’Tumigil ka na magsalita.” Inangat ni Catherine ang ulo niya at hinalikan siya pabalik.Pakiramdam ni Shaun ay binata ulit siya at kinilabutan siya.Pakiramdam niya ay para bang nakakain siya ng matamis na bagay, parang honey.Bam! Bigla siyang sinipa ng walang awa pababa sa carpet.“Mommy, ano ang ingay na iyon?” Nagising si Lucas sa gulat, habang si Suzie naman ay patuloy na natutulog na parang sanggol.“Wala. May tinapon lang ako na basura sa sahig ngayon. Maaari ka na magpatuloy matulog.” Marahan na hinawakan ni Catherine si Lucas.Malabong binulong ni Lucas, “Mhm.” Pagkatapos ay natulog ulit siya.Nang may nagtatampo na ekspresyon, tumayo si Shaun na naiirita at tinignan ng masama si Catherine. “Basura ba ako?”“Tama lang sa iyo iyan. Ayaw mo gumalaw kahit na sinabihan na kitang umalis,” Sinabi ni Catherine sa mapagmataas na paraan.Nagpatuloy siyang tinignan ni Shaun. Nakasuot ng silk na pajama, hindi niya alam na nagpapakita siya ng malaking parte ng katawan sa ibaba ng
Nang nag-aagahan na ang lahat ng magkakasama sa umaga, si Catherine ay medyo nahihiya.Kahit na alam nila na dito natulog si Catherine, walang nagsalita tungkol dito.Habang kumakain si Shaun ng oatmeal, bumabahing siya paminsan minsan.Nang aalipusta na sinabi ni Old Madam Hill, “Kunin mo ang mangkok mo at kumain ka doon. Huwag mo hawaan ang matatandang tao tulad namin at ang mga bata.”“...”Pagkatapos tignan ang ekspresyon ng lahat na sumasang-ayon sila sa iminungkahi ni Old Madam Hill, sobrang nalungkot si Shaun.Wala pala siyang kwenta sa bahay na ito.Inaalipusta siya ng lahat dahil lang may sipon siya.Kahit papaano, nauwi siya sa pagkain mag-isa sa living room para sa kapakanan ng mga bata.Paglingon niya, narinig niya si Old Madam Hill magsalita, “Sobrang hina na niya kahit bata pa siya. Aunty Yasmine, maghanda ka ng ilang pomegranate na juice para sa kanya mamayang gabi.”Muntik na mabilaukan si Shaun sa porridge na lulunukin niya.Ngayon at may sipon siya, inisip
Pagdating ni Shaun sa paradahan ng kotse ng Hudson, tinanggal ni Catherine ang seat belt niya para lumabas.“Sandali…" Bigla siya binigyan ni Shaun ng papeles. "Hiniling ko kay Chester na imbestigahan niya ang ospital sa Melbourne kung saan nagpunta si Wesley para magpagamot nang nasaksak siya noong sinagip ka niya tatlong taon ang nakaraan. Sinuhulan pala niya ang empleyado noon na namamahala sa kanya gumamot sa emergency room. Sinabi niya na magsinungaling sila sa iyo "Kinuha ni Catherine ang papeles ng tulala. "Anong… pagsisinungaling nila sa akin?""Nagsinungaling sila na may sugat ang bato ni Wesley at kailangan ito tanggalin." Tinitigan siya ni Shaun. "Sa katotohanan, ang bato niya ay hindi nasugatan dahil hindi naman siya nasaksak sa bato noong oras na iyon. Sadyang nagsinungaling siya sa iyo para magsisi ka at kaawaan siya."Natahimik si Catherine, ang pilikmata niya ay umaangat at bumababa.Ang balita na iyon ay hindi nakakagulat nang sobra.Ngayon at nakita na nila ang
"..."Patuloy na kinutya ni Chester si Shaun, "Dapat ka magpasalamat na hindi ko sinabi na hindi mo na ulit iyon magagawa.""Manahimik ka." Hindi na siya matiis ni Shaun."Sige. Inaya pala ako ni Rodney mamayang gabi at pumayag ako makipagkita sa kanya. Gusto mo ba sumama? Wala ka na ba talaga balak na makita siya ulit?" Iminungkahi ni Chester."Ayaw ko marinig magsalita ang g*go na iyon," Walang pakialam na sinabi ni Shaun, "Natatakot ako na baka mapatay ko siya sa gulpi.""Medyo nakakaawa si Rodney ngayon. Simula noong pinaalis siya ng pamilyang Snow, ang ilang mayayaman niya na kaibigan ay bihira na siya kausapin. Nagtataka ako kung ano ang inaabala ni Sarah araw-araw, kadalasan siya pinapapunta sa lugar ko…" Hindi maiwasan ni Chester mag buntong hininga."Nang wala ang dangal ng pamilyang Snow, sa tingin mo ba ipagpapatuloy ni Sarah ang relasyon nila ni Rodney? Wala nga siya pakialam sa nakakaawa na Osher Corporation. Hintayin mo lang at tignan. Maaaring nagloko na siya kay R
"...""Chairwoman Jones." Balisang tinignan ni Harvey ang ekspresyon ni Catherine. "Sobrang sama talaga ni Wesley.""Hindi na bago ang masama niyang ugali."Tinignan niya ang dokumento sa kamay niya, pakiramdam niya ay sobrang swerte niya na natanggap niya ang mga ito mula kay Shaun sa tamang oras.Kung hindi, mahihirapan siya baliktarin ang mga bagay."Tulungan mo ako bumili ng dalawang pakete ng gamot sa sipon at ipadala ito sa Hill Corporation." Inangat ni Catherine ang phone niya at sinabi, "Ipapadala ko sa iyo ang pera.""Ano?" Nalilito si Harvey."Bumili ka ng gamot." Kinatok ni Catherine ang lamesa. "May sipon si Shaun, at dapat ako maging mabait."Walang masabi si Harvey. "Chairwoman Jones, nasa mood ka para bilhan ng siya gamot kahit sa ganitong panahon, huh? Kahit pagkatapos niyo magkabalikan, hindi na mahalaga…""Bilisan mo na at gawin ang inutos ko." Ayaw na siya marinig ni Catherine magpatuloy.Sa Hill Corporation.Isang supervisor ang naglakad palabas sa opisin
“... Hindi, ang problema ay wala naman siyang lagnat o nararamdamang sakit ng tiyan. Ininom niya lang talaga ang lahat ng pampababa ng lagnat katulad ng pepper tea nang hindi ito pinag-iisipan.”Nanahimik si Catherine. Hindi niya alam na napakarami palang biniling gamot ni Harvey.Tila’y nakaligtaan niyang ibilin kay Harvey ang mga sintomas na nararamdaman ni Shaun. Hindi naman siguro binili ni Harvey ang lahat ng posibleng gamot, hindi ba?Gayumpaman, hindi rin naman siguro ito ininom ni Shaun lahat nang hindi inaalam kung anong sintomas ang kanyang nararamdaman?Akala niya ba’y kumakain lamang siya ng candy?Mapait na tumawa si Hadley. “Subukan niyo pong kunsintihin ang Eldest Young Master Hill. Kapag tinuloy niya ito sa maghapon, lalala lamang ang kanyang kundisyon.”“Bata ba siya? Hindi niya ba alam na dapat munang tignan ang nilalaman at kung para saan ang gamot bago niya ito inumin?” Galit na sagot ni Catherine.“Iyon ay dahil sa’yo nanggaling ang mga gamot. Parang pamimig
Hinayaan lamang sila ni Shaun. Wala rin naman siyang pakialam sa mga ito.Sa mga sandaling iyon, ang pinakaimportanteng bagay para sa kanya ay ang kanyang mga jelly beans....Sa kabilang dako.Nakatanggap si Catherine ng isang tawag mula kay Freya habang siya’y nagtatrabaho. Malabo ang tono nito.“Ah, mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Shaun, ha? Nako, sisters pa ba tayo? Hindi ka na nagkukwento, eh.”“Ikwento ang alin?” Nalilitong tanong ni Catherine.“Ano ka ba, alam na ng buong Australia na binigyan mo ng jelly beans si Shaun. In fairness, mukhang masarap, ha. Gusto ko rin. Marahil ito’y dahil buntis ako, pero parang masarap ang lahat ng bagay para sa’kin.” Nakangiting pinaliwanag ni Freya.“At papaano mo naman ‘yon nalaman?”“Nag-post si Shaun sa Facebook.” Laking gulat ni Freya. “Hindi mo ba alam?”Agad na nilipat ni Catherine ang kanyang phone patungong Facebook. Wala siyang masabi.Bilib na siya sa lalaki. Sa mga mahalagang oras na iyon, nakuha niya pang ilahad sa k
Iyon ang unang pagkakataong nagpahayag si Catherine nang ganoong kahaba.Buong akala ng lahat na hindi na niya maiiikot ang lahat. Hindi nila inaakalang maglalabas ito ng mas malakas na atake pabalik.Nilahad niya ang lahat ng kasamaan at baho ni Wesley.Nagkagulo ang mga netizen.[Marahil kaya’y hindi totoo ‘yung CT scan?][Anong hindi totoo? Nakikita mo ba ‘yung timestamp na black and white? Malinaw na malinaw oh.][Isa akong doktor, at totoo ang CT scan na iyan. Iyong timestamp pati na rin ang pangalan ng pasyente. Mahirap iyan ipeke. Mukha ring makatotohanan ang mga body-check up base sa selyo nito. Wala lang talagang prinsipyo ang ibang mga doktor. Palagay ko’y matagal nang nagpapanggap si Wesley hanggang sa puntong nakumbinse na rin niya ang kanyang sariling iisa lamang ang kanyang kidney.][Kilala si Wesley sa larangan ng panggagamot. Madali lamang sa kanyang sumuhol ng mga doktor.][So nagpanggap si Wesley na sinakripisyo niya ang kanyang kidney para kay Catherine upang