkatapos ng trabaho. Kung madalas akong lumabas, maghihinala sila."“Huh?”Napakurap si Freya. "Anong gagawin natin?
...Sa parking lot sa ibaba.Nag thumbs up si Freya kay Catherine dahil sa paghanga. "President Jones, ang iyong dominanteng aura ay nag uumapaw ngayon lang. Napakasatisfying panoorin.”“Naiinis din ako kay Rodney. Hindi pa rin siya malinaw sa kanyang sitwasyon hanggang ngayon. Siya ay kumikilos na parang salamat sa kanya na nakuha namin ang Osher Corporation." Binuksan ni Catherine ang pinto ng kotse at pumasok."Tama iyan. Gusto niyang magpakita tayo ng respeto sa kanya? Sino siya sa tingin niya?"Isang harrumph ang pinakawalan ni Freya. Pagkasuot pa lang niya ng seatbelt ay tinawag siya ni Forrest. “Nakatakda na ang petsa ng paglipat sa villa. Sa susunod na Lunes na. Ang pamilya Lynch ay magkakaroon ng piging sa isang hotel at mag iimbita ng ilang kamag anak at kaibigan sa Canberra."Malapit na yan..." Nagulat si Freya."Diba sabi mo gusto mong umalis sa lalong madaling panahon? Kaya naman pinatrabaho ko ang mga contractor ng overtime. Ang pagsasaayos ay natapos na sa loob ng
Makalipas ang limang minuto, bumalik si Freya. Si Catherine at ang abogado ay tapos ng tingnan ang mga dokumento. "Walang problema. Pirmahan natin."Pagkatapos maglagay ng pirma nina Freya, Catherine, at Rodney, nagmamadaling sinabi ni Rodney, “Malaking araw ngayon. Payagan akong imbitahan kayong lahat na kumain sa malapit na restaurant. Kunin natin ito bilang isang pagdiriwang para sa tagumpay ng pagkuha ng Freycatheli—”“Sasamahan ka ni General Manager Hoffman mula sa aming kumpanya, President Snow. Si President Lynch at ako ay may ilang iba pang mahahalagang bagay na aasikasuhin mamaya." Magalang na tumanggi si Catherine ng hindi hinintay na matapos ni Rodney ang kanyang pangungusap."President Jones, ginagawa mo akong masama." Hindi masyadong maganda ang ekspresyon ni Rodney. "Dapat mong malaman na maraming mga lokal at overseas na kumpanya ang interesado sa pagkuha ng Osher Corporation. Gayunpaman, hindi ko sila pinansin. Unang pumasok sa isip ko si Freycatheli, at hindi ko sin
“Magaling iyan.”Naghiyawan ang lahat ng nasa meeting room.Sinabi ng tagapamahala ng departamento ng marketing, "Naisip pa namin na ang pagkuha ay tatagal ng ilang buwan. Hindi ako makapaniwala na makukumpleto sa loob ng isang linggo. Masyadong nakakagulat.""Ang Osher Corporation ay isang ginugol na puwersa. Ang paghawak ay magiging isang pag aaksaya lamang ng pera." Ngumiti ng mahina si Catherine. "Sige. Kapag matagumpay nating nakuha ang Osher Corporation, magkakaroon ng malaking pagbabago sa loob ng mga panloob na empleyado ng kumpanya. Syempre, tataas din ang katayuan ng Freycatheli sa Australia, kaya dapat maghanda ang marketing department. Ipaalam sa mga tagalabas ang tungkol sa pagkuha na ito, at linawin sa kanila na ang magiging boss ng Osher Corporation ay hindi na si Rodney kundi ang Freycatheli.""Pagkatapos ng acquisition, dapat bang tanggalin ang shop-in-shop ng Osher Corporation sa mga mall?""Hindi, ngunit baguhin ang lahat ng mga signage sa Freycatheli."“...”
Pagsakay ni Freya sa sasakyan ay nakonsensya pa rin siya.Ang pakiramdam ng pagiging malihim sa The Lodge ay tiyak na magpapahirap sa kanya sa kabaliwan maaga o huli.Hindi nagtagal, pinadalhan siya ni Ryan ng isang mensahe sa WhatsApp: [I miss you…]Halos itapon ni Freya ang phone niya sa message na iyon. Binabaliw siya nito.Pagkarating niya sa kumpanya, isang katulong ang nagdala ng bouquet sa kanya. "Manager Lynch, may nagpadala sayo ng bouquet."Ibinaba ni Freya ang test tube sa kanyang kamay, tinanggal ang kanyang gloves, at kinuha ang mga bulaklak na nakabalot sa pink na wrapping paper. Hindi lamang isang uri ng bulaklak ang naroroon. Sa katunayan, ang mga hydrangea, bellflower, tulips, at marami pang ibang uri ng magagandang bulaklak ay pinagsama sama. Ito ay napakarilag at mabango.May maliit na card sa bouquet. Binuksan ni Freya ang card, na nakasulat, "I miss you, my princess..."Wala siyang maisip na iba pang magsusulat ng ganoong katamis na salita maliban sa isang t
Laking gulat ni Freya kaya bumilis ang tibok ng puso niya. Napasilip siya sa pintuan ng kwarto. Ng mapagtanto niyang nakasara na ang pinto ay nakahinga siya ng maluwag.Gayunpaman, hindi siya ganap na komportable. Medyo kinakabahan pa rin siya.Paano kung biglang umakyat ang katulong?Paano kung…"Mangyaring manatiling nakatutok."Ang malalim at mahinang boses ni Ryan ay narinig mula sa kanilang manipis na mga labi.Hindi nakaimik si Freya. Paano siya mananatiling nakatutok?Palusot sila at nagmukha siyang magnanakaw.“Halika na. Na miss kita." Binigyan siya ni Ryan ng mahaba at malalim na halik habang kinulong ang mukha niya. Sa gitna ng mapusok na halik, paos ang boses ng lalaki na para bang may dumaan na kuryente sa kanya. Namamanhid ang buong katawan niya. “Na miss mo ba ako?”"...Bilisan mo."Hindi mapakali si Freya."Tinatanong kita kung na miss mo ba ako." Kinagat ni Ryan ang kanyang labi. "Kung hindi ka tapat sa akin, hindi kita bibitawan.""Namiss kita. Namiss kita
Matagal na rin simula nang makatanggap ng ganoong sampal si Heidi. Siya ay lumipad sa matinding galit. “Oo, problema ito ng iyong pamilya, pero si Freya ay aking goddaughter. Mangyaring umalis sa aming bahay ngayon din."Ng matapos siyang magsalita, kinaladkad ng ilang bodyguard sa likod niya si Rodney palabas ng The Lodge.Nagbabala si Heidi, “Tandaan mo siya. Hindi ko na siya gusto sa The Lodge."Galit na galit si Rodney. "Aunty Heidi, huwag kang snob.""Snob ako?" Si Heidi ay nadala sa pagkagalit.Sa kabutihang palad, hindi nagtagal ay naalis si Rodney.Medyo natulala sina Freya at Ryan. Hindi nila inaasahan na magiging ganoon ang mga bagay.Si Nathan, na napahawak sa gitna, ay nakaramdam ng pinaka naiilang. "Bakit galit na galit ka sa isang bata?""Hindi mo ba narinig kung gaano siya sarcastic?" Galit na sinabi ni Heidi, "Sapat na ako sa kanya. Ang ginawa niya ay nagdulot ng napakaraming problema para sa amin, ngunit kailangan naming ayusin ang kanyang gulo. Bukod dito, ang
Dinala nina Freya at Ryan si Dani sa harap ng bakuran para mag almusal.Si Dani, na nasa yakap ni Ryan, ay tumingin sa paligid gamit ang malaki at maitim niyang mga mata.Walang kahihiyang sumama si Rodney. "Dani, ihahatid kita sa bahay ni Lola, okay?"Agad na napalingon si Dani. Pinulupot niya ang kanyang mga kamay sa leeg ni Ryan na para bang si Ryan ang kanyang biological father.Nagseselos si Rodney. “Ryan, ibalik mo sa akin ang anak ko. Ibinabalik ko siya sa dating tirahan, at ngayon lang sinang ayunan ni Freya.""Maaari mo siyang dalhin doon pagkatapos kong umalis para sa trabaho." Seryosong sabi ni Ryan, “Ayokong makipaghiwalay si Dani sa akin ngayon. Kung pilit ko siyang ibibigay sayo, iiyak siya. Hindi na siya ang sanggol na walang alam. Maaari na siyang gumulong, at mayroon siyang sariling mga opinyon. Naiintindihan mo ba?""Naiintindihan ko, at iyon ang dahilan kung bakit gusto kong makipag bonding sa kanya." Naiinip na sinabi ni Rodney, “Ryan, sinusubukan mong maging