Share

Kabanata 1144

Maganda pa rin ang trato ng Diyos kay Shaun.

Bagama’t marami siyang nagawang hindi kanais-nais na bagay ay biniyayain pa rin siya ng dalawang mababait na bata.

Habang pinag-iisipan niya iyon ay mas lalong namuo ang mga luha sa kanyang mata.

“Uncle, may problema po ba?” Kakaiba ang pakiramdam ni Suzie sa itsura ng lalaki.

Yumuko si Shaun upang marahang tapikin ang noo ni Suzie. Pagkatapos ay mahina itong nagsalita, “Masyado ka talagang tuso.”

Hinaplos ni Suzie ang kanyang noo. “Tuso? Ano po’ng sinasabi niyo, uncle? Hindi naman po ako tuso. Ang bait bait ko po kaya.”

Natawa na lamang si Shaun at ngumiti nang malalim. Kumikinang ang kanyang mga mata at tila’y makikita ang mga bituin sa kanyang mata.

Iyon ang unang pagkakataon na makita ni Suzie ang isang ngiti mula sa kaaya-ayang mukha ng lalaki, at natigilan ito.

Inabot muli ni Shaun ang mukha ni Suzie upang kurutin ang mataba nitong mukha. “So alam mo pala all these time na… ako ang ama mo?”

Ngayong naisip niya nang mabuti, iba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status