“...”Si Catherine, na nasa kalagitnaan ng paglalagay ng makeup, ay natigil.“Hindi naman maaaring… nakalimutan mo ito, tama?” Nagngitngit si Shaun ng ngipin.“Paano iyon naging posible? Sinundo ko si Freya, ngunit nag-aaksaya siya ng panahon.” Pagkatapos magsalita ni Catherine, nakatanggap siya ng masamang tingin mula kay Freya.“Bakit mo siya sinundo? Bakit gumagala ang buntis na babae tulad niya?” Si Shaun ay galit at malungkot. “Bilisan mo magpunta. Kung wala ka rito, wala rin kwenta kahit manalo ako.”“Okay, pupunta ako kaagad.”Pagbaba ni Catherine ng tawag, inirapan siya ni Freya. “Nag-aksaya ako ng panahon at naantala kita?”“Hinintay kita ng kalahating oras. Hindi ako nagsisinungaling, tama?” Sabi ni Catherine habang nakangiti.Lumingon si Freya palayo at hindi siya pinansin.Sa kabutihang palad, malapit lang ang korte sa lugar nila.Kahit na nahuli sila ng ilang minuto, nagawa nila makapunta sa tamang oras.Nagsimula na ang paglilitis, at ang mga upuan sa harapan a
Gusto talaga bigyang pansin ni Catherine ang paglilitis, ngunit masyado maingay si Freya.Pumunta ba si Freya para makita na matalo si Sarah o para makipagkaibigan?Sa saglit na iyon, nakagawa pa sila ng plano maghapunan.Nang bubuksan na niya ang bibig niya at magsalita, isang lalaki sa harap nila ang biglang lumingon. Nagngitngit siya ng ngipin at sinabi sa mababang boses, “Freya Lynch, maaari ba na manahimik ka?”Maaaring hiniling ng pamilyang Snow na pasayahin ni Rodney si Freya, ngunit masyado abala ang babae na iyon makipagkaibigan pagdating niya, at nainis siya ng kaunti sa masaya nitong itsura.Inaanak siya ni Nathan kahit papaano. Hindi ba siya natatakot na lapitan ng mga tao dahil sa masamang intensyon? Inimbita niya pa ang tao na iyon para maghapunan kahit na wala pang isang minuto nang nakilala niya ito.Nagulat si Freya. Tsaka niya lang napagtanto na nakaupo sa harap niya si Rodney.Nagpunta talaga ang g*go na ito. Naglakas loob pa ito maging matapang sa harap niya.
Umupo si Sarah sa defendant’s seat. Nanlalamig ang tingin nito, at hambog ang aura nito.Walang emosyong nagsalita ang kanyang abogadong si Stevens, “Wala rin naman pala ang pinag-uusapang pinakamagaling na abogado sa Australia.”Mahina ang boses ni Sarah, “Tiyak na ba ang pagkapanalo natin?”“Malapit na. Hindi mo ba nakita ang tingin ng husgado kanina kay Shaun? Tapusin na natin ito.”Tumayo si Stevens at tinanong si Shaun, “Mr. Shaun Hill, balita ko’y may kinakasama kang babaeng kasal na nitong mga nakaraang araw. Totoo ba ito?”Gumalaw ang mga labi ni Shaun. “Dati ko siyang asawa…”“Sasagot ka lang naman kung ‘oo’ o ‘hindi’. Kumasama ka ba ng babaeng hindi pa hiwalay sa kanyang asawa?” Tanong muli ni Stevens.“Oo.” Tungo ni Shaun.Ngumiti si Stevens, at pagkatapos ay tumingin sa husgado. “Your Honor, sa kanya niyo na ho mismo narinig. Anuman ang dahilan ni Shaun Hill, naroon pa rin ang katotohanang nakikiapid siya sa babaeng kinasal na sa iba. Pinapakita lamang nito ang mora
Hindi mapigilang kilabutan ni Thomas nang makita nito ang kapatid.Namumula ang mga mata ni Sarah nang agad itong nagsalita, “Kuya, nasaan ka nitong mga nakaraang araw? Alalang-alala ako para sa’yo. Nasaktan ka ba? Pinagbantaan ka ba ni Shaun?”Agad na pinagsabihan ni Shaun si Sarah. “Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, Ms. Neeson. Maaari kitang idemanda sa iyong paninirang-puri.”Tinignan din nang masama ng husgado si Sarah bilang babala. “Maaari nang pumunta sa kanyang pwesto ang testigo.”Kinakabahang tumungo si Thomas sa kanyang pwesto. Pagkatapos ay nagsimulang magtanong si Shaun, “Mr. Thomas Neeson, may gusto lang akong itanong sa’yo. Maraming beses ko bang tinulungan ang Neeson Corporation matapos sumakabilang-buhay ng inyong ama? Mangilang beses din ba akong patagong humanap ng mga partner upang tulungan ang Neeson Corporation?”Kinakabahang tumungo si Thomas, “Oo.”Nagpatuloy si Shaun. “Kung hindi dahil sa akin, tatagal kaya ang Neeson Corporation hanggang ngayon?”Umiling
Kinilabutan ang buong katawan ni Sarah. Hiyang-hiya rin ang itsura nito.Nagpatuloy si Thomas sa pagsasalita. “Malinaw na isa kang home-wrecker na naninira ng kasal ng iba. Noong nagkaroon ng problema sina Shaun at Catherine, at matapos mong sadyain na saktan ang iyong sarili, ipinasabi mo sa akin kay Shaun na gusto mong tumira sa may villa sa tabing-dagat, ngunit sa totoo lamang nito’y gusto mong tumira kung saan nanirahan noon sina Catherine at Shaun upang ipagyabang kay Catherine na ikaw pa rin ang uunahin ni Shaun.”“Bukod pa rito, noong taong dinadala ni Catherine ang kanyang kambal, sinabi mo sa aking ikaw ang bahala sa mga ito dahil tiyak na ibibigay sila ni Shaun sa’yo.”“...”Natigilan ang mga tao sa loob ng korte matapos ang sunod-sunod na pagbubunyag ni Thomas.Hindi pa nga mapigilan ng ibang pag-usapan ito.“Hindi ba’t sinabi niyang inosente siyang biktima? Na si Shaun ang tumalikod sa kanya upang pakasalan ang ibang babae para suyuin lamang siya pabalik pagkatapos?”
Noong inalala niya ang mga taong nanirahan sila ni Sarah sa villa na iyon ay gustong hampasin ni Shaun ang kanyang sarili. Masyadong masakit ang lahat para sa kanyang puso.“P*tang babae.” Singpula ng dugo ang mga mata ni Shaun. Hindi mapigilang magmura ng kayaga niyang isang matipunong lalaki dahil sa mga rebelasyon noong araw na iyon.“Hindi ‘yan totoo.” Sigaw ni Sarah sa kabila ng kanyang nababagot na pag-iyak. “Hindi ko ‘yan ginawa! Bakit mo ito ginagawa sa akin, Thomas? Natatakot ka ba kay Chester? Nakalimutan mo na ba kung sino ang naging dahilan kung bakit ka nagkaganyan?”“Ikaw. Ikaw ang dahilan nitong lahat.” Nawala na rin sa wisyo si Thomas. “Bakit hindi mo ako pinigilan noong nagiging masama na ang aking naiisip? Kapatid mo ako ‘di ba? Hangga’t nakakasakit ito ng mga taong malapit kay Catherine, inuudyok mo akong gawin ang mga iyon. Kung hindi ka lang malapit sa mga katulad ni Shaun, hindi sana ako naging ganoong kayabang. Ikaw ang naging dahilan kung bakit ako naging gan
Noong malapit nang matapos umiyak si Sarah ay tumingin naman ang husgado kay Shaun. “Maaaring ilahad ng nagsasakdal ang kanyang pahayag.”Tumayo si Shaun at tinitigan si Sarah. Sa ilalim ng kanyang maikling buhok ay punong-puno ng lungkot at panghihinayang ang kanyang kaaya-ayang mukha para kay Sarah. “Kung may magtatanong sa akin kung ano ang naging kwento ng first love ko, masasabi kong isa itong bangungot. Nagsisisi na akong gusto kitang kilalanin noon. Ikaw ang naging ilaw ko noong puno ng kadiliman ang aking buhay, kaya’t trinato kita bilang pamilya. Higit sampung taon kong binigay ang higit pa sa aking makakaya. Mapasa’yo man o sa pamilya mo, tinanggap ko lahat ng pinagagawa ninyo. Nagpakasal ako noong ilang taon kang nawala.“Noong una’y contractual marriage lang kami ng asawa ko. Subalit unti-unti akong nahulog sa taong pinakasalan ko noong tumagal ang aming pagsasama. Tapos bigla kang bumalik sa eksena, at sumama ang loob oo sa’yo. Bilang pasasalamat, ako ang unang tumutulon
Ngumiti si Shaun. "Kahit pa hindi ko tinawag si Thomas para sa second trial, pareho lang din ang kalalabasan. Kahit pa pakiramdam ng judge na ako ang mali, kailangan niya pa ring ideklara na nanalo ako para magdala ng positibong impluwensya sa lipunan.""Magaling ka." Tumango si Stevens. Sumugal siya at tinanggap ang pagkatalo. Umaasa akong magkaroon ng pagkakataong makalaban ka muli sa hinaharap."Matapos, tumalikod siya para umalis, wala nang pakialam kay Sarah.Sinubukan din ni Sarah tumakas, ngunit napansin siya ni Shaun. "Ibalik mo sakin ang pera sa loob ng tatlong araw, o kakailanganin kong magsabi sa pulis na tuparin ang batas. Oo nga pala, umalis ka na agad sa seaside villa. Kukunin ko ang bahay bago magdilim.""Shaun Hill, huwag ka masyadong lalayo." Gustong patayin ni Sarah ang lalaki gamit ang mga mata niya."Sapat na ang tagal ng pananatili mo sa isang lugar na hindi sayo. Oras na para umalis ka." Matapos 'nun, diretsong naglakad si Shaun papunta kay Catherine.Ang t