”Sampung kilo.”Sinabi ni Catherine habang nakangiti.Naluha si Freya dahil naantig siya at niyakap niya si Catherine. “Alam mo ba na kumakain ako ng masustansya na pagkain araw-araw kamakailan lang? Ang panlasa ko ay nagiging matabang na dahil sa masustansyang pagkain. Sobrang dami mong binili na crayfish para sa akin. Ngunit buntis ako, kaya limang kilo lang ang pinakamarami na makakain ko.”Kumibot ang dulo ng bibig ni Catherine. “Gusto mo kumain ng limang kilong crayfish? Nananaginip ka siguro. Hanggang 20 na piraso lang ang pwede mo kainin. Marami akong binili dahil gusto ko magluto ng marami at magdala kala Suzie at Lucas. At saka… pupunta rin si Shaun.”“Bakit mo siya inimbita?” Naging malungkot ang ekspresyon ni Freya. “Inaapi mo ba ako dahil buntis ako at mag-isa pa rin ako? Ginagalit mo siguro ako.”“Masyado ka nag-iisip. Gusto ko lang kumuha ng ibang tao na maghuhugas ng crayfish.” Inangat ni Catherine ang crayfish at pinakita ang tiyan nito kay Freya. Ito ay marumi.“
Sandali!Crayfish?Tiniis ni Rodney ang matinding sakit at inangat ang ulo niya gamit ang buong lakas niya. “Chester, tawagan mo siya muli. Si Freya ay buntis ngunit kumakain pa rin siya ng maruruming bagay tulad ng crayfish? Paano kung magkaroon ng sakit ang anak ko mula sa pagkain?”Walang masabi si Chester. “Hindi ba at nagdesisyon ka na ayaw mo na sa bata na ito? Ano ang kinalaman nito sa iyo?”“...”Natulala si Rodney ng mahabang oras. Pagkatapos ay sinabi niya habang namumula ang mukha niya, “Ngunit ang bata sa tiyan ni Freya ay laman at dugo ko. Iyon ay katotohanan.”“Dinala mo siya para ipalaglag ang laman at dugo mo. Iyon ay katotohanan din.” Kalmado na paalala ni Chester. “Wala ka nang pakialam doon.”“Chester!” Nagagalit na si Rodney at tinaas niya ang boses niya. Bilang resulta, naging itim ang paningin niya ng ilang saglit dahil sa sakit. Muntik na ulit siyang mahimatay.Matagal siyang gumaling. Pagkatapos, nanghihina niyang sinabi, “Anong karapatan mo na pagsabiha
“Nabuburyo ka na ba?” Pangungutya ni Shaun. “Hitsura lang naman ang mayroon siya. Natural lamang na maburyo matapos mo siyang titigan nang matagal.”Ang ibig sabihin ng lalaki ay kumpara rito, kakaiba siya dahil maganda ang kanyang katauhan.Ngumiti lamang si Catherine. “Oo nga, kakaiba talaga ang mga lalakeng nahuhulog sa mga tulad ni Sarah Neeson.”Shaun, “...”Napangisngis si Freya nang makita nito ang naninigas na mukha ng lalaki.“Anong nakakatawa?” Sulyap ni Shaun sa babae. “At least nagbago na ako, ‘di tulad ng ama niyang dinadala mo. Natauhan lamang siya kapag inabandona na ng pamilya.”“...”Hindi na muling makatawa si Freya, kaya’t tinitigan na lamang nito nang masama ang lalaki. “At ano’ng ibig mong sabihin? Sinasabi mo bang hindi ako makukumpara kay Sarah? Kung hindi dahil sa inyong mga lalakeng hulog na hulog sa mga katulad ni Sarah ay ganito ang napapala naming mga mababait at inosenteng mga babae.”“Tama na kayong dalawa. Lulutuin ko na lang ‘yung crayfish.” Naba
“Pinuri ko lang nang isang beses ‘yung tao. Nandoon ka pa rin ba?” Nananakit na ang ulo ni Catherine.Noo’y hindi naman ganoong kaingay ang lalaki.“Hindi. Tatlong beses mo siyang pinuri.” Nagbilang si Shaun gamit ang kanyang mga daliri. “Ang gwapo naman nito, napakagwapo naman, papaano siya naging gano’ng kagwapo?”“...”“Ayaw kong ginagawa mo ‘yun. Isa pa, hindi mo pa ako pinupuri nang gano’n.” Nagtatampong tinignan ni Shaun ang babae.Pakiramdam ni Catherine ay tinamaan siya ng isang kidlat.Malapit na siyang makumbinseng may kakaibang espiritung sumapi sa lalaki.Bagama’t hindi niya maipagkakailang ang pagkakaroon ng matampuhing lalaking may kaaya-ayang itsura ay, ahem, mahirap tiisin.Lalo na ang isang tulad ni Shaun. Malinaw na isa itong lalaki, ngunit malalaki ang kanyang mga mata at makakapal ang kanyang mga pilikmata.“Mas isip-bata ka pa kaysa kay Suzie…” Nababagot na sagot ni Catherine.Agad namang nagtunog-makata ang lalaki. “‘Ika nga ng Pranses na nobelistang si
“Ano nga ulit ‘yung tinawag mo sa’kin nito-nito lang, Cathy?” Nagkataong kasama niya noong mga oras na iyon ang isang taong malakas din ang loob. “Sinabihan mo ba akong… masyadong isip-bata? Tawagin mo akong Shaunny.”“Gusto kong manahimik ka, pwede ba, Shaun Hill?” Tinitigan ni Catherine nang masama ang lalaki.Subalit lingid sa kanyang kaalaman na mas nagliliwanag ang kanyang kaaya-ayang mukha kapag nagagalit siya.“Pwede mo akong patahimikin ulit kayaga ng kanina.” Napatawa si Shaun. “Pagbibigyan ulit kita.”“Isa pa—”At sa pagkakataong iyon, bago pa man matapos magsalita si Catherine, ay nagkusa na si Shaun na pagtagpuin ang kanilang mga labi.Noong una’y nagpigil si Catherine.Nasa bahay sila ni Freya. Anong kababalaghan ang ginagawa nila sa bahay ng iba?Kapag pinuntahan silang muli ng babae, tiyak na pagtatawanan siya nito.Subalit ayaw siyang pakawalan ni Shaun Hill. Hindi rin naman siya makapagsalita, kaya’t wala rin naman siyang masyadong nagawa.Makalipas ang kalah
“Tama na kwento. Heto, kumain ka.” Sabay subo ni Catherine ng crayfish sa bibig ng lalaki.Kinain na lamang iyon ni Shaun sabay bumulong sa tainga ni Catherine. “Mas gusto kong bibig mo ang ginagamit mong pampatahimik sa’kin. Mas matamis.”“...”Tinadyakan ni Catherine ang paa ng lalaki.Hindi naman manhid si Freya upang hindi iyon maramdaman.Noong mga oras na iyon, pakiramdam ni Freya na tila’y wala siya sa eksena.Matapos nilang kumain ay tumungo si Shaun sa kusina upang hugasan ang mga plato. “Gusto ko sanang kumain ng crayfish upang magdiwang, ngunit ang napala ko lamang ay sandamakmak na PDA. Umalis na lang kaya kayo?” Malungkot na sinabi ni Freya sa kaibigan.Bahagyang nahiya si Catherine at bumulong, “Hindi, hindi ako makikipagbalikan sa kanya.”Tinitigan siya ni Freya na tila’y sinasabi nitong, ‘Tingin mo ba isa akong tanga?’ “Eh para saan ‘yung matagal niyong halikan kanina?”“...”Hindi na makapagsalita si Catherine sa matinding kahihiyan.Matapos hugasan ni Shaun
“Hindi ko naman nakalimutan lahat eh… May mga naaalala ako bago ako nahulog sa’yo. Ang tanging malabo sa aking utak ay ang mga nangyaari noong nakaramdam na rin ako ng pagmamahal sa’yo.” Pag-aamin ng lalaki.Iyon dapat ang ilan sa mga pinakamasasaya niyang alaala, ngunit nakalimutan niya ang mga iyon.“Cathy, tinutukso mo ako, ‘di ba? Ngayon, ako naman ang tutukso sa’yo.” Malalim ang tingin ni Shaun kay Catherine.Natahimik si Catherine. Hindi niya rin alam ang kanyang isasagot, kaya’t niyuko na lamang niya ang kanyang ulo at tahimik na tinuloy ang kanyang kinakain.Ginamit iyon ni Shaun bilang hudyat upang simulan ang sasakyan.Pagkatapos niyang kainin hanggang sa kalahati ang ice cream, alam ni Catherine na hindi na niya iyon mauubos.Sayang naman kung itatapon niya iyon, kaya’t ibinigay na lamang niya ito sa katabi niyang lalaki.Nagmaneho si Shaun gamit ang isa niyang kamay habang ginamit naman niya ang isa upang kainin ang tira ng babae.Sa loob-loob ni Catherine ay bagama
Silang dalawa ay nakasuot lamang ng maninipis na pajamas.Ang maliit na mukha ni Catherine ay nagpahinga sa dibdib ng lalaki. Ang init ng katawan ng lalaki ay tumagos sa kanilang mga damit, na unti-unti ring nagpainit sa mukha ng babae.Sa kabutihang palad, ang mga ilaw sa kwarto ay nakapatay kaya ang kanyang mukha ay hindi malinaw na makikita.Ang puso ni Shaun ay wala sa ayos na tumibok. Akala niya itutulak siya palayo ng babae kagaya ng dati, ngunit hindi ito ginawa ng babae.“Cathy…” Mainit ang pakiramdam ng kanyang lalamunan at ang boses niya ay namamaos.“Mmh.” Tumingala si Catherine gamit ang kanyang malaki at magagandang mga mata.Hindi na makapagpigil si Shaun at ibinaba ang kanyang ulo para sa isang halik. Tanong niya, “Saan nanggaling ang gamot?”“Hiningi ko ito mula kay Aunty Yasmine.” Ang mahina niyang boses ay lumabas sa pagitan ng maninipis niyang mga labi.Ang puso ni Shaun ay tila kasing lambot ng cotton candy. “Cathy, alam kong may pakialam ka pa rin sakin.”