Umupo si Sarah sa defendant’s seat. Nanlalamig ang tingin nito, at hambog ang aura nito.Walang emosyong nagsalita ang kanyang abogadong si Stevens, “Wala rin naman pala ang pinag-uusapang pinakamagaling na abogado sa Australia.”Mahina ang boses ni Sarah, “Tiyak na ba ang pagkapanalo natin?”“Malapit na. Hindi mo ba nakita ang tingin ng husgado kanina kay Shaun? Tapusin na natin ito.”Tumayo si Stevens at tinanong si Shaun, “Mr. Shaun Hill, balita ko’y may kinakasama kang babaeng kasal na nitong mga nakaraang araw. Totoo ba ito?”Gumalaw ang mga labi ni Shaun. “Dati ko siyang asawa…”“Sasagot ka lang naman kung ‘oo’ o ‘hindi’. Kumasama ka ba ng babaeng hindi pa hiwalay sa kanyang asawa?” Tanong muli ni Stevens.“Oo.” Tungo ni Shaun.Ngumiti si Stevens, at pagkatapos ay tumingin sa husgado. “Your Honor, sa kanya niyo na ho mismo narinig. Anuman ang dahilan ni Shaun Hill, naroon pa rin ang katotohanang nakikiapid siya sa babaeng kinasal na sa iba. Pinapakita lamang nito ang mora
Hindi mapigilang kilabutan ni Thomas nang makita nito ang kapatid.Namumula ang mga mata ni Sarah nang agad itong nagsalita, “Kuya, nasaan ka nitong mga nakaraang araw? Alalang-alala ako para sa’yo. Nasaktan ka ba? Pinagbantaan ka ba ni Shaun?”Agad na pinagsabihan ni Shaun si Sarah. “Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, Ms. Neeson. Maaari kitang idemanda sa iyong paninirang-puri.”Tinignan din nang masama ng husgado si Sarah bilang babala. “Maaari nang pumunta sa kanyang pwesto ang testigo.”Kinakabahang tumungo si Thomas sa kanyang pwesto. Pagkatapos ay nagsimulang magtanong si Shaun, “Mr. Thomas Neeson, may gusto lang akong itanong sa’yo. Maraming beses ko bang tinulungan ang Neeson Corporation matapos sumakabilang-buhay ng inyong ama? Mangilang beses din ba akong patagong humanap ng mga partner upang tulungan ang Neeson Corporation?”Kinakabahang tumungo si Thomas, “Oo.”Nagpatuloy si Shaun. “Kung hindi dahil sa akin, tatagal kaya ang Neeson Corporation hanggang ngayon?”Umiling
Kinilabutan ang buong katawan ni Sarah. Hiyang-hiya rin ang itsura nito.Nagpatuloy si Thomas sa pagsasalita. “Malinaw na isa kang home-wrecker na naninira ng kasal ng iba. Noong nagkaroon ng problema sina Shaun at Catherine, at matapos mong sadyain na saktan ang iyong sarili, ipinasabi mo sa akin kay Shaun na gusto mong tumira sa may villa sa tabing-dagat, ngunit sa totoo lamang nito’y gusto mong tumira kung saan nanirahan noon sina Catherine at Shaun upang ipagyabang kay Catherine na ikaw pa rin ang uunahin ni Shaun.”“Bukod pa rito, noong taong dinadala ni Catherine ang kanyang kambal, sinabi mo sa aking ikaw ang bahala sa mga ito dahil tiyak na ibibigay sila ni Shaun sa’yo.”“...”Natigilan ang mga tao sa loob ng korte matapos ang sunod-sunod na pagbubunyag ni Thomas.Hindi pa nga mapigilan ng ibang pag-usapan ito.“Hindi ba’t sinabi niyang inosente siyang biktima? Na si Shaun ang tumalikod sa kanya upang pakasalan ang ibang babae para suyuin lamang siya pabalik pagkatapos?”
Noong inalala niya ang mga taong nanirahan sila ni Sarah sa villa na iyon ay gustong hampasin ni Shaun ang kanyang sarili. Masyadong masakit ang lahat para sa kanyang puso.“P*tang babae.” Singpula ng dugo ang mga mata ni Shaun. Hindi mapigilang magmura ng kayaga niyang isang matipunong lalaki dahil sa mga rebelasyon noong araw na iyon.“Hindi ‘yan totoo.” Sigaw ni Sarah sa kabila ng kanyang nababagot na pag-iyak. “Hindi ko ‘yan ginawa! Bakit mo ito ginagawa sa akin, Thomas? Natatakot ka ba kay Chester? Nakalimutan mo na ba kung sino ang naging dahilan kung bakit ka nagkaganyan?”“Ikaw. Ikaw ang dahilan nitong lahat.” Nawala na rin sa wisyo si Thomas. “Bakit hindi mo ako pinigilan noong nagiging masama na ang aking naiisip? Kapatid mo ako ‘di ba? Hangga’t nakakasakit ito ng mga taong malapit kay Catherine, inuudyok mo akong gawin ang mga iyon. Kung hindi ka lang malapit sa mga katulad ni Shaun, hindi sana ako naging ganoong kayabang. Ikaw ang naging dahilan kung bakit ako naging gan
Noong malapit nang matapos umiyak si Sarah ay tumingin naman ang husgado kay Shaun. “Maaaring ilahad ng nagsasakdal ang kanyang pahayag.”Tumayo si Shaun at tinitigan si Sarah. Sa ilalim ng kanyang maikling buhok ay punong-puno ng lungkot at panghihinayang ang kanyang kaaya-ayang mukha para kay Sarah. “Kung may magtatanong sa akin kung ano ang naging kwento ng first love ko, masasabi kong isa itong bangungot. Nagsisisi na akong gusto kitang kilalanin noon. Ikaw ang naging ilaw ko noong puno ng kadiliman ang aking buhay, kaya’t trinato kita bilang pamilya. Higit sampung taon kong binigay ang higit pa sa aking makakaya. Mapasa’yo man o sa pamilya mo, tinanggap ko lahat ng pinagagawa ninyo. Nagpakasal ako noong ilang taon kang nawala.“Noong una’y contractual marriage lang kami ng asawa ko. Subalit unti-unti akong nahulog sa taong pinakasalan ko noong tumagal ang aming pagsasama. Tapos bigla kang bumalik sa eksena, at sumama ang loob oo sa’yo. Bilang pasasalamat, ako ang unang tumutulon
Ngumiti si Shaun. "Kahit pa hindi ko tinawag si Thomas para sa second trial, pareho lang din ang kalalabasan. Kahit pa pakiramdam ng judge na ako ang mali, kailangan niya pa ring ideklara na nanalo ako para magdala ng positibong impluwensya sa lipunan.""Magaling ka." Tumango si Stevens. Sumugal siya at tinanggap ang pagkatalo. Umaasa akong magkaroon ng pagkakataong makalaban ka muli sa hinaharap."Matapos, tumalikod siya para umalis, wala nang pakialam kay Sarah.Sinubukan din ni Sarah tumakas, ngunit napansin siya ni Shaun. "Ibalik mo sakin ang pera sa loob ng tatlong araw, o kakailanganin kong magsabi sa pulis na tuparin ang batas. Oo nga pala, umalis ka na agad sa seaside villa. Kukunin ko ang bahay bago magdilim.""Shaun Hill, huwag ka masyadong lalayo." Gustong patayin ni Sarah ang lalaki gamit ang mga mata niya."Sapat na ang tagal ng pananatili mo sa isang lugar na hindi sayo. Oras na para umalis ka." Matapos 'nun, diretsong naglakad si Shaun papunta kay Catherine.Ang t
Ngumiti si Sarah. "Sa totoo lang, sa tingin ko hindi na kailangan isipin ang karakter ni Sarah. Hindi mo ba siya mahal? Sa kasong 'yun, dapat kang maging mapagtiis sa lahat ng kanyang hindi kagandahan at kasamaan. Ano nga 'yung kasabihan na 'yun? Ang pagmamahal ng lubos ay pagmamahal sa isang tao sa kanyang tunay na pagkatao. Bukod pa rito, may kailangang kumuha kay Sarah. Paano kung makasakit siya ng iba kapag walang kumuha sa kanya? Si Young Master Snow ang pinakabagay sa kanya.""Totoo 'yan. Huy, bilisan mo at sundan si Sarah. Siguradong sobrang lungkot yun at walang magawa ngayon. Dapat mo siyang pasayahin." Nagthumbs up si Freya.Kagaya ng inaasahan sa kanyang mabuting kapatid. Ang kakayahan ni Freya na saksakin ang mga sugat ng mga tao ay walang kapantay.Nung una ay sobrang lungkot ni Rodney, pero ang kanyang gwapong mukha ay namula sa kahihiyan dahil sa rant nila."Freya Lynch, tama na 'yan." Mukhang malungkot si Rodney.“Tama na nga.” Lumingon si Freya sa gilid at hinila
”Sige, alam kong tama ka, pero ‘yan ay sa pagitan namin ni Shaun,” nagmamaktol na sabi ni Rodney.Tumango si Freya. “Tama ka, pero hindi ko lang matiis ang kakapalan ng mukha mo.”Ang makapal na mukhang si Rodney ay walang nasabi.Kung dating siya ito, siguradong makikipagtalo na siya kay Freya.Pero ngayon, gumalaw ang maninipis niyang mga labi, pero tahimik niyang sinara ang bibig niya.Nang dumating ang elevator, may malay siyang sumabay kay Shaun at sumakay sa sasakyan ni Shaun.Umupo si Freya sa sasakyan ni Eliza.Sa nasabing ‘yun, dumiretso na sila sa restaurant.Sa daan, hinwakan ni Shaun ang kamay ni Catherine habang ang kabilang kamay ay nasa manibela. “Cathy, kapag dumating ang 100 bilyong dolyar, ililipat ko ito sayo.”“Sige.” Tumango si Catherine.Ang mga mata ni Shaun ay nagpakita ng bahid ng pagkagulat. “Akal ko magtatagal bago ka makumbinse na kunin ito.”“Masyado kang nag-iisip. Kukunin ko ito para kila Suzie at Lucas. Sinong nakakaalam kung anong pwede mangy